Share

Part 9

Author: ROXIE
last update Last Updated: 2025-07-05 19:34:31

“Ano ito?” tanong ni Naila ng makarating siya sa kusina.

“Pagkain,” pilosopong sagot naman ni Ashton na nakaupo na.

“Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay bakit ang dami nito?” Galing kasi sa iba’t-ibang fast food ang mga nakahapag sa table.

“Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya nagpadeliver ako sa lahat. Medyo malamig na nga lang. Kanina pa kasi ang mga ito.”

May plato ng nakahapag sa mesa para sa kanilang dalawa.

Sa totoo lang ay gutumin siya. Mabilis kasi ang metabolism niya o sadyang patay-gutom lang siya pero ng mga sandaling iyon ay kahit na nag-aalburoto ang tiyan niya ay wala siyang ganang kumain. Habit na niya na kapag stress siya ay hindi siya makakain. Ewan niya pero parang ayaw magpalunok ng pagkain. “Wala akong gana.” Ewan niya pero masyado siyang overthinker. Palagi niyang iniisip ang mga bagay na hindi na dapat niya iniisip.

Nag-isip sandali si Ashton saka biglang tumayo. “Wala din akong ganang kumain. Itapo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Here's Your Perfect   Part 9

    “Ano ito?” tanong ni Naila ng makarating siya sa kusina. “Pagkain,” pilosopong sagot naman ni Ashton na nakaupo na. “Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay bakit ang dami nito?” Galing kasi sa iba’t-ibang fast food ang mga nakahapag sa table. “Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya nagpadeliver ako sa lahat. Medyo malamig na nga lang. Kanina pa kasi ang mga ito.” May plato ng nakahapag sa mesa para sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay gutumin siya. Mabilis kasi ang metabolism niya o sadyang patay-gutom lang siya pero ng mga sandaling iyon ay kahit na nag-aalburoto ang tiyan niya ay wala siyang ganang kumain. Habit na niya na kapag stress siya ay hindi siya makakain. Ewan niya pero parang ayaw magpalunok ng pagkain. “Wala akong gana.” Ewan niya pero masyado siyang overthinker. Palagi niyang iniisip ang mga bagay na hindi na dapat niya iniisip. Nag-isip sandali si Ashton saka biglang tumayo. “Wala din akong ganang kumain. Itapo

  • Here's Your Perfect   Part 8

    Nagmulat ng mga mata si Naila at hindi pamilyar sa kanya ang kisame. Kisame palang ay alam na alam na yayamanin ang nakatira. Yayamanin? Wala naman siyang close friend na may ganoong bahay. Mabilis na umupo siya ng maalala ang mga nangyari. Muntik na siyang mapahamak kung hindi dumating si Ashton. Inilibot niya ang paningin. Confirmed! Nandoon nga siya sa bahay nito. Ramdam pa rin niya ang pamamaga ng kanyang mga mata at bigat ng kanyang dibdib. Kahit anong gawin niya ay parang walang pupuntahan ang mga plano niya. Kinakarma ba siya dahil gagamitin lang niya ang mga lalaki? Pero itutulong naman niya iyon sa mama niya. Nawala yata ang bigat ng dibdib niya ng makita si Ashton. Nakaupo ito sa tabi ng kama habang binabantayan siguro siya. Nakayuko ito. Mukhang nakatulog na. Nakita niyang muntik ng tumumba ito pero mabilis na nagising at bumalik sa dating pwesto. Mukhang di pa siya napapansin nito. Halata sa itsura nito na inaanto

  • Here's Your Perfect   Part 7

    Kanina pa naiilang si Naila dahil palagi niyang nahuhuling tumitingin sa kanya si Ashton na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng counter na animo totoong manager kung umasta. Pero parang siya lang naman ang binabantayan nito. Saka ito nagsimulang lumibot. Napatingin na naman siya dito ng biglang papalapit na ito sa table nila. “Ako na.” Narinig niyang sinabi nito sa isang waitress at kinuha ang juice na dala-dala. “Saang table ito?” Narinig pa niyang tanong nito. Nakita niyang tumuro ang waitress sa katabing table nila. Kinabahan siya dahil parang alam na niya ang pinaplano nito. Papalapit na ito sa table nila ng nakakalokong ngumiti ito sa kanya. Sinasabing humanda ang ka-date niya sa pinaplano nito. Pero bago pa man makalapit ito ay biglang tumayo si Andrew at sinagot ang cellphone nito. Si Andrew ang kanina pa niya hinihintay. Base na din sa pag-uusap nila ay mukhang ito na ang lalaking makakatulong sa kanya. Bukod sa malaki a

  • Here's Your Perfect   Part 6

    “Ang aga mo yata, Naila.”Tanong ni Alexa kay Naila na ngayon ay nakaupo na habang naglalabas ng laptop. May date siya ngayon, obviously, kaya siya nandoon. Mamaya pa naman ang date niya at nakiusap siya kay Alexa na mag-stay na muna doon para kahit papaano ay makapagtrabaho siya habang naghihintay. Wala namang gaanong kadaming tao kaya okey lang na nandoon siya. Isa pa, kaclose na din niya ang manager nito kaya nagagawa siyang pagbigyan ng mga ito.Speaking of the manager ay ilang araw na niyang hindi nakikita ito. “Alexa, nasaan si Melvin? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita.” Inilibot niya ang paningin para hanapin si Melvin. Si Melvin ba talaga?“Binigyan siya ng vacation leave with pay ng may-ari for two months.”“Talaga?” Napakaswerte naman ng lalaking iyon. Nagbakasayon na nga, may bayad pa.“Kaya ikaw muna ang nagma-manage pansamantala?”“Medyo na oo at medyo na hindi.”May itatanong pa sana siya kaso ay tumunog ang cellphone nito at sinagot iyon. Lumayo ito ng konti at ng

  • Here's Your Perfect   Part 5

    Papasok na si Naila sa restaurant ng maramdaman ulit niya ang presensiya ni Ashton sa likod niya. “Ashton, please… huwag mo na akong sundan.” It took her a lot of courage to utter those words. Dahil baka bawiin niya ang mga sinabi kung palagi itong nandiyan at nangungulit.“Baka nasa likod mo lang ang lalaking babagay sa iyo.” Nakangiting wika nito at saka siya nilagpasan at binuksan ang pinto ng restaurant. “Welcome to our restaurant, Naila. Please, enjoy your stay and hoping that you will like our foods.” dagdag pa nito.Doon pala nagtatrabaho ito? Hindi pwede! Hindi siya pwedeng makita nito palagi sa ganoong sitwasyon.“Naila?”Napatingin siya sa bandang likuran niya dahil sa tumawag. “Alvin?” kahit na ayaw niyang ngumiti ng mga oras na iyon ay ngumiti siya. Si Alvin ang bagong prospect niya kaya kailangan niyang magpa-impress. For Pete’s sake, she’s going to date another guy today. Makikita na naman ni Ashton iyon at lalong nanliliit siya sa sarili dahil doon. Baka isipin nito na p

  • Here's Your Perfect   Part 4

    “Anong itinatayo ni—” tanong ni Naila sa sarili ng makita niya ang pamilyar na bulto ni Ashton sa tapat ng kumpanya nila.“Kanina pa nga iyan diyan, Ma’am. Kayo po pala ang hinihintay niya.” Sabi ni Manong Guard na siyang naka-duty kanina pang umaga.“Talaga po?” pero imposibleng siya ang hinihintay nito. Isa pa, anong magiging dahilan nito? At saka, bakit parang dumadagundong sa kaba ang dibdib niya?“Opo, ma’am.” Sabi pa nito.Naglakad siya palabas ng gate. Nakatalikod pa din si Ashton.Pero hindi niya pwedeng lapitan ito dahil wala naman siyang dahilan para gawin iyon.Napaatras pa siya ng biglang humarap ito. Agad na nagsalubong ang mga mata nila. Hayun na naman ang pagdagundong ng kung ano sa dibdib niya. Gusto niyang iwasan ang mga mata nito pero ayaw gumalaw ng mga eyeballs niya.“Oh, hi… Naila.” Lumapit ito sa kanya. “Dito ka pala nagtatrabaho. I thought you are a daughter—”“Shut up!” agad na sambit niya. Mang-aasar lang pala ito. Agad na naglakad siya palayo dito.Tumawa ito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status