Share

Heirs Of The Tyrant Billionaire
Heirs Of The Tyrant Billionaire
Author: Babz07aziole

Prologue

   ISANG sanggol na lalaki ang ipinanganak sa lumang ospital ng Balingga. Kahit labis na nahirapan ang ina nito upang ipanganak siya ay masasalamin pa rin sa mukha nito ang labis na saya habang pinagmamasdan nito ang malakas na pag-iyak ng sanggol na inuumpisahan ng balutin ng malinis na tela.

"Napaka-guwapong bata ng anak mo ija. Nakapag-desisyon ka na ba kung ano ang ipapangalan mo sa kanya?" tanong sa kanya ng Doktora na nagpaanak dito.

"T-Trace, Trace Villasis ang ipapangalan ko sa kanya," wika nito.

Sa ilang sandaling lumipas ay tuluyan silang iniwan ng mga hospital staff. Matapos na masiguro ng mga ito na maayos na ang kalagayan nilang mag-ina.

Kasalukuyan nagpapa-d*d* si Grace ng pumasok si Sonya ang ina ng dalaga. Kasabay nito ang amain niya.

"Hoy! babae anong gagawin mo ngayon naisilang mo na ang batang iyan. May ipapakain ka ba diyan?" Halos umusok ang ilong na salubong ng mismong ina.

Ang totoo ay labis na nagalit ang ina ni Grace matapos nitong malaman na buntis siya. Magkagayunman ay hindi inamin ng dalaga kung sino ang tunay na ama ng anak niya.

"Huwag ho kayong mag-alala, magta-trabaho ako para mabuhay ang anak ko," sagot ni Grace.

"Aba! dapat lang. Hindi ko na gugustuhin na magdagdag ng pakainin sa pamamahay ko!" Nanggagalaiting wika ni Sonya.

Salat sa pamumuhay ang meron sila, kaya ang biglaan niyang pagbubuntis ay wala sa tamang panahon.

"Huwag mo na kasing pagalitan pa si Grace, kita mong napaka-cute ng apo natin." Pag-iiba ng paksa ni Mang Avelino. Kahit paano ito ang kakampi niya sa poder ng ina.

Hindi katulad ng ibang naging karelasyon ng Mama niya ay wala siyang masabi pa rito. Mabait, maunawain at responsable ang step father niya. Kaya kahit sampung taon ng nagsasama ang mga ito ay never siyang sumalungat sa pagsasama ng mga ito.

"Ewan ko sa inyo! Mahirap magpalaki ng bata Lino alam mo iyan. Bahala na nga kayong dalawa diyan!" Kasabay ng pagdadabog nitong pag-alis.

Naiwan naman sila roon na dalawa, mabuti na lang at tuluyan ng nahimbing sa pagtulog ang sanggol.

"Huwag mo ng isipin ang Nanay mo, ako ng bahalang kumausap sa kanya. Ang intindihin mo sa ngayon ay itong anak mo," nauunawaan na sabi nito.

"Salamat po Tatay at patawad kong hindi ko na kayo matutulungan sa pagpapaaral sa mga kapatid ko," nahihiya niyang sabi.

May tatlo pa siyang nakababatang kapatid. Dalawa sa highschool at ang isa ay nasa kolehiyo na.

"Huwag mo ng isipin pa iyon Grace, isang taon na lamang na  igagapang ko ang pag-aaral ni Eunice. Pagkatapos niyon ay makakatulong na rin siya sa pagpapaaral sa mga natitira mo pang kapatid," puno ng kunsiderasyon na wika nito.

"Salamat po ulit Tatay sa lahat ng sakripisyo mo sa amin magkakapatid. Kahit na hindi mo kami kaano-ano," taos sa pusong wika ni Grace.

"Para sa akin ay ija tinuturing ko na kayong anak. Lalo na itong si Trace." Sabay muwestra nito ng kamay, dahan-dahan naman ipinasa ni Grace ang bata dito.

"Napaka-guwapong bata naman ng anak mo. Mukhang ang hugis ng mga mata niya at labi ay namana niya sa kanyang ama." Tila hindi naman nito sinasadiyabg masabi ang mga iyon.

Ngunit nagbigay iyon ng laksa-laksang kaba sa dulong bahagi ng puso ni Grace.

