Share

HLMHF—Chapter 2

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-12-27 11:32:24

France’s POV

Nakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan. 

Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark.

“Manong, pahinto saglit!” pasigaw ko pa na ikina-preno naman niya.

Napatitig ako kay Denmark na papunta ng parking lot. Nandito lang pala siya malapit sa university pero ang sabi, busy siya. Grabe siya. Hindi man lang ako pinuntahan.

Natigilan ako mayamaya nang makita ang papalapit at nakangiting babae. Nilingon pa iyon ng asawa na noo’y nakangiti rin. Kinabig din niya kaya nakapakagat ako ng labi. 

Ang girlfriend niya pala ang kasama niya kaya hindi niya ako masundo.

Kahit na kasal na kami, sila pa rin pala.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanila. Basta namalayan ko na lang may pumatak na luha sa aking mata.

“Ma’am?” untag sa akin ng driver.

“T-tara na po,” malungkot na sabi ko kay Manong.

At habang paalis ang sasakyan ay nakasunod ako nang tingin sa dalawa na naglalandian pa mismo sa pintuan ng sasakyan ng asawa.

Sana all nayayakap ni Denmark. Ako kaya, kailan?

Pumasok ako sa bahay ni Denmark na bagsak ang balikat. Bumati pa sa akin ang kasambahay namin pero hindi ko na pinansin. May sinasabi siya pero hindi ko naiintindihan dahil parang naghiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Napahinto ako nang matapat sa silid ni Denmark. 

Simula nang dumating ako rito, never pa akong nagtagal sa silid niya. Madalas niya akong pinapaalis kapag nakikita niya akong pumapasok.

Lumapit ako sa silid niya at pinihit ang seradura niyon.

Natigilan ako nang bumukas iyon. Nagtatalo pa ang isipan at puso ko kung papasok ba ako. Sa huli, inihakbang ko ang paa ko papasok. 

Masuyo kong hinaplos ang malambot na kama ng asawa. 

Ang girlfriend niya kaya nadala na niya rito?

Sa isiping iyon, may kumurot sa dibdib ko. 

Kailan kaya ako mapapansin ni Denmark?

Sumampa ako sa kama kapagkuwan. Hinila ko ang unan ni Denmark at inamoy-amoy iyon. Ang bango-bango. Parang siya lang ang inaamoy ko. Ganito na ganito ang amoy niya talaga.

Tinanggal ko ang backpack ko at pinatong ko ang librong mahuhulog na pala.

Nahiga ako at niyakap ang unan ni Denmark kapagkuwan. 

Sa ganitong paraan man lang mayakap ko siya. Napangiti ako pero napalis din nang maalala ang babaeng kayakap niya kanina.

Hindi ko akalaing makakatulog ako sa kama ni Denmark. Isang malakas na yugyog ang gumising sa akin.

“Damn it! Anong ginagawa mo rito?!” Galit na boses ni Denmark ang nagpamulat sa akin. 

“D-Denmark,”

“Get out!” Sabay kuha niya ng gamit ko at basta na lang pinatong sa aking kandungan. Nakaupo na ako noon.

Akmang bubuka ang bibig ko nang unahan niya.

“Isang beses pa na pasok, France, iiwan kita rito sa bahay!”

Natakot ako sa banta niya kaya nagmadali akong bumaba ng kama.

“S-sorry.” Yumuko pa ako bago mabilis na iginiya ang sarili palabas.

Saktong paglabas ko ang malakas na paglapat ng dahon ng pintuan nang malakas. Muntik ko pang mabitawan ang bag at libro ko sa pagkagulat. Hindi ko na tuloy mapigilang mapaluha na naman.

Mabilis kong iginiya ang sarili papunta sa silid ko. 

Hindi ko naman sinasadyang makatulog sa silid niya. Wala naman akong balak na gawin iyon.

Napatingin ako sa relong pambisig ko. Alas dos na pala ng madaling araw. 

Ibig sabihin, kapag inaabot si Denmark nang ganitong oras, girlfriend niya ang kasama niya? Talaga bang pambahay lang ako? Kailan ba niya ako ipapakilala sa mga kaibigan niya? 

Kaya dapat gawin ko ang lahat para mapa-inlove siya.

Sa isiping iyon, binabad ko ang sarili ko sa online kaka-research kung paano ba mapa-inlove ang lalaki sa mga gaya ko. 

