LOGINDenmark’s POV
NAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.
“Who’s there?!”
Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi si France.
Tama lang na takot siya sa akin para hindi na niya ako maisahan ulit. I’m afraid na magigising ako na nasa iisang kama na naman kami. Ayoko nang dagdagan ang problema ko. May girlfriend ako. At hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi na kasal na ako sa iba– sa mas bata pa sa akin.
I’m into mature women.
Yes. Kaya mas matanda lang sa akin ng anim na taon ang girlfriend ko. Ayoko kasi iyong alagain talaga, like Frances Alva. Ang asawa ko.
Sa mga kwento pa lang ni Kai sa kapatid niya, na-stress na ako. Mas gusto kong mas matanda sa akin talaga kaya wala sa hinuha ko si France na maging asawa. Though alam ko nang matagal na siyang nagpaparamdam sa akin. I even caught her kissing me while I was sleeping. Nasa bahay nila ako noon dahil hinihintay ko si Kai. Pero hindi ko na siya kinompronta noon para hindi na lumaki.
One time, nakiusap sa akin si Kai na sunduin siya. Gugulatin ko sana siya noon pero natigilan ako nang makita ang slam book niya. Tinatapos niyang i-fill ang mga tanong sa slam book na iyon na sa tingin ko, sa akin lang umiikot.
Crush niya ako. At hindi lang iyon, ako ang gusto niyang maging asawa. Kaya simula noon, hindi ko na sinundo si France kapag nakikiusap ang kapatid niya. Kung anu-anong dahilan ang sinasabi ko para lang umiwas. Minsan, ang driver namin ang inuutusan ko para hindi mahalata naman ang pag-iiwas ko. Hanggang sa makilala ko si Carey. Ang long-time girlfriend ko. Pero may problema kami.
Hindi siya gusto ng magulang ko kaya hindi kami legal sa side ko. Kaya nga pagkakataon ng magulang ko ang nangyari sa amin ni France. Na kahit wala namang nangyari sa amin, hindi sila pumayag na hindi ko raw panagutan ang bata. Kaya nga sobrang galit ko sa nangyari sa amin ni France. Pero pinapangako ko sa sarili ko na aayusin ko ito. After a year, gagawa ako nang paraan para maghiwalay kami ni France. Kaso, hindi ko pa napapalam kay Carey. Hindi ko pa kayang sabihin kaya bumabawi ako sa kanya nitong nagdaan.
“S-sir, pinapagising lang po kayo ni Ma’am dahil schedule niyo po ngayon sa bahay niyo po,” ani ng kasambahay ko nang sumilip.
Nasapo ko ang ulo ko. Quarter to six pa lang kaya masakit sa ulo.
Alas tres ba naman kasi ako nakatulog dahil sa trabahong naiuwi ko.
“Okay. Ligo lang ako.”
Ayaw na ayaw ni Papa na nale-late sa almusal kaya kailangan ko nang tumayo. 7am ang usapan sa bahay kaya may 30 minutes kami para mahabol.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas ako para katukin si France,.
“Nasa labas na po si Ma’am, naghihintay po.”
“Excited lang talaga?” mahinang usal ko. Hindi ko na alam kung narinig ng kasambahay.
Paglabas ko nga, nakita ko na si France na masuyong naghihintay sa akin. As usual, hindi naman inaalis ang tingin sa akin. Napahilot na lang ako sa noo ko nang makita ang pag-awang niya ng labi.
May nakita akong langaw na lumilipad kaya binilisan ko ang hakbang. Tumapat ako sa kanya. Nakataas din ang kilay at sinabing isara na ang bibig dahil baka mapasukan ng langaw.
Napatanga lang siya kaya hindi ko maiwasang mapapilig ng ulo.
Head over heels talaga si France sa akin. At naiinis ako tuloy ako. Paano ko siya mapapasuko?
Kahit anong kilos at galaw ko yata, gustong-gusto niya.
Saglit ko siyang pinasadahan nang tingin.
Isang hapit na white midi-dress na may short puff sleeve at square neckline. Cute niya sa suot niya dahil tinernuhan niya ng flat sandals at brown leather na slingbag. Nagmumukhang bata tuloy siya sa paningin ko.
Tahimik lang siya sa passenger seat. Pero napapansin ko ang panay tingin niya sa akin. Kita ko rin ang paglulumikot ng kamay niya kaya bahagyang nagagalaw ang palda niya.
Aminado naman akong maganda ang hubog ng katawan ni France. Ang kikinis din ng legs niya pero sa isiping mas bata siya sa akin, damn! Nakakainis talaga.
Mabuti na lang at hindi traffic. Narating agad namin ang bahay namin.
After reminding France na pakitang-tao lang ang mangyayari ngayon, lumabas na ako.
Napaawang ang labi ko nang bahagya sa kuryenteng dumaloy sa akin. It’s not what you think.
Hindi totoong spark iyon ng love. Na gusto ko pala siya. Hindi totoo ang mga nababasa niyo sa nobela. I love Carey. Kay Carey lang ako naapektuhan.
Pinalis ko sa isipan ang bagay na iyon.
Hindi ko inaasahan na makikita ang kapatid ng ina na bagong dating. Ang alam ko, next year pa siya uuwi dahil hindi nga pinayagan ng boss. Kaso, nakauwi na pala.
Bakit hindi ko alam na umuwi siya?
Aunt Megan was Carey’s best friend!
Fvck!
Kaya ang kaba ko ngayon, sobra na! Hindi ko alam kung paano harapin si Carey oras na malaman niya ito sa Auntie ko! Kailangan kong makausap ngayon din ang nobya ko! Hindi pwedeng maunahan ako ng Auntie ko! I know na walang secret na tinatago ang dalawa sa isa’t-isa kaya sigurado akong lagot ako nito!
