Share

Chapter 3.4

"He doesn't like you"

"Ansabi mo ha? Seryoso mo naman masyado"

"Guys we'll go upstairs na we can't bond with you right now kasi anjan na yung trainor ni Alexa, she needs to practice and I need to be there also if you want something just call Manang Daisy or you can see me in the practice room, it's in the third floor", mahabang lintanya ni Yuniza hindi ko pa nga nagets ang sabi ni Dom eh, panira

"Okay naman siguro kami, no need to bother", nakangiting sabi ni Dom ngi wagas makangiti dahil nasa bahay ni crush edi SANAOL

"Okay you can use the entertainment room if you want to", she replied then gave us her genuine smile before grabbing Alexa's hand and directly went upstairs

"Woi anong sinabi mo ha?", pangungulit ko sa kanya, hindi ko kase narinig ng ayos, may pagkabingi pa naman ako minsan

"Nothing, tapos kana?"

"Obviously yes", hayst hindi niya ba nakikitang ubos ko na yung pie? Wala naman akong planong magdagdag pa ng isang slice kung doon palang sa nauna ay wala na akong gana

"Let's go outside", saad niya sabay tayo at pumunta sa aking harapan

"Ha? Eh anong gagawin natin doon?", malamok kaya doon, ang makinis kong skin baka mapuno ng scratches huhu

"Wag kang maarte, naghintay ka nga ng matagal doon kanina tsk", unang tatlong salita lang ang narinig ko at ang iba ay hindi na minsan talaga lakas din ng trip nitong si Dom, kalakasan naman ang pagbigkas ng ibang salita ngunit ang iba ay hinihinaan o sinasadya niya talaga para hindi ko marinig?

"Maraming lamok", pagdadahilan ko pa

"Natural lang yun dahil gabi"

"Aish ayaw", bakit ba kase mapilit siya? Wala ako sa mood magpalamok noh

"Hindi ko hahayaang malamukan ka", mind reader ba toh si Dom? O baka napalakas ang sabi ng isip ko? Hindi naman ganun yun eh

"Ayaw parin"

"Hay tayo na", sabi niya sabay hila ng kamay ko

"Ayaw", pambawi ko naman ng kamay ko sa kanya pero masayang mahigpit ang pagkakahawak niya

"Tayo na"

"Hindi ka nga nanliligaw!"

"Ha?"

"Wag ka ngang magmaang-maangan, hindi ka naman talaga naliligaw kaya pano mo masasabing tayo na?", nakakainis lang ha anong karapatan niyang magsabing kami na? Kung hindi naman ako sumang-ayon sa gusto niya, saka hindi naman talaga siya kase nanliligaw, napatingin ako sa kanya ng bigla nalang siyang humagalpak ng tawa "Bakit ka natawa?", wahhh nakakainis na talaga ha huhu

"Ano bang pinagsasabi mo?", natatawa paring aniya

"Pinipilit mo kaseng tayo na eh hindi naman", siya tong namimilit tapos siya pa walang alam, naku nagkukunwari din tong isang toh eh

"Bakit gusto mo bang ligawan kita?", sabi niya sabay smirk, che hindi bagay!

"Bakit naman ako magpapaligaw sayo ha?", mataray kong sabi mahahampas ko talaga tong lalaking toh kita nyu

"Tsk", kung kanina ay nakangiti siya ngayon naman ay seryoso na siya "Sa tingin mo bakit ko gugustuhing ligawan ka?", hala grabe naman toh oh! Oo na, oo na hindi ko ipagkakailang nasaktan ako doon, hmp is it hard for them to like me? Grabe ka naman Dom! Grabe maganda naman ako ah? Wahhh ano bang ayaw nila sakin?

"Aba ewan ko", sabi ko sabay hila ng kamay ko at pinagkrus sa aking dibdib pero ang ikinagulat ko ay bigla nalang niya itong hinila pabalik at mahigpit na hinawakan saka ako pinatayo "Anu ba ang tigas ng head mo ah!"

"Mas matigas ang sayo Elie", sabi niya at sinumulan ng maglakad wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod sa kaniya dahil hawak niya ang kamay ko at HHWW ba ang tawag dito? Basta ganern dahil kung hindi ay siguradong masusubsob ako sa sahig, nakarating na kami sa labas ng bahay nila Nicole kung saan ako kanina naghintay, binitawan naman niya agad ang kamay ko at ako naman ay dali-daling naglakad pababa ng hagdan, nakalimutan kong sabihing meron pala silang tatlumpung hakbang na hagdan bago makarating sa kanilang malaking pintuan 

"Saan ka pupunta?", nagtatakang tanong niya ng makalahati ko na ang pagbaba sa hagdan 

"Saan pa nga ba? Edi uuwi na", taas-kilay kong sagot

"Uuwi? Hindi pa nga sila tapos mag-usap at sa tingin mo kanino ka naman magpapahatid?", taas-kilay niya ring sabi sabay pag-krus ng kamay sa dibdib, napaisip naman ako, wala nga pala akong dalang sasakyan, nakisabay lang pala ako kay mom at dad, saka ngayon lang din sumagi sa isipan kong nasira na pala ang pinakaiintay kong plano, haysss

"Jan kalang wag kang gagalaw", tsk anu na namang pumasok sa kukote nitong si Dom hay

"Bakit na naman ba?", naiinip kong tanong 

"Maglalaro tayo"

"Ha?"

"Maglalaro tayo"

"Ano?"

"Maglalaro nga tayo", bakit niya ba inuulit-ulit? (=_____=)

"I mean ano namang lalaruin natin para kang sirang plaka", natatawa kong tanong sabay taas ng kilay at krus ng braso

"Tara punta muna tayo sa balon doon sa garden", eh anu namang gagawin namin doon? Kala ko ba laro? Ano papasok kami sa loob ng water well at magtataguan? Charot lang baka yun pa ang ikamatay ko, siya nga pala may garden sila uncle pero hindi doon ang punta namin siguro ay doon sa kabila mga 3 houses away sa bahay ni Uncle, aba maglalakad pa kami really? I'm wearing heels for pete's sake!

"Safe naman toh noh?", tanong ko habang naglalakad kami, naku pag delikado talaga siya nalang gumawa, ayaw ko pang mamatay ano

"Sa tingin mo?", kunot-noong aniya bat ba ang seryoso niya ngayon?

"Ewan ko sayo naiisip ko ba ang naiisip mo? Saka we don't have the same feelings"

"May sinabi ba akong ganun?"

"Shunga ka ba? Ako nga nagsabi eh", nahahawa na rin siguro ang isang toh sa kashungahan ni Nicole bat ba doon siya nagka-crush yan tuloy hay kung ako crush ko Dom malamang malayong malayo ka sa ugali mo ngayon (^_____^)

"Alam mo andami mo pang sinasabi, bakit hindi ka nalang sumunod sakin?", napapa-iling na aniya, malay ko ba I was just thinking about our safety noh 

Gaya nang sinabi niya ay sumunod ako sa kanya, safe naman siguro dito hehe saka nasa loob naman ako ng village nila Uncle kaya safe na safe pero sa kasama ko mukhang hindi ako safe (-____-) charot may tiwala naman ako kay Dom eh

PERO BAKIT NAGDALAWANG-ISIP KA?, hala self excuse me hindi ako nag-double think noh, isa lang yun wag ka ring shunga naku, uso ba shunga ngayon

Nakarating na kami sa water well o balon sa gitna ng malaking garden, buti nalang may mga lamp post sa dinaraanan namin kaya hindi masyadong nakakatakot, at infairness ha may sarili silang lighthouse dito para siguro pag nagtatanim yung mga hardinero para madali nilang makita at maobserbahang mabuti ang itatanim kapag gabi na, concern pala sila sa mga hardinero nila naks naman, hehe parang mali naman ata yung sinabi ko pero d naman shunga

Pumuwesto sa kabilang side si Dom paharap sakin, saka uli nagsalita

"Ang lalaruin natin ay-", ngayon ko lang napansin na nakatutok pala ang ilaw sa mukha ni Dom, hindi kaya siya nasisilaw jan? Tinabingi ko ang aking ulo para pagmasdan siyang mabuti, hindi naman siya matutunaw sa mga titig ko ayos lang yan

Ngayon ko lang nalamang charcoal grey ang kulay ng mga mata ni Dom pamilyar ang matang yan hindi ako sigurado, medyo may kakapalan ang kilay nays ganitong ganito yung bet ko, kung gaano kakapal ang kilay ay ganun din ang kanyang pagmumukha, figuratively not literally okay? Matangos ang ilong, at nasabi ko na bang hehe wag na alam nyu na yan kung hindi nyu alam, edi alamin nyu charot HAHAHA basta alam nyu na next eh, napahagikgik ako sa naisip

"Nakikinig ka ba?", seryoso niya na namang tanong habang diretsong nakatingin sakin, parang kakainin niya naman ako, wag green dai naku hanggang dito alam ko naiisip mo "Hey", he snapped in front of me that's when I got back to my senses

"Yes of course", maikling sabi ko saka umiwas ng tingin bat di ka nalang kasi maniwala? 

"Of course you're not", nagtanong pa alam naman pala, susme anong brand ng tender juicy ang nakain mo?

(A/N: Hindi ako typo jan sa hotdog ah? Si Elie lang talaga yang masyadong ubub)

"Nagtanong kapa dzai", napapairap kong tugon

"So you admit it already? Talagang hindi ka nakinig? Ang haba na ng sinabi ko ah?", inis ba siya sakin? Ngi hindi ko naman kasalanan yun noh sisihin niya sarili niya kaya ako natulala at hindi nakapag-focus sa sinasabi niya "Anong bang dahilan ng pagkatulala mo jan ha?"

"I'm just enjoying the view", nakangiti kong sabi at mas lalo naman siyang nainis

"Do you mean me?", nakangisi na niyang sabi

"Excuses but why would I look at you? I was referring to the flowers and everything in this garden, I'm appreciating the beauty of it", makahulugan kong sabi itinatanggi ang kanyang pinagpipilitan

"I'm the view you cannot forget"

"Okay pardon", pagbabalewala ko sa kanyang sinabi, pinapa-ulit ang mga sinabi niya kanina baka ano na naman kasi ang sabihin at hindi ako makatulog kakaisip mamaya

So ayun nga dahil nakinig ako sa sinabi ni Dom kayo naman ang sasabihin ko, summarized na ito ha, ewan ko ba kay pag nagpapaliwanag detailed ng bongga, so eto na nga binigyan ako ni Dom ng limang barya at siya din ay mayroong ganoon, ang sabi niya ay kailangan naming mag-wish ng kahit na ano sa balong ito, pero dapat take turns kami sa pag-wish, kumbaga pag ako ang naunang mag-wish siya naman sunod tapos ako naman hanggang sa maka-limang wish kami bawat isa at makabuo ng sampung wishes, pero syempre secret lang daw kung anong ni-wish dahil baka hindi magkatotoo pag sinabi namin sa isa't-isa o sa iba pa tapos pagkaraan ng mga taon at natupad ang wish namin babalikan daw namin ang balong ito para makapagpasalamat sa natupad naming wish at para na din daw sa susunod kung hindi man kami ang magsama balang araw ay may ala-ala kaming nagawa at hindi malilimutan, daming alam eh pero okay narin toh para hi di ako maburyo kakahintay kila mom dahil sigurado akong matatagalan naman sila doon

*WISHING WISHING WISH WISH PORTION*

Natapos na namin ang 10 hiling kaya napatalon ako sa tuwa, grabe nakasarap naman pala nito sa pakiramdam ngunit-

"Omyyyy-"

"Careful", nananaway ang kanyang tinig nakahawak ang kanang kamay niya sa aking bewang at ang kaliwa naman ay sinalo ang pouch bag ko, napakalapit namin sa isa't-isa, parang nag-slow motion ang lahat at parang kami lang ang taong nabubuhay sa mundong ibabaw, ay wow edi nasaan ang iba? Sa mundong ilalim? Pero infairness gwapo rin pala toh si Dom sa malapitan, hindi ko kase masyadong naa-appreciate ang handsome face niya ay sanaol HAHAHA pero mas gwapo nga lang si dean hehe, muntikan na akong matumba, dahil sa batong naapakan ko kaya ayun na out of balance ako huhu baka mabagok ako sa pinag-gagawa ko, at tuluyan ng mamatay wahhhhy wag naman d ko pa nararanasang maging jowa si dean hmp at kasunod nun ang malakas na yapak patungo sa aming direksyon, napaayos naman kami ng tayo at napatingin sa likuran namin ng may tumikhim

"Dad?", napatango naman siya at ngumiti kay Dom, akala ko ba nasa conference room pa sila? 

"Gabi na umuwi na tayo", nakangiting sabi niya sa akin "Umuwi ka narin hijo delikado pag-gumabi ka pa, mag-iingat ka"

Nauna nang maglakad sa kotse si dad at kami naman ni Dom ang naiwan

"Stay away from him, his past will ruin you"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status