Share

Chapter 1.1

I was in 4th year college when I had a crush

~~~

"Dominic?!", kinikilig kong saad

"Hmm? Ano 'yun?", sabi niya nakatingin parin sa laptop niya, dami niyang ganap eh, hayaan niyo na masipag talaga 'yang best friend ko

"Alam mo ba nagkita kami ni dean kahapon", nakangiti kong sabi, inaalala ang nangyari, nagulat siya ngunit kalaunan ay ngumiti ng nakakaloko

"Ayos kalang ba?", kinapakapa niya pa ang leeg ko "Wala ka namang lagnat ah?", natatawang aniya, pinalo ko ang kamay niya panira talaga! Bakit ganito mga kaibigan parin natin? Hindi man lang marunong mag support

"Ba't ayaw mong maniwala ha? Tsk, imposible ba ang sinasabi ko?", nakataas ang kilay kong tanong, nagtataray

"Napaka--", ngumiti siya "Imposible Elie", napailing-iling pa siya, napanguso nalang ako dahil alam ko namang wala akong makukuhang matinong sagot dito tinanong tanong ko pa

"Alam mo napaka bitter mo talaga! Kaya hindi ka nagkaka girlfriend eh!", singhal ko sa kaniya, purong katotohanan lang naman ang sinabi ko kaya bahala siyang mahurt

"Tsk, syempre hinihintay ko lang na makilala niya ako sa pagkakaalam ko nga eh patay na patay siya sakin", napaismid ako, mayabang nga

"Lul! Galing mong mag-imagine", puna ko sa naisip niya

"Tsk,totoo nga kase", pangungumbinsi naman niya kahit na ayoko namang maniwala

"Hay, Dom puputi ang buhok mo sa kakahintay", sabi ko sabay kain ng chips na kanina ko pa hawak

"Hindi naman ako naghihintay, sa katunayan siya ang naghahabol", natawa ako, grabeng hangin ito at ang layo ng mga sagot niya, jusko

"Ikain mo yan, oh!", sabay bato ko sa kanya ng chips na hindi pa namin nabubuksan

"Aray!", umakto pa siyang nasasaktan, grabe 'to hindi naman 'yun masakit! Parang iiyak pa ang buang! "Sinasaktan mo ang puso ko Eli", saad niya habang nahawak sa dibdib niya, napangiwi na lamang ako, kung hindi ko lang 'to kaibigan sasapakin ko 'to "Joke!", pambawi niya ng makita ang pagmumukha ko

"Hindi magandang biro yun Dom! Ala---", oh sh|t! Napatakip ako ng bibig at sinampal-sampal ang sarili pero nang hindi makuntento ay sinampal ko si Dom, napasigaw siya sa sakit! OA! So ibig sabihin? Uwaaaaaa

Omaygadddd!

Hindi siya panaginip?

Uwaaaaaaaaaaaaaa

"Hindi lang puso ko ang sinasaktan mo, pati mukha ko"

Hindi ko na pinansin si Dom, natulala ako sa lalaking papalapit samin, eto na ba? Tinadhana na ba kami para sa isa't-isa?

Papalapit siya ng papalapit at ako naman etong si tanga hindi mapagilan ang pagkatulala

Naka leather jacket siya tas itim na T-shirt panloob, black pants paired with navy suede shoes

SIZZLING HOT BYBE!

Pag eto rapist, naku hindi na niya ko kailangang pilitin, ako ay willing na willing lalo na't pechay ko'y amazing!

Charot! Harot a!

"Bunganga mo teh isara mo, masyado kang halata sa pagnanasa mo", bulong ni Dom, napaayos ako ng upo, ano ba yan! Kahiya ka Gerlie!

"Magandang hapon dean!", bati ko sa kaniya ng makalapit todo ngiti pa ako kahit nagmumukhang timang

Tinanguan niya lang ako sabay harap kay Dom! Aba close sila? Malilintikan 'tong si Dominic sakin eh!

Nag-uusap sila ni Dom ngunit hindi ko kayang makinig dahil abala ako sa kakasuri sa kanya or should I say nadi-distract ako 

Bihira lang ang mga estudyanteng nakakalapit sa kanya, I mean hindi ka talaga pwedeng lumapit-lapit sa kanya ng walang dahilan pwera nalang kung siya ang magkukusa at swerte kana kapag ganun!

Napalunok ako ng magtama ang tingin namin, nakita ko siyang napangisi, sumenyas kay Dom at biglang lumapit sakin! Shocks

Nagbaba siya ng tingin upang magpantay ang paningin namin, tiningnan niya ako ng maiigi, mas tumindi lalo ang paglunok ko, nilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga nakawalang buhok sa ponytail ko parang tumigil ang paghinga ko

"Stop staring at me, you might like me"

☆☆☆

Whatever I do, images of him continuously pops up on my mind

~~~

"Stop staring at me, you might like me" nilapit niya pa ang mukha sa akin, napapikit siya at napapikit narin ako, unti-unting nang nagkakalapit ang mukha namin, kunti nalang kunti nalang talaga!

Nararamdaman ko na ang paghinga niya, ang puso ko nama'y parang lalabas na sa aking dibdib sa sobrang pagtibok animong kakatapos lang at nasobrahan

Sa pagtakbo, ano ba?

Berde ka ha, bad yan

Nagmulat ako ng maramdamang wala na siya at ayun, na kay Dominic na pala! Bading ba 'yun? Malilintikan talaga sakin yan! Nakakadalawa kana Dom! 

Brizk! Brizk!

Napabangon ako sa tunog ng alarm ko, ay tae! Akala ko totoo na, panaginip lang pala dapat ko nga itong ipagbunyi ngunit sa halip ay naiinis ako! Lagot ka talaga sakin Dom!

Naginat-inat ako at pumasok na sa banyo ng masagawa ko na ang aking orasyon at badtrip ako dahil hindi natuloy ang kiss namin ni dean, kahit man lang sa panaginip makiss ko siya diba? Hayy naku Dom! Kainizzzzzz

Nang matapos na ang orasyon ay nagsuot na ako ng pambahay at lumabas para mag-agahan, ipinagtaka ko pa ang pag-gising ko ng maaga eh wala namang pasok

8:30AM

Maaga iyan, napakaaga ~_-

Kadalasan kase tuwing walang pasok ay nagigising ako ng alas diyes o di kaya ay alas onse, ayun kase sa sabi sabi ay magiging mayaman ka kapag tanghali ka ng gumising

Mayaman sa pagiging tamad ba!

Pababa na ako ng makasalubong ko si yaya sa hagdan, nagtatakang sinuyod niya ako ng tingin marahil dahil sa aking nakabusangot na mukha 

"Good morning ma'am" 

"Hmm, walang good sa morning yaya" mas lalo pa akong napabusangot

"Pupuntahan na sana kita sa kwarto mo para gisingin ka pero gising ka naman na pala at nakapambahay pa? Napagalitan pa nga ako ni ma'am", ang mommy "Dahil tanghali na daw at hindi ka pa gising", tangahali? Ganyan ba kapag matanda? Kahit ang aga tanghali na? "Kakadating lang po nila ng daddy mo galing sa business trip nila sa SorKor", sorKor? SoKor siguro? Amp "Andami po nilang dalang pasalubong sa inyo", ipinamimigay ko naman sa inyo, napairap ako sa sariling naisip "Kumakain na po sila ng umagahan?", umakto pa siyang nag-iisip "Ah hindi tanghalian na po pala, andoon din po pala si Sir Dominyo nakikisalo sa kanila", natawa ako sa tinawag niya kay Dom kunti nalang demonyo na at bagay ngang talaga, pfft "ang ipinagtataka ko po ay bakit nakapambahay ka samantalang----" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya

Ganyan talaga siya madaldal, kung minsan ay kinikuwento pa kahit hindi mahahalagang detalye, ultimo ilang hakbang at ilang kilometrong nilakad mo ay alam niya

Siya si Manang Tessie asawa siya ni Mang Bing ang driver ng pinsan kong si Nicole, magkaiba talaga sila ng ugali, SOBRA!

Iniwan ko na siya doon sa hagdanan, nakakatuyo ng lalamunan iyong kausap, hindi titigil hangga't hindi nagugutom sa kakakuwento

Pagkarating ko sa dining area nakita ko kaagad si Domi at ang loko grabe kung lumamon at aba, mukhang wala ng bukas ah?! Ang aking eggs! Tatlong itlog ba naman ang nasa plato, at kumukuha pa ng isa! Aba! Aba! Aba! Grabe talaga, feeling at home? 

"Aaaaa-rayyy", nabuga niya pa ang itlog na nakain niya, yak!

"Ba't ka andito? Oi mahiya ka nga, antakaw mo ah?", singhal ko sa kanya

"Nakikikain ako obvious naman non? Tsk"

"Nakikikain pa ba tawag diyan?eh parang uubusin mo na 'yang itlog!", mas nadagdagan pa lalo ang inis ko sa kaniya kapag naalala ko ang pinag gagawa niya

"Anak, don't be like that, bisita natin siya", natatawang sabi ni mommy, why is she laughing?

"Kaya nga ang bad ng anak niyo tita", pagsusumbobg pa niya nyenye

"Anong bad kajan?! Itlog ko yan!",

"Kelan ka pa nagka itlog ha?", singhal niya din

Napaisip ako? Nagkaitlog ba ako? Oo! Iyong egg cell! Pero ibang itlog naman yun!

"Mommy", pagmamakaawa ko, nanghihingi ng tulong, napailing lang siya

"Madami pang itlog sa kusina anak, Manang Tessie can cook it for you hayaan mo na si Dom”

"Aish! Ako ang anak niyo! Dad!", kapag hindi makuha kay mommy dalhin kay daddy

"Mommy's right anak, mommy's knows best remember?", kinindatan niya pa ako pagkatapos, napairap nalang ako saka isinantabi ang ito dahil alam ko namang hindi ako mananalo at wala akong kakampi dito, sa ngayon

Napatitig ako kay Dom at bakit naka uniform siya? Walang pasok diba?

"Ba't ka naka-uniform oi?", natatawa kong sabi, mas natawa siya

"Ikaw bakit nakapang bahay ka?" nagtaka ako? Ano bang ibig niyang sabihin?

"Ha?"

"Bungol" *bingi*

"Huya man ta simong bubu ka" *nahiya naman ako sayong bubu ka*

"Bubu?"

"Bungol Bulag = BuBu ,tsk"

"Tsk may pasok tayo girl"

"Omaygash! May pasok you mean to say?”, I was hoping what I'm thinking isn't right dahil kung oo ay lagot na talaga

"Late na tayo", walang pakeng sagot niya hindi man lang talaga nag deny o nagsinungaling man lang

"What the hell" 

"Hell talaga kaya wag na tayo pumasok nakapagpaalam na ako ka dean", prenteng saad niya sabay subo ulit

"Omaygaddd! Nakakahiya! Baka ma turn off siya sakin! Bakit ba ako nalate ng gising? Ayaw pa naman nun sa late!"

*ubo *ubo

Napatingin ako sa umubo at laking gulat ko ng—

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status