Share

Chapter 118

Penulis: Anne Lars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-13 22:21:37

“Sinasabi ko na nga bang bakla ka,” komento ni Natasha kay Gabriel kaya mabilis siyang napatayo.

“E-Excuse me, ako bakla? Of course not! Tinuturuan ko lang si Sire kung anong gagawin niya sa paparating na birthday celebration ng Chairman,” mabilis niyang paliwanag sa kanyang dating asawa.

“Bakit ka defensive?” bira ni Nath.

“Of course... alangan namang suportahan ko ang sinabi mo,” sagot niya. Napa-tsk si Natasha at nilagpasan kaming dalawa. Pareho naming sinundan ng tingin ang papalayo niyang anyo.

“Ikaw ba ang nagsulat ng script na ’to?” usisa ko kay Gabriel noong tuluyan nang nakalayo si Nath. Napangiti lamang siya.

“Ang galing. Ikaw na rin kaya ang gumawa? Mukhang perfect execution ang ginawa mo kanina. Muntik na ako mag—YES! I WILL MARRY YOU, GABRIEL!” malakas kong saad habang iniipit ang boses para tunog babae.

Nagtawanan na lang kami bigla, pero kaagad ding nawala ang ngiti ko kaya mabilis rin siyang nagseryoso.

“Hindi ito nakakatuwa, Gabriel,” saad ko sa mabigat na tono
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Author's Note

    Dear readers, nais ko lang pong ipabatid sa inyong lahat ang aking taos-pusong pasasalamat sa patuloy ninyong pagbabasa ng storyang ito. Gusto ko rin pong ipaalam na ang pag-resume ng update para sa librong ito ay magsisimula sa susunod na buwan. Don’t worry, malapit na ring matapos ang kuwentong ito. Kailangan ko lang ihanda ang aking sarili para sa ending, dahil para sa isang author, ang bawat pagtatapos ng fictional story ay parang pakikipaghiwalay sa isang mahal sa buhay. Bilang author, kailangan ko ring maghanda na bitawan ang aking mga characters bago ako magpatuloy sa susunod na love team na aking pagbubuhusan ng atensyon. Sana ay maintindihan ninyo ako. Maraming salamat muli! 💕

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 146

    “Sige na! Kalagan ninyo siya! Dali!” pahiyaw na utos ni Catherine sa tauhan niya. “Putangína naman, bilis! Pakawalan niyo na iyan bago pa maubos lahat ng mga kasamahan ninyo sa labas. Ayaw kong mahuli at masadlak sa kulungan!” sambit niya sa dalawa. Agad nilang kinalas ang tali ni Henry at tinulungan siyang makatayo. “Paano ang babae?” singit ng isa—tinutukoy ako. “Hayaan niyo na iyan! Ayaw ko ring mamatay siya, dahil kapag ginawa natin iyon, sigurado akong hindi tayo titigilan ni lSire hangga’t hindi tayo nauubos lahat! Let’s go! Move! Wala na tayong oras!” hiyaw ni Catherine habang nagmamadali silang kumilos para tumakas. Doon sila dumaan sa likuran. Naiwan akong mag-isa sa loob habang nagpatuloy pa rin ang putukan sa labas. Pagkalipas ng isang oras na putukan, humupa na ito. Isang malakas na boses ang narinig ko sa labas at iyon ang nagpabuhay sa akin. “Yeon Na!? Where are you?!” Sire... “Sire, I am here!” hiyaw ko mula sa loob ng malawak na warehouse. Narinig ko an

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 145

    “Continue the torture! Huwag iyan titigilan hangga’t hindi nagsasalita,” muling utos ni Catherine sa tauhan. Muli nanginig si Henry at napahiyaw.Naibaling ko naman ang tingin kay Elidio nang may tumawag sa cellphone niya.“Sagutin ko lang ito,” paalam niya at mabilis siyang naglakad palabas ng warehouse.“Did you enjoy watching your idiot husband being tortured to death, Elise?” nakangiting tanong ni Catherine sa akin.Muli akong napalingon kay Henry. Halata na ang kanyang panghihina; parang hindi na niya nga kaya pang iangat ang ulo dahil sa natamong kuryente sa buong katawan niya.Kahit galit ako sa kanya, kahit kinamumuhian ko siya, I am not wishing to see him like this, being tortured with a stun gun. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya.“Can you stop torturing him? Mamamatay siya sa ginagawa ninyo. At mukhang hindi niyo siya mapipilit sa gusto ninyo,” sabi ko bago ko siya binalingan ng tingin. Muli siyang napangiti, isang matamis na ngiti.“Kaya nga kita pina-kidn

