Mukhang kadete ang position ng crew na dumating. Sa itsura pa laman ay hindi nalalayo ang kanyang edad sa mahigit kumulang sa 21 anyos. Timid siyang kumatok sa pintuan at pumasok sa loob. Bago,
"Sir, ano po ang kailangan ninyo?" Tanong ng crew na dumating habang palihim siyang sumilip sa akin. Nakita ko dahil nakatining din ako sa kanya ng papasok pa lamang siya.
"Si… Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni Chief sa akin. "Sophia--Chief!" Mabilis kong sagot.
"Si Ms. Sophia ay naiwan ang papeles sa kotse niya sa ibaba. Pakikuha lang please!" Sabay tingin niya sa akin at inilahad niya ang kanyang kamay at nag aantay na i-abot ko ang susi ng kotse.
"Ay! Sorry! Sandali lang." Sabay mabilis akong naghalungkat sa loob ng bag ko at hinanap ang susi. Nang matagpuan ko ito, mabilis kong inabot kay Chief upang ibigay niya sa tauhan niya na nakatayo sa kanyang gilid.
Pagkatangap ng taong inutusan ni Chief ang susi ng kotse, sa akin naman siya tumingin at nagaantay ng instructions.
Noong una ay nagtataka ako, pero narealize ko na hindi niya alam kung nasaan ito sa loob ng kotse ko.
"Ay, sorry! Nasa likurang upuan ito. May makikita kang folder na yellow at iyon yon. Maraming salamat ha!" Sabay binigyan ko siya ng simpleng ngiti lang. Kailangan kong maging sweet ano! Ako yata ang may kailangan.
Pagkawala ng taong inutusan ni Chief. Biglang sumobra ang tahimik ng loob ng kwarto at para kaming nasa punerarya. Hindi ko alam kung anong upo ang gagawin ko, habang si Chief naman ay nakatitig lang sa dokumento na nasa harap niya at nagbabasa yata?
Nang ilang minuto na ang nakaraan at wala pa rin sa aming nagsasalita, minabuti ko munang lumabas ng kwarto at magpahangin sa labas…
"Excuse me, Chief--lalabas muna ako habang nag aantay--pwede?" Nakatayo na ako at handang lumabas.
Parang naalimpungatan si Chief ng marinig niya ang boses ko. "Ha? Ano kamo?" Tanong niya.
"Sabi ko, kung pwede lang lalabas na muna ako at mag papahangin habang nagaantay tayo."
"Ah! Sige, samahan na kita." Nagulat ako sa sinabi niya. Sasamahan niya ako? Eh, kaya nga gusto kong lumabas eh, para mawala ang alanganin naming sitwasyon.
Nevertheless, pumayag na rin ako dahil hindi ko rin naman alam ang daan papalabas.
===
Malapit lang pala ang pintuan papalabas. Ilang sandali lang ay nasa labas na kami at ramdam na ramdam ko ang lakas ng ihip ng hangin.
"Gosh! Ang ganda palang tingnan ang downtown kapag nasa mataas kang lugar. Kitang kita mo lahat ng matataas na building." Aniya ko para naman may pag usapan kami.
"Yea! Maganda nga itong lugar ninyo. First time pa lang akong nakapunta dito at hindi pa ako makalabas dahil umalis si kapitan. Balak ko nga pag meron akong panahon eh, mag hire ng tour guide. Meron ka bang kilala?"
'Tour guide? Wow lang ha!' Sa isipan ko.
"Sorry! Wala akong kilalang tour guide eh." Bigla kong naisip na pwede ko ring recommend ang isa sa mga friends ko. I'm sure pag nakita siya ng mga iyon ay baka magsipag luwaan ng mga mata nila. Baka mag agawan pa na bigyan siya ng tour sa mga bahay nila.
Nang mag suggest na sana ako, bigla naman may boses kaming narinig na galing sa walkie-talkie na hawak niya. Hindi ko na tuloy na mungkahi.
"Excuse me lang, sagutin ko muna ang tawag." Aniya ni Chief, sabay lumayo siya ng konti para hindi ko marinig ang kanilang pag uusap.
Hindi naman ako tsismosa, kaya ang ginawa ko ay nag lakad-lakad din ako papalayo sa kanya at kunwari ay kung ano ano ang tinitingnan ko. Hindi naman nagtagal at natapos kaagad ang pakikipagusap niya. Minabuti kong lapitan siya muli upang yayain ng bumalik sa kabina niya at baka nandoon na ang kanyang inutusan.
Nang malapit na ako at handa na siyang yayain, may nagsalita na naman sa walkie-talkie. Bigla akong napatigil upang mag antay na sagutin niya ito.
"Sir, ilang setting po ang ilalagay ko?" Narinig kong tanong ng kausap niya sa radyo.
