Share

HLMHF—Chapter 5

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2026-01-04 21:42:47

France’s POV

NASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. 

“I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.

Hindi ko kayang marinig ang reply ni Denmark kaya mabilis kong iginiya ang sarili ko palayo doon. Natagpuan ko ang sarili ko sa gate ng bahay ng asawa. At mula sa kinatatayuan ko, dinig ko ang masayang bonding ng mag-anak sa pool area.

Belong ba ako rito? Hindi naman yata dahil una sa lahat, hindi naman ako ang tinuturing na asawa ni Denmark. Kaya bakit pa ako mag-e-effort na kilalanin ang pamilya niya?

“Lalabas po kayo, Ma’am?” tanong ng guard na ikinatigil ko.

“Safe po ba?” Parang gusto kong magpahangin saglit sa labas. Pakiramdam ko, may pumipiga sa puso ko. Ayokong makita ang dalawa. Hindi ko rin alam kung paano ba kumilos.

“Safe naman po sa loob ng subdibisyon, pero late na po, e. Saka magpasama po kaya kayo kay Sir Denden kaya?” 

Napangiti ako nang mapakla. “No need. Busy yata siya, e.” Sumulyap ako sa bahay nila bago humakbang palabas.

Gabi na kaya ramdam ko ang lamig na dumadampi sa akin. Naglakad-lakad ako hanggang sa makalayo sa magarang bahay ng mga Mondragon. Ini-enjoy ko ang mga magagarang bahay na naroon kaya nalibang ako kahit papaano.

“Isn’t it not safe to at this late night?”

Napapitlag ako sa boses na iyon. Nasa tabi ko pala siya. Pero bakit hindi ko siya napansin?

“Who are you?” tanong ko nang harapin siya.

“Jamiel. Cousin ni Denmark.”

“Oh.”

“Tinawag ako ni Kuya Guard at sinabing nasa labas ka raw kaya sinundan kita.”

Kaya naman pala.

“France nga pala,” pakilala ko rin.

“I know.” Ngumiti siya. “Why are you here?” dugtong pa niya.

“Bored lang sa loob,” tipid kong sagot.

“I see. Nawala rin si Denmark kaya umalis din ako. Hindi na ako maka-relate sa laro nila Tita kaya gusto kong magpahangin din sana.”

“Kung ganoon, sabay na lang nating libutin ang subdibisyon.”

Natawa siya. “My pleasure.”  

Minuwestra niya ang kamay. “After you.” 

Nakangiting sinunod ko siya. Sumabay din siya mayamaya. 

Tahimik lang kaming naglakad. Siya ang unang pumutol ng katahimikan na iyon.

“You’re too young para magpakasal. Hindi ka pa raw graduate, a.”

“Wala, e.” Nagkibit-balikat ako. “Na-inlove ako sa pinsan mo, e.”

“Seriously? Hindi ko ini-expect na papatol ang pinsan ko sa bata.”

“Hoy, hindi na ako bata! Dalaga na kaya ako!”

“Parang hindi naman.” Natawa siya nang malakas. “Para kang pinabili lang sa labas ng suka, e.”

“What?”

“Oo nga.”

Natigilan ako mayamaya. Hinawakan ko ang pisngi ko. “Mukha ba talaga akong bata?” seryosong tanong ko sa kanya.

“Yes,” seryoso na rin Jamiel. 

Kailangan ko bang mag-ayos na parang matured na para magustuhan ni Denmark?

***

Denmark’s POV

“Sssh… Palapit si Mommy,” bulong ko kay Carey. 

Nakangiting tinakpan ni Carey ang labi. Sa akin siya nakatingin kaya kita sa mga mata niya.

Akalain mo ‘yon, nakaisang round din kami sa maliit na sulok ng pantry na ito. Hindi na ito ginagamit dahil may bagong gawa sa kabila. Parang gagawing storage are na lang ito. Nandito kami dahil hinila ko siya papaunta rito. Hindi ko gustong nakikitang galit siya. Alam na niyang kasal ako sa mas bata sa kanya.

“I want more, babe,” bulong mayamaya ni Carey sa akin kaya napangiti ako.

“Hindi pwede. Baka hanapin na tayo sa labas. Saka nasa taas si France baka makita niya tayo.”

Nakita ko ang pagbahid ng lungkot sa mukha niya.

“Babe, apat na buwan lang ang ibibigay ko sa ‘yo. Dapat makumbinsi mo na siyang makipag-annul sa ‘yo.”

“Promise, babe,” sagot ko. Hinalikan ko siya sa noo niya nang masuyo.

Natagalan din akong mag-explain sa kanya kanina. Mabuti at naiintindihan niya ako. Siniguro ko sa kanya na walang nangyari sa amin ni France at hinding-hindi ko magugustuhan ang batang iyon. 

Never kong na-imagine na inangkin si Franc. Para lang siyang kapatid ko.

