LOGIN
“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na noon pa man!”
— Frances Alva
***
France’s POV
“S-SAAN ang kwarto ko?”
Natigilan si Denmark sa paghakbang sa naging tanong ko.
“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis. Kaya sa kabilang silid ka.” Sabay nguso ng kabilang silid ng bahay niya.
“Pero gusto kong kasama ka sa silid! Paano tayo matatawag na mag-asawa niyan?!” kontra ko.
Natawa nang mapakla si Denmark. “Nakalimutan mo yatang biglaan ang kasal na ito, France.” Hindi ako nakaimik, napalabi lang ako. “At may kawawang girlfriend akong inabandona. Kaya pakiusap, ‘wag mo nang pasakitin ang ulo ko.”
Nagbaba ako nang tingin sa kamay kong nanginginig.
“O-okay. S-sa kabila na ako.” Agad kong iginiya ang sarili ko sa kabilang pintuan. Hindi ko na siya nilingon sa sobrang hiya.
Right after nang pag-uusap ng pamilya namin, nagpatawag agad si Daddy ng judge para maikasal kami. Hindi siya papayag na maagrabyado ako. Kahit na anong paliwanag ni Denmark na walang nangyari sa amin, hindi siya naniwala, kaya ayon, nauwi sa kasalan. At ito, ang unang gabi namin ni Denmark sa bahay niya.
Si Denmark, may sariling bahay na dahil mula naman talaga sila sa mayamang pamilya, plus may sariling business siya.
Malungkot na iginala ko ang mga mata ko nang makapasok. Sayang lang at hindi ko kasama si Denmark sa silid na ito. Pero okay na rin. Balang-araw, mamahalin din niya ako.
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon. Nang pagbuksan ko, isang lalaki at babae na sa tingin ko ay kasambahay ni Denmark.
“Good evening po, Ma’am. Ako po pala si Lerma, ang kasambahay po ni Sir Denmark.” Tumingin siya sa katabi niya. “Si Ronnie, ang personal driver naman po ni Sir,” pakilala niya sa akin na ikinangiti ko.
“Nice meeting you two po,” pakilala ko rin na nakangiti. “Ako naman po si France, a-ang asawa po ng Sir Denmark niyo.”
“S-sabi nga po ni Sir.” Mukhang may naalala si Lerma. “Ipapasok nga po pala namin ang mga gamit niyo po.”
Nasa gilid na pala ng pintuan ang maleta ko bago sila kumatok.
“Tuloy po kayo.” Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok sila. Tinulungan ko rin sila sa pagpasok niyon.
Dahil gabi na, pinagpabukas ko na lang ang pag-aayos sa mga gamit ko. Saka may pasok ako ng 10am kaya kailangan ko na ring matulog. Alam ko ring mamamahay ako sa bahay ni Denmark kaya bumaba ako para magtimpla ng gatas.
“Para po ‘yan sa asawa ko, Ate Lerma?”
“Ay, oo. Mukhang may tatapusin yata ang asawa mo kaya nagpapatimpla ng kape.”
“Ako na lang po ang magbigay sa kanya kaya?” suhestiyon ko kapagkuwan.
“O sige.” Ngumiti ang matanda. “Eh, ikaw, iha, ano ba ang sadya mo rito sa kusina?”
Naupo ako sa upuan habang hinihintay ang kape ni Denmark. “Um, gatas po. Pampatulog lang po.”
“O sige-sige, ako na ang magtimpla.”
Napangiti ako.
“Salamat po!”
Masaya kong hinintay ang hinahanda ng matanda. Sinamahan niya rin ng isang slice ng cake kaya napangiti ako. Parehas pala kaming mahilig sa cake ni Denmark.
Dahan-dahan na umakyat ako sa apat na baytang. Hindi naman ganoon kataas ang bahay ng asawa pero malawak at moderno, kaya maganda na para sa akin. Nga lang, konti lang ang design dahil sa lalaki nga ang may-ari.
Nakadalawang katok ako sa silid niya bago iyon sinundan ng boses ni Denmark.
“Pasok!”
Nakangiting pinihit ko iyon saka binalikan sa malapit na counter top ang dala ko.
Nasa kama si Denmark habang nakaharap sa laptop niya. Busy nga talaga siya.
Matagal kong pinagsawa ang paningin sa gwapong mukha ng asawa. Napansin niya siguro na may nakatingin kaya nag-angat siya nang tingin.
“What are you doing here?” kunot ang tanong ni Denmark, hindi maipinta ang mukha niya.
“Um, dinalhan kita ng kape at cake. Saan—”
“Hindi ako nagugutom, France. Makakalabas ka na.”
“Pero sabi ni Manang—”
“Get out, France. Pakiusap naman, o.” Kahit na hindi mataas ang boses ni Denmark, pero ramdam ko ang kalamigan niyon.
“O-okay. G-good night.” Nagbaba ako nang tingin kapagkuwan at tumalikod na.
Akmang lilingon ako para isara ang pintuan nang biglang sumara iyon. Nagulat pa ako kaya muntik nang mahulog ang laman ng tray na dala ko.
“O, akala ko ba magkakape si Sir?”
“H-hindi na raw po.”
Kita ko ang pagkunot ng noo ng matanda bago iyon kinuha sa akin.
“S-salamat po rito, Ate Lerma.” Kinuha ko ang baso na may lamang gatas at umakyat na. Pero bago ko buksan ang pintuan ng silid ko ay sumulyap ako sa pintuan ni Denmark.
Hindi niya talaga ako gustong makita. Paano na ‘yan?
Alas otso y medya ako nagising kaya nagmadali ako. Baka ma-late ako kaya singbilis ni Flash akong nagligo at nag-ayos.
Sakto lang ang paglabas ko, papalabas na rin si Denmark sa silid niya.
“Morning. Papasok ka na?” masayang sabi ko.
Hindi niya ako narinig, kunwa’y inabala niya ang sarili sa pagtingin sa relong pambisig niya. Dahil doon, nagmadali ako para habulin siya.
“Ihahatid mo ba ako? Madadaanan mo naman ang university namin sa pagpasok, right?” kausap ko pa sa kanya.
Gaya kanina, wala akong narinig na sagot mula kay Denmark kaya nakaramdam ako ng lungkot.
“Uy, Denmark. Naririnig mo ba ako?”
Tumigil si Denmark at binalingan ako. “Can you please shut your mouth? Ang dami kong iniisip. Saka pwede bang bawasan mo ang pagiging papansin mo? Naiirita ako, e.” Sinabayan niya nang pagkamot sa noo.
Napayuko ako. “Gusto ko lang naman itanong kung ihahatid mo ba ako.”
“Hindi. Okay na?”
“P-pero—”
“Nandyan si Ronnie, siya ang maghahatid sa ‘yo, hindi ako.”
Napatitig ako sa kanya. “Drop mo lang naman ako, a.”
Natawa siya nang mapakla. “Sa hindi nga ako dadaan sa university niyo, kaya kay Ronnie ka na lang magpahatid.” Saglit siyang natigilan. “O ‘di kaya, kumuha ka ng driver sa bahay niyo. Tutal naman ikaw ang may gusto sa kasalan na ito, e. Kaya dapat lang na gawan mo nang paraan ‘yang problema mo.”
“D-Denmark…” tanging sambit ko nang basta na lang niya ako tinalikuran.
France’s POV ISANG mahigpit na yakap ang ginawa ko nang mag-sync-in na sa aking isipan na si Artur na nga ang nasa harapan ko. Nabawasan na ang takot ko kahit na papaano. Ang dibdib ko, kumalma na rin. Natigilan ako mayamaya nang maramdaman ang higpit ng yakap ni Arthur. “I’m here,” anas nito. Sinabayan din niya ng haplos sa aking likod. “Babalik din mamaya ang kuryente,” pagpapakalma niya sa akin. “S-sana nga. Nakakatakot kaya.” “Hayaan mo, hahanapin ko at titingnan ang problema sa labas.” Bigla ko siyang tinulak. “Ano ka, magpapakamatay? Electrician ka ba?” Saglit siyang hindi nakaimik. “H-hindi.” “Hindi naman pala, e. Paano kung makuryente ka? Paano na ako?” pangongonsensya ko. “So, gusto mong dito lang ako sa tabi mo?” Napalunok ako. “O-oo.” Sabay kagat ko ng labi. Natatakot ako, e. “Alangan namang iwan mo ako sa madilim na lugar na ito. Paano kung may lumabas na mumu?” Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat niya. Ilang sandali lang ay kumawala na nga ang tawa
France’s POVNAPASULYAP ako sa lalaking papaupo sa aking tabi. Nakapamulsa pa ito. At dahil wala itong dalang pagkain, napatanong ako.“Nasaan ang pagkain mo?”“Oh. Naiwan ko sa kwarto.”“Ubos na?” Saglit siyang napatitig sa akin bago sumagot ng, “yes.”Ngumiti ako sa kanya bago binalik ang tingin sa kinakain. Akmang susubo ako nang makita ang dalawang palipat-lipat nang tingin sa aming dalawa.“May problema ba?” tanong ko.“Um, wala naman, Miss Ces. Napagtanto ko lang, hindi pala kayo bagay ng Dee namin.”“Huh?” Napakunot pa ako ng noo sa sinabi ni Jericho.“Wala— ouch!” biglang daing niya mayamaya. “Aray ko naman!” Tumingin siya sa baba niya kaya napasilip din ako. Wala namang tatamaan ang paa niya kaya bakit siya napadaing?“Ano ba ‘yon?” tanong ko kapagkuwan. “Wala, Miss Cess.” Natatawang sabi Jericho.“‘Wag ka kasi nakikipag-usap sa dalawang ito, dahil walang matinong usapan kapag sila ang kaharap mo,” ani ni Dee.Hinarap ko ang bagong dating.“Anong walang matinong usapan? Ma
Denmark’s POVHINARAP ako ni Neil pagkalapag niya ng pagkaing niluto ni France. Sa smoy pa lang, mukhang masarap. Bigla akong naglaway. Sinigang na salmon ang niluto ng dating asawa. Hindi ko alam kung anu-ano ang mga naranasan niya rito, sa tingin ko, marami. Independent na rin. Nasa Pilipinas ang pamilya niya pero hindi man lang umuwi para magpa-bebe gaya noon. Mukhang hindi na siya iyong babaeng bukambibig lagi ang magulang o kapatid.“Hindi ka talaga sasalo sa aming tatlo?” tanong nito kapagkuwan. “Hindi na. May gagawin pa ako.” Tumingin din ako sa relo ko. “May meeting pa ako sa secretary ko.”Tumango-tango si Neil sa akin. “Okay. Eatwell!” Hinatid ko nang tingin ang kasamahan na noo'y papalabas. Hindi niya sinara ang pintuan kaya tinawag ko siya pero hindi yata ako narinig. Napailing na lang ako. Tinatamad din akong tumayo dahil gutom na ako.Nakailang subo pa lang ako nang marinig ang malakas na tawanan sa labas. Naririnig ko rin ang boses ni France, masaya habang naki
France’s POV“W-WHO are you?” tanong ko sa kanya.Imbes na sagutin ako, tinalikuran lang niya lang ako.“Mr. O’Conor!” tawag ko sa kanya.Gustuhin ko mang habulin siya pero nakalayo na siya sa akin.Bakit ba niya alam ang pangalan ko?Never kong pinaalam ang buong pangalan ko.Ces. ‘Yan ang pagkakakilala nila sa akin rito kaya bakit niya alam ang pangalan ko? Sino ba talaga siya?Nang bumalik ako sa sala, nakasandal si Kaseem sa upuan habang nakapikit. Ang nagsundo naman sa akin, nasa kabilang dulo ni Kaseem, nakapikit rin. Si Mr. O’Conor, abala sa binabasang dyaryo.“Are you done?” tanong niya nang mag-angat nang tingin sa akin.Nagtatakang tumingin ako sa kanya, pero binaling ko rin mayamaya ang tingin kay Kaseem at sa tauhan niyang nakapikit rin.“W-what happened to them?” nauutal kong tanong.“Oh, don’t worry about them. The’re just sleeping.”“Sleeping?” ulit ko, nanliit pa ang mga mata. “I don’t believe you. What did you do to them? Don’t you know he has so many men around her
France’s POVLumapit ako sa bintana para makita ang paligid. Bumungad sa akin maganda at mapunong kapaligiran. Masasabi kong nasa Thailand pa rin ako. Napapalibutan ng tubig ang bahay. Normal na itong makikita sa Thailand, lalo na kapag traditional houses ito. Modernong Thai house sa tingin ko ang buong bahay na kinaroroonan. Pero wala akong oras na alamin pa kung gaano kaganda kaya pinag-aralan ko ang labas. Nagpakawala ako nang buntong hininga.Mukhang mahihirapan akong makatakas. May nakita akong maliit na bangka, pero maaabutan ako kung kung iyon ang sasakyan ko. Hindi siya bangkang de motor.Marunong ako sa bangkang de motor dahil ilang beses na akong nakagamit niyon dito sa Thailand, lalo na kapag mamasyal kami, maging ang normal na bangka, kaya alam ko kung gaano rin kabagal iyon. Natigilan ako nang maalalang may bisita si Kaseem. Baka sakaling mabaling na roon ang atensyon niya.Kung sino man ang O’Conor na iyon, sana magtagal siya rito. Tumingin ako sa pintuan kapagkuwa
Denmark’s POV“Dee naman, bakit nga kasi na-kidnap si Crush?”Sinamaan ko nang tingin si Jericho. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang iyon. Kanina ko pa actually narinig ‘yan sa kanya, hindi ko lang pinansin dahil abala ako sa paghahanap sa asawa— I mean, my ex-wife.“Will you stop calling her crush! Nakakainis!” Kita ko ang pagkatigil ni Jericho gayon din ni Neil. Nakanganga pa ang labi ng mga ito. Ito marahil ang unang beses na nakita nila akong nagtaas ng boses. Sanay silang kalmado at friendly lang ako sa harap nila. Pero mas madalas akong seryoso.“Relax! Alam ko, nag-aalala ka dahil baka mabulilyaso ang trabaho natin. ‘Wag kang mag-alala— wait.” Tumigil si Jericho nang may mapagtanto. “Kasama ba siya sa trabaho natin?” Napalunok ako.“Kasama man sa hindi, kailangan niya ng tulong dahil kapwa Filipino ngani.” Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti at nasabi iyon ni Neil. Hindi ko na kailangang mag-explain.“Sabagay,” sang-ayon ni Jericho. “Saka kahit na hindi niyo sabihin, haha
Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi s
France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pe
France’s POVNakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan. Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark
France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni







