Share

Hidden Mafia Don
Hidden Mafia Don
Author: Docky

PROLOGUE

Sinikmura ang bawat danak ng dugo at pagmamakaawa ng mga inosenteng biktima.

Binangga ang mga makapangyarihang opisyal at mga gahamang elitista.

Nakipagbuno at nanalo laban sa mga Don ng iba’t-ibang crime clan.

Dalawang personalidad, iisang pangalan.

Akala ng iba siya ay isang ordinaryong mamamayan lamang pero siya ang pinakamayaman at pinakabatang CEO sa bansang kaniyang sinilangan.

Marami siyang lihim ngunit may isang pinaka-iniingatan.

Remember his name - DAVEN VERRANO COSTELLO because he is the new boss of the mob. He is THE HIDDEN MAFIA DON.

******

11:00 P.M. Sicily, Italy

“FIND THE GOOMAH (Mafia Don’s mistress)! SHE HIT THE BOSS! I REPEAT. SHE HIT THE BOSS!” sigaw ng underboss na si Hugo sa kaniyang earpiece habang hawak-hawak ang pinuno ng kanilang mob. Naliligo ito sa sariling dugo. Napailing siya nang pulsuhan niya ang matanda. Wala na itong buhay.

Agad na naalerto ang mga sundalo, ang pinakamababang miyembro ng mob, sa pamumuno ng mga capo (kapitan) . Bitbit ang kani-kanilang baril ay mabilis nilang isinecure ang buong area. Mahigpit na utos sa kanila na walang dapat makalabas sa mansyon ng boss.

Sumisipol na bumaba si Daven, ang consigliere ng boss, mula sa kaniyang Pagani Zonda R car. Nakasuot siya ng black suit at pants. Inalis niya ang kaniyang salamin at kinuha ang kaniyang briefcase. Nang isasara na niya ang kaniyang sasakyan ay bigla siyang napaupo nang mabangga siya ng isang babae. Hawak-hawak ng isang kamay nito ang kaniyang mahabang dress samantalang ang isang kamay naman ay nakahawak sa kaniyang shawl. Nakatakip iyon sa kaniyang mukha kaya tanging mga mata lang nito ang nakita ni Daven.

“I’m sorry,” ani ng babae bago tuluyang nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ng kaniyang motorsiklo.

“Her eyes are gorgeous,” bulong ni Daven. “Wait! What’s your name?” sigaw niya.

Kumaway lang sa kaniya ang babae bago nito paandarin ang kaniyang motorsiklo.

Inayos ni Daven ang kaniyang buhok at lumakad na patungo sa gate. Kumunot ang kaniyang noo nang makita niya ang kaguluhan sa loob.

"Non fermarti finché non vedi quella ragazza!" ("Huwag kayong titigil hangga't hindi niyo nakikita ang babaeng iyon!”) sigaw ng isang capo.

Lumapit si Daven dito para tanungin kung ano ang nangyayari. Nang malaman niyang wala ng buhay ang boss na itinuturing niya bilang isang ama ay napatakbo siya papunta sa silid nito. Habang tumatakbo ay niluluwagan niya ang kaniyang necktie. Nabitiwan na rin niya ang dala niyang briefcase.

Non può! Non puoi morire! Non autorizzato!” ("Hindi maaari! Hindi ka pwedeng mamatay! Hindi pwede!") naluluhang sambit ni Daven.

Pagtapak niya sa silid ng kanilang pinuno ay bigla siyang naistatwa sa kaniyang kinatatayuan. Nanginginig ang bawat himaymay ng kaniyang kalamnan. Nakaawang ang kaniyang labi habang namimilog ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapagsalita. Ang kaniyang mga pisngi ay unti-unting nabasa.

“Daven,” malungkot na bigkas ni Hugo habang lumuluha. "Papà è morto." ("Patay na si papa.")

Nang marinig iyon ni Daven buhat sa bibig ng underboss na si Hugo ay saka lamang niya nagawang ihakbang ang kaniyang mga paa. Tila nagdilim ang paligid at tanging ang boss lamang ang kaniyang nakikita. Kung gaano kabilis ang kaniyang pagdating sa silid nito ay siya namang bagal ng kaniyang paglapit sa walang buhay nilang boss.

Quello che è successo? chi? Chi gli ha fatto questo?” ("Anong nangyari? Sino? Sino ang gumawa nito sa kaniya?") sambit ni Daven habang nakapako ang kaniyang mga mata sa kanilang boss.

“His mistress hit him in his head. He died due to hypovolemic shock,” Hugo replied. He’s still wiping his tears.

Napatingin si Daven sa sahig. Ang puting tiles ay naging pula. Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ng mafia boss. Iniyuko niya ang kaniyang ulo. Nagsimula na ang kaniyang pagtangis. Habang nagluluksa ay naalala niya ang babaeng nakasalubong niya sa labas ng mansyon. Nagliyab ang kaniyang mga mata. Binitiwan niya ang kamay ng boss at ikinuyom ang mga iyon.

“The entire mob needs to know about this,” ani Daven bago niya buhatin ang Don. “Rest in peace, Don Aniello.”

****

Matapos ilibing si Don Aniello ay nagtipon-tipon ang mga miyembro ng mob, kabilang na ang lahat ng capo. It was an important meeting since pipili sila ng bagong mafia boss.

“Our beloved Don Aniello Castellano told us that he wants Daven Verrano Costello to succeed him, while he’s still alive. However, the mob decided to have an election to be fair to our underboss, Hugo Castellano. After gathering our captains’ votes … “

Napuno ng tensyon sa loob ng silid. Magkaibigan sina Hugo at Daven. Kung anuman ang maging resulta ng botohan ay maluwag sa loob nila iyong tatanggapin.

“Daven Verrano Costello won! He’s our new Mafia Don!”

Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa silid kabilang na si Hugo. Niyakap nito si Daven bilang pagbati. Tinawag si Daven para magsalita sa harap ng mga miyembro ng mob. Matapos ang mahabang talumpati ay nagpalakpakan ang lahat. Tumahimik lang sa silid nang muling magsalita si Daven.

“In order to protect my businesses and my family, I would like to ask one thing…” 

Nagtanguan ang mga tao sa silid, simbolo ng kanilang pagpayag sa anumang sasabihin ng bagong boss.

“Per favore, mantieni la mia identità riservata. Lascia che indovino chi sono. Voglio diventare ‘The Hidden Mafia Don’.” ("Please keep my identity confidential. Let them guess who I am. I want to become 'The Hidden Mafia Don'.")

Matapos ang seremonyas ay nagdiwang ng magkasama sina Hugo at Daven. Umiinom sila habang may mga babaeng nagsasayaw sa kanilang harapan.

Naalala ni Daven kung paano siya kinupkop ni Don Aniello noong sumabog ang sinasakyan nilang eroplano ng kaniyang pamilya. Namatay noon ang kaniyang papa at si Elisa, ang babaeng nagligtas sa kaniya, sa kaniyang mama at sa kaniyang kapatid. Anuman ang mayroon sila ngayon ay dahil kay Don Aniello.

“Maraming salamat sa lahat Don Aniello. Pangako, hahanapin ko ang babaeng pumatay saýo at kapag natagpuan ko siya, ihaharap ko siya sa puntod mo at doon ko siya papatayin. Bago ‘yon, ipaparanas ko muna sa kaniya kung paano magalit ang isang demonyong nag-aanyong anghel sa lupa. Pahihirapan ko siya hanggang sa magmakaawa siya. Hihintayin kong hilingin niya mismo ang kaniyang kamatayan,” nagngangalit na sambit ni Daven.

“What did you say, Daven?” Hugo asked.

“Don't mind it. Anyway, your papa's goomah is a Filipina, right?”

“Si,” ("Yes,") tugon ni Hugo.

Kinuha ni Daven ang kaniyang cell phone sa bulsa ng kaniyang pantalon at may idinayal na numero. “Prepare my passport and airline ticket tomorrow. I’ll be flying back to the Philippines,” aniya sa kaniyang kausap.

Inawat ni Daven ang kaibigan niyang si Hugo sa pakikipaghalikan sa isang stripper. Hindi naman nainis ang kaniyang kaibigan sa kaniyang ikinilos.

"What's the matter Don Daven?" Hugo asked while smiling.

"Sshhh. Just call me Daven. Remember my request recently?" Daven said.

Tumango naman si Hugo at humingi ng pasensya.

"So what's the matter? Why did you interrupt?" tanong ni Hugo. Nakapulupot sa kaniyang leeg ang kamay ng babae habang hinahalikan ang likod ng kaniyang tainga.

“Tornerò a casa nelle Filippine. Te ne occuperai prima tu. Domani arriverà il mio consigliere. Ti aiuterà a decidere le cose," ("Uuwi ako sa Pilipinas. Ikaw na muna ang bahala rito. Bukas, dadating ang aking consigliere. Tutulungan ka niyang magdesisyon sa mga bagay-bagay.") ani Daven.

Sumang-ayon naman si Hugo sa kaniyang nais at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagpapakasasa niya sa babae.

“Let the game begin!” Daven whispered.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Salto
hmm interesting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status