LOGINHindi alam ni Rhea kung paano siya magrereact sa lahat ng nangyayari. Parang natulala siya sa mga sinasabi ni Lucas at nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan sa sobrang kabaliwan nito. Tahimik siyang napakagat-labi habang pinagmamasdan ang bading, iniisip kung seryoso ba ito o hindi. Makalipas ang ilang sandali ay hindi na siya nagdalawang-isip at iniabot ang kamay upang hipuin ang noo ni Lucas, iniisip kung may lagnat ba ito o tuluyan nang nabaliw.
“Ano bang ginagawa mo, Rhea?” iritadong sabi ni Lucas sabay iwas sa kamay niya. Napasimangot si Rhea sa paraan ng pagkakatabig nito. Kanina lang, hiningi nito ang kamay niya sa kasal, tapos ngayon, parang wala lang. May mali ba sa pandinig niya? Baka kailangan na niyang magpalinis ng tenga dahil imposible naman ang narinig niya.
Iba-iba ang ugali ni Lucas. Kanina lang, parang brusko, tapos biglang balik na naman sa pagiging malambot at makulit. Nakakapagod siyang sabayan. Pero mas gusto ni Rhea itong ganitong Lucas dahil tuwing nagtatangka itong magpaka-lalaki, kinikilabutan siya. Hindi talaga siya nasasanay sa ganong side nito.
Pinilit niyang ibaling sa biro ang sitwasyon. “Baks, baka may sakit ka kaya ka nagkakaganyan. Pwede ba, huwag mo muna akong biruin? Tingnan mo naman ang paligid, mukha ba akong nasa mood para sa mga kalokohan mo? Tigilan mo nga iyang ‘pakasalan mo ako’ na yan. Hindi tayo bida sa pelikula, at lalong hindi ito rom-com.”
Umirap si Lucas at tumawid ang mga braso sa dibdib. “Chararat, seryoso ako. Iyan ang pabor na gusto kong hingin sa’yo kanina kaya kita hinanap. Akala mo ba mag-aaksaya ako ng oras kung biro lang ito? Totoo ako. Pumayag ka lang na pakasalan ako at ako na ang bahala sa lahat. Sayo at pati sa Mama mo,” Mariin nitong sabi habang sinusubukang kumbinsihin siya.
Tinitigan siya ni Rhea na parang tuluyan na itong nababaliw. Kasal? Seryoso ba ito? Halos hindi pa nga nila kilala ang isa’t isa. Oo, nakita na niya ang pamilya nito, pero hindi ibig sabihin ay dapat na silang magpakasal.
“Baliw ka na ba? Hindi ka ba kasapi ng LGBTQ community? Hindi ka nga mahilig sa babae, tapos gusto mo akong pakasalan? Kahapon lang tayo nagkakilala,” Depensa niya. “At saka, sino bang nagpo-propose sa hospital? Ni-hindi ka man lang naghanda.”
Napailing si Lucas. “Ah, kaya pala. Gusto mo ng bonggang proposal ano? Ang arte mo para sa isang hindi naman kagandahan,” Pang-aasar nito na agad niyang narinig kahit pa pabulong lang siya.
“Hindi iyon ang punto!” sagot ni Rhea, iritado. “Kahit sinong babae, tatanggi kung ganitong paraan mo siya pro-propose-an, lalo pa dito sa hospital kung saan naka-confine ang nanay ko. Isa pa, pabor ang hinihingi mo pero binabastos mo rin ako. Bakit ko naman pakakasalan ang isang bakla? Gusto ko ng totoong lalaki, yung tulad ni Timothée Chalamet, Orlando Bloom, o Lee Min Ho. Pareho lang naman gusto ng babae at bakla—lalaki. Wala na tayong laban diyan.”
“Fine, sorry. Nagbibiro lang ako kasi masyado kang seryoso,” sagot ni Lucas, medyo nahihiya. “Pero please, pumayag ka na. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Bubuhayin kita. Pakiusap, pakasalan mo lang ako, please. Maawa ka na. Pag hindi ka pumayag, mawawala sa akin lahat like ang pinaghirapan ko, dugo’t pawis ko, lahat ng ibinigay ko sa kumpanya. Pakiusap.”
