Chapter 2
Helena Kelandra's POV
Kasalukuyan.
"Ang tagal naman!" Bulyaw ko sa pinto ng banyo, mag-iisang oras na akong nakapila para sana maligo. Keng Ina naman oh! Iritableng sabat ng utak ko.
Late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabahong inaplayan ko noong nakaraang linggo. Kung hindi ko lang nakalimutan mag-set ng alarm. Dumagdag pa ang hang over na nafe-feel ko ngayon dahil sa birthday blow out ni Shenna kagabi, hindi naman ako pwedeng mawala sa event ng aking one and only bff friend. Tch.
"Bwesit naman oh! Kanina pa ako dito ah! 'bat ang tagal naman? Baka natulog ka na riyan, Toper!?" Dagdag ko pang bulyaw kay Toper sa loob na tila nakatulog o kung anong may pinapanood ito sa loob.
"Aish! Ano ba yan! Scandal na naman ba?"
Iritableng bulyaw ko dito habang kating-kati nang makaligo, dala ko ang isang plastic tray na pinaglalagyan ko ng sabon at shampoo.Kapag minamalas ka nga naman. Isa pang himutok ng isip ko. Nakiki-upa lang ako sa maliit na bording house ni aling Bebang, dito na ako nakatira simula third year college hanggang nakapagtapos na ako at ngayon nga ay magtatrabaho na. Ang daling umikot ng panahon, at ngayon nga'y twenty two na ako.Isa lamang itong maliit na paupahan sa gilid ng malaking ilog ng Pasig. Squater Area ika nga sabi ng iba.
Pero para sa akin, okey na 'yon kaysa walang matuluyan dito sa napakalaking syudad ng Maynila. Sanay na naman ako sa hirap. Kinakatok ko ng walang tigil ang pinto nang biglang nagresponde si Toper.
"Teka..lang Kelly!" Ani Toper na nagtotootbrush.
Lumabas ito na nakatapis ng tuwalya lang. Madali akong pumasok para makaligo. Laking squater lahat ang tao dito at kabilang na ako roon. Simula pagkabata ay dama ko na ang karalitaan, lumaki ako sa poder ng nakatatandang kapatid ng aking ina, kina tiya Lourdes.'Di ko na nakita ang aking Ina dahil pumanaw ito noong sanggol pa lang ako habang ang ama ko naman ay hindi ko kilala. Sabi ni tiya isa lamang itong customer ng aking ina noon at ang tanging natatandaan nila ay ang palayaw na 'Bong'. So, kumbaga nabuntisan lang daw ang mama ko at ako nga ang naging bunga ng isang customer-GRO-tandem. Ang swerte diba?
Oo, GRO ang nanay ko at hindi ko ikinakahiya 'yon, pati nga tiya Lourdes ko ay GRO rin, iba iba ang ama ng anak nito.
May anak siyang Hapon, si Yuki. May anak siyang Amerikana, si Hanna, at si Eshan, anak niya sa isang nakilalang Bombay na naging suki nito sa bar dati. Ganiyan lang ang buhay namin
Kayod kalabaw.Kaya nang makatapos ako sa high school ay lumuwas ako galing sa probinsya ng San Luis at pumunta sa sentro ng lungsod ng Maynila, para dito ko masimulan ang pagwo-working student habang kada gabi ay nagtatrabaho ako ng kung anu-ano.
Nagtitinda ng barbeque, balot o kwek-kwek.
Suma-sideline din ako sa mga pageant at mga patimpalak sa mga baranggay. Isali pa ang extra ko na raket, naging cigarrete vendo, nakapag cashier sa karenderya, nagpromodiser ng mga cologne, nag-ahente ng mga appliances, naging raketerang model sa isang sardinas at pati na rin ang pagiging escort girl ng mga matatandang mayayaman.Iyon ang the best raket ko sa lahat. Escort girl.No choice 'eh. Doon madali ang kitaan.
Hindi man aminin pero marami akong qualities na nakakapalibog sa kalalakihan. Pero sige lang ng sige. Kumbaga kapit patalim ang uri ng trabaho ko..Oo, 19 years old pa lang ako noon nang mawala ang pagka birhen ko, unang pagkakataon 'yon na magtrabaho ako bilang escort girl. Sinamahan pa nga ako ni tiya Lourdes noon.
Hinding-hindi ko malilimutan 'yon, ang araw na nakuha ako ni ginoong Damian, ang lalaking kumuha sa pagkabirhen ko.
Malapit ako actually sa kaniya kasi siya nga halos ang nagpatapos sa akin sa pag-aaral noong nag 4th year na ako sa high school at noong magkolehiyo na ako.
Nakilala ko siya sa isang textfriend bulletin sa isang dyaryo noon, looking for a friend, kaya naman sinubukan ko at sakto naman na napakagalante nito kahit na napaka aktibo o m*****g.'Yong tipong mahilig humimas, napaka-touchy pero okey lang kasi siya rin naman ang nag-finance sa napili kong kurso na Tourism nang magkolehiyo na ako. Praktikal lang.
