Share

003

Penulis: kmn
last update Terakhir Diperbarui: 2023-09-25 16:29:45

Cousin

-

Kaia's

"Sabi ngang hindi na kailangan!"

Sinubukan kong kumawala sa hawak niya, but his firm hands only tightened their grip around me. He continued to carry me like a goddamn bride!

"Stop moving, Kaia..."

Napahinto ako sa paggalaw.

Wait, he knows me?

Hindi ko alam kung guni-guni lang ba iyon na tinawag niya nga ako gamit sa palayaw o ano. I was busy shouting at him nang magsalita siya kanina, so I'm really not that sure if what I heard was right.

Nang makabawi sa panandaliang pagkabigla, pumiglas ulit ako para makawala.

"You're really damn stubborn, you know?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "I told you to put me down! Hindi ka talaga makaintindi!"

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. We were almost out of the parking lot. Wala gaanong tao sa may pathway. Kung mayroon man, naroon malapit sa building at malayo sa amin.

"Oh my god! Put me down! This is... kidnapping!"

Bakit ba walang mga tao rito? Help!

He scoffed at parang natatawa pa. He bit his lip to stop himself from doing so. "Stop overreacting. We're just going to the clinic."

"And you're taking me by force! That is literally the definition of kidnapping!"

Hindi siya ulit nagsalita.

"Ano ba? Ibaba mo na 'ko! Sinabi nga kasing okay na! Okay na!"

"If you don't stop moving, I'll let you fall to the ground..."

Hindi ako makapaniwalang bumaling sa kanya.

"Wow, and now you're threatening me? I didn't even ask for your help! At mas lalong 'di ko hininging buhatin mo ako!"

This guy is so.... ugh! Ang kapal ng mukha para pagbantaan ako!

"Shhh..." Inayos niya ang pagkakahawak sa akin. Kinabahan pa ako nang kaunti dahil akala ko'y ibabagsak niya nga ako nang tuluyan. "Just keep quiet. You talk too much."

I glared at him. Hindi ko siya sinunod at patuloy pa rin sa paggalaw.

"We're almost there. Be a good girl, Kierra Adelaide, and stop moving."

So he really knows me? Ha! I swear, I have never been this irritated with someone in my whole life! Talagang ngayon lang! Sa lalaking 'to!

I bit my lower lip to stop myself from crying. Sa sobrang inis ko kasi ay parang sasabog na ang mga luha ko sa sobrang pagkairita! I can still remember my ruined sketch kaya mas lalo lang ulit akong naiiyak sa inis!

Sinipat niya ako nang manahimik.

Tinitingin-tingin mo dyan? I'll slap you!

He opened his mouth like he was about to say something nang inilag ko ang tingin sa kanya.

I heard him sigh. Hindi na itinuloy ang balak na sasabihin.

Well, good! Because I will freaking strangle him if he says one more word!

Umirap ako sa kawalan at nanatiling tahimik. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarating na rin kami sa clinic. Walang hirap niya iyong binuksan kahit na hawak-hawak ako.

Nang makapasok sa loob, maingat niya akong ibinaba sa isa sa tatlong hospital bed na naroon sa loob.

"Oh, Aril! Ikaw pala! Injured ulit?" kaswal na tanong ng lalaking nakaputing scrub suit. Nakadungaw ito sa kurtina kung kaya't ang lalaki lang sa gilid ko ang nakikita nito. He must be the nurse.

"It's not me. May... natamaan ako kanina sa practice. Baka magpasa kaya dinala ko rito."

"Ha? Sino?"

"Just a bystander..."

By the time the annoying asshole finished what he was saying, doon pa lang ako nakita ng nurse nang iginilid nito nang lubusan ang kulay berdeng kurtinang nagsisilbing divider sa mga kama.

Gulat itong tumingin sa akin at pabalik sa lalaking nasa tabi ko. Then his eyes drifted back to me again.

Napakunot ang noo ko. What's with his weird reaction?

Then slowly, the nurse's lips curved into a smile. Mas lalo tuloy akong na-weirduhan.

