Share

Kabanata 16

“Anong sabi mo? Nilandi ko ang pinsan mo? Hindi ba't the nerd ang tawag mo sa akin, nag-level up na ba? Naging malanding the nerd na?” Ramdam ko ang pagsingaw ng init sa ulo ko. Kumulo ang dugo ko.

Bumitiw ako sa stand. Kung kanina ay lumalayo ako nang lumapit siya. Ngayon ay ako naman ang lumapit. Gusto kong hampasin ang mukha niya. Nakakapanggigil.

Walang kurap akong tumitig sa hambog niyang pagmumukha. Naikuyom ko pa ang kamao ko sa puntong halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko.

“Maang-maangan ka pa, pumatong ka nga—”

Mapakla akong tumawa. Napapailing pa ng paulit-ulit. “Iyan ba ang sinabi niya? Pumatong ako? At talagang naniwala ka? Kung ikaw kaya ang patungan ko? Tatayuan ka ba?” walang preno kong tanong.

Nasobrahan yata ako sa tapang ngayon at kung ano-ano na lang ang lumabas sa bibig ko. Nahiya akong bigla. Parang umurong ang dila ko at bigla rin akong nanghina. Pero pinilit kong ‘wag magpahalata. Nagtapang-tapangan pa rin ako, kahit ang totoo ay naduduwag na naman ako.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Sino kaya Ang kausap ni Myra at ayaw niyang ipaalam ni Erica? Ay natutuwa Ako sa mag-pinsan na mukhang silang dalawa Ang maypagtingin ni Erica.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status