MasukFrance’s POV
ARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako.
Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya.
Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pero pinili ko pa ring kumatok para hindi siya magalit. Iniiwasan ko na iyon.
Hindi ko tuloy maiwasang mapalabi sa nakikita. Malaya kong pinagsawa ang mata sa kanya.
Hindi maikakaila talaga na napaka-kisig ng asawa. Kaya nga nagustuhan ko siya.
Oo, gwapo din naman ang kapatid ko at ibang kaibigan niya, pero sa paningin ko, si Denmark ang pinaka-gwapo sa lahat. Saka kapag nakangiti siya, parang nakakalaglag ng underwear.
“Ma’am, baka makita po kayo ni Sir na nakasilip dyan. Baka magalit na naman ‘yon.”
Napalabi ako nang marinig ang boses ng kasambahay. Lumingon ako sa kanya.
“Um, gigisingin ko kasi siya. Araw ng dalaw namin ngayon sa bahay nila.”
“Ganoon ba,” anito. “Ako na lang. Sige na, hintayin mo na lang ang pagpunta ko.”
Tumango ako sa kanya.
“Who’s there?!”
Nagmadali akong humakbang pabalik ng silid ko nang marinig ang tanong ni Denmark sa loob. At huling narinig ko na lang ang sagot ng kasambahay na siya ang nagsalita kanina dahil sa tanong ko umano kung gising na ba siya.
Haist. Lagi na lang akong ganito sa t’wing lalapitan si Denmark. Hindi man lang ako makapasok para sabihin na aalis kami. ‘Yong kahit na sagutin niya ako sa seryoso, hindi iyong pasinghal.
Binalikan nga ako ng kasambahay. Maliligo lang daw si Denmark tapos aalis na kami. Doon kasi kami mag-aalmusal dahil iyon ang usapan.
Ang usapan kasi ng magulang namin, every two weeks ang bisita namin sa kanila. At ngayon, schedule nga sa parents niya.
Nauna akong lumabas dahil baka sabihin super tagal ko naman. As usual, nakanganga na naman ako sa asawa ko nang lumabas ng pintuan.
Street wear lang naman siya pero gwapung-gwapo talaga ako sa kanya. Boxy-fit white shirt at may minimal na print na black. Tapos ang pambaba niya ay track pants na may details na red and black paneling. Bumagay naman ang white sneakers niya.
Athletic siya talaga tingnan din. Madalas siguro siya sa gym din. Pero bakit parang hindi ko pa siya nakitang mag-gym sa bahay niya? O baka ayaw niyang ipakita sa akin. Pero sigurado akong nag-gym siya talaga.
“Shut your mouth kung ayaw mong pag-fiestahan ng langaw ‘yan,” ani ng asawa nang lapitan ako.
Mabilis kong sinara ang bibig kong nakaawang. Hindi ko napansin na nakaawang pala siya.
Nakakahiya tuloy.
Mabilis ang naging kilos ko dahil sumakay na agad siya sa sasakyan niya. Hindi man lang talaga ako pinagbuksan. Napaka-ungentleman naman talaga ng asawa ko! Pero naiintindihan ko siya. Pasasaan ba at magiging okay na kami. Titiisin ko ang trato niya dahil nararamdaman kong magwo-work din ang relasyon namin.
Tahimik lang siya habang nasa biyahe kami. Diretso lang ang tingin niya pero ako, pinagsasawa ko ang paningin ko sa kanya. Kapag babaling siya sa akin, agad kong inaalis.
In fairness, hindi niya ako sinusungitan ngayon. Marahil araw ng bisita namin sa parents niya kaya pahinga muna.
Ito ang pangalawang beses na makikita ko ang magulang niya kaya kabado ako. Wala namang pinapakita na hindi maganda sa akin pero kinakabahan pa rin ako. Paano kung sa una lang iyon? Paano kung sa gitna pala ng pagsasama namin ni Denmark, ipapakita sa akin ang attitude ng mga biyenan ko? Kaya dapat hindi mangyari iyon.
Akmang tatanggalin ko ang seatbelt sa akin nang magsalita si Denmark.
“What happens in my home stays in my home,” firm niyang sabi na ikinatigil ko. Napatitig pa ako sa kanya. “Understood?”
“O-okay.” Nagbaba ako nang tingin kapagkuwan para itago ang lungkot.
Hindi talaga pwedeng ipaalam sa magulang niya ang trato niya sa akin dahil mayayari siya sa magulang ko.
“I just want to remind you. Don’t take what happens later too seriously.”
“Huh?” naguguluhang sabi ko.
Ano ba kasi ang mangyayari mamaya? Meron ba?
“I’m going to pretend that we’re good. Naiintindihan mo na?”
Oo nga pala. Lahat ng ipapakita niya ngayon sa harap ng magulang niya ay pagkukunwari lang. Pero okay lang. Maranasan ko man lang maging sweet siya sa akin, sobrang saya ko na.
Lumabas na siya kaya agad kong tinanggal ang seatbelt. Itutulak ko sana ang pintuan nang unahan niya ako.
Nagmadali rin pala siya para ipagbukas ako ng pintuan.
Naglahad siya ng kamay kaya napatitig ako doon.
“Gusto mo bang mag-stay sa loob o papasok ka?” untag niya sa akin.
Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para tanggapin ang nakalahad niyang kamay, pero natigilan ako nang maramdaman ang kuryente. Nagkatinginan pa kaming dalawa pero binawi niya rin naman kaagad.
“Thanks,” masuyo kong sambit.
Hindi siya sumagot. Sinara niya ang pintuan at hinigit ang kamay ko para pagsiklupin iyon sa kamay niya. Napansin ko na agad ang magulang niya, si kaya napangiti ako, maging si Denmark.
“Kumusta ang buhay may-asawa, iha?” nakangiting tanong ng ginang sa akin, si Mrs. Margie Mondragon. Mabilis kong hinalikan siya sa pisngi at nginitian. Kumapit din ako sa braso ng ginang, gaya ng ginagawa ko sa ina.
“N-naninibago po.” Tumingin ako kay Denmark na noo’y seryosong nakamasid sa amin. Marahil, inaabangan niya na baka magsumbong ako.
Tumawa ang ginang. “Ganyan talaga sa una. Pero masasanay ka rin.” Tumingin ang ginang sa anak. “Kumusta naman ang pakikitungo ng anak ko sa ‘yo? Hindi ka naman ba pinapahirapan?”
“Ma!” dinig kong tawag ng asawa sa ina.
“H-hindi po, Ma. A-actually, sweet nga po siya sa akin.” Nakangiti ako ng mga sandaling iyon, hindi pinapahalata na gawa-gawa ko lang iyon. “Hatid-sundo nga po niya ako sa school. Tapos pinagluluto pa po ako.”
Nanlaki ang mata ng ina niya. “Talaga?!” hindi makapaniwala ang ginang. “Ibig sabihin, marunong na siyang magluto?”
“Ma, I know how to cook. Damn it!”
“Marunong pala, e. Kapag ako ang naglalambing na ipagluto mo, hindi ka marunong. ‘Yan ang sinasabi mo lagi, ‘di ba?!”
Napalabi ako. Hindi pa naman niya ako napapagluto talaga, e. Never pa. Kaya same sentiment kami ng ginang.
“Sa dami ng cook mo, bakit pa kita ipagluluto? Alam ko namang napakaselan ng panlasa— ouch!” daing ng asawa nang bigla na lang siyang hampasin nito sa braso.
“Hindi ka talaga marunong maglambing sa Mama mo! Oo maselan ako, pero pagdating sa luto ng mga mahal ko, kaya kong mag-adjust!”
Akmang hahampasin niya ulit ang anak nang lumabas ang isang babae.
“O, Megan. Gising ka na pala,” ani ng ginang sa lumabas. “Aalis ka?” Nang mapagtanto na nakabihis ito.
“Yes, Ate. May imi-meet lang akong friend.”
Sa akin ang tingin niya kaya ngumiti ako.
“O. Nga pala. Siya si France, ang asawa ng pamangkin mo.”
“What? Kailan siya nag-asawa, Ate?!” hindi makapaniwalang sambit nito.
“It’s a long story.” Hinawakan ng ginang ang kamay ko. “Siya nga pala si Megan, ang bunso kong kapatid ko. Kakabalik lang niya from States kaya wala siya nang ikasal kayo.”
Kapatid pala siya ng ginang? Aba’y ang bata naman.
“H-hello po,” magalang kong bati sa kanya.
“Hi.” Halata ang pagkadisgusto niya. Tumingin siya sa asawa na noo’y kumakamot sa ulo. “You actually married a young woman? I thought it was–”
“Let’s go. I’m hungry.” Nabigla ako sa biglang paghigit ni Denmark sa akin mula sa Mama niya. Napasunod na lang ako para hindi naman halatang kaladkad.
Bumaling ako sa Tita niyang halos ka-edad niya, nagpapaalam na sa mag-asawa. Pero hindi mawala sa isipan ko ang sasabihin sana ng Tita niya.
Sino kaya ang tinutukoy niya? Ang kasalukuyang girlfriend ba ni Denmark? Kung siya nga, ibig sabihin, may alam siya? Eh, ang magulang niya?
France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni Denmark kaya mabilis kong iginiya ang sarili ko palayo doon. Natagpuan ko ang sarili ko sa gate ng bahay ng asawa. At mula sa kinatatayuan ko, dinig ko ang masayang bonding ng mag-anak sa pool area.Belong ba ako rito? Hindi naman yata dahil una sa lahat, hindi naman ako ang tinuturing na asawa ni Denmark. Kaya bakit pa ako mag-e-effort na kilalanin ang pamilya niya?“Lalabas po kayo, Ma’am?” tanong ng guard na ikinatigil ko.“Safe po ba?” Parang gusto kong magpahangin saglit sa labas. Pakiramdam ko, may pumipiga sa puso ko. Ayokong makita ang dalawa. Hindi ko rin alam kung paano ba kumilos.“Safe naman po sa loob ng subdibisyon, pero late na po, e. Saka magpasama po kaya kayo kay Sir Dende
France’s POVTAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.“Oh my God! Baka tumaba ka sa ginagawa ni Denmark, iha!” Natawa ako sa narinig mula sa Mama ng asawa. “H-hindi naman po siguro.” Tumingin ako sa asawa na natigilan. Na-realize niya rin siguro na naparami ang lagay niya ng pagkain kaya napangiwi siya. At ang cute ni Denmark sa ginawa niya.After kumain, sa malaking sala nila kami nag-stay. Extended ang kwentuhan namin kaya natutuwa ako. Yes, ako lang ang natutuwa dahil bored na bored na si Denmark. Sobrang abala niya sa cellphone niya. Napansin ko na rin ang tingin ng ina niya kaya hindi na ako nakatiis.“Sabi mo kanina sa sasakyan, may ipapakita ka sa akin sa kwarto mo?”Napatingin sa akin ang asawa.“Huh?” Nang maisip niya kung bakit ko iyon sinabi, napaayos
Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi si France. Tama lang na takot siya sa akin para hindi na niya ako maisahan ulit. I’m afraid na magigising ako na nasa iisang kama na naman kami. Ayoko nang dagdagan ang problema ko. May girlfriend ako. At hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi na kasal na ako sa iba– sa mas bata pa sa akin. I’m into mature women.Yes. Kaya mas matanda lang sa akin ng anim na taon ang girlfriend ko. Ayoko kasi iyong alagain talaga, like Frances Alva. Ang asawa ko.Sa mga kwento pa lang ni Kai sa kapatid niya, na-stress na ako. Mas gusto kong mas matanda sa akin talaga kaya wala sa hinuha ko si France na maging asawa. Though alam ko nang matagal na siyang nagpaparamdam sa akin. I even caught her kissing me whi
France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pero pinili ko pa ring kumatok para hindi siya magalit. Iniiwasan ko na iyon.Hindi ko tuloy maiwasang mapalabi sa nakikita. Malaya kong pinagsawa ang mata sa kanya.Hindi maikakaila talaga na napaka-kisig ng asawa. Kaya nga nagustuhan ko siya. Oo, gwapo din naman ang kapatid ko at ibang kaibigan niya, pero sa paningin ko, si Denmark ang pinaka-gwapo sa lahat. Saka kapag nakangiti siya, parang nakakalaglag ng underwear.“Ma’am, baka makita po kayo ni Sir na nakasilip dyan. Baka magalit na naman ‘yon.”Napalabi ako nang marinig ang boses ng kasambahay. Lumingon ako sa kanya.“Um, gigisingin ko kasi siya. Araw ng dalaw namin ngayon sa bahay nila.”“Ganoon ba,” anito. “Ako na lang. Sige na, hint
France’s POVNakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan. Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark.“Manong, pahinto saglit!” pasigaw ko pa na ikina-preno naman niya.Napatitig ako kay Denmark na papunta ng parking lot. Nandito lang pala siya malapit sa university pero ang sabi, busy siya. Grabe siya. Hindi man lang ako pinuntahan.Natigilan ako mayamaya nang makita ang papalapit at nakangiting babae. Nilingon pa iyon ng asawa na noo’y nakangiti rin. Kinabig din niya kaya nakapakagat ako ng labi. Ang girlfriend niya pala ang kasama niya kaya hindi niya ako masundo.Kahit na kasal na kami, sila pa rin pala.Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanila. Basta namalayan ko na lang may pumatak na luha sa aking mata.“Ma’am?” untag sa akin ng driver.“T-tara na po,” malungkot
“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na noon pa man!”— Frances Alva***France’s POV“S-SAAN ang kwarto ko?” Natigilan si Denmark sa paghakbang sa naging tanong ko.“As I promised sa parents mo, magtatapos ka muna bago ka mabuntis. Kaya sa kabilang silid ka.” Sabay nguso ng kabilang silid ng bahay niya.“Pero gusto kong kasama ka sa silid! Paano tayo matatawag na mag-asawa niyan?!” kontra ko.Natawa nang mapakla si Denmark. “Nakalimutan mo yatang biglaan ang kasal na ito, France.” Hindi ako nakaimik, napalabi lang ako. “At may kawawang girlfriend akong inabandona. Kaya pakiusap, ‘wag mo nang pasakitin ang ulo ko.”Nagbaba ako nang tingin sa kamay kong nanginginig. “O-okay. S-sa kabila na ako.” Agad kong iginiya ang sarili ko sa kabilang pintuan. Hindi ko na siya nilingon sa sobrang hiya.Right after nang pag-uusap ng pamilya namin, nagpatawag agad si Daddy ng judge para maikasal kami. Hindi siya papayag na maagrabyad