Pinauna kong palabasin ang nobya bago ako sumunod. Imbes na sa labas, sa silid ko ako nagpunta para puntahan si France.

Kunot ang noo ko nang hindi siya madatnan doon. Bumalik ako sa pool area pero wala siya roon.

“Bakit hindi na bumaba si France, anak?”

Napalunok ako. 

“H-hindi po ba siya bumaba?”

“Hindi, e,” sagot ni Mama.

Where is she? Umuwi na ba siya?

Tinungo ko ang gate at nagtanong sa guard.

“Ay, naglibot-libot po. Pinasundan ko nga po kay Sir Jamiel dahil mag-isa lang po siya.”

“Damn it! Akala ba niya, playground ang subdivision?”

Kinuha ko ang susi ng motorsiklo at sinuyod ang tinuro ni guard. Malayo pa lang pero tanaw ko na ang dalawang naglalakad. Medyo maingay sila kaya rinig ko. 

Napakunot ako ng noo nang maupo si Jamiel sa gutter ng kalsada. Tinampal niya ang tabi, na para bang sinasabi kay France na maupo sa tabi niya. Ginawa naman iyon ng asawa kaya hindi nawala ang kunot ko ng noo.

“What on earth are they doing?” naisatinig ko nang makita ang ginagawa nila.

Bato-bato pick? 

Bata ba sila?

Natigilan ako.

Si France, bata pa. Pero si Jamiel? Damn! Kasing edad ko lang siya!

Napaawang ako ng labi nang masayang pitikin ni France ang pinsan. Dinig ko rin ang matitinis niyang tawa, gayundin si Jamiel.

So, naglalaro sila ng bato-bato pick? At kung sino ang matatalo, pipitikin?

Natalo si France kaya pinitik din ng pinsan sa noo. Pero mukhang napalakas kaya napadaing ang asawa.

“Aray ko naman, Jamiel!” 

“Sorry-sorry! Napalakas pala.”

Hindi ko inaasahan ang pag-ihip ng pinsan sa noo ni France.

What the heck? Pumayag si France? Nakalimutan ba niyang kasal siya sa akin? Bakit kung anu-ano ang ginagawa niya? Bakit kailangang sa labas pa gawin?

Inis na pinaandar ko ang motorsiklo at huminto sa tapat nila. 

Gulat na napaangat ang asawa.

“D-Denmark,” anas niya.

“Get in,” utos ko. Sinaman ko nang tingin ang pinsan na noo’y napaseryoso na.

“Maglalakad na lang ako. Kasama ko naman ang—”

“I said, sumakay ka na, France!” 

Nabigla siya sa pagsigaw ko kaya napapitlag siya. Tumayo din siya mayamaya at lumapit sa akin.

“M-mauna na ako, Jamiel. Nice meeting you.”

“Bye, France!” nakangiting sagot naman ng pinsan, na ikinaikot ko ng mata. Ang baduy nila.

Nagbaba ako nang tingin sa katawan ko. Hindi nakakapit sa akin si France kaya napailing ako. 

Binalingan  siya at kinuha ang kamay niya para iyakap sa aking baywang. Alam kong nabigla siya dahil na naman sa pagsinghap niya. 

“Kumapit ka dahil baka mahulog ka,” ani ko, sabay paharurot niyon paikot ng subdibisyon, hanggang sa makarating sa bahay namin.

“Next time, magpapaalam ka kung lalabas ka. Hindi iyong paghanapin mo ako,” inis na sabi ko sa kanya at basta na lang siya iniwan na nakaupo pa sa upuan ng motorsiklo ko. Patay naman na ang engine kaya safe naman siya. Nakatukod na rin naman ang stand.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Tingnan natin Denmark pag natauhan yang si France at deadmahin ka na. Although masakit din sa POV nyo ni Carey ang nangyari, pero wala eh kayo ni France ang nakatadhana. Di kasi close sina Kai at France, nagseselos pa nga si Kai sa atensyon ng magulang, kaya negative nakukwento nya abt li’l sis nya.
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
nawala yung mgaq comment ko.. galit o selos Denmark?? si France bato-bato pick lang... ikaw nakabembang...
goodnovel comment avatar
Nepomocino Harden
iwanan mo nlng kaya yan kakainis para marealize niya na inlove na pala siya sa bata hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 5

    France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni Denmark kaya mabilis kong iginiya ang sarili ko palayo doon. Natagpuan ko ang sarili ko sa gate ng bahay ng asawa. At mula sa kinatatayuan ko, dinig ko ang masayang bonding ng mag-anak sa pool area.Belong ba ako rito? Hindi naman yata dahil una sa lahat, hindi naman ako ang tinuturing na asawa ni Denmark. Kaya bakit pa ako mag-e-effort na kilalanin ang pamilya niya?“Lalabas po kayo, Ma’am?” tanong ng guard na ikinatigil ko.“Safe po ba?” Parang gusto kong magpahangin saglit sa labas. Pakiramdam ko, may pumipiga sa puso ko. Ayokong makita ang dalawa. Hindi ko rin alam kung paano ba kumilos.“Safe naman po sa loob ng subdibisyon, pero late na po, e. Saka magpasama po kaya kayo kay Sir Dende

