AGAD na sumaludo si John kay Chief of Staff Atlas Palma nang pumasok ito sa building na iyon. Nasa meeting kasi ito kanina kaya hinintay niya sa upuang tinuro sa kanya ng staff nito.
“How was your trip?” Tinanggal nito ang suot nitong headgear nang harapin siya.
“A-ayos lang po, Chief.” Tumango sa kanya si Chief Palma kapagkuwan.
Pagkagaling sa bus station, dito na siya sa Camp Aguinaldo dumiretso. Iyon din kasi ang bilin nito sa kanya sa telepono. Pero ang immediate nito ay hindi nasunod. Isang linggo ang binigay nito sa kanya na bakasyon kasama ang ina. Pagdating niya kasi, saktong inaapoy ng lagnat ang ina, kaya inasikaso pa niya.
Saglit lang sila sa opisina nito bago sila pumunta sa bahay nito. Pagdating nila doon, sinalubong sila ng magandang asawa nito. Hindi lang siya ang kasama ng CofS, meron pang dalawa. Sila pala kasi ang magiging personal na bodyguard nito. Ang isa raw sa kanila, sa misis nito pero hindi pa sigurado kung sino sa kanilang tatlo.
Nang gabing iyon, pinaalam na ng Chief sa kanila kung saan sila magratrabaho. Siya ang napili nito bilang personal bodyguard ng asawa nito. Dahil galing siya sa kulungan, hindi pa siya pwedeng bumalik basta. Pero pinangako nito sa kanya na balang-araw, ibabalik siya nito sa serbisyo base raw sa nabasa nito sa file niya. Pero kahit na ganoon, isang karangalan para sa kanya. Hindi na nga siya makapaniwala na tinawagan siya nito ng personal mas lalo itong pagtalaga nito sa kanya bilang bodyguard. Hindi niya pa alam kung paano nito nakuha ang profile niya pero nagpapasalamat siya. Dininig ng Diyos ang hiling niyang magkaroon ng matinong trabaho.
Dahil kinabukasan pa ang simula ng trabaho nila, nagpahinga muna silang tatlo. Marami siyang natutunan sa nakaraan niya kaya hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa mga ito. Ngiti at tango lang siya. Maaga rin siyang nagpaalam sa mga ito para matulog.
Sa loob ng isang linggo bilang bodyguard ni Ma’am Keana, naging maayos naman. Kung saan naroon ang amo, nandoon din sila. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa nakikita ang anak nito. Matagal na raw kasi bumukod ang anak nito dinig niya sa kasamahan niya lang din na mga guard naman. Sa condo na raw nito ito naglalagi.
Kakauwi lang nila noon ni Ma’am Keana nang makatanggap ito nang tawag mula sa ospital. Agad na pinuntahan nila ang ospital na kinaroroonan ng anak nito. Pero pagdating doon, pinadiretso sila ng staff ng ospital sa ICU dahil nandoon ang anak nito.
Ilang beses na tumawag siya sa opisina ng CofS pero wala doon ang chief. Kanina pa raw kausap ang Secretary of Defense maging ang Pangulo ng bansa. Kaya naman pala hindi rin ito makontak ng boss. Kaya siya ang inutusan nito na tawagan si CofS para ipaalam ang kalagayan ng anak.
Ayon sa initial na imbestigasyon, mga nagwawala sa bar ng anak ng amo ang salarin. Personal raw kasing binaba ng anak ng boss ang mga nagwawala hanggang sa magkaroon ng tensyon. Noong una hindi siya makapaniwala dahil babae ang anak ng boss, kaya imposibleng magkaroon ng tensyon. Babae versus mga lalaki? O baka talagang mapagpatol ang mga lalaking iyon.
Madaling araw na nang ma-contact ni Ma’am Keana ang asawa. Pero nasa ICU pa rin ang anak ng mga ito kaya hindi makausap nang maayos. Kaya siya ang tinawagan ng CofS para sa update.
Kasalukuyan niyang kausap noon ang Chief nang ilabas ang anak nito sa ICU. Kasalukuyan na rin itong papunta kaya agad na nagpaalam ito sa kanya. Paglingon niya, nakalayo na ang hospital bed na kinalulunanan ng anak ng amo. Nasa gilid iyon nakakapit si Ma’am Keana.
