“Anong sabi mo? Nilandi ko ang pinsan mo? Hindi ba't the nerd ang tawag mo sa akin, nag-level up na ba? Naging malanding the nerd na?” Ramdam ko ang pagsingaw ng init sa ulo ko. Kumulo ang dugo ko. Bumitiw ako sa stand. Kung kanina ay lumalayo ako nang lumapit siya. Ngayon ay ako naman ang lumapit. Gusto kong hampasin ang mukha niya. Nakakapanggigil. Walang kurap akong tumitig sa hambog niyang pagmumukha. Naikuyom ko pa ang kamao ko sa puntong halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko.“Maang-maangan ka pa, pumatong ka nga—”Mapakla akong tumawa. Napapailing pa ng paulit-ulit. “Iyan ba ang sinabi niya? Pumatong ako? At talagang naniwala ka? Kung ikaw kaya ang patungan ko? Tatayuan ka ba?” walang preno kong tanong. Nasobrahan yata ako sa tapang ngayon at kung ano-ano na lang ang lumabas sa bibig ko. Nahiya akong bigla. Parang umurong ang dila ko at bigla rin akong nanghina. Pero pinilit kong ‘wag magpahalata. Nagtapang-tapangan pa rin ako, kahit ang totoo ay naduduwag na naman ako.
“Huh? Ako takot na takot?” turo niya ang sarili, nanlaki pa ang mga mata at matagal bago nasara ang bibig. “Ano ka ba, Erica, hindi ako takot, nagulat lang. Bigla ka ba naman kasing nagsalita. Tinataboy ko pa nga ‘yong makulit kong manliligaw na sira-ulo.” Tumitirik ang mga mata ni Myra habang nagsasalita. “Manliligaw mo ‘yon?” duda kong tanong. Hindi ko pa rin siya nilubayan ng tingin. At kitang-kita ko ang hindi maperme niyang mga mata. Parang pinagmumura niya ‘yong lalaki sa isip niya. “Ibang klaseng manliligaw pala ‘yon, dinaig pa si Reynald sa kulit. Pati rito sa hospital ay talagang sinundan ka?” sabi ko na parang naniniwala na rin sa sinasabi niya. “Kaya nga, ang kulit! Nakakainis, ilang ulit ko nang tinangihan at tinaboy, sige pa rin. Nakakainis talaga ang mga lalaki ‘no?” dagdag niya pa.“Sinabi mo pa. Lahat ng lalaking nakilala ko puro tarantado.” Sandali akong tumahimik. Naalala ko na naman kasi ang kapatid ko. Pansin ko, nitong mga nagdaang araw, lagi ko nang naaalala a
"Hindi ko sinasadya," nanghihina kong sabi at parang maduduwal na naman. Alam ko na may kasalanan ako, pero hindi ko kayang sabihin ang salitang sorry. Ang bigat sa loob ko na mag-sorry sa mga tao na una namang nanakit sa akin. "Ano ba? Sh*t, ang baho! Panira ka talaga ng araw!” Parang maduduwal na rin siya habang nakatingin sa sapatos niya. “Do something, the nerd! Wipe it!” pasikmat na naman niyang utos. Imbes na sumunod sa utos niya. Akmang susukahan ko pa uli siya. Ang bilis niyang umatras. Ang arte-arte nagtakip pa ng ilong. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Are you pregnant?" pasigaw niyang tanong kasabay ang pagtaktak sa sapatos niya. “Sira-ulo ka rin talaga ‘no.” Napapikit na naman ako. “Porke’t sumuka, buntis kaagad?” Gusto ko sana siyang sagutin ng bongga. Gusto kong supalpalin ang bunganga niya na dinaig pa ang mga marites sa kanto. Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko, kung hindi lang ako nahihilo at nasusuka, tinalakan ko na siya ng tinalakan hanggang sumabog ang eardr
Taranta akong bumangon nang marinig ang malakas na katok. “Ano ba naman—” Paulit-ulit kong nakusot ang mga mata ko. Lalo akong nadismaya nang makita ang oras. Ala-sais pa lang ng umaga. Antok na antok pa ako.“Myra naman eh!” Papadyak akong lumabas ng kwarto. Alam naman niyang kailangan kong bumawi ng lakas, ang aga pa rin kung mangbulahaw.“Ano ba, Myra—” Naputol ang pagsasalita ko at nanlaki ang mga mata. Nawala rin bigla ang antok nang makita ang pagmumukha ng lalaki na nasa harapan ko—si Justin.Halos lumawa rin ang mata niya at umawang pa ang bibig. Maya maya ay lumunok siya at ngumisi, sabay sabing, “hindi ka pa handa?” Kumunot ang noo ko at umawang pa ang bibig. Para lang naman akong na bobo. Hirap ako na e-proseso ang nangyayari ngayon at nakikita ko. “Huh?” nalilito ko namang tanong. Nakusot ko uli ang mga mata ko. Sinisiguro kung gising na nga ba ako o binabangungot lang. “Ano ba, Erica? Hindi mo ba nabasa ang message ko? Maghanda ka na at aalis na tayo?” sikmat niya. Bah
"Oo o hindi lang ang hinihingi kong sagot, pero ang dami mong satsat!" gigil na sabi ni Justin sa tainga ko. "Lumayo-layo ka, bago pa maubos ang pasensya ko at masakal na kita!" gigil ko na namang sagot sabay hila sa seat back adjuster. "Sh*t! Ang sakit hah!" reklamo niya nang tumama sa mukha niya ang backrest. "Buti nga sa'yo!" pabulong ko namang sabi. Dada pa rin siya ng dada, pero hindi ko na pinansin. Pumikit ako, at pinilit ang sarili na matulog. “The nerd! Gumising ka na!” rinig kong sigaw sa tainga ko. Nakusot ko ang mga mata ko. Pero hindi kaagad dumilat. Antok na antok pa nga ako.“Ang lakas mo humilik!” Malakas na pagsara ng pinto ang kasabay ng sinabi ni Justin.Kita ko na rin si Myra na nakatayo at nakayuko sa harap ng kotse. Busy na naman siya kapipindot sa cellphone niya, at hindi lang simpleng pindot ang ginagawa niya, may kasamang panggigigil. Imbes na mag-enjoy siya sa ganda ng paligid. Mas gusto niya pang e-entertain ang walang kwentang lalaki na sinasabi niya n
“Erica, ano ba! 'Wag mo na nga silang pansinin, alam mo namang papansin talaga ang mga 'yan,” pigil sa akin ni Myra, pero hindi ko na pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at talagang malalaki ang hakbang ko. Alam kong hindi dapat ako maging-involve sa issue nila, pero kinutuban kasi ako habang tanaw ang mga impakta na nagkakagulo sa cottage. Na kay Justin lahat ang tingin nila na ulo na lang ang nakikita habang kumukumpas-kumpas ang mga kamay. Alam ko na totoong nalulunod siya at hindi nagloloko lang. “Erica, ang tigas talaga ng ulo mo,” inis na sigaw ni Myra, pero alam ko namang sinundan niya ako. “Erica, ang kamay mo,” rinig ko pang sigaw niya, as I dived into the water to save Justin. “Kumapit ka,” sabi ko habang hawak na ang bawang niya. Walang salita na sinunod ni Justin ang sinabi ko. Kumapit siya sa baywang ko, at alam kong nasa akin ang tingin niya. Alam kong nagugulo ang utak niya ngayon. Niligtas ba naman siya ng babae na tinatawag nilang nerd. “Reynald, si Justin! Tul
Nanliit ang mga mata ko habang naghihintay sa sasabihin ni Justin na usad pagong kung maglakad. Masakit pa yata ang binti niya dahil sa nangyari kanina. Kita rin ang discomfort sa mukha niya sa kada hakbang niya. Pero pwede naman sana siyang magsalita habang naglalakad, sinadya niya talagang paghintayin ako at painitin na naman ang ulo ko. Humalukipkip ako, sabay sabi, “ano na naman ba ang kailangan mo?” Pero para naman siyang tanga na hindi sumagot at tumitig lang sa akin. “Tara na nga, Erica, wala ayos ang papansin na ‘yan. Sana talaga, hindi mo na lang siya—” “Myra!” Pinandilatan ko siya ng mga mata nang tumahimik siya. Umismid siya pero kaagad namang sinara ang bibig. Kaya lang, mga mata niya ay panay na naman ang titik. Dahil sa bungangang hindi niya ma-control, siya ang nagmumukhang masama, walang awa, at walang puso. Napapailing ako. “Myra naman, hindi ba, sabi ko, iraos na muna natin itong project natin, saka ka na tumodo ng patol kapag tapos na. ‘Yong siguradong wala na
Napangiti ako, all this time, tama ako—tama ang hinala ko na lahat ng ginagawa ni Reynald, are just part of a scheme. Baka akala nitong demonyong si Reynald ay nahuhulog na ako sa palabas niya. Kung patahimikin niya kasi si Shaira, parang feeling niya, um-effect ang pagpapanggap niya. Hindi naman! “Bakit kasi hindi mo sinabi?" iritang tanong ni Shaira, sabay pahid sa luha at lumabi pa. "Bakit hinayaan mo na magalit at magselos ako ng ganito? Nakakainis ka naman e,” nagtatampong sabi pa nito at sinabayan niya pa ng hampas ang pagsasalita niya. Binuksan ko ang pinto, pero bago ko iyon ginawa, siniguro ko muna na matamis ang ngiti ko at kalmadong-kalmado. Ang ganda nga kasi ng mga eksena na nakikita ko, at ang ganda rin ng mga dialogue na naririnig ko. Wala nang lusot si Reynald. Kaya hindi pwede na hindi ako umiksina. Ako nga ang bida dito. Ako ang pinag-uusapan nila at balak lokohin. "Ang ingay-ingay n'yo naman," sabi ko sa mahinahong boses, at syempre may matamis na ngiti 'yong kas