Share

Chapter Two

  TWO YEARS AGO...

MASIGABONG Palakpakan ang namayani, matapos na mag-announce ng pare na nagkasal kina Simon at Lizy. Kababata at naging malapit na kaibigan niya ang dalawa noong nag-aaral pa lamang siya ng college sa America.

Laging kasa-kasama siya ng mga ito sa tuwing lumalabas ang dalawa. Saksi siya kung paano na-develop sa isa't isa ang mga ito.

Tuluyan idinampi ni Tracy Evanz sa labi ang baso na naglalaman ng champagne ng makarating siya mula sa reception. Iyon ang unang tinikman niya, busog pa naman siya kaya wala siyang balak na kumuha ng makakain sa buffet table.

Pumwesto siya sa dulong bahagi, upang makaiwas sa nakararami. Ngunit mukhang ayaw siyang tantanan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Dahil pansin na pansin pa rin siya mula sa kinaroroonan niya.

"Hello! man ang akala ko hindi ka makakadalo sa kasal namin ni Lizy, I'm glad you came," natutuwang ani ni Simon na inakbayan pa siya ng kaibigan.

"Naging busy lang ako dahil sa dami ng trabaho sa company. Masaya akong makita kayo na kinasal na after ten years of being in a relationship," wika naman ni Tracy Evanz na tuluyan sumunod sa kaibigan.

"Sayang, ikaw sana ang best man ko. Masiyado mo kasing kina-career ang pagpapalago sa negosyo mo. Kaya heto napag-iiwanan ka na, kailan mo balak mag-asawa," pakli ni Simon na sinuko-siko pa ang kaibigan.

Hindi man lang ngumiti si Tracy Evanz sa binuksan paksa nito.

"I'm sure meron ka ng natitipuhan babae ngayon, sa dami ng mga babaeng nagkakagusto sa iyo kahit sobrang mailap ka imposible na walang kang nagugustuhan ni isa sa kanila." May panunudyo sa tinig ni Simon.

Hindi naman nagkomento si Tracy Evanz at mataman na nakasilip sa labas ng bintana. Nasa loob sila ng isang silid sa hotel ng kaibigan kung saan pinili nilang mag-stay kahit saglit.

"I don't much think being married this time Sy. Masaya ako sa single status ko."

"Really? o baka naman dahil hindi ka pa rin nakaka-move on sa nag-iisang babaeng 'di tinatablan sa'yo." Parunggit ni Simon upang matigilan si Tracy Evanz sa pag-inom.

Tama naman ito, all these years he'd been waiting for that woman na basta na lang siya iniwan sa ere. Akala niya ay may common sila, pero nagkamali siya. Dahil pagkatapos na may mangyari sa kanila ay biglang naglaho ito na parang bula. Hindi niya ito mahagilap, hinanap niya ang babae. Pero walang naging saysay ang paghahanap niya.

"Is her name Grace Demecia right? Parang familiar sa akin ang name niya. Wait! hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig. Sabihin ko sa'yo kapag naalala ko na, tumatanda na yata ako dahil mukhang napupurol na ang utak ko. Kaya ikaw, kung ako sa iyo kahit magkaroon man lang ng anak sa ibang babae gawin mo. Aanhin mo ang kayamanan mo kung wala ka naman tagapagmana. Think about it!" Nagpaalam na ito na babalik sa venue dahil tinatawag na ito ng bride.

Pinabayaan lang naman din ito ni Tracy Evanz at nanatili muna siya roon habang nasa isipin pa rin niya si Grace sa mahabang sandali na mag-isa siya roon.

MASAYANG nagtatakbo papuntang play ground ang two years old niyang anak na si Trace.

Nakamasid lang naman siya hanggang sa makasakay ito sa may swing at piniling mag-stay doon ng bata.

"Alam mo, napaka-guwapo talaga ng inaanak ko. Manang-mana sa tatay niya!" bungisngis na saad ni Lara.

Nagbakasyon ito matapos ng dalawang taon na nasa France ito. Talagang sinuwerti ito sa napangasawa, dahil binibigay lahat nito sa babae.

"Shhhh! 'Wag ka ngang maingay baka marinig tayo ni Trace at magtanong pa siya ng tungkol sa ama niya." Pagpapatikom niya sa bibig ng kaibigan.

Kahit paano ay tinotoo nito na hindi sila kalimutan ng kaibigan. Palagi pa rin itong tumatawag sa kanilang mag-ina. Madalas ay may ipinapadala pa itong package sa kanila. Matapos ang isang taon ay napagdesisyunan ni Lara na magtayo ng business sa Bilinggan. Dahil sa mahilig sa fashion clothes at alahas ito, iyon ang pinili nitong ipatayo. Siya ang piniling magmanage nito dahilan ng kaibigan ay upang hindi siya napapalayo sa anak. Madalas kasi na umaalis si Grace dahil sa kung ano-anong raket ang pinapasukan niya upang mabuhay niya si Trace, dahil highschool graduate lang naman siya. Naging mahirap sa kanya ang mga sumunod na Taon. Ngunit para sa isang ina na tulad niya gagawin niya ang lahat-lahat mapunan lamang ang pangangailan nito.

"Ano ka ba Gracey! kahit anong tago mo sa katotohanan sa anak mo. Maghahanap at maghahanap pa rin sa pagkalinga mula sa ama niya si Trace. Matalinong bata ang anak mo, kaya ngayon pa lang ihanda mo na ang sarili mo sa isasagot mo sakali na dumating ang oras na iyon!" Tuloy-tuloy na wika nito sa kanya.

Hindi naman siya nagsalita pa, kung dumating man iyon ano bang dapat gawin niya. Ang sabihin ang totoo na meron itong ama at buhay na buhay o sasabihin niyang wala na itong ama.

