“FOLLOW me everyone!” Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa papalayong likuran ni Valentine ng makarating kami sa meeting room niya. Nakaabang kasi ang nakita kong anim na tao sa may labas ng meeting room at sinalubong ‘din kami ng sekretary nito na lalaki. Hula ko ay maging ito’y nagtaka sa galit na aura ng amo niya. Nang nasa loob na kami ng meeting room ay hindi ko maikakaila ang lihim na tingin saakin ng mga kasama namin sa loob. Ako nama’y walang pakialam na naupo sa pinakang dulo upang walang tumabi saakin. Si Valentine ay nasa tapat ko habang ang iba ay nasa gitna. “I guess lahat naman tayo na-inform na about sa project na gagawin and we want your best. When I say best, ibuhos niyo lahat ng galing niyo. Ang laki ng expectation namin sa inyong lahat.” Nakita ko na napaayos ng upo ang tatlong babae at tatlong na lalaking kasama namin. “Kaming dalawa ni Engr. Hardon ang mag-le-lead sa inyo.” Tumayo ang isang lalaking nakasuot ng itim na polo at ngumiti saamin. Maayos
MAS sumuksik lang ang bata dahil sa sinabi ng lalaki sa kaniyang harapan. Ngunit nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya at pilit na itinatayo. “B-Bitawan niyo po ako! Tulong! Tulong!” Doon na nagsimulang sumigaw ang batang si Belle. Mas lalo namang namangha ang lalaki dahil sa asul na mata nito at alam niya na malaki ang kikitain niya dito. “Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan!” Nagulat ang bata ng tutukan siya nito ng patalim kung kaya nanlaki ang mata nito at napahinto sa pag-iyak. Napangisi ang lalaki sa naging reaksyon ng bata at hihilahin na sana ito paalis doon ngunit biglang mayroong wangwang ng pulis ang paparating na ikinataranta nito. “Sh*t! May nagsumbong!” inis na sabi nito at walang nagawa kundi ang bitawan ang bata na hawak niya at tumakbo palayo. Nanghihinang napaupo si Belle sa sahig at umiyak ng umiyak. “Bata! Bata ayos ka lang ba?!” “W-Wag po! Ayaw ko po! Bitawan niyo ako!” Nagulat si Belle ng mayroon nanamang humawak sa kaniya ngunit hindi katu
NANDILIM ang paningin ni Devina dahil sa narinig kung kaya balewala sa kaniya ang mga matang nakatingin sa kanila at hinawakan niya ang kamay na nasa buhok at pinilipt iyon. “Never insult my sister in front of me!” Diin na sabi niya habang si Kristin ay nagsisigaw na dahil sa sakit. “Enough!” Sumigaw si Valentine upang pigilan sila ngunit hindi nagpatalo ang asawa nito at sinapal si Devina na ikinabitaw nito sa kamay ng babae. “Ang kapal ng muka mong kabit ka! Talagang nagagawa mo pa akong labanan sa kabila ng ginawa mong pang-aahas sa asawa ko?! Hindi lang ‘yan ang dapat sa’yo!” Dapat ay muling sasampalin ni Kristin si Devina na handa naman nitong saluhin at ibalik kay Kristin ngunit mayroong pumigil dito. “What are you doing to my employee?” Napairap si Devina ng makilala ang boses na iyon—si Jeydon. At ano namang ginagawa ng isang ‘to dito? Piping sabi niya sa kaniyang isipan. “Kristin! Anong eskandalo ang ginagawa mo dito sa opisina ng asawa mo?! Hindi ka ba nahihi
“SAAN ka pupunta Devina?” Napalingon si Devina sa nagsalita at nakita niya si Jeydon. Alam niyang nagtataka ito na lalabas siya alasingko palang ng umaga, ngunit kailangan na niyang umalis dahil hindi na siya makapaghintay na makita ang libingan ng kaniyang ama. “J-Jeydon, naalala mo ang kwento ko sa’yo tungkol kay Vincent? S-Siya ang kumuha sa bangkay ni papa at nilibing! Jeydon sasamahan niya ako doon ngayon, katatawag niya lang saakin.” Lapit na sabi ni Devina. Napaisip naman ang lalaki dahil doon. “Paano kung patibong ‘yan Devina?” “Hindi magagawa ‘yun ni Vincent, Jeydon! Alam kong may isang salita siya. Kung hindi mo ako sasamahan ay ako ang pupunta.” Nilagpasan niya ang lalaki ngunit agad naman itong sumunod sa kaniya. Hindi niya pwedeng hayaan lang ang pamangkin. “Sandali! Sasama na ako!” PAGKARATING nila sa sementeryo na sinend ni Vincent ay nakita nila agad ang lalaki na naghihintay. “V-Vincent nasaan si papa? Saan siya nakalibing?” Pinigilan ni Jeydon si D
HINDI pa ‘rin ako makapaniwala na kasama ko na ngayon ang anak ko at maging sila Adeline at Lola. Hindi pala talaga nila sinabi saakin na aagahan nila ang uwi dahil surprise daw. Talagang na-surprise naman ako at eto nga’t kapapatulog ko lang kay David. Napagod kasi ito sa byahe kaya hinayaan ko na siyang matulog kahit na tanghali palang. “Ate?” Napalingon ako sa nagsalita at napangiti ng makita si Adeline. “Baba ka muna ate, kausapin ka lang namin.” Tumango ako sa kaniya at nag-ingat na bumaba mula sa higaan para hindi magising si David. Hinalikan ko muna ang noo ng aking anak bago ako sumunod sa baba. Nakita ko sila na nasa sala at mukang seryoso ang pinag-uusapan. “Ate!” Sinalubong ako ni Adeline at niyakap ako nito ng mahigpit. Hindi ko na suot ngayon ang contact lenses dahil andito na si Adeline, ako na muli si Devina. “Apo ko, kumusta ka na?” pagbati saakin ni Lola at niyakap ‘din ako. “Lola, maayos naman po ako. Kayo po? Pasensya na kung hindi ako nakakatawag ng
“WHAT?! Bakit mo pinabayaan ang anak mo Devina?!” Napayuko nalang si Devina dahil sa sermon ng kaniyang tiyuhin na si Jeydon. Alam niyang mali niya kung kaya wala siyang karapatan na sumagot. At isa pa lahat sila ay nag-alala lalo na ng umiyak si David ng makauwi sila. “Tito Jeydon! ‘Wag niyo pong pagalitan si mommy!” Ngunit natigilan sila ng sumigaw si David na nanggaling pa sa taas. Iniakyat kasi ito ng Lola niya upang pakalmahin pero narealize nito na pagagalitan ang kaniyang ina kaya tumakbo ito pababa. “Itong batang ito! Natakot ako! Baka madapa ka David!” sermon na sabi ni Amanda Cullen sa apo. “Sorry po Lola pero wala pong kasalanan si mommy. A-Ako po ang nagpumilit na lumabas, sa sobrang busy ni mommy ay hindi niya ako napansin.” Yukong sabi ng bata habang nasa harapan ng kaniyang ina na tila ipinagtatanggol nga ito. Natahimik naman ang paligid dahil doon kung kaya hindi na napigilan ni Devina na yakapin ang anak at umiyak. . “A-Anak, kasalanan ko. Ako ang dahilan ku
DEVINA HINDI ko alam kung paano ko natakasan ang pag-amin ni Valentine saakin. Basta ang alam ko gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader dahil sa kahihiyan! “Madam! Mukang wala ka sa sarili ngayon ah?” Napakurap ako ng magsalita ang isa sa team ko na si Jerome. Ipinilig ko ang ulo ko para bumalik ako sa aking sarili. “May naisip lang ako bigla, so let’s continue.” Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil hindi nagtatanong ang team ko tungkol sa nangyaring hearing nitong nakaraang araw. “H-Hindi ako si ate Devina! Bakit mo saakin sinasabi ‘yan?!” Napangiwi ako ng maalala ko nanaman ang sinabi ko sa kaniya. After kong sabihin ‘yun ay dali-dali akong bumaba sa elevator kahit hindi pa doon ang floor ko. Masyado akong obvious! Gusto ko talagang i-umpog ang sarili ko sa pader. “Kung wala ka pa sa sarili mo edi sana hindi nalang muna tayo nag meeting,” Muli ay natauhan ako ng magsalita si Sophia. Ngayon ko nalang ulit siya natinig magsalita, simula kasi kanina ay hindi pa it
“TAPOS ka na?” Bungad na tanong ni Jeydon kay Devina ng makalabas itonng isang restaurant. Nagpasama kasi ang babae sa isang restaurant matapos nilang pumunta sa simbahan. “Oo, nagkaproblema lang sa cite. Sabi ko bukas na ako pupunta,” Tumango lang si Jeydon at sumakay na sa loob si Devina. Habang nasa byahe sila pauwi sa bahay ay biglang pumasok sa isip ni Devina ang bata na nakita nila sa simbahan. “Jeydon, ‘yung bata kanina. Sa tingin mo ba tama lang na ampunin ko siya?” Tila naguguluhan na tanong ni Devina na siyang ikinalingon sandali ni Jeydon sa babae at muling ibinalik ang tingin sa daan. “Oo naman, kaya nga hinayaan lang kita kanina nu’ng sabihin mo ‘yun.” Ngiting sabi ng lalaki. “Pero sa tingin mo tatanggapin kaya ako nu’ng bata? Alam mo ba na kapalayaw niya ang anak kong si Arabelle? Belle ‘din sana ang ipapalayaw ko sa kaniya. Kaya nga hindi ako nagdalawang isip kanina lalo na naisip ko na baka pinagtagpo kami ni God sa araw ng kamatayan ng anak ko para doon.”