Napabuntong-hininga si Rhea. Sumakit ang ulo niya sa bigat ng sitwasyon. Parang sobra-sobra na ang problema niya, tapos ito pa. Hindi niya alam kung ang pagkikita nila ni Lucas ay suwerte o sumpa.
“Baks, hindi madali ang hinihingi mo. Para sa amin, este, para sa aming mga tunay na babae,” mabilis niyang pagwawasto, “mahalaga ang kasal. Gusto naming magpakasal sa taong mahal namin at nagmamahal din sa amin. Hindi laro ang pag-ibig. Sabi nga ng matatanda—” saglit siyang tumigil, pilit inaalala ang kasabihan pero bigla niya itong nakalimutan. Naiinis siyang napakunot-noo.
Biglang pumalakpak si Lucas, ikinagulat ni Rhea. “Ano na, matatapos ba iyang sermon mo ngayong taon? Ano nga ulit sabi ng matatanda?” sarkastikong tanong nito, nakapamaywang pa.
Masama ang tingin ni Rhea. “Nakalimutan ko na! Basta, iyon na iyon,” sabi niya sabay kunwaring ubo para ilihis ang usapan. “Ang sinasabi ko lang, hindi biro ang kasal. Tinatali ka niyan sa isang tao. Dapat nagmamahalan kayong dalawa. Kung hindi, walang mangyayari. At sa kaso mo, hindi naman tayo magkagustuhan, kaya imposible. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.”
“Ang nega mo,” reklamo ni Lucas. “Hindi naman permanente. Pansamantala lang. Iyon lang ang pabor na gusto kong hingin. Ikaw lang ang naiisip kong makakatulong.”
Nagtaka si Rhea. “Kasal nang kasal pero ni hindi mo sinasabi kung bakit. Ano ba iyang pansamantalang sinasabi mo? Anong problema ang masosolusyonan ng kasal? Simula kailan naging parte ng problem solving ang pag-aasawa?”
Huminga nang malalim si Lucas at marahang hinila siya para maupo. “Hindi ipapamana sa akin ni Lolo ang kumpanya kung hindi ako mag-aasawa ng babae. Ikaw lang ang babaeng kilala kong pwede kong pagkatiwalaan, kahit papaano. Kapag na-turn over na sa akin ang kumpanya, puwede na tayong magpa-annul. Pansamantala lang talaga.”
Bago pa siya makasagot, biglang nanginig ang katawan ng kanyang ina. Napatayo siya agad, halos manlambot sa takot. “A-anong nangyayari?!” sigaw niya, nanginginig.
Nilingon niya si Lucas na halatang nagulat din. “Tawagin mo ang doktor! Bilisan mo, please!” halos magmakaawa niyang sabi, ang boses niya nanginginig sa takot.
Mabilis na tumakbo si Lucas palabas, halos lumipad sa bilis, habang tuluyang bumagsak ang mga luha ni Rhea sa kanyang pisngi. Ang dibdib niya ay kumakalabog, at pakiramdam niya ay nawawala ang mundo sa paligid niya.
Ilang sandali lang, dumating si Dr. Mike kasama ang mga nurse. Bumalik si Lucas at agad siyang niyakap, mahigpit at mapagkalinga. Nagulat si Rhea sa biglaang yakap ngunit hindi siya tumanggi; kailangan niya ang sandalan sa gitna ng kanyang pangamba.
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito, humahagulhol na halos hindi na makahinga. “B-Baks… nahihirapan si Mama. Ayoko siyang mawala. Hindi ko kakayanin.”
“Shhh… magiging ayos din ang lahat,” mahinahong bulong ni Lucas, habang marahang hinahaplos ang kanyang likod, pilit binubuo ang isang kalmadong mundo para sa kanya.