Bigla ay natigilan sila sa pag-uusap ng biglang may sumigaw na bata mula sa may 'di kalayuan. Dali-dali naman napalapit ang magkaibigan ng makita nilang nakasalampak sa lupa ang isang batang babae na marahil kasing edad lang din ni Trace.

"What happened Aze?" tanong ni Grace sa anak na nanatiling nakaupo sa swing at matalim ang titig sa bata.

"Iyong bata kasi makulit, gusto niyang siya naman sumakay dito sa swing. Tapos, hindi ako pumayag, tinakot niya akong isusumbong sa Daddy niya. Kaya ayun po hindi ko sinasadiya na maitulak siya," maiyak-iyak nitong sumbong sa kanya.

"Dapat nag-gave way ka na lang anak," sabi niya anak.

Ngunit hindi na sumagot ito at nanatiling tahimik. Hanggang sa muling napabalik ang batang napaiyak ni Trace. Kasama ang ama nito.

"Siya Daddy iyong bad boy na tumulak sa akin!" Sabay turo at sumbong nito.

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal ng anak ko. Kung pwedi ay pag-usapan na lang natin ng maayos ang lahat." Inunahan na ni Grace ito, ayaw na niyang lumaki pa ang gulo.

"Sure it's okay, I doubt it may pagkamaldita rin ang anak ko. Mag-sorry na lang ang anak mo para bati na sila." Nakakaunawa naman na saad nito.

Tumango naman si Grace at agad na tinawag si Trace. Ginawa nga nito ay nag-sorry ito sa bata, nagulat din naman sila pagkatapos dahil nag-sorry rin ang batang si Letezia. Sinabihan pala na walang Daddy si Trace kaya nagalit ang anak niya.

Kahit paano ay nagkaayos na ang dalawa. Sinabihan ni Grace na ibili ng ice cream si Letezia peace offering nito.

Masayang nagtatakbo na ang dalawang paslit sa kinaroroonan ng ice cream cab.

"Mabuti at okay na sila, pasensya na rin at nasabi iyon ni Letizia sa anak mo," pagpapasensyang muli nito.

"Okay lang naman," sagot niya na malungkot na nakatitig sa anak mula sa malayo. Maging si Lara ay ganoon din.

"By the way this is my card, kung may kailangan kayo ng anak mo dito mo ko tawagan." Inabot naman iyon ni Grace at nagpasalamat. Tuluyan naman nagpaalam ito matapos na makabalik ni Letezia.

"Are you fine now?" tanong ni Grace sa anak.

Umiling naman si Trace at nagsabing. "Bakit si Letezia may Daddy, bakit ako wala Mom," may lungkot sa tinig nito.

Tulad ng inaasahan ay walang masabi si Grace.

"I'm sorry anak, k-kung wala kang Daddy huh."

Tumango naman si Trace ngunit halatang malungkot pa rin ito.

"Hayaan mo meron naman si Papa Nicolai mo, pwedi siyang maging Daddy mo!" sabad naman ni Lara.

Ngunit hindi tumugon si Trace. Muli itong bumalik sa swing, ngunit nanatiling nawalan ito ng sigla.

Iyon naman ang mga sandali na ikinatatakot ni Grace, ang maungkat at maghanap pa ng kikilalanin ama ang anak niya.

Tinitigan niya ang card na binigay sa kanya ng Daddy ni Letezia.

"Simon Cowell" basa niya bago tuluyan isinilid iyon sa hand bag na dala niya. Mukhang pamilyar sa kanya ang pangalan ng lalaking iyon, ngunit hindi lang niya maalala kung saan niya dati narinig.

MAAGANG umalis si Tracy Evanz, tinawagan kasi siya ni Simon dahil meron itong pinapadaanan sa kanya na regalo para sa birthday ng kanyang ina at sa asawa nito.

Nagyon ang ika-sixty birthday ni Donya Mindred. Marami ang dadalo at isa na roon ang Dad niya.

Twenty years ago naghiwalay ang mga magulang niya, dahil masiyadong nasakal ang ama niya. Palaging nagbabangayan ang mga ito dati, halos walang katahimikan dati sa loob ng pamamahay nila sa walang patid na away ng mga ito.

Magkagayunman sa hinaba-haba ng taon ay nanatiling hindi nagkaayos ang mga magulang niya. Pero kapag kapag ganitong may okasyon, inaasahan na hindi nawawala ang bawat isa. Tila ba walang away sa pagitan ng mga ito kung umasta. Ngunit alam niyang palabas lahat lang ng iyon.

Kaya nag-decide siya magmula noon, na hinding-hindi na siya mag-aasawa. Kung sa huli, mauuwi rin sila katulad ng mga parents niya ang pagsasamahan ng mga ito . Nanaisin na lang niyang tumandang mag-isa kapalit naman niyon ay payapa at malayang buhay na walang inaalala.

Pero nagbago iyon ng makilala niya si Grace, ang babaeng unang nakapukaw sa kuryusidad niya. Ito lang naman kasi ang nag-iisang babaeng hindi nagpapansin sa kanya. Lalo kapag malapit siya pansin niya ang pangingilag nito na tila ba may sakit siyang nakakahawa kapag nagkakasama sila.

lately palagi na lang sumasagi sa isipan niya ito. Kung kumusta na kaya ito, nag-asawa na kaya ito at may sarili na rin bang pamilya ito. Lahat ng iyon ay naiisip niya, sumama ang loob niya rito. Ngunit, mas nangingibabaw pa rin sa isipan niya na makita itong muli matapos ang dalawang taon na iniwan siya nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status