Share

Chapter One

    UMPISA pa lamang ng pamamasukan ni Grace kay Tracy Evanz Villasis ay katakot-takot na puna ang naranasan niya sa loob ng kumpaniya nito.

Halos gusto na niyang umalis bilang secretary nito noong una. Ngunit dahil sa pakikiusap ng bestfriend niyang si Lara na biglaang ikinasal at nagbuntis sa French boyfriend nitong nakilala lang naman nito sa isang dating app.

"Please! Please Grace, huwag naman ngayon aalis ka na agad kay Boss. Hindi naman siya parating galit sa mundo, isipin mo na lang na kulang siya sa aruga kaya may pagka-moody ang isang iyon," wika ni Lara na kaparehas niya ay nakahiga rin mula sa kama.

Hindi na bago sa kanya ang kuwentuhan siya dati ng mga pinaggagawa ng malupit nitong  boss. Sa halos isang taon na namasukan ito kay Tracy Evanz Villasis ay katakot-takot na karanasan nito ang naririnig niya  mula rito.

Matagal na silang magkakilala , halos dalawang taon na rin ng maging mag-board mate sila sa paupahang apartment mula sa siyudad.

Share sila sa upa at naging close sila dahil likas na palakaibigan si Lara, madaldal at over confident pa.

Habang siya kabaliktaran, mahiyain at mababa ang self esteem.

"Iyon nga eh, malaki ang pasasalamat ko sa iyo na sa wakas nakahanap din ako ng matino-tinong trabaho at may magandang pasahod. Kaso..." wika ni Grace.

"Kaso, ano hindi mo matagalan ang ugali ni Boss?" Lara Stated.

Tumango naman si Grace bilang pagsang-ayon, pero sa kabila noon may isa pa siyang dahilan kaya gusto na niyang umalis sa napasukan trabaho.

"Pakiusap Grace, next week na ang alis ko papunta France. Kaya wala na akong oras para maghanap ng substitute ko. Pero kung hindi mo na kayang makatagal, kakausapin ko na lang ulit si Boss," malungkot na wika nito.

Hindi naman niya kayang tiisin ang kaibigan kaya pa naman niyang magtiis.

"Sige na, hindi na ako aalis. Para sa iyo, basta kapag naroon ka na huwag mong kalimutan tumawag sa akin palagi. Sobrang ma-mi-miss kita!" naiiyak niyang sabi.

Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Lara at niyakap ng mahigpit ito.

"Promise, masasanay ka rin sa kasungitan ni boss," dagdag pa nito.

Iyon ang huling pag-uusap nila ng kaibigan. Ngunit mukhang malabong mangyari ang sinasabi ng kaibigan.

"Ms. Demecia, come to my office now," wika ng boss niyang si Tracy Evanz mula sa sinagot niyang telepono sa ibabaw ng table niya.

Kahit hindi pa niya natatapos ang ipinagawa nito sa kanya ay tuluyan na niyang iniwan iyon at pinuntahan ang boss niya.

Tatlong katok muna ang ginawa ni Grace bago niya buksan ang pinto nito.

Biglang lumukob ang kaba sa dibdib ng dalaga ng makitang tumutok ang malamig na titig ng boss sa kanya. Marahan naman siyang naglakad palapit habang nakasunod naman ang pansin pa rin ng masungit niyang boss.

"Ms. Demecia, tapos na ba ang ipinapagawa ko sa iyo?" Tinutukoy nito ang mga papeles na ibinigay nito kanina.

Akma siyang sasagot ng pigilan siya nito.

"Enough, how many times na sasabihin ko. Ayaw ko ng babagal-bagal sa kumpaniya ko, sa laki ng pinapasahod ko sa iyo Ms. Demecia ay dapat efficient ka sa trabaho mo," matalim na sermon nito sa kanya.

"Y-yes sir, tatapusin ko ngayong gabi," utal niyang bigkas.

Muli ay lantaran na naman ang pamumukol ng matatalim nitong mata sa direksyon niya.

Sa araw na iyon ay ginawa nga niya ang gusto nitong mangyari. Nag-over time siya para matapos lamang ang lahat ng pinapagawa nito sa kanya.

Halos pumatak na ang alas-onse ng gabi ng makalabas siya sa building. Dahil malalim na ang gabi ay halos desyerto na ang kalsada.

Pero nagbakasakali pa rin siya na may dumaan na taxi man lang upang makauwi lang siya sa tinutuluyan.

Kumaway na siya sa unang sasakiyan na namataan ng pansin niya. Ngunit laking gulat niya kung sino ang nakita niyang nagmamaneho mula sa loob.

"I-ikaw pala S-sir Villasis. Magandang gabi ho pala," nahihiya niyang pagbati rito.

"Anong oras na at nasa daan ka pa?" taka nitong tanong sa kanya.

"Po? k-kasi ho..."

"Sige na, pumasok ka na rito. ihahatid na kita pauwi." Pagpapatigil pa nito sa mga sasabihin niya.

Kahit naiilang ay tuluyan ng sumakay si Grace. Pagod na rin naman siya at inaantok. Kaya hindi na siya mag-iinarte.

Hindi iyon ang unang beses na nakasakay siya ng mamahalin sasakiyan. Ngunit masasabi niya na ang kotse ng boss niya ang pinaka-maganda at mahal sa tingin niya. Sabagay bilyonaryo ito, kahit ano kayang-kayang nitong makuha sa isang kisap-mata.

"Saan ka ba nakatira?" tanong nito mula sa mahabang katahimikan sa pagitan nila.