“Rhea,” tawag ni Dr. Mike. Pinunasan muna ni Rhea ang mga luha sa kanyang pisngi at dahan-dahang niyapos ang sarili bago lumapit sa doktor.
“Ito na ang pangalawang atake niya ngayong araw. Pasensya na, pero lumalala ang kalagayan ng mama mo. Mahina na ang katawan niya. Sa ngayon, ang magagawa mo na lang ay magdasal at palakasin ang loob niya. Kausapin mo siya. Baka marinig ka niya at makahanap iyon ng lakas para lumaban. Magpakatatag ka, anak.”
Maingat na tinapik ni Dr. Mike ang balikat ni Rhea bago siya tuluyang umalis at iwan si Rhea sa gitna ng katahimikan. Si Rhea ay nakatayo roon, nanginginig, ang puso niya ay kumakalabog sa takot. Pakiramdam niya ay parang nawala ang mundo sa paligid niya. Iniisip niya kung makakaya ba niyang mawala ang kanyang ina, kung sapat ba ang kanyang panalangin, at kung paano niya haharapin ang bawat sandali ng pangamba. Ang bawat hininga ay mabigat, at ang mga luha na pinunasan niya sandali lang ang lumuluha muli, dala ng damdaming labis ang bigat.
Pagkaalis ng doctor, tahimik na pinagmasdan ni Lucas si Rhea habang naglakad ito palapit sa Mama niya at hinawakan ang kamay nito. Hindi maiwasang makaramdam ng lungkot si Lucas para sa babae. Napaka-tragic ng kwento ni Rhea, pero heto siya, kinakaya pa rin. Naisip niya na kung siya ang nasa kalagayan nito, baka hindi niya kayanin. Totoo ngang napakalakas ng loob ng mga babae. Tila bawat hakbang niya ay may dalang tapang, kahit na ramdam ni Lucas kung gaano kabigat ang pinagdadaanan niya.
Napakapa siya sa tiyan nang makaramdam ng gutom. Napatingin siya sa relo at napatango na lang sa sarili nang mapagtantong malapit nang mag-tanghali.
“Hay, ano kayang pwedeng kainin dito? Magpa-deliver na lang kaya ako?” isip-isip niya, pilit kinokontrol ang sarili para huwag maabala ang mood ni Rhea.
Lalapitan sana niya si Rhea para tanungin kung ano ang gusto nitong kainin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil malakas ang ringtone, napatingin si Rhea sa kanya. Saglit siyang huminto sa ginagawa, kinuha ang cellphone sa bulsa, at tiningnan kung sino ang tumatawag—si Don Lucio, ang kanyang Lolo.
“Oh crap, may meeting pala kami dapat ni Lolo. Nawala sa isip ko kaya siguro siya napatawag,” bulong niya sa sarili.
Saglit na sinenyasan ni Lucas si Rhea para magpaalam na lalabas siya para sagutin ang tawag, at tumango naman ang babae bilang tugon. Lumabas si Lucas ng kwarto. Sa nangyari kanina, hindi niya magawang iwan mag-isa si Rhea. Isa pa, hindi pa niya nakukuha ang sagot nito sa proposal niya. Sa isip niya, bawat minuto ay parang taon na lumilipas. Kailangan niya ang kasagutan ni Rhea, ngunit naiintindihan din niyang hindi ito madali para sa babae.
Huminga muna siya nang malalim bilang paghahanda sa sarili. Nang sa tingin niya ay handa na, doon niya sinagot ang tawag ni Don Lucio.
“Ah… hello, Lo?” Bungad niya.
“Lucas Villareal,” malamig na boses ni Don Lucio mula sa kabilang linya.
“Bakit ang tagal mong sumagot? Ano na naman bang ginagawa mo at nasaan ka? Hindi ba at may meeting tayo ngayon? Siguraduhin mo lang na hindi ka namamakla ah! Kapag may dumating na balita sa akin, sinasabi ko sayo… Ipapa-castrate kita!” Sunod-sunod na bungad ni Don Lucio na may halong pagbabanta, dahilan para mapatakip si Lucas sa kanyang crotch area.