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 144

    **Yeon Na** Hindi ko maiwasang matulala. They were torturing Henry using a stun gun. Nasa harapan ko siya, tatlong metro lamang ang layo namin. Halos paos na ang kanyang boses kakasigaw dahil sa matinding sakit. Hindi ako makapaniwalang ganito ang gagawin nila kay Henry. Mahigit 30 minutes na ang nakalipas, pilit pa rin nilang pinapaamin si Henry kung saang bank account niya inilipat ang milyon-milyong halagang pera, pero ayaw nitong kumanta. Nagmamatigas pa rin siya sa kabila ng walang-awang pag-torture nina Catherine at Elidio. “Ano? Hindi ka pa rin aamin?” ani Elidio kay Henry. Napailing lang si Henry habang nakayuko ang ulo. Katulad ko, nakatali rin ang mga kamay niya sa likod ng upuang kinasadlakan. “Talagang ang tigas ng bungo ng hayop na ’to! Sige, ituloy niyo ang pagkuryente sa kanya,” inis na utos ni Elidio sa tauhan. Naipaling ko ang ulo ko at napapikit ang mga mata nang muli nila siyang kinuryente. Wala sana siya rito kung hindi rin nila ako nahuli. Hindi kasi alam ni

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 143

    **Sire** “Kumusta po ang iyong pakiramdam, Lolo? Naninikip pa ba ang dibdib mo?” tanong ni Sunshine nang magising na siya. Mahigit isang oras siyang natulog; ngayon lang siya nagising. Inilibot ni Lolo ang paningin niya na parang may hinahanap. Una niyang naitutok ang paningin kay Sunshine na nakatayo sa uluhan niya, sunod kay Sarah na nakaupo sa paanan ng kama. Nang ibaling niya ang tingin sa akin ay saka lamang siya nagsalita. “Si Elise? Bakit hindi mo siya kasama?” mahinang tanong niya. Nagkatinginan kami ni Sarah. “Naiwan siya sa Varatti. Ako lang ang pinapunta niya rito,” tugon ko. Mabilis siyang gumalaw sa kinahihigaan. “Lo, huwag ka munang bumangon,” sambit ni Sunshine, pero hindi nagpapigil si Lolo; bagkus, nagpumilit siyang napaupo sa hospital bed. “Bakit mo siya iniwan, Sire?” agarang tanong niya sa akin, seryoso at mabigat ang boses. Bigla akong dinapuan ng kaba dahil sa paraan ng tanong at sa tingin niya sa akin. “B-Bakit naman po hindi? Hindi po ba dapat?” sagot ko

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 142

    Pagkabalik namin sa Varatti, papasok na sana kami sa building nang biglang nag-ring ang phone niya. Pareho kaming napahinto ni Sire habang nakakapit ako sa braso niya. Mabilis niyang inilabas ang phone mula sa coat pocket at saglit na napasilip sa screen. Si Sunshine ang tumatawag. “Sandali lang, sagutin ko lang ’to, baby,” ani Sire bago niya pinindot ang sagot at idinikit sa tainga ang phone. “Hello, Shine? Bakit? Si Lolo?” agad niyang tanong, bakas ang pag-aalala sa kanyang noo na ngayon ay mas lalong kumunot. Doon ko rin napansin ang biglang pag-iba ng timpla ng kanyang mukha, mula sa pagiging kalmado ay mabilis itong napalitan ng pagkataranta. Kasabay noon, ang malakas na kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may nangyaring masama kay Chairman Vemeer. “Si Lolo, ligtas ba siya? May nangyari bang masama sa kanya?” tanong niyang muli, mas buo ang kaba sa kanyang tinig. Hindi ko namalayang mas mahigpit na ang pagkakakapit ko sa braso niya. “Nasa hospital kayo ngayon? Ayos lang ba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status