Share

CHAPTER 7

RHEA's

ALAS singko na ng hapon pero hanggang ngayon nandito pa rin si bakla tila wala atang balak umalis. Kasalukuyan siyang prenteng nakaupo sa upuan habang nanonood ng kung anong palabas sa cellphone niya. Mukhang kdrama dahil korean language ang naririnig ko pero hindi ko nga lang alam ang title at wala rin naman akong balak alamin dahil hindi ako mahilig sa ganoon.

"Hoy baks!" Tawag ko kay Lucas pero ang bakla nilingon lang ako saglit pagkatapos binalik din agad ang mata sa pinapanood niya. "Wala ka na bang balak umalis? Hapon na oh, baka hanapin ka ng parents mo." Sita ko sa kanya.

"Anong tingin mo sa akin? menor de edad na may curfew? May sarili akong Condo at hawak ko ang schedule ko noh. Atsaka, mamaya na. Kita mong nanonood iyong tao eh." Pambabara niya sa akin na ikinairap ko na lang. Halatang hindi pumapasok sa isip niya ang double meaning sa sinabi ko. Seriously, hindi niya ba naiintindihan

ImVictorique

Thanks for the reads and subscriptions. Keep it up! Godbless you.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status