MasukFrance’s POV
TAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.
“Oh my God! Baka tumaba ka sa ginagawa ni Denmark, iha!”
Natawa ako sa narinig mula sa Mama ng asawa.
“H-hindi naman po siguro.” Tumingin ako sa asawa na natigilan. Na-realize niya rin siguro na naparami ang lagay niya ng pagkain kaya napangiwi siya. At ang cute ni Denmark sa ginawa niya.
After kumain, sa malaking sala nila kami nag-stay. Extended ang kwentuhan namin kaya natutuwa ako. Yes, ako lang ang natutuwa dahil bored na bored na si Denmark. Sobrang abala niya sa cellphone niya. Napansin ko na rin ang tingin ng ina niya kaya hindi na ako nakatiis.
“Sabi mo kanina sa sasakyan, may ipapakita ka sa akin sa kwarto mo?”
Napatingin sa akin ang asawa.
“Huh?” Nang maisip niya kung bakit ko iyon sinabi, napaayos siya nang upo. “O, yes. ‘Yong gift nga pala na pinadala sa akin nakaraan.”
Nakangiting tiningnan ni Denmark ang ina niya. “Okay lang ba kung sa kwarto muna kami, Ma?”
“Sure! Aalis ako ng 9 para mamili ng mga kakainin natin mamayang lunch at dinner.”
“Great!” Masayang tumayo ang asawa at inalalayan ako kapagkuwan.
Napasinghap ako nang kabigin ako ni Denmark. Naramdaman ko rin ang pagtama ng labi niya sa aking buhok na ikinalabi ko. Nagdulot iyon tuloy nang kakaibang init sa akin. Nag-angat ako nang tingin sa kanya pero tinaasan lang ako ng kilay.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nanginginig ako habang naglalakad kami paakyat. Nahalata niya kaya hindi na siguro niya napigilang magkomento.
“What the hell is happening to you?” bulong niya.
“I-I don’t know,” honest kong sagot.
Napailing na lang siya sa sagot ko.
Mabilis ang pagbitaw niya nang makapasok kami sa silid niya. Tapos na ang pagkukunwari kaya hayan na ulit siya.
Iniwan niya ako sa tapat ng pintuan at nagmadaling nahiga sa kama niya.
“Sa couch ka muna. Kailangan ko nang tulog.”
Tumango ako sa kanya at doon naupo. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglibot sa silid niya.
Typical na panlalaki. Walang gaanong mga nakasabit, maliban lang sa jersey na naka-frame pa. Denmark na Denmark ang silid. Blanko. Walang laman na pwedeng pagpiyestahan ng mata ko.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone. Nakatulog din ako dahil pagod din ako nitong nagdaan dahil sa unibersidad. Nang magising ako, lunchtime na. Kasambahay pa nila Denmark ang gumising sa akin imbes na siya. Mabuti at nilipat niya pala ako sa kama kaya hindi nakita na sa couch ako nakatulog.
Bandang hapon nang dumating ang ibang kamag-anak ng mga Mondragon. Hindi ko akalain na celebration pala ang mangyayari. Hindi kasi sila nakadalo sa private wedding na naganap. Hindi din alam ni Denmark na darating sila. Kaya wala kaming ginawa kung hindi ang estimahin sila. May mga regalo rin kaming natanggap kaya napuno ang silid ng asawa. Dumating din ang parents ko kaya masaya akong sinalubong sila. Pero hindi rin naman sila nagtagal dahil may flight sila ng madaling araw.
“Dito na lang po muna,” ani ko sa kasambahay nila na nagdala ng huling regalo.
Ginala ko ang paningin ko sa kama. Napuno ng mga malalaking reaglo at mga sobre.
Ang dami naman.
Akmang kukunin ko ang sobre na malapit sa akin nang marinig ang busina ng sasakyan. Akala ko bisita na naman kaya sumilip ako.
Unang bumaba ang Auntie ni Denmark kaya umatras ako para lumayo, pero natigilan ako nang bumukas pa ang isang pinto.
Nasapo ko ang bibig ko nang mapagsino ang bumaba. Ang girlfriend ni Denmark!