"Sa St. Reyes sir, ibaba niyo na lang ako sa unang grocery na makikita niyo," nahihiya niyang pagsasabi.

"Okay, lang naman kung ihatid na kita sa mismong harapan ng bahay niyo," wika nito.

"Hindi na sir," nahihiya niyang pagtanggi. Para sa kanya ay  malaking abala na inihatid pa siya nito. Lalo at mukhang galing pa ito sa isang event, kahit nangingibabaw ang amoy ng mamahalin pabango nito ay langhap pa rin niya ang imported na klase ng alak mula rito.

"I insist it Grace, bakit may magagalit ba?"

Nagulat siya sa pagkakabigkas ng pangalan niya sa mismong bibig nito. Sa limang buwan na pumapasok siya ay unang beses na banggitin nito ang first name niya. Nasanay kasi siya na last name basis sila mula sa trabaho. Naguluhan siyang lalo ng mapansin niya ang reaction mula sa mukha nito.

Hindi niya sinagot ito, tuluyan na niyang itinuro ang tapat ng apartment na tinutuluyan niya ng makarating sila roon.

"Sorry sa abala sir, sige po, salamat po sa paghatid sir," naiilang niyang sabi.

Akma niyang bubuksan ang pinto ng bigla siyang hawakan sa kamay ng boss niya.

"B-bakit sir?" nagtataka niyang tanong habang nauutal. Sobrang kaba na rin ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon habang nakatitig siya sa magandang mata ni Tracy Evanz. Para siyang nahihinoptismo sa paraan ng pagkakatitig nito ngayon sa kanya.

"I don't just accept thank you from you. This will do..." Sabay ng paghila nito sa kanya palapit. Para siyang nawala sa katinuan ng mapagtanto niyang magkalapat na ang labi nila at lantaran na siyang hinahalikan ng boss niya!

Napapikit siya ng mariin at halos manginig ang buong katawan niya, hindi dahil malamig sa loob ng sasakiyan nito. Ngunit dahil kung saan-saan na dumarapo ang mapangahas nitong kamay buhat sa katawan niya.

Bago pa mawalan ng lakas ng loob na pigilan ni Grace ang boss niya ay ubod-lakas na niyang itinulak ito palayo.

Sa kabiglaan niya ay mukhang napalakas iyon dahil nauntog pa ito.

"Fvck!" Dinig ni Grace na anas nito.

"S-sorry sir, sige po paalam." Nagmamadali na siyang bumaba pagkatapos na hindi man lang nilingon ang lalaki.

Kinabukasan pumasok pa rin siya kahit sobrang napuyat siya kagabi. Ang nangyari sa pagitan nila ng malupit niyang boss ang dahilan kung bakit nahirapan siyang makatulog.

Saktong napahikab siya mula sa kinauupuan ng bumukas ang pinto ng elevator at iluwa niyon ang lalaking laman ng isip niya ng mga oras na iyon.

Nagkatitigan pa sila nito at halatang maging ito ay may malalim na iniisip.

Nagkunwari na lang si Grace na hindi napansin ito. Ngunit, bigla rin napaangat ang mukha niya ng tawagin siya nito.

"About yesterday Ms. Demecia, forget it. Hindi ko sinasadiya ang nangyari kagabi."

Tumango naman si Grace na tila sinasang-ayunan ang sinabi nito.

Tuluyan siyang naiwan doon ng boss niya. Habang siya nanatiling napapaisip.

"Tama naman siya Grace, hindi niya sinasadiya. Lasing siya kagabi at ikaw ang babaeng kasama niya ng mga oras  na iyon. Kaya lahat ng iyon ay pagkakamali lang." Paulit-ulit niyang sinasabi.

Ngunit tila hindi sumasang-ayon ang puso niya. 

Matulin na lumipas ang araw at linggo, napapansin niya na nag-iiba ang trato sa kanya ng boss.

Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya kung ano kaya ang trip nito.

Hanggang isang hapon ay sinamantala ni Grace na kausapin ng masinsinan si Tracy Evanz.

Hindi na siya natutuwa sa mga ipinapakita nito sa kanya. Dahil habang nagtatagal ay patindi na ng patindi ang nararamdaman niya para rito.

"Pumasok ka muna, ikukuha lamang kita ng maiinom. May mahalaga na rin akong sasabihin sa'yo," wika ni Grace.

Tuluyan naman naupo ito sa sofa na naroon. Iyon ang unang beses na nakapunta sa apartment niya si Tracy Evanz, mabuti at nakapaglipit siya kanina. Kaya kahit paano maayos tignan ang kabahayan.

Pagkalapag niya ng baso ay kaagad na rin nag-usisa ito.

"May mahalaga ka bang sasabihin Grace?"

"Didiretsahin na kita, hindi ko gustong nakikipaglapit ka sa akin. Tigilan na natin ito," matapat niyang wika.

Maang naman siyang pinakatitigan ng binata. mukhang hindi na nito ikinagulat ang sinabi niya.

"Hindi ko yatang gawin ang sinasabi mo. Sa totoo lang gusto ko ang meron tayo ngayon, you know Grace ngayon ko lang ito naramdaman. Kaya sana pagbigyan mo ako." Hindi pa rin makapaniwala si Grace.

Ngunit ng hagkan siyang nito at yapusin, nagpa-ubaya siya. Hinayaan niyang matangay, maramdaman kahit saglit na totoo ito sa nararamdaman sa kanya. Kahit napakaimposible lahat ng iyon ay ay binigay niya ang iniingatan puri.

Papadilim na mula sa  labas at ang unang patak ng ulan ang hudiyat ng pag-angkin nito sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status