So, kumbaga, sugar daddy ko si Damian. Yes, why not? Walang commitment. Give and take lang, 'di ba?
Nag-iimagine ako sa harap ng salamin, matapos maghanda sa aking sarili ay agad na akong naglakad papaalis sa isang makitid na eskenita. Napaisip ako habang tanaw ang malayong bukana ng highway na tinatahak ko.
Mayamaya pa ay narinig ko na naman sila.
"Wetwew!" Satsat ng mga lalaki sa eskinitang halos araw-araw yatang inaabangan ang beauty ko. Habang dinadaanan ko ang kalye ay nagsisipolan ang mga tambay sa suot kong uniporme, sexy corporate attire ito at bakat na bakat ang kurba ng aking dibdib. Nakapasok ako bilang tourist agent sa isang kilalang kompanya na nagke-cater ng mga tourist sa lungsod ng Pasig at ina-assist namin sa mga destinations na nakatalaga kung saan ang mga ito.
Just a decent job for my morning routine.
"For my morning, puta!" Sabi ko pa sa pagkakabigla. "Pst sexy, pakiss naman!" Satsat ng isang tambay sa akin. Habang naglalahad ng dila na tila nilalaro sa labi nito. Yuck!Kamukha ni Tokmol! Naalala ko ang lasenggero naming kapitbahay sa San Luis. Inirapan ko lang ito, sanay na akong bastusin ng mga ito, ikaw ba naman halos araw-araw na napapasubo sa daan at matyempohan ang mga ito. Halos kilala kasi ako sa Pasig bilang prangkadera at 'yon nga, bilang escort girl na kung titingnan sa lipunan ay napakababang uri ng babae, ika nga ng ilan kalevel ng GRO kumbaga.
Well, baliwala lang sa akin 'yon at least may degree na ako ngayon at 'yon ang unang hakbang ko na makaahon sa kinasasadlakang kahirapan na kinamulatan ko since bata pa ako.
Sakay ako ng taxi papuntang trabaho, halos trenta minutos lang ang layo nito sa lugar ko pero dahil nga late na ako ay nagpasya akong magtaxi na lang.
Ibinaba ako ng matandang driver na kanina pa nagpapapansin sa t'wing nagtatama ang mga mata namin sa salamin. Pansin ko pa ngang hinipuan niya ang kamay ko nang mag-abot ako sa bayad. Napaputok ng wala sa oras ang kanina ko pang nginunguyang bubblegum.
Keng Ina! Naglipana na talaga ang mga maniac!...itutuloy.
Michael's POV"We are here, kuya. Ano ang next step? hawak na namin si Eros!" astig na sambit nina Maxon at Kasmyrr. Kasama rin nila ang mga bodyguards ko. Hawak ko ang telepono sa oras na iyon, papunta na ako sa hospital na huling natagpuan si Helena. Nasa Malta na kaming lahat sa oras na iyon."Don't kill him, kailangan natin siya. Dalhin n'yo siya sa akin." Utos ko sa mga kasamahan sa oras na iyon."Copy." Sabi ni Maxon bago binaba ang tawag.Nang sandaling iyon ay nandoon na ako sa hospital. Madali akong nag-park at lumabas. Papasok ako sa main lobby ng hospital at madaling nagtungo sa nurse information booth. Malaki ang facility doon kaya dapat akong magmadali bago maunahan ng kalaban.Kasama ko ang ilang bodyguards ko sa oras na iyon, nakabantay sila sa labas at ang ilan ay naka-civilian at kasama ko. Nandoon na ako sa booth, kaya agad akong nagtanong. At kompirmado nga na nandoon si Helena. Nasa isang waiting facility room umano ito para sa assessment ng isang mental institute
Helena Kelandra's POVNagising ako dahil sa hapdi ng aking nararamdaman, masakit ang hita ko. Ramdam kong kumikirot ito dahil sa alat ng karagatan. Nakita kong nasa dalampasigan ako ng kung saan. Himala akong nakaligtas mula sa pagtalon ko sa lugar na iyon.Nilinga ko ang paligid, i know it is still in Malta islands. Paano ko masisigurado na hindi ako masusundan ng mga dumukot sa akin?Ang walang hiyang lalaki na iyon!"Magbabayad siya!" mahinang usal ko pa. Dahan-dahan akong umahon at naupo sa dalampasigan. May kaunting hiwa ang hita ko dahil na rin sa matutulis na bato na nandoon sa karagatan. Naiyak na lang ako dahil sa mga pangyayari. Nakapa ko rin ang tiyan ko, but, i know that the baby inside of me is safe."Kaya natin 'to, baby!" sabi ko pa sa sarili. Marami na akong nalampasan sa buhay, ngayon pa ba ako susuko?Ilang sandali pa ay dahan-dahan akong tumayo at naglakad, walang katao-tao ang lugar na iyon, it seems very creepy dahil mga batuhan lang ang nandoon. Tila malayo iyon
