“Isa ka lang hamak na assistant ng anak ko, pero napaka-ambisyosa mo. Ang taas ng pangarap mo. Ang kapal at ang lakas ng loob mong sumingit sa relasyon niya at kay Catherine. Alam na alam mong ikakasal na siya, pero hindi ka pa rin nagpigil na hatiin ang atensyon ng anak ko. Imbes na magpokus siya sa nalalapit na kasal nila ni Catherine, mas inuuna ka pa niya,” pagpapatuloy niya, this time ay nakahalukipkip na siya, matalim pa rin ang mga mata na para bang binabalatan ako nang buhay sa titig pa lang. Hindi na ako sumagot. Ramdam ko na ang pagtitipon ng luha sa sulok ng mga mata ko, at bawat tibok ng puso ko ay parang mas bumibigat sa dibdib. Gusto kong umiyak, pero pinilit kong pigilan. “Napakaespesyal mo naman. At anong klaseng gayuma ang ipinainom mo sa kanya?” dugtong pa niya. Nanatili akong tahimik. “Magsalita ka!” hiyaw niya, mas malakas at mas mariin kaysa kanina, kaya napakislot ako. Para bang tumagos ang boses niya sa dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng tenga ko at ang p
Naimulat ko ang mga mata ko noong nag-ring ang cellphone ko. Ramdam ko pa ang bigat ng talukap ko, parang ayaw pang bumukas. Mabilis ko iyong inabot sa nightstand, halos mabangga ko pa ang lampshade sa pagmamadali. Papikit-pikit pa ako ng mga mata, napagusot gamit ang likod ng kamay dahil nanlalabo ang paningin ko, hindi ko agad mabasa nang malinaw ang text sa akin ni Auntie Christma. “Tuloy na sa Biyernes ang punta nila. Pumayag silang dumalo sa birthday party ng daddy mo,” text niya sa akin. Napaupo ako, ramdam ko ang malamig na dampi ng hangin sa katawan kong walang saplot. Hinala ko ang kumot at ibinalot iyon sa katawan ko. Kaagad akong nag-reply na maaga akong pupunta. Sinabi ko rin sa sarili ko na hindi muna ako papasok sa trabaho ngayong Friday. Pagkatapos kong mag-reply, huminga ako nang malalim bago marahang bumangon. Mabigat pa ang ulo ko at parang ayaw kumilos ng katawan ko, pero pinilit ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kama habang nakapulupot pa rin ang kumot sa kahubdan
“Kaya ka pala nag-absent?” ani ko habang inaayos ang suot niyang tie. Ang ganda ng setup, hindi tinipid sa effort, at halatang pinag-isipan. “Yes. Do you like the design?” Napatango ako, at bago ko pa mapigilan, ramdam ko na ang kirot sa gilid ng mata ko. “I love it.” First time kong maranasan na may nag-abala para sorpresahin ako… at sa isang iglap, parang nawala lahat ng pagod at inis ko kanina. “By the way,” panimula ko habang sinusubukang gawing casual ang tono, “bakit hindi ka nagre-reply sa mga text ko? Hindi ka rin matawagan.” “Nahulog sa dagat ang phone ko,” sagot niya. Napakunot ang noo ko. “Ha? Anong nangyare?” usisa ko. “Si Cathy kasi, nakipag-agawan sa akin ng phone. Ayun, nahulog tuloy sa dagat,” paliwanag niya, sabay buntong-hininga. “Pero nakabili naman ako ng bago. Ito na oh,” dagdag niya, ipinakita ang bago niyang phone na halatang mamahalin. “Pahiram nga muna ng cellphone mo, baby” sabi niya, sabay kuha sa akin. Siya na mismo ang nag-save ng kanyang
“Bakit kaya absent si Sir Lexus ngayon?” tanong ni Monday, halata ang pagtataka, habang magkasabay kaming papasok sa elevator. Absent si Jenna, kaya sa kanya na ako nakisabay. “Baka nagkasakit. Bihira lang 'yon lumiban sa trabaho,” singit ni Daniel mula sa likuran. Hindi ko napansin na sumunod na pala siya, kasama si Ryatt. “Baka nga,” tanging tugon ni Monday, sabay bahagyang kibit-balikat. Ako naman, halos hindi makafocus sa usapan. Kanina pa ako panay silip sa phone ko, sinusubukang magbakasakali na may bagong notification mula kay Sire. Kagabi ko pa siya tine-text, pero ni isang reply, wala. Ilang beses na akong nagpadala ng mensahe pero kahit tuldok na sagot, hindi niya ginawa. At ngayong araw pa talaga siya absent. Wala man lang abiso sa mga empleyado kung bakit. Kaya buong maghapon, panay ang tanong sa akin ng mga tao sa office. Tambak na rin ang mga papeles na dapat niyang pirmahan; kaliwa’t kanan ang dumadaan mula sa ibang department para mag-follow up, pero ang masasagot
Napasilip siya sa akin, ang mga mata niya’y may kakaibang ningning, at sumenyas na itaas ko nang bahagya ang palda ko. Bago sumunod, inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid, tinitiyak na walang ibang makakapansin. Mas lalo akong kinabahan sa pinapagawa niya sa akin, pero kahit nag-aalangan, tumalima pa rin ako sa hiling niya. Bahagya akong tumayo, dahan-dahang itinaas ang palda ko, ngunit bago pa man ako makakilos nang tuloy-tuloy, mabilis niyang ipinasok ang kamay niya sa loob at hinila ng mabilisan ang suot kong underwear. Pilit ko pa siyang pinigilan, hinawakan ang kamay niya para itigil, pero determinado siya at ayaw niyang magpatalo. Loko talaga ‘to! Napailing na lang ako sa loob-loob ko, pero may bahid ng ngiti sa labi ko. Matagumpay niyang nahubad ang underwear ko, at bago pa ako makapag-isip, hinila niya ako kaagad pabalik para mapaupo ulit sa upuan. Halos wala akong pagkakataong magprotesta sa bilis ng mga pangyayari. Napakapit na lang ako bigla sa gilid ng mesa, a
Hindi ko akalain na nakasulpot siya sa likuran ko at hindi ko napansin ang presensya niya. Ganoon ba kalalim ang iniisip ko? Medyo nakayuko siya, nakasilip sa mukha ko, at nakatukod ang isang kamay sa mesa ko. Ang isa niyang kamay ay malayang nakabitin, parang handang hawakan ako sa anumang pagkakataon. “It's been two weeks ago, Yeon Na. Two weeks na tayong nag-low key. Bakit parang nasanay ka na yata, samantalang ako, heto, nagmamakaawa sa iyo na patulugin mo na ako sa condo unit ko,” panimula niya na naman. Ayan na naman siya sa pagmamakaawa niyang magsama kaming muli sa condo unit. Hindi ko naman siya pinagbabawalan na pumunta doon dahil sa kanya naman ang unit, pero dapat kung tutungo siya roon, wala dapat ako. “Sire, bumalik ka na sa loob ng opisina. Nag-meryenda lang ang mga empleyado mo. Babalik na rin sila maya-maya,” saad ko sa kanya, at pilit siyang tinutulak palayo. Pero ayaw niyang paawat. Muli siyang yumuko, hinawakan ang leeg ko, at siniil ang labi ko. Hindi niya ak