Agad na sumaludo siya kay CofS nang dumating ito. Kasalukuyan siyang nasa labas noon ng pribadong silid na iyon ng anak nito. Pero hindi pa nagtatagal sa loob si Chief nang lumabas ito, may kausap ito sa telepono at galit na galit. Kaya naman kabado siya nang harapin siya nito at sinabing samahan niya sa police station. Sa police station kung saan pansamantalang nakapiit ang isang suspek.
Lalong tumindi ang galit ng CofS nang ireport dito ng may hawak sa kaso ng anak na mukhang intensyon ang pagsaksak sa anak nito. Kaya naman nagpa-imbestiga pa ito lalo para malaman kung ano ang naging puno’t dulo niyon.
Pagbalik na pagbalik ni John at ng CofS sa ospital ay agad na kinausap ng huli ang asawa tungkol sa nangyari sa anak.
“S-sa tingin mo ba, may kinalaman ito sa trabaho mo?” Marahang tumango si Atlas sa tanong na iyon ng asawang si Keana.
“Malakas ang kutob ko,” aniya sa asawa.
“I think kailangan mo ring bigyan ang anak natin ng bodyguard na magbabantay sa kanya. Una sa lahat, hindi rin safe sa bar niya. Pangalawa, anak mo siya kaya damay din siya lahat. Kaya higit na kailangan niya nang proteksyon.”
“Pero may mga bodyguard naman siya—”
“Meron nga! Pero lagi niyang pinapaalis. Kaya walang mga silbi, Atlas! God! Naka-survive na nga siya nitong nagdaang taon, tapos mukhang mapapahamak ulit siya dahil sa trabaho mo.”
Tumigil si Atlas sa paghakbang. Nakailang pabalik-pabalik siya nang lakad dahil nag-iisip siya. Alam ng kalaban niya na mahalaga sa kanya ang pamilya niya lalo na ang anak kaya ito ang gusto ng mga ito na tirahin.
Never niyang pinalabas sa media na anak niya si Kana. Ramirez ang laging dala nito noon pa man. Ang anak kasi mismo ang ayaw rin na magpakilala sa madla dahil ayaw nitong maging sentro nang usap-usapan. Minsan nga lang siyang lumabas na kasama ito. Maliban na lang sa ibang bansa dahil siya ang laging kasama ng anak kapag nagbabakasyon noon. Saka malalapit lang sa kanya ang nakakaalam na may anak pa siya. Kaya alam niyang ang mortal na kaaaway niya ang may pakana nito, na dati niyang kaibigan sa serbisyo.
“Fine, kukuha na lang ako ng bago na hindi aalis sa tabi niya.”
“Please lang, Atlas.” Saglit na natigilan ang asawa at tumingin sa kanya. “Si JJ kaya?”
“JJ?” kunot noong tanong niya sa asawa.
“‘Yong bodyguard ko. Si John!”
“Oh. Bakit hindi ko alam na may iba siyang pangalan?” aniya.
“Iyon ang tawag kasi sa kanya ng mga katulong natin that’s why JJ na rin ang tawag ko.” Hinawakan ng asawa ang kamay niya. “Subok ko na siya, love. He’s very attentive and alert pagdating sa labas. Sa isang buwan niya sa akin, masasabi kong tama ang analisa mo sa kanya.”
Napatitig siya sa asawa. Oo, nabanggit niya ito sa asawa nang sabihin niyang si John Serrano ang ibibigay niyang personal bodyguard nito. Saka alam na niya ang background nito. Kaya rin niya ito kinuha dahil nalaman niyang kasama ito nila Astin, ang anak-anakan ni Sebastian na nagdala noon nang malaking karangalan sa bansa nila. Kaya subok na subok ang serbisyo nito, maliban lang sa nangyari sa Malaysia na naging dahilan para makulong ito ng dalawang taon.
PARANG posteng nakatayo si John sa labas ng silid na iyon, ganoon din ang dalawang kasamahan niya. Tanging mata lang yata nila ang gumagalaw. May mga nag-picture na nga sa kanila mula sa malayo dahil sa amazement. May kumakaway din sa kanya na dalawang dalagang nakaupo sa unahang pribadong silid.
Mayamaya lang ay may lumapit na naman sa kanya. Hindi siya kumurap nang huminto ito sa harap niya.
“Kuya pogi, baka may number ka raw, tanong ng alaga ko.”