Natigilan ako nang mabasa ang isa sa suhestyon. Dapat daw marunong magluto? Paano ‘yan? Hindi naman ako marunong magluto. Kailangan ko bang matuto na talaga? Hanggang prito at saing lang ang alam ko. Pero yong mga putahe na paborito ng asawa, hindi ako marunong. Kaya paano siya mai-inlove sa akin?

Kahit na antok, maaga pa rin akong nagising para tumulong sa kasambahay namin. Pero nang sabihin kong gusto kong ipagluto ulit ang asawa, hinayaan niya ako. Kahit simpleng breakfast lang. Sana magustuhan ng asawa.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng mesa nang pumasok si Denmark. Humihikab pa siya. Pero nang makita ako, napatigil siya. Kasunod niyon ang paglukot niya ng mukha niya. Tiningnan pa niya ang mga inihanda ko.

“K-kain na. Luto—”

“Manang, patimpla nga po ng kape,” putol niya sa mga sasabihin ko. “Padala na lang sa kwarto ko.” Sabay talikod niya. Hindi na niya hinintay na sumagot ang kasambahay.

Napalabi na lang ako habang tinatanaw siya na papalayo.

Inabangan ko na matapos si Manang. Nagprisinta ako na magdala baka sakaling inumin niya. 

“Sigurado po kayo, Ma’am?”

Tumango ako sa matanda.

“I-ikaw ang bahala, iha.”

Kabado ako habang dala ko ang tray na may tasa ng kape. Nagbuga pa ako ng hangin para paisin ang kaba.

Kumatok ang tatlong beses bago siya nagsalita.

“Come in!”

Pinihit ko ang seradura at nilakihan ang awang. Nakatalikod si Denmark, may kausap sa cellphone. 

“Palapag—”

Hindi na natuloy ng asawa nang mabalingan ako. Mabilis na tinigil nito ang tawag na iyon.

“Si Manang ka ba? Bakit ikaw ang may dala?”

“M-may ginagawa kasi siya kaya nag… nagprisinta ako.”

“Ikaw ang nagprisinta?” Napailing siya. “Hindi ba kumpleto ang araw mo na hindi ako ginagalit?”

Napalunok ako. “I-I’m sorry.”

Mabilis na nilapag ko ang kape niya sa side table at nagmadaling lumabas. 

Nilingon ko ang silid niya.

“Kailan kaya maayos ang pakitungo mo sa akin?” tanong ko na para bang nasa harap ko siya. “Mag-asawa na tayo. Hindi ba pwedeng bigyan mo ako ng chance na pagsilbihan ka?”

Alam ko naman ang sagot pero natanong ko pa rin iyon. Wala namang sasagot niyan. At kung nasa harap ko naman siya, sigurado akong hindi maganda ang ilalabas ng bibig niya.

Pumasok ako sa unibersidad na wala sa mood. Tahimik lang ako sa gilid. Kahit na paborito ko ang subject, hindi ako nakikinig dahil na kay Denmark ang isip ko. Pakiramdam ko rin bumigat ang dibdib ko.

Sa totoo lang, simula nang magsama kaming dalawa ni Denmark, doon ito nagsimula. Hindi ko alam kung paano ito pagaanin. Pero alam ko, siya lang ang solusyon nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
naku France, hindi mo yan deserve... umalis ka na muna kay Denmark... 12:01, 05Jan26
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 5

    France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni Denmark kaya mabilis kong iginiya ang sarili ko palayo doon. Natagpuan ko ang sarili ko sa gate ng bahay ng asawa. At mula sa kinatatayuan ko, dinig ko ang masayang bonding ng mag-anak sa pool area.Belong ba ako rito? Hindi naman yata dahil una sa lahat, hindi naman ako ang tinuturing na asawa ni Denmark. Kaya bakit pa ako mag-e-effort na kilalanin ang pamilya niya?“Lalabas po kayo, Ma’am?” tanong ng guard na ikinatigil ko.“Safe po ba?” Parang gusto kong magpahangin saglit sa labas. Pakiramdam ko, may pumipiga sa puso ko. Ayokong makita ang dalawa. Hindi ko rin alam kung paano ba kumilos.“Safe naman po sa loob ng subdibisyon, pero late na po, e. Saka magpasama po kaya kayo kay Sir Dende