"Ah... bystander," may laman at makahulugang sabi ng nurse. Tila ba may pinapahiwatig siya na kung ano ro'n.

My eyebrows furrowed even more.

Tumikhim ito para maitago ang ngiti at lumapit sa akin. Naupo siya sa isang stool sa gilid ng kama. Then he smiled at me again, but this time, it was a gentle one.

He carefully lifted my right hand and examined it. Marahan niya iyong pinisil.

I winced because of the pain. Pulang-pula na ang kamay ko ngayon.

Sinubukan niyang i-check kung may bali o ano, but I told him that I can move it freely. Talagang masakit lang nang sobra dahil sa lakas ng impact ng bolang tumama.

Tumango ito pagkatapos na suriin ang kamay ko. "Ice pack lang 'to. For two days, several times in a day. I'd say three times should be enough, fifteen to twenty minutes. Tapos heating pad or warm compress naman after two days."

Tumayo ang nurse at bumaling sa kasama ko. "Kukuha lang ako ng ice sa cafeteria, dito muna kayo. 'Pag may pumasok, i-pag log in niyo na muna. I'll be right back."

Pagkatapos ng kanyang mga ilang paalala ay umalis na rin ito at iniwan kaming dalawa.

I exhaled sharply. Sinubukan kong tumayo, but the annoying asshole stopped me.

Bwiset! Nasabi ko na bang nakakairita siya? Kasi sobrang nakakairita talaga!

Sinamaan ko siya ng tingin. Bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na siya.

"This is a waste of time. I can treat myself at home," iritado kong sambit.

The annoying asshole, who's apparently named Aril, base sa tawag noong nurse sa kanya kanina, lifted his left brow at me. Pagkatapos ay umiling-iling pa.

"Damn stubborn..." bulong niya na mukha namang sinasadya talagang iparinig.

I frowned at him. "I heard that!"

"Then good. That means your hearing works just fine," pabalang niyang sagot habang umuupo sa stool na inupuan ng nurse kanina sa gilid ng kama.

I gave him a sharp look.

Walang sabi niyang kinuha ang kanang kamay ko kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Sa palapulsuhan siya nakahawak para siguro hindi mahawakan iyong tinamaan.

I was about to remove his hand from me nang magsalita siya ulit.

"I'm sorry..." he said, his voice was hoarse.

Huminga siya nang malalim.

"I tried to yell at you so you could dodge it, but you were busy with something. Hindi mo ata narinig. I'm sorry."

Napakurap-kurap ako at natigilan, hindi inaasahan ang pagiging mahinahon niya bigla. I cleared my throat before answering.

"I told you it's fine," tipid kong sabi at nag-iwas ng tingin.

Nang hindi siya sumagot, muli akong lumingon sa kanya. His eyes were already fixed on mine as if he had been waiting for it.

Napaiwas ulit ako ng tingin dahil hindi ko magawang tagalan ang pagtitig sa kanyang mala-abong mga mata. It's kind of intimidating when they are serious. And intense. And... haunting.

I don't know if it's because of the unique color of his eyes or what, pero para akong napapaso sa paraan ng pagtitig niya.

From my peripheral vision, I saw him lick his lower lip and gently stroke my wrist. "You shouldn't stay at the field if there's a play. It's dangerous."

Kumunot ang noo ko at nagsimula ulit na mairita. "Are you blaming me?"

"It's not—"

Naputol ang sasabihin niya nang panungahan ko agad.

"You just said sorry tapos sasabihin mo na dapat 'wag ako sa field mamalagi kapag may laro? What is it? Victim blaming? Na kaya ako natamaan kasi nandoon ako? Are you kidding me?"

"No—"

"Sana hindi ka na lang nag sorry!" inis kong putol ulit sa kanya.

He let out an exasperated sigh. "That's not what I meant!"

Umirap ako. "Yeah, whatever."

"Will you let me finish first?" frustrated niyang sabi.

"I would appreciate it more if you just shut your mouth."

Napabuntong-hininga ulit siya nang malakas. He muttered something again pero sa sobrang hina, hindi ko na narinig.

Good thing though, mukhang sinunod niya naman ang sinabi ko dahil pagkatapos no'n, nanahimik nga siya.

But then, his hand is still holding mine. Gustuhin ko man sanang iiwas iyon at tanggalin sa pagkakahawak sa akin, pero dahil baka magsalita pa siya ulit, pinigilan ko ang nararamdamang pagkaasiwa.

He's still stroking it, and I can feel every movement of his hands on mine.

I let out a breath I didn’t know I was holding. Mas okay na 'to. At least tahimik siya. It's really much better when he's quiet. Baka kasi kapag binuksan niya pa ang bibig ay lalo lang akong mairita.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Naputol lang iyon nang makabalik na rin sa wakas ang lalaking nurse.

"Here," iniabot niya ang ice pack kay Aril. Tinanggap naman iyon ng huli.

Batid ko na nagtagal ang titig ng nurse sa kamay na nakahawak sa akin. I saw him smile a little because of it! Gusto ko tuloy bawiin agad ang kamay ko!

"For fifteen to twenty minutes, okay? Hindi pwede na lumagpas pa ro'n," dagdag nito.

Aril nodded at him. Pagkatapos no'n ay umalis na ito at iniwan ulit kaming dalawa.

I tried grabbing the ice pack. "Ako na. You can leave now."

Pero iniwas niya lang sa akin at siya na ang naglapat ng ice pack sa kamay ko.

"I'll leave right away after this. For now, I will stay. Baka mamaya ay tumakas ka pa."

I swear, this guy is just... ugh! Kairita!

"Hindi ako tatakas. Akin na sabi para makaalis ka na," mariin kong sambit. Pilit ko na pinapahinahon ang tono ng boses at kinakalma ang sarili mula sa pagsisimula na muling mainis.

Maybe if I talk to him calmly, he'll believe me and leave already?

"Stop being stubborn. Just lie there or something."

Ang buong atensyon niya ay nasa kamay ko. Magaan na nakalapat ang ice pack na hawak niya roon.

"Dude, what happened?"

Hindi ko na naituloy ang sana'y sagot ko sa huling sinabi niya dahil sabay kaming napabaling sa biglaang nagsalita.

Two boys went to us. Naka-jersey din sila pero hindi tulad ng kay Aril na dark green ang kulay. Ang kanila ay pinaghalong puti, itim, at medyo light green.

Ang kaninang nagsalita ay napahinto sa paglapit at nanlalaking mata na nakatitig sa akin. Like the annoying asshole, he's also a bit fair. Matangkad at medyo kulot nga lang ang buhok nito.

The other one with him though is a bit tan. Matangkad din at naka-mohawk naman ang tuwid na buhok.

Both of them have deep-seated brown eyes. Matatangos ang ilong at maganda rin ang tindig. They have this certain aura that they exude just by standing there. Kahit ang nakakairitang katabi ko rin ay gano'n. Iyon ang unang napansin ko sa kanya kanina nang makita ito sa harapan ko.

Based on their jerseys... maybe they are basketball players? Well... I'm not quite sure. I wasn't really a fan of any sports in our school. Pero dahil magkaiba ang design ng jersey nila, then it must be another sport from football.

The three of them could literally pass as triplets on first look dahil sa iilang pagkakahawig. But some of their features have also a bit of distinction from one another kaya batid pa rin ang pagkakaiba nila sa isa't isa.

Kumunot ang noo ko. Baka mga kapatid niya? But they all seem to be the same age.

"Wow. I thought Kuya Pau was kidding," ani noong moreno. Tulad ng naunang nagsalita, gulat din siya at pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ng katabi ko.

Seriously? What's with their shocked faces?

Pinigilan ko ang sarili na mapangiwi.

"What are you doing here?" tanong ni Aril sa mga bagong dating.

"Of course we're worried! Your teammates said you were pulled out of the game. Then Kuya Pau said..." the curly one trailed off. Bumaling ito sa akin at nagtagal ang titig. He had an amused look on his face.

"I'm fine. You can go now. Hindi ako sasabay pauwi."

Tinalikuran niya ang dalawa at binalingan ulit ang kamay ko, as if since he had already dismissed them, they didn't deserve his attention anymore.

"Woah, 'di mo man lang ba kami ipapakilala?" Iyong moreno ulit.

Bumuntong-hininga si Aril at umiling. "No, just get out of here."

"Hi! You're Kaia, right? I'm sorry for my cousin's rude behavior. I'm Dean, and this is Caleb," sambit no'ng kulot at itinuro ang katabi niya. Humakbang ito papalapit sa amin.

Now, I couldn't hide the grimace from my face anymore.

Who are these people and how in the world do they know me?

Sigurado ako na hindi ko sila ka-batch. Because if that's the case, dapat ay pamilyar man lang ako sa kanila pero hindi ko talaga sila kilala.

I'm currently a Grade 10 student right now. Ilang buwan na lang, Grade 11 na. We are already on our fourth quarter. And I'm sure that they are not in lower year either because of their height and built.

So baka ahead sa akin? Maybe senior highs?

Hindi ako sumagot habang puno ng pagtataka ko lang silang tiningnan.

"Did our cousin finally found his balls to—"

"Shut up! Umalis na nga kayo!" iritadong putol ni Aril sa nagpakilalang Dean.

"What? Kararating lang namin!"

"C'mon boys... 'wag niyo na inisin..." singit ng nurse na papalapit sa banda namin at nginitian ang dalawang lalaki. May makahulugan siyang tingin sa kanila sabay nginuso ang kinaroroonan ni Aril sa tabi ko.

"Kuya Pau's right, Dean. Let's go," halakhak no'ng Caleb pagkatapos tanguan ang nurse.

They seemed really close with each other. Kuya pa ang tawag nila rito. Pero sabagay... they look like varsity players. At baka dahil sa dalas na magtamo ng injury kaya siguro sila malapit sa school nurse.

"We were just introducing ourselves, dude! Chill!" si Dean na hindi para matigil.

Aril didn't bother looking at them again. Hindi niya na ulit pinansin ang dalawa at itinuon lang ang buong atensyon sa kamay ko.

"Nice meeting you, Kaia," ngiti ni Caleb sa akin at pilit na hinahatak ang hindi pa rin natitigil sa pagrireklamo na si Dean.

"Nagpapakilala lang naman! Ang damot nito!"

"Go away..." sambit ni Aril.

"Jeez, alright, alright!" Caleb chuckled. "Dean, stop it! Tara na!" Umiling-iling ito habang natatawa.

"Ang sabihin mo threatened ka lang kasi mas gwapo ako sayo," ani Dean. Kumindat pa ito sa akin. "Right, Kaiababes?"

"Out!" sigaw ng katabi ko.

The nurse also helped Caleb forcing Dean to go out. Natatawa ang dalawa habang ang isa ay nagrireklamo kung gaano kalayo ang nilakad nila para lang paalisin agad.

Binalot kami ng katahimikan nang maiwan ulit kaming dalawa sa loob.

The entire fifteen minutes passed by in an awkward silence. Gustuhin ko man sanang magtanong tungkol sa kung paano nila ako nakilala but I refrained myself from asking. Kahit na puno ng kuryusidad, wala pa rin akong balak na makipag-usap sa bwiset na 'to.

Itinabi niya ang ice pack sa isang lamesa malapit sa kama nang tumunog na ang sinet niyang timer kanina.

Umayos ako mula sa pagkakaupo.

"Can I go now?" sarkastiko kong tanong.

Marahan siyang tumango. Sabay kaming tumayo sa pagkakaupo. Inalalayan niya ako agad, his one hand resting on my right arm while the other held my waist.

I stiffened because of it. Marahan akong lumayo.

"Pwede kitang iha—," he was cut off by a call coming from my phone.

At dahil kanang kamay ko ang napuruhan, hirap akong kunin iyon sa bulsa ng palda ko. Nasa kanan din kasi iyon.

Walang sabi niya akong tinulungan na kunin ang cellphone. Agad na nag-init ang pisngi ko sa gulat. Nagkatinginan kami nang iniabot niya iyon sa akin na patuloy pa rin sa pag ring.

His hand was just inside my pocket pero parang wala lang sa kanya!

I looked away from him and answered the call. Ramdam ko pa rin ang init sa aking magkabilang pisngi. Damn it! I know it was an innocent move to help me pero kahit na! We're not close and basically strangers to each other!

"Ma'am andito na po ako sa parking," bungad ng driver namin sa kabilang linya.

"Sige po, Kuya, uh... uhm... I'll be there in a bit."

Binalingan ko si Aril sa aking gilid na seryosong nakatitig sa akin pagkatapos ng tawag. Medyo naasiwa ako dahil hindi ko pa rin makalimutan iyong nangyari kani-kanina lang.

"Uh... o-our driver called. I have to...go."

Napakunot ang noo ko. I don't really know why I'm even saying this to him. Kung tutuusin ay pupwede naman akong umalis na lang nang basta at walang pasabi, hindi ba?

He nodded. Pinasadahan niya ang kanyang may katamtamang haba na buhok. Ang iilang hibla ay bumagsak sa kanyang noo. It reminded me so much of the hair of a young Leonardo DiCaprio. Magkasing-haba sila ng buhok no'n.

Napahinto ako sandali at nagdalawang-isip kung magpapasalamat ba ako o ano.

Totoong inis ako sa kanya, but I shouldn't forget my manners, right?

After all, all he wanted to do was to help me. Talagang ako lang naman ang may ayaw dahil nga masiyado pa akong emosyonal sa nararamdaman tungkol sa sinapit ng drawing ko kanina.

So... I contemplated. Nagtagal pa tuloy ako ro'n nang halos isang minuto.

In the end, I sighed and gave in.

"Uh, thanks," tipid kong sambit at nagsimula na maglakad palabas, not bothering to wait for his reply anymore.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Her Buried Desires   Kabanata 20

    ForgetNagising ako sa marahan na haplos sa aking pisngi. Unang tumambad sa akin pagkadilat ko ng aking mga mata ang mukha niyang nakadungaw. His eyes were gently staring at me.“Did I wake you?” he whispered huskily.Marahan akong napakurap. My head is resting on his arms. Habang gamit ang isang kamay, his thumb lightly caressed my face. Ang buong atensyon niya ay nasa akin.Then I remembered that we slept cuddling with each other last night pagkatapos ng usapan na ‘yon. He didn’t say anything, but he was very touchy after that conversation. His embrace was so tight.At first, I thought that it was awkward. Dahil kahit papaano ay nahihiya pa rin ako at hindi gaanong sanay na ganito na kami kalapit muli. I never really imagined that this day would come. Ang lagi ko lang naiisip noon ay kung papaano kami makikitungo sa isa’t isa pagkatapos ng kasal.But now… here we are.It all felt new and familiar at the same time. Iyong tipong parang bago na hindi. As if it was a hobby that you lear

  • Her Buried Desires   Kabanata 19

    Lost & FoundLumingon ako ulit sa kan’ya at takang tumingin. Wondering what he said was for.“Huh?”Binalingan ko ang hawak niyang phone. Not really sure if he was talking to me or someone else. Pero nakababa naman na iyon at tapos na ang tawag.He sighed and then walked towards me. Pareho na kami ngayong nasa hamba ng gazebo.“I know you’re avoiding me. There’s really no point in denying it. I know. I just want to know why.”My throat ran dry. Akala ko ay tapos na kami sa usapang ‘to. I’ve been trying to have a decent conversation with him pero siya naman itong nanahimik bigla kanina. This was what he’d been thinking?I bit my lower lip and exhaled slowly. Pinag-iisipan kung sasabihin ko na ba sa kan’ya para matapos na pero hindi ko talaga alam kung papaano ko sisimulan.If I honestly admit that I followed him last time, iyong sa ospital, hindi ba pangit iyong tingnan? What I did was really weird and off-limits. Talagang napangunahan lang ako nang hinala kaya ko nagawa. Pero hindi ko

  • Her Buried Desires   Kabanata 18

    LiarNapalunok ako at pinagtuunan na lang din ng tingin ang fountain sa ibaba. Of course I’m guilty. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Umiiwas ako.“Is it really that hard to be honest with me? I just want to know what’s on your mind.”Ako naman ang bumuntong hininga ngayon. Ewan ko ba. Naguguluhan na rin ako.I looked at him. He looked at me too.This time, his eyes seemed to be begging me for something. Batid ko ang magkahalong pagod at pagsusumamo roon.May parte sa akin na gustong sabihin na lang agad sa kan’ya ang tungkol sa nalaman ko noong nakaraang linggo, but another part of me also doesn’t want to hear the end of it. Baka kasi lalo lang akong manlumo sa kung ano mang malalaman ko.I’m not really hoping to rekindle what we had in the past.Kung ano man ang mayroon kami ngayon, gusto kong isipin na dahil lang ito sa napipilitan kami sa sitwasyon na kinapapalooban namin. And whatever happens inside of this situation, gusto kong isipin na labas pa rin doon ang kung anong mayroon

  • Her Buried Desires   Kabanata 17

    DistantThey were sitting facing each other.Kahit na side profile lang ang kita sa babae, I am a hundred percent sure that it was her. Petite and curvy, with porcelain skin and chinky eyes. Nasisiguro kong siya talaga ‘yon.The place around them is also somewhat… familiar. Ilang segundo ko pa napagtanto na iyon ang lugar kung saan kami kumain last time. I can clearly remember the details and the ambience of the place! The same rose and heart decorations...So, I was right? Talagang may iba siya?Then why the hell would he tell me that he loves me? Para saan?At alam ba ng babae niya ang tungkol sa aming dalawa? The arrange marriage? And if she knew about it, what did she do? Pumayag na lang ba siya?It wouldn't make sense if she knew about our situation tapos wala siyang ginawa para mapigilan 'to, hindi ba?Dahil kung ako ang nasa posisyon niya, I wouldn’t let my man marry someone other than me. Kung talagang tunay kaming nagmamahalan, dapat ako lang ang ihaharap niya sa altar at wal

  • Her Buried Desires   Kabanata 16

    PicturePagkaraan ng ilang sandali, kumalma na rin kami ni Mommy. Nagsimula na siyang kumustahin ako tungkol sa trabaho habang nag aayos kami ng mga kubyertos sa hapag.Our conversation earlier made my heart feel lighter somehow.Hindi ko alam na kahit matagal ko na tanggap sa sarili that they will never love me like their real child, kakaibang sarap pa rin pala sa pakiramdam na marinig at maramdaman ang mga salitang 'yon mula sa kan'ya.If someone had told me years ago that I would hear those words from her lips, talagang hindi ako maniniwala.And I really thought that I had been numb for years. 'Yong tipong kahit anong sakit kapag pinapamukha sa aking hindi ako tunay na anak, hindi ko na iniinda. But the conversation we had made me feel a lot of emotions na matagal ko nang itinago. O, baka talagang kahit anong pilit kong maging matatag at umastang sanay na, nanlalambot agad ako kapag ito na ang pinag uusapan. It was really a sensitive matter for me.Natigil lang kami bigla nang may

  • Her Buried Desires   Kabanata 15

    Universes"Happy birthday," bulong ko sa kan'ya habang inaabot ang isang itim na box. Kinagat ko ang labi ko nang kumalas siya sa yakap para makita iyon."What's this?" nakangiti niya iyong inabot."My gift." Pinanood ko siyang buksan 'yon. I carefully watched his reaction.His eyes softened nang makita ang laman ng kahon."I have the same one but it's a bracelet," sambit ko at inangat ang kanang kamay para ipakita sa kan'ya.Inangat niya ang kwintas at marahang hinaplos ang pendant gamit ang hintuturo."Why would you give me this?"Niyakap ko siya ulit bago ako sumagot."Well, it's your birthday and I want to be the first one to greet you and give you a gift kahit bukas pa talaga.""You know you don't have to give me anything, right? You're more than enough, love. I couldn't ask for more as long as you're with me," bulong niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.I smiled kahit nakasalampak ang mukha ko sa dibdib niya at hindi nakikita ang reaksyon ko sa kasalukuyan.I really love it wh

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status