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 4.1

    France’s POVTAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.“Oh my God! Baka tumaba ka sa ginagawa ni Denmark, iha!” Natawa ako sa narinig mula sa Mama ng asawa. “H-hindi naman po siguro.” Tumingin ako sa asawa na natigilan. Na-realize niya rin siguro na naparami ang lagay niya ng pagkain kaya napangiwi siya. At ang cute ni Denmark sa ginawa niya.After kumain, sa malaking sala nila kami nag-stay. Extended ang kwentuhan namin kaya natutuwa ako. Yes, ako lang ang natutuwa dahil bored na bored na si Denmark. Sobrang abala niya sa cellphone niya. Napansin ko na rin ang tingin ng ina niya kaya hindi na ako nakatiis.“Sabi mo kanina sa sasakyan, may ipapakita ka sa akin sa kwarto mo?”Napatingin sa akin ang asawa.“Huh?” Nang maisip niya kung bakit ko iyon sinabi, napaayos

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 4

    Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi si France. Tama lang na takot siya sa akin para hindi na niya ako maisahan ulit. I’m afraid na magigising ako na nasa iisang kama na naman kami. Ayoko nang dagdagan ang problema ko. May girlfriend ako. At hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi na kasal na ako sa iba– sa mas bata pa sa akin. I’m into mature women.Yes. Kaya mas matanda lang sa akin ng anim na taon ang girlfriend ko. Ayoko kasi iyong alagain talaga, like Frances Alva. Ang asawa ko.Sa mga kwento pa lang ni Kai sa kapatid niya, na-stress na ako. Mas gusto kong mas matanda sa akin talaga kaya wala sa hinuha ko si France na maging asawa. Though alam ko nang matagal na siyang nagpaparamdam sa akin. I even caught her kissing me whi

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 3

    France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pero pinili ko pa ring kumatok para hindi siya magalit. Iniiwasan ko na iyon.Hindi ko tuloy maiwasang mapalabi sa nakikita. Malaya kong pinagsawa ang mata sa kanya.Hindi maikakaila talaga na napaka-kisig ng asawa. Kaya nga nagustuhan ko siya. Oo, gwapo din naman ang kapatid ko at ibang kaibigan niya, pero sa paningin ko, si Denmark ang pinaka-gwapo sa lahat. Saka kapag nakangiti siya, parang nakakalaglag ng underwear.“Ma’am, baka makita po kayo ni Sir na nakasilip dyan. Baka magalit na naman ‘yon.”Napalabi ako nang marinig ang boses ng kasambahay. Lumingon ako sa kanya.“Um, gigisingin ko kasi siya. Araw ng dalaw namin ngayon sa bahay nila.”“Ganoon ba,” anito. “Ako na lang. Sige na, hint

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 2

    France’s POVNakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan. Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark.“Manong, pahinto saglit!” pasigaw ko pa na ikina-preno naman niya.Napatitig ako kay Denmark na papunta ng parking lot. Nandito lang pala siya malapit sa university pero ang sabi, busy siya. Grabe siya. Hindi man lang ako pinuntahan.Natigilan ako mayamaya nang makita ang papalapit at nakangiting babae. Nilingon pa iyon ng asawa na noo’y nakangiti rin. Kinabig din niya kaya nakapakagat ako ng labi. Ang girlfriend niya pala ang kasama niya kaya hindi niya ako masundo.Kahit na kasal na kami, sila pa rin pala.Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanila. Basta namalayan ko na lang may pumatak na luha sa aking mata.“Ma’am?” untag sa akin ng driver.“T-tara na po,” malungkot

  • Her Love Marked Him First   HLMHF—Chapter 1

    “Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na noon pa man!”— Frances Alva***France’s POV“S-SAAN ang kwarto ko?” Natigilan si Denmark sa paghakbang sa naging tanong ko.“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis. Kaya sa kabilang silid ka.” Sabay nguso ng kabilang silid ng bahay niya.“Pero gusto kong kasama ka sa silid! Paano tayo matatawag na mag-asawa niyan?!” kontra ko.Natawa nang mapakla si Denmark. “Nakalimutan mo yatang biglaan ang kasal na ito, France.” Hindi ako nakaimik, napalabi lang ako. “At may kawawang girlfriend akong inabandona. Kaya pakiusap, ‘wag mo nang pasakitin ang ulo ko.”Nagbaba ako nang tingin sa kamay kong nanginginig. “O-okay. S-sa kabila na ako.” Agad kong iginiya ang sarili ko sa kabilang pintuan. Hindi ko na siya nilingon sa sobrang hiya.Right after nang pag-uusap ng pamilya namin, nagpatawag agad si Daddy ng judge para maikasal kami. Hindi siya papayag na maagrabyad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status