Share

Chapter 3.2

2pm na nang matapos akong mag-ayos ng buhok at make-up ko paniguradong andoon na sila mom sa baba, maaga pa naman kaya binuksan ko muna ang phone ko at nagbasa

Nang matapos ay sakto namang tumunog ang phone ko

1 new message from Mr. Crush

Mamaya ko na siguro babasahin, pumunta muna ako sa life size mirror na katabi ng kama ko upang matingnan ng maigi ang kabuuan ko

*knock *knock

"Come in"

*footsteps

"Ma'am aalis na daw po kayo", sabi ng isa sa mga kasama namin sa bahay kung hindi ako nagkakamali ay siya ang anak ni Manang Tess, same age and grade lang ata sila ni Alexa, pinapaaral siya ng parents ko there's no need naman na tumulong pa siya dito sa bahay ngunit ang sabi ni Manang Tess ay ito nalang ang magagawang kabayaran ng pag-papaaral nila mom sa anak niya kaya tuwing weekends o walang pasok lang siya andito 

Nag-retouch ako ng make-up habang kinakausap siya "Kamusta naman ang pag-aaral mo? Nahihirapan kaba?", nakangiti kong tanong mahiyain talaga ang isang toh, napaangat naman siya ng tingin at nag-aalangan pang sumagot "Sabihan mo lang ako kapag nahihirapan ka sa mga lessons nyu pwede kitang tulungan o pwede tayong mag-group study nila Alexa", mas nilawakan ko pa ang ngiti ko ng hindi siya mailang sa akin

"Ah ano po kasi okay naman po ako, uhm nahihirapan lang po ng kunti sa math pero kakayanin naman po, baka hindi po magustuhan ni Alexa kung sasama ako sa inyong mag-aral", nahihiyang tugon niya, tumaas naman ang kilay ko sa huli niyang sinabi, may ginagawa na naman bang kamalditahan yang si Alexa?

"Bakit mo naman nasabi? Okay naman kayo ah?", minsan naman kase silang magkasama ni Alexa at mabuti naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa

"Ah wala naman po, nahihiya lang po ako", nakayukong sabi niya

"Wala kang dapat ikahiya, isasama kita minsan, okay just tell them I'll be there in a minute-", hindi ko pa napapatapos ang sasabihin ko ay nag-bow na siya at dali-daling nilisan ang aking silid, maayos naman ang pakikitungo ko sa kanya hindi ba? Siguro ay mai-intimidate lang siya sa ganda ko ngayon hehe

Niligpit ko na ang mga dapat kong dalhin, kumuha ako ng panyo, cash at inilagay sa pouch na dadalhin ko ipinasok ko na rin ang phone ko at bumaba na 

"Napano ka mom?", nag-aalalang tanong ko ng makalapit sa kanya, pinantakip niya ang palad sa bibig niya sabay tili ulit nang mapatingin naman ako kay dad ay wala tahimik lang siya at parang gulat na gulat na tumitig sa'kin, ay what's wrong? "Mom, dad are you guys taking illegal drugs?", ang gulat nilang reaksiyon ay napalitan ng napakalakas na tawanan, what's wrong with our family? My family.

"Anak OA ka naman masyado", natatawang saad ni mom sabay punas ng luha niya marahil galing iyon sa kakatawa, ha? Ako pa OA niyan ha? 

"Eh anong nangyayari sa inyo? Dad?", baling ko sa kanya wala kang makukuhang matinong sagot kay mom ngayon 

"Anak dalaga ka na talaga", madamdamin at nakangiting sabi ni Daddy sabay yakap sakin, eh? Kumalas siya ng yakap sakin at tumabi kay mom saka inakbayan ito "Dati ayaw mo ng maiiksing damit, ayaw mo ring nagsusuot ng mga sapin sa paang may takong, ang hindi lang nagbago ay mahilig ka parin sa make-up", namamangha at iling-iling na aniya

"Dati baby ka pa ngayon mukhang magkaka-baby ka na", dugtong naman ni mom, grabe hangin ni mom ah

"I'm growing up na kase and mom", I eyed and glared at her natawa lang siya "Hindi pa ako magkaka-baby wala pa nga akong sariling baby", sabi ko ng nakapout na ang tinutukoy ay ang pagkakaroon ng boyfriend, mas lalo naman silang natawa

"Wala pa ba anak? Eh may namamanhi--"

"Time will come anak, you'll have your own", nakangiti at sinserong ani mom pinutol ang akmang sasabihin ni dad "Yung hindi sana katulad ng daddy mong baliw", pagpapatuloy niya sabay siko ng tagiliran ni dad napa-aww lang naman ito, si dad ba talaga ang baliw? Parang siya, sige silang dalawa nalang

"Sana nga pero po gusto ko yung engineer"

"Ha? Ayaw mo na ng businessman anak?" -Dad

"Dad sino bang may sabing gusto ko nun?", natatawang tugon ko

"Diba sabi mo noon businessman ang gusto mo anak?", paninigurado pa ni mom napailing naman ako

"Past is past mom dad saka mas maganda pag engineer", nagkatinginan naman sila na parang kinabahan na ano, kasi diba magiging chef ako in the future tapos yung husband ko naman is engineer, actually mas gusto ko sana yung Engineer na Architect na Welder na Gardener na Construction Worker na Business Man na Police na Pilot na Astronaut na Seaman na basta all around HAHAHA "Alam nyu po kung ano ang hindi nagbago?", nakangiti kong tanong napailing lang sila "Na ako parin ang nag-iisa at maganda nyong anak na mahal na mahal na mahal kayo at hindi kayo ipagpapalit kahit na kanino, kaya tara na mom dad tama na baka magkaiyakan pa at ma late na nga tayo ng tuluyan", sabi ko saka nauna nang maglakad papuntang sasakyan

"Ano ba 'yan diba ang sabi natin doon na businessman ang gusto ng anak natin?"

"Oo dahil yun naman ang sabi noon, bakit nagpalit?"

"Baka sawa ng makakita ng mga ganoong tao?"

"Baka nga, pero panu na yan? Yun ang nasabi natin eh"

"Update ko nalang ulit siya mamaya para alam niya"

"Sige-sige naku nakakahiya naman"

"Dalian mo na at baka makahalata yang anak mo"

Dinig ko pang kwentuhan nila naku talaga mag-kukuwento lang yung malapit pa sa akin hindi man lang ipinagpaliban at mamaya nalang kung saan wala na ako itinuloy

Nakisabay nalang muna ako kina mom dahil ang plano ko ay magpahatid nalang mamaya kay dean pag-uwi, ang gandang plano diba? 

( ^_______^ )

Nagkausap kami ni dean kahapon ngunit sandali lang dahil ang epal ni Dom at nagmamadali nang mag-mall pero phone lang naman ang inatupag, ngunit ang napag-usapan namin kahapon ay magme-meet nalang kami sa bahay nila Nicole dahil alam niya naman daw kung saan ito at nakapunta narin siya doon, noon

Nakarating na kami nila mom sa bahay nila Yunizang tae, naku lagot yun mamaya sa akin, ng makababa ay inalalayan ni dad si mom, kasunod naman ay ako, nauna nang pumasok sa loob sina mom dahil ang sabi ko ay hihintayin ko pa si dean baka na late lang naman ng unti hehe

Mga 30 minutes narin akong naghihintay sa labas pero wala parin siya, nilalamok na nga ako dito grabe siya kaya niyang paghintayin ang ganito kagandang Hernandez? Psh lakas naman ng confidence nun at nagawa akong indiyanin sa dinner na toh

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status