HINDI KO talaga inakalang marunong magluto si Zandy kaya nagulat ako nang makita ko siya sa harap ng stove at nagluluto ng mabangong putahi na lalong nagpakalam sa sikmura ko.
"Just wait the food on the table," sabi niya na abala sa pagluluto.
Hindi agad ako gumalaw. Tiningnan ko lang siya habang ginagawa niya ang paghalo sa niluluto niya. Naamoy ko na agad ang masarap niyong samyu. Parang Kare-Kare ata iyon dahil sa amoy niyon.
Kung pagmamasdan si Zandy, mukha siyang lalaking-lalaki at hindi pagkakamalang bakla at kung hindi ko nga lang siya kilala, baka na-attract na ako sa kaniya lalo pa't marunong siya magluto.
"Bakit hindi mo ako ginising? Sa tingin mo ba hindi ako marunong magluto? I know how to Cook too, Zandy," pagyayabang ko pa kahit sa totoo lang hindi ako masyadong exposed sa kusina para magluto.
"I want you to take a rest," simpleng sagot niya. Nakita kong pinat
HINDI KO alam pero bakit parang nadismaya ako nang hindi ko makita si Zandy sa labas ng opisina? Parang hinahanap ko siya roon o baka hindi lang ako sanay na walang Zandy na nang-aasar sa akin. Bumuntong-hininga ako at bahagyang pumikit. Bakit ko ba iniisip si Zandy? Hindi ko na siya dapat pang isipin. Mas mabuti na nga ito na wala siya para asarin ako at ipaalala sa akin ang nakaraan ko. "Oh? Hindi ka susunduin ng asawa mo?" tanong ni Ate Shai nang bumaling ito sa akin. "I have my own car naman, Ate Shai kaya hindi na niya ako kailangan sunduin. And besides he's busy," dahilan ko, saka ngumiti kahit alam kong hindi iyon umabot sa tainga ko. "Bakit? Are you looking for your husband, Miles?" makahulugan namang tanong ni Andrea. "Of course not, Andrea kaya ko namang umuwi mag-isa. I've been going home alone since my first day of working here. Sanay na ako," giit ko. Kumibit-balikat lang si Andrea pero makahulugan ang mga tingin niya sa akin. Hindi ko hinahanap si Zandy, sadyang nag
"HEY! TULALA ka na naman?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Andrea. Ikinumpas pa niya ang mga daliri sa harap ko. "Kanina ko pang napapansin, mukhang malalim ata ang iniisip mo?" dagdag pa niya.Kasalukuyan kaming kumakain sa labas ni Andrea. Hindi naman lumalabas ang iba pa naming mga kasama para kumaing kasabay namin dahil may sari-sarili silang mga baon."Wala, may naisip lang ako," dahilan ko. Pero ang totoo hindi mawala sa isip ko ang nangyari at ang salitang narinig ko mula kay Zandy nang nagdaang gabi. Umuwi itong lasing kasama ang kaibigan daw nito na si Ton. Well, I don't know if he's just friends of Zandy.Flashback...Pagkatapos umuwi ni Ton, naiwan ako sa silid ni Zandy. Hindi siya mapakali sa kama. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagdududa sa totoong relasyon ni Zandy at Ton. Hindi ko alam, pero may kakaiba akong naramdaman sa pag-aalaga nito kay Zandy o bak
MABILIS AKONG naglakad papasok ng building habang nakatingin sa wristwatch na suot ko. Ilang minuto na lang at male-late na ako, sigurado mapapagalitan na naman ako ni Ate Shai at ni Sir Troy pag nagkataon. Hindi na maipinta ang mukha ko habang dobleng bilis sa paglakad ang ginawa ko.Napasinghap pa ako nang makitang may laman pa ang elevator. "Bilis naman, late na ako," naiiyak kong sambit sa sarili ko. Hindi ako pwedeng ma-late dahil magre-reflect iyon sa performance ko bilang journalist. Aba, gusto ko rin namang ma-promote.Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong dahan-dahang bumukas ang pinto ng elevator pero imbis na makipag-unahan ako sa pagpasok doon, natigilan ako at hindi nakalagaw sa lalaking tumambad sa akin. Napaawang pa ang bibig ko. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko mang tumakbo pero walang lakas ang mga paa ko para gawin iyon."R-Roven?" gulat na banggit ko sa pangalan ng lalaking nasa harap ko. Nagbag
"KUMUSTA, Miles nakita mo ba ang usok sa ilong ni Sir Troy?" natatawang tanong sa akin ni Chad habang palabas na kami ng gusali. Kanina pa akong tahimik at kanina pa rin nila akong kinukulit sa mga sinabi ni Sir Troy sa akin.Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman siya nagalit sa akin, pero alam ni'yo kung ano'ng nakakainis? Hindi pa ako tapos for my project to interview Zandy, and now he gave me another project," reklamo ko sa kanila."New project? He gave you another personality to interview?" ulit ni Melissa.Tumango ako. "At ang nakakainis pa, napaka-choosy ng kung sino mang lalaki iyon. Ako raw ang gustong mag-interview sa kaniya and If it's not me, he wouldn't go for an interview," inis kong sabi."Wow! Mukhang something fishy ang new project mo, Miles, ah? Hindi kaya, he's one of your millionaire admirer?" ani naman ni Andrea na natuwa pa sa naisip niya."Admirer? Well,
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising mula sa pagkakatulog ko. Napapikit ako at hinarang ang aking mga palad sa sikat nang araw na tumatagos sa glass wall ng silid. Umiwas ako roon, saka uminat at humikab. It's my day off today kaya masarap ang pakiramdam ko. Nagpasiya na rin akong bumangon. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng silid ko. Nasa hagdan pa lang ako nang maamoy ko ang mabangong samyo galing sa kusina. Kumunot ang noo ko. Nagluluto ba uli si Zandy? Amoy bawang at sibuyas iyon na ginigisa na nagpakalam sa sikmura ko dahil sa amoy niyon. Tuluyan akong nakababa sa hagdan at humakbang patungo sa kusina at hindi nga ako nagkamali. Nandoon si Zandy sa tapat ng stove at nagluluto Napakiling ang ulo ko ng bahagya. Bigla kong naalala ang nakita ko kagabi. Nakita kong niyakap siya ni Ton, ang kaibigan daw niya. Hindi ko maiwasang hindi magduda sa kanilang dalawa. Tumikhim ako. "May bis
NAPALINGON ako kay Zandy na nagulat din na nakita ang mommy niya."Ayaw mo bang makita ako, 'nak? I miss you, my son." Nilapitan ni Tita Mandy si Zandy at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. Hindi naman gumalaw si Zandy."Ano'ng kailangan mo, 'Ma? Hindi ba't nag-usap na tayo?" Halata ang inis sa boses at mukha niya.Lumungkot naman ang mukha ni Tita Mandy at lumayo sa anak. "I'm not here to talk about it, Zandy I just here to visit you and Miles," ani Tita Mandy.Hindi umimik si Zandy. Hindi ko maintindihan pero nakikita ko ang frustration sa mukha niya at ang lungkot doon."Kumusta po si Tito Andrew, Tita?" sabat ko para alisin ang tensyon kay Zandy at ilayo ang usapan ng dalawa. "Dito po tayo sa sofa," sabay sabi ko. Nauna na akong naglakad patungo sa sofa at sumunod ang dalawa."He's fine, hija busy sa kompanya dahil sa bagong games na ila-launch next we
HINDI KO alam kung paano ko haharapin si Zandy matapos nang naging usapan namin ni Tita Mandy. Gusto ko siyang lapitan para kausapin tungkol sa bagay na iyon pero pakiramdam ko'y wala ako sa lugar. Isa pa, hindi nga kami magkasundo, baka lumabas lang na nakikialam ako sa kaniya.Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas ng terrace. Kita ko ang mga puno at bahay sa harapan niyon. Ang gandang pagmasdan ng kalangitan na kulay asul at ang ulap na nagkalat doon.Hindi maalis sa isip ko ang naging pagtatalo ni Zandy at Tita Mandy. Hanggang ngayon mayroong bumubulong sa isip ko na kilalanin pa si Zandy at maintindihan siya. Nararamdaman ko ang sarili ko sa kaniya, dahil pareho kaming pinilit ng mga magulang namin sa bagay na hindi namin gustong gawin, ang kaibahan lang, pati ang career na gusto ni Zandy, gusto ring pakialamanan ng pamilya niya.Mayamaya pa'y napapitlag ako ng marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone na ha
"MAY I know what happened to your past? I want to know you more, Zandy." Hindi ko alam kung bakit naitanong ko iyon. Kusang lumabas sa bibig ko ang mga iyon at huli na para ma-realize ko ang naging tanong ko. Hindi naman kasi kasama iyon sa dapat kong itanong dahil isa iyon sa private matter ni Zandy at naiintindihan ko iyon. Kumurap ako at bahagyang yumuko. "I mean...you don't need to answer—""Ano'ng gagawin mo if the person in your past came back?" seryoso niyang tanong na pumutol sa sasabihin ko."Huh?" tanging naging reaction ko sa tanong niya habang pilit ko iyong iniisip at inuunawa. Sinong bumalik mula sa nakaraan? Bigla kong naalala si Roven at ang nakaraan namin na muling bumalik kasabay nang pagbabalik nito. Sumeryoso ang mukha ko. "I don't know, Zandy maybe it depends on what that person did to you at kung may nararamdaman ka pa sa taong iyon. Pero sa totoo lang, mahirap sabihing kalimutan ang taong iyon kahit pa sa h