Share

CHAPTER 2

Nandito kami ngayon sa isang hotel. 

Kinakabahan akong tumingin sakanya ng mapansing lumabas na siya ng banyo. Naka topless lang ito at kasalukuyang pinapatuyo ang buhok.

"What are you looking at??" He looks irritated.

"Tinitignan ko lang yong tuwalya. Maliligo rin kase ako, gagamitin ko yan kaya bilisan mo na!" Reklamo ko.

"Tsk," he smirked at me.

'Nag gaganyan ka pa eh, hindi naman bagay sayo.' Saad ko sa isip ko.

"San ka matutulog? Alangan namang mag tatabi tayong matulog diba?"

"Ikaw yung saan matutulog. Fyi ako ang nag bayad dito sa hotel kaya ako sa kama at ikaw problema mo na kung san ka hihiga!"

Aba-aba! Hindi talaga gentleman ah! 

"Babae ako kaya ako ang hihiga sa kama! Pake ko kung ikaw nag bayad, hindi ko naman tinatanong!"

Humiga na ako sa kama at kumunot ang noo ko ng humiga sya sa tabi ko pero nagulat ako ng bigla nya akong itulak, kumapit ako sa bed sheet para hindi mahulog pero dahil matalino ang gagung 'to ay sinipa niya ako dahilan para mahulog ako sa kama.

D***g naman akong bumangon sa pagkakahiga don sa sahig. Medyo mataas pa naman yong kama kaya masakit ang likod at ulo ko ngayon.

Bwesit na lalakeng 'to! Nakakainis!

"Pwesto ko to kaya humanap ka ng sayo. Naiintindihan mo??"

"Wala ka talagang good manners no?!" Iritang tanong ko at tinitignan siya ng masama ngayon.

"Kung isumbong kaya kita kay Tita at Tito huh!" Banta ko sakanya pero mukhang wala lang 'yon sakanya. Tinalikuran nya lang ako at mukhang komportable na komportable pa siyang nakahiga dyan sa kama.

Aba talagang hahayaan niya ako dito! 

Parang uusok na yata ang ilong ko sa inis sakanya!

Tumayo ako sa pagkakaupo sa sahig, lumapit ako at hinila ang kumot na ginagamit nya pero nawahakan nya 'yon kaya nakikipag agawan ako sakanya ngayon ng kumot bwesit!

"Pinagdadamot mo na nga yang kama tapos pati ba naman itong kumot ipagdadamot mo rin!" Singhal ko sakanya.

"Eh, akin to eh! Humanap ka ng sayo okay!" 

"Kung ayaw mong ipagamit sakin, mag share nalang tayo ayos lang naman sakin yun!" Sabay irap ko pa.

"Kung sayo okay lang pwes sakin hindi."

Nagulat ako ng binitawan niya ang kumot kaya natumba ako at nahiga ulit sa sahig.

Mababalian pa yata ako ng buto dahil sakanya eh, hayst kainis talaga! Sinadya niya talagang bitawan yong kumot para matumba ako halata naman!!

"Oh, ayan sayo na dahil mapilit ka."

Inis kong bitbit itong kumunot at pumunta don malapit sa sofa. Don ako dahan-dahang humiga dahil sumakit yong likod ko dahil sakanya at mukhang nabukulan pa yata ako sa ulo.

"Relax lang Claire, ngayong araw lang naman to eh." Pagpapakalma ko sa sarili. 

Ngayong araw lang naman to, dahil bukas na bukas ilibing muna ng buhay yang gagung 'yan nakainis! Hayst!! Walang babae ang magtagagal sakanya malamang sa ugali niya palang at napaka ungentleman talaga!

Nilingon ko ang David na 'yon at mukhang natutulog na yata tsk. 

May araw ka rin sakin David, humanda ka talaga sakin pag nagsama na tayo papakainin kita ng hilaw na kanin at maaalat na ulam!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status