Michael's POV Nasa kama ako sa sandaling iyon, maigi kong sinusuklay ang kamay sa buhok ni Gabriel. Hindi kasi ito makatulog hangga't hindi ko ginagawa ang madalas na ginagawa ni Helena sa kaniya. Panay iyak ito dahil nasaan na umano ang mommy niya. Wala akong maisagot, kahit anong pilit ang irason ko rito ay alam niyang may problema kaming dalawa. "Daddy, iniwan na ba tayo ni mommy?" mahinang bigkas ng anak ko. Marahan ko siyang pinasandal sa aking bisig at ginulo ang buhok nito. "No, mommy won't do that, busy lang siya sa work. Uuwi din si mommy, baby." "Pero bakit hindi siya tumatawag, hindi ba niya ako nami-miss?" ulit pa na tanong nito sa akin. I just exhaled and hug him tightly. Kahit ako ay naguguluhan na sa oras na iyon, hindi ako mapalagay kung ano na ang sitwasyon ni Helena sa kamay ni Eros. We confirmed that she is the mastermind of the group. Hinahanap ko na rin si Clarisse sa oras na iyon, hindi ako makapaniwala na ibebenta niya nang basta-basta ang kapatid niya sa k
Helena Kelandra's POV Nang makarating kami sa Malta ay agad kong nasilayan ang ganda ng isla. Marami itong nakakabighani na tanawin, gaya sa pilipinas ay may mainit itong klima, since summer time ngayon dito. Maraming kingfisher na ibon ang lumilipad sa baybayin. Pansin ko rin ang rock formation sa karagatan nito lalo pa't kakaunti lang umano sa isla ang may buhangin dahil madalas sa lugar na ito, puro bato ang makikita mo sa dagat. It is the natural landscape you can see from their beaches. Kilala rin ang Malta sa may mga diversed na cuture since mostly ang nandito ay pinaghalong European at mga South African natives, marami ring Arab migrates ang nandito, kaya hindi kataka-taka ang magagandang palamuti sa kalsada at kabahayan na may traits at ng Arab at Roman. Bohemian style madalas ang nakikita kong suot sa mga gaya kong turista doon.Hindi ko maitago ang magkakamangha sa isla lalo na sa mga taong bumungad sa amin. Pagkatapos namin sa seaport ay agad kaming pumunta sa Poblacion, d
Helena Kelandra's POVNagising ako sa isang silid. Napabalikwas ako dahil hindi ko matandaan kung paano napunta doon. "Aray!" sapo ko sa sariling ulo. Napakasakit n'on ay hindi ko rin maigalaw ang katawan ko na para bang nahulog ako sa kung saan. Teka, ano ba ang nangyari kagabi? Ang naalala ko lang ay kasama ko si Eros sa rooftop.Napatingin ako sa sarili. Wala namang sign of damage, meaning...walang nangyari sa aming dalawa. Napabuntong-hininga ako sa sandaling iyon. Maigi akong humawak sa gilid ng kama at dahan dahang tumayo. Nagsumikap ako na makalakad papunta sa nakatabong bintana. Nang makita ang magandang tanawin sa likod n'on ay hindi ko maiwasang mapanganga sa pagkabigla."Did you like it?" narinig kong nagsalita sa aking likuran."Eros?!" sambit ko nang makita ito."What...what happened last night?" medyo praning na tanong ko rito."You collapsed," tipid na sambit nito sa akin. Meaning, nawalan ako ng malay sa rooftop? Hindi ko na maalala ang mga sumunod na pangyayari."W
Helena Kelandra's POV"Taxi!" mabilis kong tawag sa paparating na sasakyan. Gusto kong makalayo sa lugar na iyon. Hilam ang mga mata ko sa sariling luha. Nagpupuyos ang damdamin ko sa sandaling iyon. Hindi ko inakala ang lahat ng nakita ko. Michael is betraying his love for me, and to what i didn't expect, iisang babae ang umagaw sa kaniya sa akin...and it was my sister!Ang kapatid na inakalang patay na.She is still alive!Nang makasakay sa taxi ay agad ko itong pinatakbo sa kung saan. I don't know where to go."Maam, buenos noches, where are you going?" sabi ng Caucasian white na taxi driver. Parang nag-aalala siya sa akin dahil na rin sa pag-iyak ko."I need you to take me away from here," I continue to cry."If you need someone, i can be with you." Baritonong sambit ng lalaking hindi ko pa kilala. Mabilis niyang minaneho ang sasakyan sa kung saan. Nakikita ko ang daan papunta sa sentro, may maraming ilaw ang nandoon, maraming parkdriveways at mga bars."You need a drink." He said