At umulit ang kasamang yaya ng isang dalaga. Hindi naman talaga dapat nakaupo ang mga iyon doon. Pero dahil sa kanila, aba’y naglabas ng upuan para gawin silang pulutan. Naririnig niya ang mga kasamahan niya na kinukumbinsi siyang ibigay dahil magagandang dalaga raw. Sumagot na siya kanina na hindi pwede. Saka wala siyang cellphone kaya. Kaya anong maibibigay niya.
Akmang magsasalita ulit ang Yaya na nasa harapan ni John nang tumunog ang seradura, mabilis na iginiya nito ang sarili na palayo sa harap niya. Kaya paglabas ng nasa loob, wala na ito sa harap niya.
“Serrano, pumasok ka muna saglit,” dinig niyang sabi ng amo na si Ma’am Keana.
Agad siyang sumunod dito na nakayuko. Nakita niya si Chief na nasa tabi ng kama habang nakatunghay sa natutulog na anak nito.
“He’s here, love.” Nilingon sila ng CofS.
Huminto ang amo kaya huminto rin siya. Seryoso lang siyang nakatayo. Hinihintay niyang magsalita ang Chief kasi.
“From now on, ikaw na ang magiging bodyguard ng anak namin, JJ,” ani ni Ma’am Keana na ikinatango niya. Sinegundahan din iyon ng asawa nitong si Chief Palma. Tumayo pa ito kaya naging clear ang view ng taong nakahiga sa hospital bed na iyon. Kanina, makinis na kamay lang nito ang nakikita niya dahil nakabalot ang ibang bahagi ng katawan nito ng kumot.
Napaawang ng labi si John nang makilala ang babaeng nakahiga sa kamang iyon. Si Kana iyon! Ang babaeng matagal na niyang pinapahanap. Ngayon na niya naiintidihan ang sarili kung bakit minsan ang paningin niya kay Ma’am Keana ay si Kana. Dahil talagang mag-ina pala ang mga ito! Pero bakit ngayon lang? Kung kailan nakalaya siya.
Pero saglit na gumana ang isip niya. So, may possibility pa na malinis ang pangalan niya? Pero ano naman ang sasabihin niya? Na magdamag silang nag-angkinan? At mukhang napahirap dahil ama lang naman nito ang nag-iisang Atlas Palma!
Biglang namuo ang pawis sa noo ni John sa kaba nang mapagtanto. Paano kung malaman ng CofS na tinalo niya ang anak nitong— mamamatay?
Sandali lang! ‘Di ba, ilang buwan na lang ang taning ni Kana sa mundong ito nang magkakilala sila? Bakit buhay pa rin siya hanggang ngayon? So, dininig ng Diyos ang malakas na sigaw noon ni Kana sa balcony ng hotel na iyon? Kung hindi siya nagkakamali, mahigit sampung sigaw iyon na muntik na nga nitong ikawala ng boses. Kaya nga nang muli niyang inangkin nito, halos sa tainga na niya ito umuungol ng mga sandaling iyon.
“Ano, JJ? Kaya mo bang bantayan ang Prinsesa namin?” untag ng ginang sa kanya na ikinapitlag niya. Muntik nang umabot ang pagbabaliktanaw niya sa maiinit na tagpo nila ng anak nito kaya napalunok siya.
“C’mon, JJ. I know you can do it,” ani ulit ng ginang. Baka dahil sa paglunok niya kaya nito iyon nasabi.
“K-kaya ho, ma’am,” nauutal niyang sambit.
Kayang-kaya naman. Ang hindi niya alam, kung makakaya ba niya ang reaksyon ni Kana kapag nakita siya.
“Good, Serrano. Sa ‘yo nakasalalay ang buhay ng anak ko. Kapag nagawa mo ito, maybe mapapadali ang pagbalik mo sa serbisyo once na matapos ang problemang ito,” ani ni CofS Palma sa kanya.
Doon siya nagalak kaya hindi na niya naiwasang i-express ang gratitude dito kahit sa asawa nito.
Guys, kaya di ko muna sinama ang SPG kasi bawal ilagay sa una. After 10 chapters siguro hahaha. baliktanaw ko na lang. Salamat po sa mga nagbabasa! Much appreciated. Maganda-ganda ang stats ng reads, tumataas naman siya kahit papaano. Heheh Bukas po ulit, guys!
Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama
KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni
Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din
“O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni
HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in
“Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve