Share

Her Unwanted CEO Husband (TAGLISH)
Her Unwanted CEO Husband (TAGLISH)
Author: Pseudonym

CHAPTER 1

"Mom..." Kinagat ko ang labi ko habang si Mommy ay nakatingin sakin.

"Sweetheart ito na ang pinaka importanteng araw na pinakahihintay namin ng Daddy mo. Please wag mo kaming ipahiya hmm?"

"P-Pero--"

[Claire Denise! Makinig ka samin ng Mommy mo!] Bulyaw ni Dad sa kabilang linya.

[Bilisan nyo na dahil maraming tao na ang nandito sa simbahan. Wag mong hayaan na isipin nila na ayaw mo sa kasalan na magaganap!] Bakas ang galit at pagkainis sa boses ni Daddy.

"Oo na, sige na malapit na kami dyan." Binabaan na nya ito ng telepono at binalingan ako ng tingin.

"Don't forget na ikaw lang ang nag-iisang anak namin at wala nang ibang tutulong samin ng Daddy mo bukod sayo. Oras naman para ikaw ang mag sakripisyo sa pamilyang ito, besides hindi kami katulad ng ibang magugulang na ipapakasal ka sa matanda o sa pangit na lalaki kaya wag ka nang mag inarte dyan!"

Kinagat ko ang ibang labi ko at tumingin na lamang sa ibang direction. Pilit kong pinipigilan ang luhang kanina pa gustong pumatak.

Hindi naman ganitong buhay ang pinangarap ko...I always hate that f**king word 'arrange marriage'!

Nang makapasok ako sa loob ng simbahan ay lahat sila nakatingin sakin.

Kinakabahan ako habang naglalakad patungong altar. Nang lumingon ako sa gilid ko ay nakita ko sya mula sa di kalayuan, nakatingin sakin. Kita ko ang sakit sa mga mata niya...

Binaling ko na lamang ang paningin ko sa harapan at nagpatuloy sa paglalakad. 

Wag kang umiyak Claire, wag kang umiyak...magagalit sila sayo kapag umiyak ka.

Tinignan ko ang lalaking nasa gilid ko ngayon. It's David Buenavista, ang lalaking mapapangasawa at makakasama ko sa iisang bubong. From what I heard he's a cold-hearted and ungentleman but my parents always says that he's kind, gentleman, friendly, smart...in short he is a perfect son, I guess.

Mas maniniwala pa ako sa sinasabi ng mga tao sa labas kesa paniwalaan ang mga magulang ko. I know when my parents is telling the truth or when they lied.

"Stop staring at me Ms." Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatitig sakanya.

"I'm not staring at you. And excuse lang huh? You mean Mrs not Ms. Magiging Buenavista na ako pagkatapos nitong kasal." Mahinang saad ko at inirapan sya.

"You, using my last name makes me disgust like sh*t. Hindi bagay sayo maging Mrs. Buenavista." Ba't wala akong narinig na usapan tungkol sakanya na mahilig pala tong manlait?!

"Ayos lang ba kayong dalawa?" Tanong ni father pero hindi ako sumagot. Talaga bang itatanong nya yan saming dalawa? Wala yata syang alam na hindi kami narito dahil mahal namin ang isa't-isa!

_

"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!"

Dahan-dahan akong humarap sakanya at ganon din siya. Lumapit sya sakin ng kunti para itaas ang belo...dahil sa kaba ay napaatras ako at muntikan ng matapilok pero nahawakan nya ang bewang ko at inilapit sakanya.

"Wag mo akong hahalikan..." Mahinang saad ko ng nilapit nito ang mukha nya sakin kaya napapikit na lamang ako. 

Pero pansin kong hindi nagkadikit ang mga labi namin kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Ilang inches nalang ay mahahalikan na nya ako, hinawakan nya ang isang pisngi ko at para bang tinatabonan nito na di makita ng mga tao dito sa loob na hindi talaga nagkadikit ang labi naming dalawa.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao. Mabilis ko naman syang tinulak at muntikan pa akong matumba pero nahawakan nito ang kamay ko.

"Damn, you're such an idiot..."

Sabi nito at kita kong nagulat si father sa sinabi niya.

"...wife, you should be careful because we're still going to have fun tonight." Bawi nito at hinila ako palapit sakanya.

Tumawa ako ng peke at mahinang sinuntok ang dibdib niya.

"Ha ha ha! Palabiro talaga sya father."

Sabi ko.

"Oh, siya sige. Gantimpalaan sana kayo  ng maraming anak." Agad akong napaubo dahil sa sinabi nito.

Hinawakan nya ang kamay naming dalawa saka ngumiti. Pilit akong ngumiti at ganon din naman ang ginawa nitong plastic na lalaking 'to.

Anak? Sana okay lang si Father.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status