Pilit siyang ngumiti at huminga ng malalim, pakiramdam niya halos bumagal ang dugo sa katawan niya sa takot.
“I-Ito naman si Lolo, h-hindi ako nagb-boy hunting ngayon. Huwag po kayong mag-alala,” depensa niya na may kasamang pekeng tawa. “Nasa hospital po kasi ako ngay…”
“Anong hospital? Anong ginagawa mo diyan? May nangyari ba na hindi ko alam?” putol nito, may halong pag-aalala. Naiiling si Lucas at nilayo ang cellphone sa tainga dahil bahagyang tumaas ang boses nito.
“Wala naman po, Lo. Healthy at maganda pa rin ako. Joke! I mean, gwapo pa rin ang apo niyo,” biro niya sa sarili na medyo napatawa rin sa kakalokohan. “Iyong Mother po kasi ng fiance ko, biglang inatake while in coma kaya napasugod kami.”
Ayaw man sabihin ni Lucas ang salitang “fiancé,” wala na siyang magagawa. Kailangan niya ng rason para makumbinsi ang pinakawais na taong kilala niya. Kailangan talagang mapapayag si Rhea, lalo na’t nasabi na niya kay Lolo na fiance niya ito at hindi na pwedeng itanggi.
Napatahimik si Don Lucio sa kabilang linya.
“M-may F-fiance ka? Babae o lalaki? Hindi mo ba ako niloloko?” sunod-sunod na tanong ni Don Lucio.
“Ano ba namang tanong 'yan Lo! Syempre babae, nagbabagong buhay na ako gaya ng gusto niyo,” pagkukinwari ni Lucas. “Saka gusto ko ring magkaanak. Mahirap kayang mabuhay mag-isa.” Mahinang dagdag niya pa para mas lalong magmukhang totoo.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi mo ba ako pinagloloko Lucas Villareal? Baka nakakalimutan mo, ako si Don Lucio. Kapag niloko mo ko, wala kang makukuha kahit sing-kusing o katiting sa kumpanya,” pagbabanta ni Lolo.
Tumikhim muna si Lucas bago magsalita upang hindi mautal, baka mabistong nagsisinungaling siya.
“I am hundred percent sure, Lolo. Masyado ka namang maingat. Ipapakilala ko rin po siya sa inyo kapag maayos na ang lahat. Sa ngayon, may problema pa kaya hindi ako makakaalis at makakapunta mamaya sa meeting. Sasamahan ko muna siya dito sa hospital,” paliwanag niya, ramdam ang kaba sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
“Oh siya, sige. Good job,” komento ni Lolo na ikinahinga ni Lucas nang maluwag.
“Basta dalhin mo siya kapag okay na ang kondisyon ng Mama niya. I want to see her as soon as possible at nang makilala namin ng Grandmother mo ang babaeng nagpabago sayo. Mas mabuting maaga na rin mapag-usapan ang araw ng kasal dahil hindi na kami bumabata. Gusto pa namin makita ng Lola mo ang magiging apo namin sa tuhod.” Mahabang bilin ni Lolo dahilan para umaktong nasusuka ang bakla sa pandidiri.
“Yes, I understand. Ah, I need to hang up now, Lo. Take care, you and Lola. Love you!” Paalam ni Lucas bago dali-daling pinatay ang tawag dahil sa kilabot. Isipin pa lang ni Lucas ang pagkakaroon ng anak sa babae ay kinikilabutan na siya, paano pa kaya kapag baby-making na.
Tiningnan uli ni Lucas ang relo at napahinga nang maluwag. Sa halip na bumalik sa kwarto, nagpasya siyang bumili muna ng kakainin nila ni Rhea. Dumiretso siya sa parking lot at agad pinaandar ang sasakyan. Saktong-sakto dahil may malapit na McDonalds siyang nakita kanina. Nag-drive-thru siya at nag-order ng Lunch Meal. Sinamahan na rin ng sundae para may dessert kahit papaano. Pagkatapos noon, nag-drive ulit pabalik sa hospital.