Lalo tuloy akong nawalan ng gana ng mga sandaling iyon. What will happen kaya kapag nalaman ni Carey? Hihiwalayan niya ba ako?
No! Hindi ako makakapayag!
France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni Denmark kaya mabilis kong iginiya ang sarili ko palayo doon. Natagpuan ko ang sarili ko sa gate ng bahay ng asawa. At mula sa kinatatayuan ko, dinig ko ang masayang bonding ng mag-anak sa pool area.Belong ba ako rito? Hindi naman yata dahil una sa lahat, hindi naman ako ang tinuturing na asawa ni Denmark. Kaya bakit pa ako mag-e-effort na kilalanin ang pamilya niya?“Lalabas po kayo, Ma’am?” tanong ng guard na ikinatigil ko.“Safe po ba?” Parang gusto kong magpahangin saglit sa labas. Pakiramdam ko, may pumipiga sa puso ko. Ayokong makita ang dalawa. Hindi ko rin alam kung paano ba kumilos.“Safe naman po sa loob ng subdibisyon, pero late na po, e. Saka magpasama po kaya kayo kay Sir Dende
France’s POVTAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.“Oh my God! Baka tumaba ka sa ginagawa ni Denmark, iha!” Natawa ako sa narinig mula sa Mama ng asawa. “H-hindi naman po siguro.” Tumingin ako sa asawa na natigilan. Na-realize niya rin siguro na naparami ang lagay niya ng pagkain kaya napangiwi siya. At ang cute ni Denmark sa ginawa niya.After kumain, sa malaking sala nila kami nag-stay. Extended ang kwentuhan namin kaya natutuwa ako. Yes, ako lang ang natutuwa dahil bored na bored na si Denmark. Sobrang abala niya sa cellphone niya. Napansin ko na rin ang tingin ng ina niya kaya hindi na ako nakatiis.“Sabi mo kanina sa sasakyan, may ipapakita ka sa akin sa kwarto mo?”Napatingin sa akin ang asawa.“Huh?” Nang maisip niya kung bakit ko iyon sinabi, napaayos
Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi si France. Tama lang na takot siya sa akin para hindi na niya ako maisahan ulit. I’m afraid na magigising ako na nasa iisang kama na naman kami. Ayoko nang dagdagan ang problema ko. May girlfriend ako. At hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi na kasal na ako sa iba– sa mas bata pa sa akin. I’m into mature women.Yes. Kaya mas matanda lang sa akin ng anim na taon ang girlfriend ko. Ayoko kasi iyong alagain talaga, like Frances Alva. Ang asawa ko.Sa mga kwento pa lang ni Kai sa kapatid niya, na-stress na ako. Mas gusto kong mas matanda sa akin talaga kaya wala sa hinuha ko si France na maging asawa. Though alam ko nang matagal na siyang nagpaparamdam sa akin. I even caught her kissing me whi
France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pero pinili ko pa ring kumatok para hindi siya magalit. Iniiwasan ko na iyon.Hindi ko tuloy maiwasang mapalabi sa nakikita. Malaya kong pinagsawa ang mata sa kanya.Hindi maikakaila talaga na napaka-kisig ng asawa. Kaya nga nagustuhan ko siya. Oo, gwapo din naman ang kapatid ko at ibang kaibigan niya, pero sa paningin ko, si Denmark ang pinaka-gwapo sa lahat. Saka kapag nakangiti siya, parang nakakalaglag ng underwear.“Ma’am, baka makita po kayo ni Sir na nakasilip dyan. Baka magalit na naman ‘yon.”Napalabi ako nang marinig ang boses ng kasambahay. Lumingon ako sa kanya.“Um, gigisingin ko kasi siya. Araw ng dalaw namin ngayon sa bahay nila.”“Ganoon ba,” anito. “Ako na lang. Sige na, hint
France’s POVNakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan. Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark.“Manong, pahinto saglit!” pasigaw ko pa na ikina-preno naman niya.Napatitig ako kay Denmark na papunta ng parking lot. Nandito lang pala siya malapit sa university pero ang sabi, busy siya. Grabe siya. Hindi man lang ako pinuntahan.Natigilan ako mayamaya nang makita ang papalapit at nakangiting babae. Nilingon pa iyon ng asawa na noo’y nakangiti rin. Kinabig din niya kaya nakapakagat ako ng labi. Ang girlfriend niya pala ang kasama niya kaya hindi niya ako masundo.Kahit na kasal na kami, sila pa rin pala.Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanila. Basta namalayan ko na lang may pumatak na luha sa aking mata.“Ma’am?” untag sa akin ng driver.“T-tara na po,” malungkot
“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na noon pa man!”— Frances Alva***France’s POV“S-SAAN ang kwarto ko?” Natigilan si Denmark sa paghakbang sa naging tanong ko.“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis. Kaya sa kabilang silid ka.” Sabay nguso ng kabilang silid ng bahay niya.“Pero gusto kong kasama ka sa silid! Paano tayo matatawag na mag-asawa niyan?!” kontra ko.Natawa nang mapakla si Denmark. “Nakalimutan mo yatang biglaan ang kasal na ito, France.” Hindi ako nakaimik, napalabi lang ako. “At may kawawang girlfriend akong inabandona. Kaya pakiusap, ‘wag mo nang pasakitin ang ulo ko.”Nagbaba ako nang tingin sa kamay kong nanginginig. “O-okay. S-sa kabila na ako.” Agad kong iginiya ang sarili ko sa kabilang pintuan. Hindi ko na siya nilingon sa sobrang hiya.Right after nang pag-uusap ng pamilya namin, nagpatawag agad si Daddy ng judge para maikasal kami. Hindi siya papayag na maagrabyad







