Share

Chapter 3.3

"Ma'am Gerlie", napatingin ako sa likuran ko ng may magsalita, kamot-kamot ko pa ang braso kong kinagat ng lamok

"Ah yes po?", nakangiti kong tanong kay Manang Daisy, ang punong tagapamahala o tagapangalaga ng bahay

"Pasok na daw ho kayo at kakain na", nakangiti pabalik niyang sagot, ha eh pano naman si dean? Hindi ko na ba siya iintayin?

"Ah eh may hinihintay pa po ako eh hehe", napipilitan ang ngiting sabi ko

"Ganito nalang ho pumasok nalang po kayo sa loob at ako nalang po ang maghihintay sa hinihintay mo sasabihin ko din ho kaagad sa inyo kapag nakarating na siya", tatanggapin ko ba ang offer ni Manang? Ehh baka magtampo si dean pag hindi ko hinintay 

Makailang ulit pa akong kinumbinsi ni Manang bago ako pumayag, nagugutom narin ako huhu kung sa bahay ako sa mga oras na eto ay patapos na kaming kumain at naso-social media nalang ako o di kaya ay tulog na

Kaagad akong pumasok sa kabahayan at pagkarating ko palang sa pinto ay inalalayan na ako ng isa pa nilang kasambahay papuntang dining room, parang gusto kong lumubog nalang sa aking kinatatayuan, nakakahiya, lalo pa't pinaghintay ko sila, dali-dali akong lumapit kay Uncle Fred at humalik sa kanyang pisngi, cheek to cheek greeting ba, ayaw niya kasi ng mano dahil gwapo daw siya at hindi bagay ang pagmamano sa kanya lalo na't baby face siya ewan ko sa kanya lakas din ng amats eh

"Magandang gabi ho Uncle", nakangiting bati ko sabay halik din sa pisngi nila Alexa at Nicole na siyang pinandilatan ko pa, nagpipigil naman siya ng tawa "Paumanhin po at ngayon lang ako pumasok may hinihintay lang po kasi", nahihiya kong sabi hindi makatingin kay Uncle ng mabuti

"Okay lang umupo ka na muna, may hinihintay parin naman tayo", sinunod ko nga ang sinabi ni Uncle naupo ako sa tabi ni Mom saka tahimik na naghintay sa kung sino mang hinihintay nila siguro ay si dean ay infairness alam nila kung sino ang date ko, nakakahiya naman pinaghihintay pa niya sila Uncle lalo na ako, dapat pala nagpasundo nalang ako sa kanya para sabay na kaming dumating rito

Tumingin-tingin ako sa paligid ng dining nila, wala naman masyadong pinagkaiba sa dining namin at mayroon ding nakapaskil na malaking litrato ng Lola, naroon din ang malaking chandelier nila na kulay ginto halatang napakamahal nito, paano kaya nila nililinis yan? Mapapasana all ka nalang, charot HAHAHA

Nang maburyo sa kakatingin sa paligid ay sa plato at mga kubyertos sa aking harapan naman natuon ang aking pansin, tinititigang mabuti inaalam kung may dumi, kinuha ko naman ang wine glass at saka pinahiran ng mabuti takot na dumampi ang dumi sa aking mga labi, ilalagay ko na sana ulit ito sa kanyang dating kinalalagyan nang---

"Pasensiya na po at nahuli ako ng dating", nagpapaumanhin ang kanyang tinig, napalingon ako sa kanya at kasabay niyon ay nahulog ko ang hawak-hawak kong wine glass, kaya lahat ng atensyon at matang kaninang nakapako sa lalaki ay narito na sa akin ngayon

Kaagad naman itong nilinis ng mga kasambahay, nginitian ko naman sila at paulit-ulit na nagbigay ng paumanhin, naku panibagong kahihiyan na naman

"Sorry for that it wasn't my intention to break anything here po, I'm so sorry po", nahihiya kong sabi sa lahat, bakit kase ganun nalang ang aking naging reaksyon?

"That's fine hija", natatawang sabi ni Uncle halatang natatawa siya sa tensyonado kong mukha "Anyways sit where you're comfortable", pagkakausap naman niya sa bagong dating

Tiningnan muna niya si Nicole na abala naman sa pakikipagusap kay Alexa bago siya tumingin sa akin ano pa nga bang aasahan ko? Napaiwas naman ako ng tingin saka tumikhim, tsk tusukin ko ng tinidor yang mata mo eh

"Mind if I sit here?", hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin, hindi ko alam kung bat na naman ba ako nagkakaganito, nababalisa na ewan ay naku naman ang gwapo niya lang kase sa suot niyang blue polo with black necktie na naka nakatuck-in sa kanyang black jeans, I don't know but he look different for me now, really.

ATTRACTIVE, sabat naman ng isip ko, tinanong ba kita? Epal ka

Well attractive nga siya, mas na appreciate ko ang features ng mukha niya ngayon masyado na ata talaga akong naka-focus sa iisang tao kaya hindi ko siya mapansin-pansin 

Nakapagisip-isip narin ako sa mga sinabi ni mom sa akin last time, pwede kayang totoo yun?

"Hello?", sabi niya sabay kumpas ng kamay niya sa aking harapan hindi ko namalayang napatulala na pala ako sa kanya 

"Ah yes sure", pormal na sabi ko saka umayos ng upo, napatingin naman ako kay Yuniza ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa, tinaasan ko naman siya ng kilay at kasabay nun ang pagtigil niya ngunit palihim paring natatawa

Sa isang kumpas lang ng kamay ni Uncle ay nagsilabasan na ang mga pagkain, syempre alangan namang lumipad ang mga pagkain wala namang special powers si Uncle what I mean kasi is nagsilabasan o dumating na ang mga pagkain sa tulong ng mga kasambahay or they were the one who's delivering the foods in the table, teka bat ba ako nageexplain? Ni hindi nga nag-explain si ehem nung iniwan si author, charot po

Nang malagay na ang lahat ng pagkain ay, isa-isa naman itong binuksan kasabay ng pagpapaliwanag ng chef kung anong klaseng putahe ito at kung ano ang pangalan nito, hays dami namang alam kala ko ba simple dinner lang? D ko alam na maarte rin pala si Uncle, may lahi kaya silang bakla?

Nakanguso kong tinitigan ang aking plato, kanina pa eh dami pang sinasabi ni Chef, sa tuwing tatawa naman si Chef ay tumatawa rin ang mga matatanda may sarili silang mundo, naiinip na talaga ako kanina pa ako gutom

"Last but not the least, Shrimps with-", napa-angat kaagad ang tingin ko dahil doon, kung kanina ay naiinip ako ngayon ay mas lalo akong nainip kailan paba ito matatapos? My shrimps huhu

"Ipinasadya pa talaga ng tito mo iyang hipon para lang sayo, napaka-espesyal mo naman ata?", natatawang bulong ni mom sakin, palihim nalang akong natawa

"Enjoy the food, call me if you wanted to have more of this dishes or you wish to have a different dish, I'll be staying in the kitchen", aba'y englisherist rin pala si Manong Chef, sana all

"Let's eat", anunsyo ni Uncle 

Kukunin ko na sana ang shrimps ng may maala ako, hindi ba't hinihintay ko si dean? Kawawa naman siya pagnauna akong kumain tapos siya ay walang kasabay pero bakit nagsimula na kaming kumain kung gayong hindi pa siya dumadating?

Ibig sabihin?

O_____O

Etong lalaking toh? Etong katabi ko? Ang hinihintay nila? Kelan pa siya naging espesyal sa pamilya namin huh?

Awtomatiko akong napalingon sa kanyang gawi at aawayin na sana siya ng makita kong nilalagyan niya ng hipon ang aking plato

"Kumain ka na, kung sino man yung hinihintay mo ay hindi na yun darating, sa tingin mo makakapunta pa siya kung ganitong oras na? At sa tingin mo ba talagang sisiputin ka niya?", mahinang sabi niya, diretsong nakatingin sa aking mga mata, at noon ko lang napagtantong napakalapit pala namin sa isa't-isa

*Ubo *ubo *ubo

"Hon paki-abot naman ng tubig", sabi ni dad na siya palang nabilaukan at siya ring dahilan ng paglayo namin ni Dom sa isa't-isa, napaayos naman ako ng upo at nakikita ko sa peripheral vision ko na ganun din ang ginawa ni Dom, kaagad naman inabot ni mom ang tubig kay dad

"Are you okay Dad?", nag-aalalang tanong ko

"Ah yes, maybe napasarap lang ang kain ko kaya nagka ganoon HA-HA", nakamot niya pa ang batok niya halata namang hindi yun ang dahilan daddy talaga, magdadahilan na nga lang yung hindi pa makatotohanan

Pagkatapos niyon ay magana na kaming kumain, hindi parin kami nagpapansinan ni Dom, walang nagsasalita ni isa sa amin lahat ay nakatuon ang lahat ng atensyon sa kinakain

Dumating ang dessert at ganun parin ang nangyayari, kaya hindi talaga masayang mag-dinner dito kila Uncle dahil sa atmosphere na meron sila, napaka-seryoso walang nagtatangkang kumibo, tanging mga tunog ng mga kubyertos ang aking naririnig, hays kung kung naroon man kami sa aming tahanan ay siguradong napakalakas na tawanan na ang namamayani sa buong kabahayan, napabuntong hininga nalang ako at isinubo na ang pie na hindi ko pa nakakalahati

"We'll proceed on the conference room, finish your dessert everyone", seryosong ani uncle minsan mo lang talaga siya makikitang nakangiti, simula noong mawala si Auntie para siyang bato na hindi makaramdam ng kahit ano, hindi nagtagal ay naubos nga nila Nicole at Alexa ang kani-kanilang desserts at eto naman ako kunti nalang pero halatang hindi matatapos, wala talagang gana

"Hey there lovebirds!"

Bakit naman kasi hindi sumipot si dean? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasama ko siya sa family dinner ng buong pamilya namin

"Lovebirds?"

Totoo nga kaya iyong bali-balita sa school na mayroong jowa si dean na matagal na niyang hinihintay bumalik?

"GERLIE ZUAREZA!", napabalikwas ako sa aking kinauupuan at napabalik sa realidad ng marinig ko ang aking pangalan mula sa napakalakas na sigaw

"Ha?", nagtataka kong tanong ano naman ba ang pinagsasabi ng Yunizang toh?

"Ha-tae, sabi ko lovebirds?"

"Sino?"

"Tanga kaba edi kayo ng katabi mo", aba hindi ata magsasawa ang isang toh sa katawan sa aking tanga

"Okay", walang ganang usal ko sabay subo ng last piece of pie ko, hay finally

"So kayo na? May relasyon na kayong dalawa?"

"Yes?", sagot naman ni Dom mukhang natatawa pa

"Oo naman magkaibigan kami dati pa"

"I mean nanligaw naba yan?"

"Hindi pa, may iba kase siyang napupusuan"

"What?! Akala ko ba, Dom!"

"Tss, manahimik ka Nicole"

"Ano bang pinagsasabi nyo? Si dean kase eh hindi ako sinipot maaring totoo nga yung sabi-sabi sa school"

"Eh?", sabay na sabi ng magkapatid habang si Dom naman ay nangunot ang noo habang nakatingin sa akin, tiningnan ko naman siya sabay pout

"Dom akala ko ba close kayo nun? Hindi mo ba ako pinapakilala unti-unti?"

"At bakit ko naman gagawin yun?", nakataas ang kilay na aniya, arte ha

"Baka kase malinawan na siya na ako ang nararapat para sa kanya"

"He has his own feelings, he's the one who's gonna choose who to love, we can't dictate our feelings", oh eh bakit ganyan na siya? Nagtatanong lang naman ako ah?

"Bakit ka galit? Saka ba't ka naiinis ha? Inaano ba kita?", sabi ko sabay hampas ng braso niya, tigas shems char HAHAHA

"Hindi ako nagagalit o naiinis man nagsasabi lang ako ng totoo", pagdedepensa niya pa

"Tsh, bulong mo sa pwet mo"

"He doesn't like you"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status