Mag-log inAy, bakit ka nagpunta dyan, France? Para uminom? Selos ka ba? HAHAHAHA
France’s POVNatigilan ako sa pagsimsim ng alak nang makilala ang taong naupo sa aking tabi. Saktong sa bandang iyon ako bumaling kaya nakilala ko siya kaagad. “France? Right?”Saglit kong tinitigan si Mave bago tumango.As if hindi kami nagkita sa taas. Pero ano ang ginagawa niya rito? Tapos na silang magkuwentuhan?“May kailangan ka?”“Wala naman.” Ngumiti siya. “Magaling naman palang pumili si Denmark.”“Pumili ng?” Sabay kunot ko ng noo.“Nothing.” Bumaling siya sa bartender. “Cherry Manhattan, please.” Hindi ko maiwasang titigan ang babaeng katabi ko. Ang ganda niya. Natural na ganda, kumbaga. Wala man lang bakas ng gamot o siyensya. Para talaga siyang hinulma para maging isang Goddess. Everything about her looked effortlessly beautiful, mula sa flawless niyang balat at ang perpektong ilong hanggang sa kaakit-akit niyang mga mata. Infairness, bagay sila ni Denmark.I wonder kung—Pinilig ko ang ulo bago pa ako mag-isip ng kung ano. Nandito ako para maglibang, hindi ang mag-isip
France’s POVMaingat kong nilinis ang sugat ni Denmark habang nakaupo siya sa gilid ng bathtub. Bahagyang nakakunot ang noo niya sa bawat dampi ng bulak sa sugat na tinamo niya nang mabaril habang nakikipagbuno kay Kaseem, ayon sa kanya.“Hold still,” saway ko nang gumalaw siya.“I am holding still, France. Ikaw lang yata ang masyadong excited na hawakan ako.”Napataas ang tingin ko sa kaniya. “Gusto mo bang dagdagan ko ang sakit na nararamdaman mo?” Pinahalata ko ang inis sa sinabi niya. May time pa siyang magbiro talaga?Pero hindi ko maiwasang ikumpara siya sa Denmark na nakasama ko noon. Maybe ganito siya sa mga taong hindi siya kinukulong or naging mabuti sa kanya. Kinulong ko ba naman siya sa kasal na ayaw niya.Tumawa siya. “If it means you’ll keep touching me, I might consider it.”Sumilay ang ngisi sa labi niya.Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang paglilinis sa sugat niya.Nang subukan kong alisin ang bala na naiwan sa laman niya, napahigpit ang hawak niya sa gilid ng
France’s POV Pabalik-balik lang ang ginawa ko nang makabalik sa hotel. Naiinip ako dahil wala pa si Denmark. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ng mga Huang sa hotel pero wala pa rin siya. What if may masamang nangyari sa kanya? I’m so angry dahil sa paglihim niya nang matagal sa akin at panlilinlangan pero may utang na loob ako sa kanya. Iniligtas niya ako kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. Talaga? Alala lang ba? Pinilig ko ang ulo ko at muling humakbang para iwasan ang katanungang iyon sa aking isipan. Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang pag-unlock ng pintuan ng hotel na tinutuluyan namin. Nang mapatingin ako doon, tumigil din si Denmark. Mataman niya akong tinitigan bago ngumiti, ngiti na alangan. “A-are you okay? Nasaktan ka ba? Patingin nga?!” nag-aalalang tanong ko nang lapitan siya. Sinipat ko ang suot niya sa mabilis na paraan. May mga dugo akong nakita sa suit niya kaya lalo akong nag-alala. Sa isip ko, may sugat siya kaya pilit kong hinubad ang suo
France’s POV“It’s been a long time, Ces,” nakangiting bati sa akin ni Kaseem, na ikinalunok ko. “I mean, France. Sorry about the confusion”Dumiin ang pagkakakapit ko sa damit ni Denmark. Marahil naramdaman niya kaya tumingin siya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang pinagsiklop niya sa kamay namin.“Let her go, Kaseem,” mariing sabi ni Denmark. “What do you mean, let her go? I’m not trying to take her away from you. I’m here to warn her.”Napakunot ang noo ko.Babalaan? Tungkol saan?“Warn me about what?” tanong ko, halata sa boses ko ang pagkalito.Imbes na sagutin ako, tumingin siya ng deretso kay Denmark. Nag-usap ang mga mata nila.“About him.”Sinundan ko ang tingin niya at bumaling sa dati kong asawa. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nagkasalubong na naman ang mga tingin nila.“Or should I call you... Arthur O’Conor?”Natigilan ako sa pangalang narinig. Sino ang tinatawag niyang Arthur?“Kaseem!” Tumaas ang boses ni Denmark, at halata rin ang pagbabanta kaya napatitig ak
Denmark’s POVHindi ko maiwasang mag-alala para kay France nang makita si Kaseem. Mabuti na lang at hindi niya ito nakita. Kaya naman mabilis ko siyang iginiya pabalik sa taas.Nagpadala ako ng mensahe sa dalawa, kay Neil at Jericho, at sinabing pupunta ako sa room nila. Bumungad sa akin ang ilang bote ng beer na nasa mesa habang nanonood ang dalawa ng palabas.“May time pa talaga kayong uminom?”“Pamapatulog lang ‘to, Dee. Okay?” Si Jericho. Lumagok pa siya. “Ah, sarap talaga.” Pumikit pa siya pagkatapos na sabihin iyon.Naiiling na naupo ako sa harap nilang dalawa. Kumuha na lang din ako ng bote at nagbukas ng beer saka lumagok. “As expected, Kaseem is here,” ani ko.Natigilan si Jericho. “Ambilis naman! Bakit walang tumawag sa amin? Saan siya dumaan?”“Saan pa nga ba dadaan? Baka nag-Malaysia. Since iyon ang pinakamalapit then nag-Saba.” Si Neil ang sumagot. I agree with Neil.Matindi ang grupo ni Kaseem, nakalusot sa mga port. “Tell headquarters to dig up everything they can
France’s POVNakakapit ako kay Denmark nang pumasok kami sa malaking bahay na iyon ni Mr. Huang. Ngayon ko lang napag-alaman na engagement party pala ng nag-iisang anak niya. Sa mga nakikita ko, halos mga businessman ang naroon. Pero nahagip ng mata ko ang Mayor ng Makati kaya nasabi kong may mga politician din. May ilang personalidad din akong nakita kaya masasabi kong hindi basta-basta si Mr. Huang.Hindi ko akalaing kilala rin si Denmark ng mga naroon. Maraming lumapit sa kanya at nakipag-usap.“So, you two are back together?” tanong ni Mr. Ram Antonio ng isang kilalang kilalang dealer ng mga sasakyan. Sa tabi niya, isang magandang babae na kanina pa titig na titig kay Denmark.Hindi ko lang akailaing kilala nila kami bilang mag-asawa. Bihira naman akong sumama noon kay Denmark dahil nag-aaral pa ako. Saka bilang lang sa daliri ko na sinama niya ako. Sa pagkakaalala ko, kapag family gatherings lang nila ako nakakapunta.Tumingin si Denmark sa akin bago sumagot. “No,” sagot ni Denm
Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi s
France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pe
France’s POVNakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan. Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark
“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na noon pa man!”— Frances Alva***France’s POV“S-SAAN ang kwarto ko?” Natigilan si Denmark sa paghakbang sa naging tanong ko.“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis.