Natigilan ako nang maalala ang sinabi ng Auntie ng asawa na may kikitaing kaibigan. Ang girlfriend ba ni Denmark ang tinutukoy niya? Alam ba niya ang celebration ngayon?
Napasiksik tuloy ako sa mga regalo pagkaalis sa bintana.
Wala si Denmark ngayon sa loob. Nasa baba siya, kainuman ang mga pinsan niya. Umakyat lang ako para i-assist ang kasambahay na nag-akyat ng regalo.
Hindi ko alam kung bababa ba ako o hindi. Ano ang magiging reaksyon ng girlfriend niya kapag nakita ako?
Napalis tuloy ang tuwa sa aking mukha dahil sa pagdating ni Carey. Mahigit tatlumpung minuto na ako sa kwarto ng asawa pero hindi man lang niya ako sinundo. Hinihintay ko ring may kumatok pero wala.
Pero teka, asawa na ako ni Denmark, a?! Bakit ako nagmumukmok dito? Hindi pwedeng maagaw niya sa akin si Denmark! He’s mine!
Tumayo ako at inayos ang sarili. Mabuti at naligo na ako. Nagpapadala ako sa magulang ko ng damit ko nang malamang pupunta sila. Nakaligo na rin ako kaya feeling fresh ako nang humarap nitong hapunan.
Dalawang beses akong nagpakawala ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Ngayon ko pa lang makakaharap ang girlfriend ni Denmark. Hindi pwedeng pangit ako sa paningin niya.
Dinig ko agad ang ingay sa labas. Nasa pool sila pero rinig sa loob dahil sa sliding door na nakabukas. Iyon ang daan papuntang pool kung saan naroon ang mga bisita. Mabuti na lang pala at umalis na ang magulang ko. Dahil kung hindi, baka magkaroon ng guloo.
I know my father. Napaka-overprotective sa amin– lalo na sa akin. Ayaw niyang masasaktan ako kaya iyon ang dapat iwasan ng asawa.
Hindi pa man ako nakakalayo sa pintuan ng silid ni Denmark nang mahagip nang tingin ko ang asawa. Hindi ko inaasahan na kasama niya pala si Carey. Nagmamadali silang pumasok sa isang silid sa baba. Pero kung titingnan, parang silid din iyon.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang mawala sila sa paningin ko.
Hindi kaya pinapunta siya talaga dito ni Denmark?
Lungkot na naman ang bumalot sa akin. Alam naman nilang nandito ang parents niya, dito pa talaga sila nagkita?
Gusto kong bumalik noon pero na-curious ako sa ginagawa nila sa bahaging iyon. Kaya naman dahan-dahan akong humakbang pababa at tinungo ang kinaroroonan nila.
France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni Denmark kaya mabilis kong iginiya ang sarili ko palayo doon. Natagpuan ko ang sarili ko sa gate ng bahay ng asawa. At mula sa kinatatayuan ko, dinig ko ang masayang bonding ng mag-anak sa pool area.Belong ba ako rito? Hindi naman yata dahil una sa lahat, hindi naman ako ang tinuturing na asawa ni Denmark. Kaya bakit pa ako mag-e-effort na kilalanin ang pamilya niya?“Lalabas po kayo, Ma’am?” tanong ng guard na ikinatigil ko.“Safe po ba?” Parang gusto kong magpahangin saglit sa labas. Pakiramdam ko, may pumipiga sa puso ko. Ayokong makita ang dalawa. Hindi ko rin alam kung paano ba kumilos.“Safe naman po sa loob ng subdibisyon, pero late na po, e. Saka magpasama po kaya kayo kay Sir Dende
France’s POVTAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.“Oh my God! Baka tumaba ka sa ginagawa ni Denmark, iha!” Natawa ako sa narinig mula sa Mama ng asawa. “H-hindi naman po siguro.” Tumingin ako sa asawa na natigilan. Na-realize niya rin siguro na naparami ang lagay niya ng pagkain kaya napangiwi siya. At ang cute ni Denmark sa ginawa niya.After kumain, sa malaking sala nila kami nag-stay. Extended ang kwentuhan namin kaya natutuwa ako. Yes, ako lang ang natutuwa dahil bored na bored na si Denmark. Sobrang abala niya sa cellphone niya. Napansin ko na rin ang tingin ng ina niya kaya hindi na ako nakatiis.“Sabi mo kanina sa sasakyan, may ipapakita ka sa akin sa kwarto mo?”Napatingin sa akin ang asawa.“Huh?” Nang maisip niya kung bakit ko iyon sinabi, napaayos
Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi si France. Tama lang na takot siya sa akin para hindi na niya ako maisahan ulit. I’m afraid na magigising ako na nasa iisang kama na naman kami. Ayoko nang dagdagan ang problema ko. May girlfriend ako. At hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi na kasal na ako sa iba– sa mas bata pa sa akin. I’m into mature women.Yes. Kaya mas matanda lang sa akin ng anim na taon ang girlfriend ko. Ayoko kasi iyong alagain talaga, like Frances Alva. Ang asawa ko.Sa mga kwento pa lang ni Kai sa kapatid niya, na-stress na ako. Mas gusto kong mas matanda sa akin talaga kaya wala sa hinuha ko si France na maging asawa. Though alam ko nang matagal na siyang nagpaparamdam sa akin. I even caught her kissing me whi
France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pero pinili ko pa ring kumatok para hindi siya magalit. Iniiwasan ko na iyon.Hindi ko tuloy maiwasang mapalabi sa nakikita. Malaya kong pinagsawa ang mata sa kanya.Hindi maikakaila talaga na napaka-kisig ng asawa. Kaya nga nagustuhan ko siya. Oo, gwapo din naman ang kapatid ko at ibang kaibigan niya, pero sa paningin ko, si Denmark ang pinaka-gwapo sa lahat. Saka kapag nakangiti siya, parang nakakalaglag ng underwear.“Ma’am, baka makita po kayo ni Sir na nakasilip dyan. Baka magalit na naman ‘yon.”Napalabi ako nang marinig ang boses ng kasambahay. Lumingon ako sa kanya.“Um, gigisingin ko kasi siya. Araw ng dalaw namin ngayon sa bahay nila.”“Ganoon ba,” anito. “Ako na lang. Sige na, hint
France’s POVNakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan. Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark.“Manong, pahinto saglit!” pasigaw ko pa na ikina-preno naman niya.Napatitig ako kay Denmark na papunta ng parking lot. Nandito lang pala siya malapit sa university pero ang sabi, busy siya. Grabe siya. Hindi man lang ako pinuntahan.Natigilan ako mayamaya nang makita ang papalapit at nakangiting babae. Nilingon pa iyon ng asawa na noo’y nakangiti rin. Kinabig din niya kaya nakapakagat ako ng labi. Ang girlfriend niya pala ang kasama niya kaya hindi niya ako masundo.Kahit na kasal na kami, sila pa rin pala.Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanila. Basta namalayan ko na lang may pumatak na luha sa aking mata.“Ma’am?” untag sa akin ng driver.“T-tara na po,” malungkot
“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na noon pa man!”— Frances Alva***France’s POV“S-SAAN ang kwarto ko?” Natigilan si Denmark sa paghakbang sa naging tanong ko.“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis. Kaya sa kabilang silid ka.” Sabay nguso ng kabilang silid ng bahay niya.“Pero gusto kong kasama ka sa silid! Paano tayo matatawag na mag-asawa niyan?!” kontra ko.Natawa nang mapakla si Denmark. “Nakalimutan mo yatang biglaan ang kasal na ito, France.” Hindi ako nakaimik, napalabi lang ako. “At may kawawang girlfriend akong inabandona. Kaya pakiusap, ‘wag mo nang pasakitin ang ulo ko.”Nagbaba ako nang tingin sa kamay kong nanginginig. “O-okay. S-sa kabila na ako.” Agad kong iginiya ang sarili ko sa kabilang pintuan. Hindi ko na siya nilingon sa sobrang hiya.Right after nang pag-uusap ng pamilya namin, nagpatawag agad si Daddy ng judge para maikasal kami. Hindi siya papayag na maagrabyad