Paano kaya kung isang araw ay hanapin ito ng tunay na ama  ng sanggol?

Mga katanungan na nagpapagulo at nagbibigay ng labis na emosyon sa kanya.

Kailanman ay hindi niya nanaisin na muling mag-krus ang landas nila ni Tracy Evanz Villasis. Ang malupit na bilyonaryong nakabuntis sa kanya.

NASA isang close door meeting lang naman si Tracy Evanz. Kasama ang mga board member ng sarili niyang kumpaniya na Trez Liqour Company.

Ang kumpaniyang minana at pinalago niya ng halos sampung taon na rin mula sa mga namayapa niyang abuelo.

"I would like to propose to you na magkakaroon tayo  ng major stock holder mula sa Madison enterprise. Gusto kong mag-focus ang lahat dito." Mula sa harapan ay nakatutok ang lahat sa kanya.

Lahat ay mataman nakikinig. Walang sino man ang nais na mapuna. Dahil katakot-takot na sermon ang dadanasin kung ikaw ay magkakamali sa harap ng isang katulad ni Tracy Evanz.

Isang tuso at makapangyarihan. Hindi basta nagtitiwala sa kung sino-sino lang. Kung bansagan siya ng mga employee niya ay "binatang kinulang sa aruga"

Kaya lahat ay nangingilag sa kanyang presensiya.

Matapos pa ang ilang pagtatalastasan ay tuluyan ng natapos ang meeting.

Nauna ng naglakad palabas si Tracy, maaga siyang aalis. Dahil may dadaanan pa siyang kaibigan bago umuwi.

"Ms. Alcaraz, schedule my appointment to Mr. Alvarez tomorrow at 10 am," pag-i-instruct ng binata sa kanyang bagong secretary.

"Noted sir," matipid naman na ani nito na malagkit ang tingin sa kanya.

Pasimple naman pinasadaan ng tingin ng binata ang bagong hired na secretary niya.

Nakasuot lang naman ito ng hapitin na blouse. Naka-maiksing skirt mula sa ibabaw ng tuhod nito. Ang heels nito'y mas mahaba sa dapat na suotin.

"Ms. Alcaraz, hindi ka ba na-inform ng management ng tamang sukat ng office attire sa kumpaniya," malamig na pamumuna ni Tracy.

Bumukas-sara naman ang bibig ng kanyang secretary na nag-umpisang pagpawisan.

"I'm sorry sir, hindi na po mauulit," wika ng babae na napakagat-labi. Bigla ay nabitiwan nito ang mga hawak-hawak na dokumento. Kaya upang mapayuko ito at umpisahan pulutin ang mga iyon mula sa lapag. Lantaran na ipinapakita nito sa  binata ang nakasilip na mayayaman dibdib.

Tuluyan naman naglakad palabas si Tracy Evanz na binalewala ang ginawang pang-aakit ng secretary niya. Kaya hindi niya naiisipan man lang mag-asawa dahil sa mga babaeng katulad ng mga ito. Walang respesto sa sarili.

Nagpigil na lang siyang muli sitahin ito, nagsasawa na rin naman siya sa paulit-ulit na kamalian ng mga pumapasok na secretary niya.

Isang babae lang naman ang naka-tama sa mga standard niya pagdating sa trabaho.

Mula sa pagkakaalala rito ay hindi mapigilan ni Tracy Evanz na bumuntong-hininga.

Ang mga nadadaanan niyang tauhan ay binabati siya. Ngunit hindi siya nag-aalabang pumansin. Okupado pa rin ng babaeng iyon ang isipan niya.

Sumakay na siya sa mamahalin niyang kotse, nagmani-obra  na siya palabas ng park area.  Napansin niyang dumidilim na mula sa labas, nagbabadiya na umulan ngayon gabi. Muli ay naalala niya ang babaeng matagal ng nagpapagulo sa isipan niya, dahil ganoon na ganoon din ang panahon ng makasama niya ito at nangyari ang hindi dapat inaasahan.

Hindi niya sinasadiyang makalimot, but with those innocent eyes and parted lips of her. Hindi na siya nakapagpigil pa.

"Kumusta ka na kaya Grace, bakit bigla ay hindi ka na nagpakita pa sa akin..." Iyon ang mga salitang nanulas sa bibig niya habang inaalala ang gabing nagsalo sila sa isang mainit na tagpo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status