Share

Chapter 1.2

Dean?

Nilapitan ko pa siya at tinitigan ng mabuti, sinampal ko pa ng malaman kung totoo nga ba talaga ito at hindi panaginip

"Wtf", sabi niya sabay himas ng pisngi niya 

"Omaygad!", sigaw ko at hindi napigilang tumili

Napatingin naman sila Mom sakin at kay dean ng nagtataka

Hindi pa nga ako nakakaget-over sa nangyari last week, I mean that was unbelievable who would have thought na he would approach me right?

Dali-dali akong umupo sa tabi ni mom, twelve sitter dining table siya at pulos painting ng mga bulaklak ang makikita, sa gilid naman ay mayroong vase na may white roses at picture ni Lola ang mommy ni mommy

Si daddy ang nasa center sa right side ay si mommy tas ako, sa left side naman si Dom kasunod si dean, magkaharap kami ni dean same as mommy and Dom

Nagpanic ang maids ng makaupo ako but I immediately stopped them masyado akong good mood

Kumuha ako ng kaunting fried rice, one egg and one strip of bacon at mahinhin na kumain, tahimik lang sila habang pinagmamasdan ako while Dom is in the urge of laughing

Nang makabawi sa pagkabigla ay si mommy ang bumasag sa katahimikan 

"Anak hindi ka ganyan kumain", napatingin naman ako sa kaniya

"Huh?"

"Usually five strips of bacon and three eggs ang kinakain mo and you don't eat fried rice, you hate it", aniya ng may pagtataka

Napaubo naman ako at napainom ng tubig sa sinabi ni mommy, why does she have to say that? I mean nandito si dean for pete's sake, I'm doomed!

How can he fell in love with me kung ngayon palang turn-off na siya?

"I'm in a diet mom", ang nasabi ko nalang

"Reasons", pabulong na asik ni Dom, sasamaan ko sana siya ng tingin ngunit pinagmamasdan din pala ako ni dean na nakahalukipkip at nakataas ang kilay kaya nagbaba nalang ako ng tingin at tinuloy ang pagkain 

Nagdessert kami pagkatapos, chocolate cake na binake ni mom, nagkwentuhan naman na silang apat at ako? Tahimik lang

"Anong trabaho mo Kian?", tanong ni dad, napaangat ang tingin ko dahil doon, Kian ang pangalan ni dean?

"Engineer po", maikling tugon niya

"What school?"

"Medalle University"

"Oh same school as Nicole but she's a Chef, do you know her?", usisa ni dad

"Ah yes, she's actually my---", natigilan si dean dahil sa narinig

"Hello there everyone! Oh, may bisita kayo?" napatingin siya kay Domi at nginitian ito, Hindi ata nakita si dean "I see, Oh hi Elie my favorite cousin!", she cheerfully said

"Gagi eh ako lang naman ang cousin mo tsk"

"Ay ganun ba? HAHAHA", sabay maarteng kumamot sa sentido niya "Anyways I'm here kase Dad wants to have a dinner on saturday, family dinner lang po he'll discuss something important and he wants y'all to come over, ako nalang po ang pumunta dito kase he's busy, ya know, work" napangiwi pa siya habang sinasabi iyon hindi talaga siya sanay sa pagiging busy ng dad niya, an owner of the highest and successful company in Asia nga naman, well our family doesn't have any difference

Kapatid ni mom ang dad ni Nic, and that business was actually from our grandfather pa, Tito Fred, Nicole's father became the owner because he was the eldest among the two of them, my mom was just helping him idunno what's her position and I'm not interested about the company as well as Nicole, kaya 'wag na nating pagkwentuhan iyon

"By the way you can bring someone with you Elie, a date I guess? Or whatever you call it" dagdag niya pa. Wait?! What?!

Date?! 

Nagliwanag naman ang mukha ko nang dahil doon. May naiisip na naman ako

"Yes sure, pupunta kami", mom replied while giving her a genuine smile

"Oh-kay! That's it I'll go ahead na po Alex is waiting in the car kase", nahihiya pa siyang sabihin iyon, tumayo naman si dean at lumabas na ng bahay, anyare dun? "She's joining a pageant so she's kinda busy as of now" 

"Tell Alex to call me if she needs anything", nakangiting sabi ko hindi na kasi ganoong nagpaparamdam 'tong si Alex sabagay highschool na, madami ng ganap

"Okie I'll tell her", then nakipagbeso lang siya kina mommy at sakin saka nakipag apir kay Dom bago lumabas, nakasalubong niya pa si dean sa pinto, nagkatitigan sila sandali at iling-iling na nagpatuloy sa paglalakad si Nicole

"I left my phone", yun lang ang sinabi niya saka kinuha ang phone niya at nagmamadaling umalis

"So hindi tayo papasok?", pagbabasag ko sa katahimikan

"Nope andito naman na si 'dean' kanina at alam naman na nun na aabsent tayo, siya na ang bahala", sagot ni Dom at mas diniinan pa ang pagkakabigkas ng salitang dean

Ayun hindi na nga kami pumasok, nag movie marathon nalang kami sa cinema room ni daddy sa third floor, malaking room siya pwedeng manhood ang 50 katao, parang sinehan din sa mall kaso yung kay daddy nasa bahay tas yun nasa mall, oh diba ang witty?

Larva movie ang pinapanood namin, BORING! 

Ewan ko ba dito kay Dom at yan ang naisipang panoorin, fan ng ood ganern?

Nilabas ko nalang ang phone ko para ma-chat si dean siya nalang ang aayain kong maging date, inopen ko na I* ko para hanapin ang account niya, I searched the name Kian pero andaming lumalabas yung iba bad ang profile kaya I went to Dom's account and tried searching it sa 'following' niya lumabas naman agad kaya I followed him agad HAHAHA

Ayaw ko siyang i stalk kase may member doon sa gc namin na nagalit eh ni stalk lang naman siya, I understand her naman kase it's invading privacy nga naman pero ano bang connect nun dito? Wala naman akong gagawing masama so I stalked him nalang HAHAHA

Hindi siya pala post he doesn't have a lot of pics din kase nga hindi masyadong nagpopost, sensiya na ubub lang

Ngunit may isang litratong nakaagaw ng aking pansin, it was an aesthetic pic of a girl nakatalikod siya sa cam kaya di kita ang mukha, then it's caption was a heart emoji. Who's this?

Fling? Gg walang nagpopost ng pic ng mga flings nila, pero baka ganun siya

Best friend? Pwede marami namang friends with benefits

Ex? Hmm? Exactly! Bongga!

Ba't ako natutuwa? I should be jealous or something right? This is crazy

kianmichaelis followed you back

"Bingo!", sigaw ko binato naman ako ni Dom ng popcorn

"Ingay kitang naghahabulan na sila”, naiiritang saad niya, tsk ood lover

eliezuareza: Hi Dean

kian is typing...

Ilang minuto na ang nakalipas ilang ulit narin kaming nakapagparefill ng popcorn ngunit typing parin ang lumalabas aish

"Walanjo--" 

"Waaa" pagpapatuloy ni Dom kala ko ba focused 'to sa panonood? Dumampot ako ng popcorn sabay bato sa kung saan 

"What the hell Elie", inis na asik niya sabay tayo at pulot ng mga binato kong popcorn ayaw kasi ni dad na nadudumihan ang room na ito syempre nagpapalalakas lang yan si Dom kaya ganyan hmp

Antagal talagang mag-type ni dean hehe akalain nyu yun type niya ako? 

kianmichaelis: ?

"Antagal-tagal magtype tapos ito lang pala irereply?", naku ha naiinis na talaga ako pigilan niyo nga ako papakasalan ko talaga yan wahhhh

elizuareza: as you have hear earlier we have a family dinner on sat.

kianmichaelis: so?

eliezuareza: will you be my date?

kianmichaelis is now offline

"Ah!", sigaw ko kasabay ng pagbato ko ng phone sa pader at tuluyan ng nilisan ang kwartong iyon hindi ko na rin tinignan ang lagay niyon sapagkat alam kong wasak na at wala na itong pakinabang

"Shīt Elie!", rinig ko pang mura ni Dom ngunit hindi ko na ito pinansin at nagkulong nalang sa kwarto ko, nakaka-frustrate!

Ilang ulit din akong nagpagulong-gulong sa kama ko ngunit hindi ako makatulog lalo na't hindi naman ako inaantok o ano. Ganito rin ba kayo pag cold ang crush nyo? Aish ano ba yan inaya ko pang maging date, hayyy

Ilang ulit din akong nagbuntong hininga nang---

Inaya maging date? Omyyy!

Omyyy! Holy cow!

Napaupo ako sa kama ng dahil doon, inaya kong maging date ang isang lalaki? Diba dapat lalaki ang nag-aaya? 

Oh my god Elie!

Napahilamos ako sa mukha dahil sa sobrang frustration kaya natulog nalang ako at hinintay na gumabi na, diba what a bright idea hehe

"Ma'am Elie! Ma'am! Ma'am! Ma'am! May sunog ma'am!", napabangon ako sa napakalakas na sigaw na narinig ko sa tanang buhay ko napapahilot pa ako ng ulo habang nakikinig kay Manang Tess kaya naman pala hayy "ma'am nagalit si Sir Manuelle dahil ang daming langgam sa cinema room niya saka po naabutan niya kaseng naglilinis si Sir Dominyo saka nagkasugat din po siya doon ata sa pinulot niyang nabasag niyang selpon tatanungin ka na ho sana ni Sir kung bakit nagkaganoon dahil kayong dalawa naman ang magkasama kanina ngunit ang sabi ni Sir Dominyo ay wag na raw ho at aksidente lamang ang nangyare saka nagkaroon lang daw ho ng maraming langgam dahil nahulog niya ang container ng popcorn sa katunayan po ay naghahanda na silang maghapunan andun na po silang lahat sa dining pumunta lang po ako dito para gisingin ka", mahabang paliwanag niya

"Wala na po bang ihahaba yan?" nabuburyong tanong ko habang hinihilot parin ang ulo ko grabe ang sakit naman huhu

"Babae po ako ma'am wala pong ihahaba ito", nagtatakang tanong niya

"Ayan umikli na", sabay tayo ko at pumasok na sa banyo baka kung saan pa mapunta ang aming usapan, may iba pang sinasabi si Manang ngunit hindi ko na iyon marinig dahil sa lakas ng shower

"I would have thought that you're imitating sleeping beauty, buti you're awake na", bungad kaagad ni Dom ng makapasok ako sa dining, umupo naman ako sa tabi niya, totoo ngang andito na silang lahat at ako nalang ang hinihintay

"Isn't it obvious ba?", pambara ko sakanya "Nasugatan ka daw?", alam ko namang phone ko ang pinulot niya kaya siya nagkasugat at ang mga binato kong popcorn ang dahilan ng pagsulpot ng mga langgam

"Oh you're concern na?", nagpapacute na aniya, hindi bagay kaya tsk

"Could you stop being like that? You are so tanga", ganyan talaga yan si Dom, pauso 

"Back to you never back to me period no erase cross my heart I will never die", pang-aasar niya pa

"HA-HA stupid", nameke pa ako ng tawa at nagmamake face habang sinasabi iyon subalit hindi pinapahalatang naasar

"HAHAHA stop that you both acted like your somewhat in a relationship", naguguluhan, natatawang sabi ni mom

"I agree hon bakit kase hindi na sila umamin sa isa't-isa hay they're making it hard to absorb", natatawa ding ani dad

"Absorb? HAHAHA you're so funny talaga hon", sabay hampas pa ni mom sa balikat ni dad, kami naman ngayon ni Dom ang naguguluhan sa kanilang dalawa

"Am I part of a psycho family?", bulong ko kay Dom

"No actually you are part of a wonderful and loving family"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status