Pagbalik niya sa room kung saan naka-check in ang Mama ni Rhea, natagpuan niya si Rhea na natutulog habang hawak pa rin ang kamay ng Mama niya.
“Kita mo itong babaeng ito, nagawang matulog ng walang kain. Balak atang magpalipas ng gutom,” bulong niya sa sarili habang nilapag ang binili sa maliit na lamesang nasa room bago lapitan si Rhea na maga ang mga mata.
Bahagya niyang tinapik si Rhea sa balikat para gisingin. Agad namang nagbukas ng mata si Rhea at takang tiningnan si Lucas. Itinuro niya ang pagkaing binili bago sumagot,
“Let’s eat. It’s not good to skip meals.”
“Thanks Baks, sorry for the trouble,” hingi ni Rhea ng paumanhin. Tumango lang si Lucas habang hinahanda ang pagkain nila.
“Baks,” malakas na tawag ni Rhea.
“Oh bakit? May masakit ba sayo?” tanong ni Lucas habang nag-aasikaso sa pagkain. Habang nag-aasikaso ay hindi pa rin mawala sa isip niya kung paano mapapayag si Rhea sa pabor niya, lalo na’t alam na ng kanyang Lolo ang lahat. Kailangan niya itong mapapayag, kundi patay siya kay Don Lucio at baka tuluyan siyang itakwil.
Umiling si Rhea at bahagyang ngumiti, ikinanuot ang flawless na noo ni Lucas.
“Hala siya, anong nginingiti-ngiti ng babaeng ito? Wala pa naman siyang nakakain. Nagpapa-cute ba siya? Hindi effective, mas maganda pa rin ako,” isip-isip ni Lucas.
“Oo na,” saad ni Rhea na mas lalong ikinagulo ang utak ni Lucas.
“Ano daw?” tanong ni Lucas sa sarili.
“Anong Oo na? Anong pinagsasabi mo diyan? Linawin mo kasi,” tanong ni Lucas saka sinenyasan si Rhea na lumapit.
“Halika na rito at para makakain na tayo, hindi iyong kung anu-ano. Mukhang malala na ang tama mo dahil sa nangyari,” dagdag niya.
Napasapo si Rhea sa noo sa sinabi ni Lucas.
“Ikaw itong sira eh, hingi-hingi ka ng pabor tapos ngayong pumapayag ako, pinagkakamalan mo akong may tama sa ulo. Ikaw ang hindi ko maintindihan eh. Mukhang hindi lang ang orientation mo ang tagilid, kasama na ata ang utak dahil ang slow ng pick-up mo.”
Napatigil si Lucas sa pagkilos, ramdam ang kaba at saya sa parehong oras.
“A-ano ulit ang sinabi mo? P-Pumapayag ka na? I mean… M-magpapakasal ka sa akin?”
Lumapit si Rhea at naupo sa harapan niya.
“Yup, temporary lang naman diba? I contemplated a while ago and to be honest, walang-wala na talaga ako ngayon. Kakapalan ko na ng mukha ko, I really need your help financially to support my Mother’s treatment. So, as I said, pumapayag ako.” Paliwanag niya na ikinatuwa ni Lucas. Napasuntok siya sa hangin sa saya dahil safe na siya sa kanyang Lolo at safe ang mamanahin niya.
“Papakasalan kita, basta tuparin mo ang pangako mo na tutulungan mo ko sa paggastos sa bills ni Mama. Kahit huwag mo akong pansinin basta iyong para sa gamot at hospital na lang ni Mama. Iyon ang mahalaga sa akin,” dagdag ni Rhea habang nakayuko tila nahihiya.
Dahan-dahan naglakad si Lucas palapit at niyakap siya nang marahan. Alam niyang medyo nagulat si Rhea sa kinilos niya pero sobra lang ang saya ni Lucas sa naging desisyon ni Rhea.
“Thank you very much, Rhea. I’ll promise to do that. Don’t worry, I’ll finance your Mother’s hospital bills. Hindi mo pagsisihan ang sagot mo dahil akong bahala sayo for six months. Thank you so much!”
“Haynaku, kumain na nga tayo. Tama na iyong pasasalamat mo, naiilang ako,” saway ni Rhea na ikinatawa ni Lucas.
“Hindi ka naman lugi,” Saad pa ni Lucas na may mapang-asar na ngiti habang naglalakad pabalik sa upuan. “Kahit bakla ang mapapangasawa mo, gwapo naman ako, diba?”
Tiningnan siya ni Rhea sandali bago bahagyang tumango. “Hmm… pwede na. Mapagti-tiyagaan.”
Napatigil si Lucas sa gitna ng pag-upo, nanlalaki ang mga mata. “Mapagti-tiyagaan?” ulit niya, halatang na-offend.
Nagkibit-balikat lang si Rhea at nagpatuloy sa pagkain. “Eh, tinanong mo naman.”
Napapout si Lucas habang nakatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala. “Ang ganda kong mukha, mapagti-tiyagaan lang? Excuse me?” Tinaas niya ang isang kilay at nagkrus ng mga braso, pilit na nagpapakalma kahit halatang inis. “Alam mo ba, Rhea, may mga taong magbabayad ng milyon para lang mapangasawa ang ganitong kagwapuhan. Swerte ka nga.”
“Swerte?” sagot ni Rhea na bahagyang nakatawa. “Ang ibig mong sabihin, malas.”
Napasinghap si Lucas, dramatikong inilapat ang kamay sa dibdib. “Wow. Ang bastos mo talaga. Alam mo ba kung gaano ka-swerte na ako ang magiging asawa mo?”
Napatawa si Rhea at umiling. “Ang arte mo.”
“Hindi ako maarte, expressive ako,” sagot ni Lucas na kunyaring nasaktan, bago siya napabuntong-hininga at kumuha ng pagkain. “Bahala ka nga diyan. Kakain na lang ako. Gutom na gutom na ako, baka magwala pa ako rito.”
Napangiti si Rhea habang pinagmamasdan siyang nagmukmok at seryosong kumakain. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa kaartehan nito.
Sa tahimik na paligid ng private room, tanging mahinang ugong ng makina at hinga nilang dalawa ang maririnig. Ilang sandali rin silang walang imikan, ngunit sa katahimikang iyon, pareho nilang alam na ang kakaibang laro sa pagitan nila ay saka pa lamang nagsisimula.
Please subscribe if you like this kind of story, thanks!
After five months...THIRD PERSON's POV. PAGOD na nagkatinginan sina Kaley at 'yong iba pang kaibigan ni Lucas sa kanya. Maging sina Luciana, Lucia at Luca ay nayayamot na habang pinagmamasdan ang kapatid na palakad-lakad sa harapan nila."Kuya, Can you just sit?! I'm feeling dizzy because of you!" Reklamo ni Lucia kay Lucas na napakagat na lang sa sariling kuko dala ng nerbyos. "She's right Lucas. Walang mangyayaring masama kay Rhea okay?" Paninigurado naman ni Rave. "I can't." Iling ni Lucas. "I did some research online and it says, masakit daw ang manganak. Baka nasasaktan ang asawa ko." Nag-aalalang dagdag pa nito. Nanggigigil na napatayo naman si Ruffa sa upuan at hinawakan ang magkabilang balikat ni Lucas."Calm down, Mars. She will be okay." Anya pa ng beki. Pagkaraan ay siya na rin mismo ang nagpaupo kay Lucas sa inupuan niya kanina. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ang Midwife na nagpaanak kay Rhea kaya agad na dinalungan ito ni Lucas. "Kamusta ang lagay ng a
THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali. How dare him! Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa. May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawal
RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo
RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin
RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir
LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl