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 4.1

    France’s POVTAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.“Oh my God! Baka tumaba ka sa ginagawa ni Denmark, iha!” Natawa ako sa narinig mula sa Mama ng asawa. “H-hindi naman po siguro.” Tumingin ako sa asawa na natigilan. Na-realize niya rin siguro na naparami ang lagay niya ng pagkain kaya napangiwi siya. At ang cute ni Denmark sa ginawa niya.After kumain, sa malaking sala nila kami nag-stay. Extended ang kwentuhan namin kaya natutuwa ako. Yes, ako lang ang natutuwa dahil bored na bored na si Denmark. Sobrang abala niya sa cellphone niya. Napansin ko na rin ang tingin ng ina niya kaya hindi na ako nakatiis.“Sabi mo kanina sa sasakyan, may ipapakita ka sa akin sa kwarto mo?”Napatingin sa akin ang asawa.“Huh?” Nang maisip niya kung bakit ko iyon sinabi, napaayos

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 4

    Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi si France. Tama lang na takot siya sa akin para hindi na niya ako maisahan ulit. I’m afraid na magigising ako na nasa iisang kama na naman kami. Ayoko nang dagdagan ang problema ko. May girlfriend ako. At hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi na kasal na ako sa iba– sa mas bata pa sa akin. I’m into mature women.Yes. Kaya mas matanda lang sa akin ng anim na taon ang girlfriend ko. Ayoko kasi iyong alagain talaga, like Frances Alva. Ang asawa ko.Sa mga kwento pa lang ni Kai sa kapatid niya, na-stress na ako. Mas gusto kong mas matanda sa akin talaga kaya wala sa hinuha ko si France na maging asawa. Though alam ko nang matagal na siyang nagpaparamdam sa akin. I even caught her kissing me whi

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 3

    France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pero pinili ko pa ring kumatok para hindi siya magalit. Iniiwasan ko na iyon.Hindi ko tuloy maiwasang mapalabi sa nakikita. Malaya kong pinagsawa ang mata sa kanya.Hindi maikakaila talaga na napaka-kisig ng asawa. Kaya nga nagustuhan ko siya. Oo, gwapo din naman ang kapatid ko at ibang kaibigan niya, pero sa paningin ko, si Denmark ang pinaka-gwapo sa lahat. Saka kapag nakangiti siya, parang nakakalaglag ng underwear.“Ma’am, baka makita po kayo ni Sir na nakasilip dyan. Baka magalit na naman ‘yon.”Napalabi ako nang marinig ang boses ng kasambahay. Lumingon ako sa kanya.“Um, gigisingin ko kasi siya. Araw ng dalaw namin ngayon sa bahay nila.”“Ganoon ba,” anito. “Ako na lang. Sige na, hint

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 2

    France’s POVNakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan. Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark.“Manong, pahinto saglit!” pasigaw ko pa na ikina-preno naman niya.Napatitig ako kay Denmark na papunta ng parking lot. Nandito lang pala siya malapit sa university pero ang sabi, busy siya. Grabe siya. Hindi man lang ako pinuntahan.Natigilan ako mayamaya nang makita ang papalapit at nakangiting babae. Nilingon pa iyon ng asawa na noo’y nakangiti rin. Kinabig din niya kaya nakapakagat ako ng labi. Ang girlfriend niya pala ang kasama niya kaya hindi niya ako masundo.Kahit na kasal na kami, sila pa rin pala.Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanila. Basta namalayan ko na lang may pumatak na luha sa aking mata.“Ma’am?” untag sa akin ng driver.“T-tara na po,” malungkot

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 1

    “Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na noon pa man!”— Frances Alva***France’s POV“S-SAAN ang kwarto ko?” Natigilan si Denmark sa paghakbang sa naging tanong ko.“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis. Kaya sa kabilang silid ka.” Sabay nguso ng kabilang silid ng bahay niya.“Pero gusto kong kasama ka sa silid! Paano tayo matatawag na mag-asawa niyan?!” kontra ko.Natawa nang mapakla si Denmark. “Nakalimutan mo yatang biglaan ang kasal na ito, France.” Hindi ako nakaimik, napalabi lang ako. “At may kawawang girlfriend akong inabandona. Kaya pakiusap, ‘wag mo nang pasakitin ang ulo ko.”Nagbaba ako nang tingin sa kamay kong nanginginig. “O-okay. S-sa kabila na ako.” Agad kong iginiya ang sarili ko sa kabilang pintuan. Hindi ko na siya nilingon sa sobrang hiya.Right after nang pag-uusap ng pamilya namin, nagpatawag agad si Daddy ng judge para maikasal kami. Hindi siya papayag na maagrabyad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status