"Dalawahin mo na at may bisita ako." Sagot ni Chief sa kanyang kausap bago tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatayo.
"Copy that!" Aniya ng kausap niya, bago biglang tumahimik muli ang radyo.
Nang pakiwari ko ay tapos na siyang makipagusap, nilapitan ko na siya ng tuluyan. Ang kaso mo ng malapit na ako, hindi ko napansin na may pangtali pala ng barko na nakakalat sa lapag at ako'y natisod.
"Ay! Santa maria!" Sigaw ko ng malakas, bago masusubsob na sana ako. Mabuti na lang at nasalo ako ni Chief bago sumemplang ang mukha ko-- Sa diddib niyang matigas nasubsob ang namumula kong mukha sa hiya.
*Thud-thud-thud!* Sabi ng puso ni Chief, dinig na dinig ko.
"Ayos ka lan?" Malumanay niyang tanong habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa kanyang dibdib at nakahawak ako ng mahigpit sa kanyang mga braso. Nang marealized ko ito, dahan dahan kong itinulak ang sarili ko papalayo sa kanya. Dahil napahiya ako, sa lupa ako tumingin at hindi sa kanya habang sumasagot sa tanong niya.
"Ok, lang ako, maraming salamat sa pagsalo sa akin." Halos hindi niya marinig ang sinabi ko sa hina ng boses ko. Sobrang nakakahiya, baka isipin niya eh--sinadya ko.
Sobrang awkward ng sitwasyon namin dahil sa nangyari. Kaya naman binago niya kaagad ang usapan.
"Kung hindi ka nagmamadali, baka gusto mo akong saluhan sa tanghalian. Nagpaluto ako kay kusinero ng masarap na putahe. Iyan ay kung maari lang?"
Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanyang paanyaya. Friendly siya at mukhang mabait, hindi katulad ni Captain-sungit Lim. Naisip ko, why not! Wala naman akong ibang pupuntahan pagkatapos kong mapa-pirmahan ang mga resibo.
"Sure! Gutom na rin ako, sino ba ang tatanggi' sa libreng pagkain. Hahaha!" Pabiro kong sagot habang isang magandang ngiti ang nakalapat sa aking labi...
===
Masaya kaming nag tanghalian ni Chief, nalaman ko na ang pangalan niya ay Gerald Santos at siya ay 25 years old. Tama ang hinala ko na ilang taon lang ang tanda niya sa akin. Magpinsan pala sila ni Captain Lim sa mother side at binata pa.
Magaan ang loob ko sa kanya, kahit na halatadong may kursunada siya sa akin, hindi siya garapal. Dahilan upang bago ako umalis pagkatapos niyang pirmahan ang mga resibo, ako na mismo ang nag imbita sa kanya na lumabas at nang makita niya kung gaano kaganda ang Tampa Florida...
"Mom, dad... please, try to understand naman po na hindi ko talaga sinasadya na malaman nila ang totoo." Nagsusumamo kong sinabi sa aking mga magulang. Alam kong mahihirapan akong paayunin sila na iwanan ko si Christian sa Pilipinas, pero hindi ko rin naman matangihan si Roman at ang kanyang magulang.Kung tutuusin ay malaki ang aking kasalanan sa kanila na hindi ko ipinaalam ang tungkol kay Christian, so... eto lang ang paraan na alam ko kung papaano ako makakabawi sa kanila. I know maiintidihan ako ng aking magulang tutal panandalian lamang ito at hindi habang panahon. Mas mabuti na ito kesa dalhin nila ako sa korte at ipaglaban ang kanilang karapatan.Habang ako ay nag mumuni-muni, nabigla ako at isang napaka gandang ngiti ang lumapat as aking mga labi. Halos mag-tatalon ako sa tuwa ng marinig ko ang sinabi ng aking ama."Ano pa nga ba ang magagawa namin kung iyan ang gusto mong gawin. Isa pa... may karapatan din silang makilala ni Christian." Aniya ni Daddy habang kitang kita ko s
Wala ng tao sa labas ng pintuan ng buksan ito ni Roman. Tumingin siya sa kaliwa at kanan ng hallway, pero wala ang kanyang nakababatang kapatid. Naisip nya ipagpatuloy na lamang ang kanilang sinimulan, pero ng isasarado nya na sana ang pintuan ay bigla namang itinulak sya palabas ni Sophia bago sumunod ito sa kanya at sya mismo ang dahan dahang nag sarado ng pintuan.Walang nagawa si Roman kundi ang akbayan si Sophia at gabayan pabalik sa sala kung saan ang kangyang mga magulang ay nag aantay.Tahimik ang mag asawang Mr. & Mrs Lim na naabutan ng dalawa. Habang papalapit si Roman, "Mom, Dad... pasensya na po kayo at natagalan bago nakatulog ang apo nyo," Aniya ni Roman habang ang kanyang mga mata ay malamlay."Wala iyon, halika umupo na kayong dalawa upang mapag usapan natin ang mas mahalagang bagay." Sagot naman ng ama ni Roman habang ang kamay nya ay naka mustra at itinuturo ang loveseat na kasya ang dalawang tao na umupo na mag katabi.Hindi naman ng atubili si Sophia na mauna ng um
Ano ang ibig niyang sabihin? Isang malaking katanungan na kailangan kong malaman ang kasagutan. I hope wala siyang balak na kunin si Christian sa aking, dahil kahit anong mangyari ay hinding hindi ako maka papayag.Bigla ko tuloy naisip ang misis niya. Alam kaya na nandito kami ngayon at kasama ng buong pamilya niya? Ano na lang ang gagawin ko kung bigla itong sumulpot? Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko, dahilan upang mawalan ako ng ganang tapusing kaiinin ang pang himagas na nasa aking harapan.Nang matapos na kami, nag excuse ako na kailangan kong pumunta ng banyo. Itinuro naman sa akin ni Roman kung saan. Mabilis pa ako sa alas kwatro na tumayo at umalis. Sa awa ng diyos hindi naman ako nahirapang hanapin ang banyo. Pagkapasok ko ay mabilis ko itong isinarado at kinandado bago umupo lang ako sa ibabaw ng toilet.Gulong gulo ang aking isipan. Kailangan kong makagawa ng paraan upang makauwi na kami. Kailangan na rin naming makaalis bago pa mahuli ang laha
Magtatanong sana ako kung sino ang nandoon, pero excited na si Roman na pumasok habang karga karga niya si Christian. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang.Pagpasok namin sa loob ng mala mansion na bahay, dire-diretso lang ang lakad ni Roman kung saan man kami patungo. Mukhang nakalimutan na yata na kasama ako at nakasuot ng high heels, kaya naman mabagal ang lakad ko at halos naiwan na bilis ng lakad niya.Nang malapit na kami sa aming parorounan, tumigil si Roman at lumingon kung kasunod pa ba ako or hinidi. Nang makita niya dahan dahan akong naglalakad kasunod nila pero may konting kalauyan, inantay niya muna akong makaabot sa tabi niya bago, hinawakan niya ang isa kong kamay at saka kami tumuloy papunta sa sala pala kung saan ay...Nagulat ako ng makita ko ang mga tao na nasa sala at nakaupo habang nagke-kwentuhan."Good evening everyone!" Maligayang bati ni Roman habang proud na proud ang kanyang itsura at mukhang ipinagmamalaki si
Hangang sa hindi ko na napigilan at tuluyan ng lumagpak ang luha sa aking mga mata. Nagyakapan kaming dalawa ni Loida habang ang mga luha ay tumutulo sa aming mga mata.Naiintidihan ko ang ibig sabihin ni Loida sa akin, pero kailangan ko pa ring isipin ang mga magulang ko at kung ano ang kanilang iisipin. Oo nga at may sarili akong pagiisip at nasa tamang edad na ako upang makapag desisyon sa aking sarili, pero isang malaking kahihiyan ito sa aming pamilya kapag pumayag akong maging pangalawa lamang.HIndi namin namalayan ay nagising na pala si Christian at hinanapa ako. Itinuro sa kanya ng isang kasambahay na nasa hardin ako. Kaya naman naabutan niya kaming umiiyak ni Loida.Mabilis na tumakbo papalapit si Christian sa amin, "Mommy!!! Why are you crying? Did my Dad made you cry?" Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Loida at sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Christian."No, sweetheart! Daddy didn't make me cry. It was something else that Aunt Loida and I
Yumuko si Roman bago binuhat niya si Christian at kinarga. Mabilis namang isinukbit ni Christian ang dalawa niyang maliliit na braso sa leeg ng ama bago isinandal ang kanyang ulo sa balikat nito."Daddy, I missed you!" Aniya ni Christian habang ang kanyang ulo ay nakasandal sa balikat ng ama, medyo mahina ang kanyang boses, pero dahil malapit ako sa kanila, narinig ko ang kanyang sinabi.Kumirot ang aking puso dahil mukhang talo na ako ni Roman sa pagmamahal ng anak namin. Papaano na lang kapag bumalik na kami sa Americ? Ano ang gagawin ko kapag hinanap siya ni Christian? Bigla tuloy sumakit ang ulo ko dahil wala akong maiisip na kasagutan.Nagmumuni-muni pa ako habang nakatayo at pinagmamasdan ang mag ama ng makarinig akong boses."Nandito na pala kayo, mabuti naman at kanina pa iyan iyak ng iyak ng malamang wala ka pa." Aniya ni Loida habang naglalakad papalapit sa amin galing sa kusina."Cuz, maraming salamat talaga ha!" Bati ko habang mabilis a