Share

HMD 1.1 First Encounter

8:45 A.M. Outside Ninoy Aquino International Airport

“DC DAPA!”

Ikinubli ni Daven ang kaniyang sarili sa likod ng kaniyang malaking maleta matapos marinig ang sigaw ng kaniyang driver. Mabuti na lang at alam ng driver ang kaniyang code name at hindi ang kaniyang totoong pangalan ang naisigaw nito. DC means Don Costello. Dati ay DV ang kaniyang code, pinalitan lang ito nang mahirang na siya bilang boss o don ng mob. Kilala rin siya sa alyas na "Digger" dahil siya halos ang dahilan kung bakit nahuhuli at nalilibing sa hukay ang mga mababagsik na kalaban ng kanilang mob noon.  Hindi niya akalain na bala ng baril ang sasalubong sa kaniya sa labas ng airport. 

“Shit! Babalatan ko ng buhay kung sinuman ang nagpa-ulan ng balang iyon!” aniya habang dahan-dahang lumalakad papunta sa kaniyang sasakyan. Agad niyang hinawakan ang kaniyang earpiece. Napangiti siya nang malaman niyang kumikilos na ang kaniyang mga tauhan para hanapin ang snipper.

Tumayo na siya dahil kampante siyang mabilis na mahahanap ng mga tauhan niya ang nagtangka sa buhay niya. Nakasuot siya ng itim na hoodie at jogger pants. Inayos niya ang kaniyang facemask at salamin bago niya kuhaning muli ang kaniyang maleta.

 “Whoever he is, get him alive. Ako na ang bahala sa kaniya after niyo siyang mahuli,” bulong ni Daven. Naintindihan naman iyon ng kaniyang mga tauhan.

Napahawak sa kaniyang dibdib si Daven nang biglang may nagsalita sa tabi niya.

“Mag-ingat ka naman! Naipit na ng gulong ng maleta mo ang paa ko!” masungit na turan ng babae.

Natulala si Daven sa ganda ng babae. Nakasuot ito ng itim na dress at puting coat. Nais niya sana itong sungitan kaso naisip niyang nasa Pilipinas na nga pala siya. He needs to be nice and charming. Kailangan niyang ibahin ang kaniyang ugali at pananalita.

“Pasensya ka na miss. Hindi ko sinasadya,” ani Daven habang nakatitig sa mga mata ng babae. Those eyes looked familiar. “Nagkita na ba tayo dati?” tanong niya.

Tumikhim ang babae. Sasagutin na sana niya ang tanong ni Daven nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. “Speaking. What? Okay. I’ll be there in forty minutes. Yes, kararating ko lang. Okay. Thank you,” sabi niya sa kaniyang kausap sa phone. Tumingin siyang muli kay Daven. “Ano nga ulit ‘yong tanong mo?”

“Nevermind. Sige na mukhang kailangan mo nang umalis,” nakangiting sambit ni Daven.

Hahakbang na sana palayo ang babae nang bigla siyang hinawakan ni Daven sa braso nito.

“Wait. I’m Daven. You are?”

“Elera. Elera Luciano. Nice to meet you,” nakangiting wika niya habang nakikipagkamay kay Daven. “Pa’no? I have to go.”

“Okay. Hope to meet you again. Ingat ka Miss Elera."

Pinagmasdan ni Daven ang likod ni Elera habang lumalakad ito palayo sa kaniya. Saka lang siya sumakay sa kaniyang kotse nang makita niyang nakasakay na rin sa sasakyan si Elera.

“Mukhang tinamaan po kayo sa kaniya sir ah,” nakangiting sambit ng kaniyang driver na si Pietro.

Ngumiti lang si Daven at pagkatapos ay isinandal ang kaniyang ulo sa upuan ng sasakyan. “Kumusta sina Mama Aira at Driana?” tanong niya.

“Okay naman po sila sir. Miss na miss ka na po nila. Sa bahay po ba tayo didiretso o sa opisina niyo po?” magalang na tanong ni Pietro.

“Sa PBC muna tayo. Kailangan ko pang makausap ang human resource head. May kailangan akong hulihing daga sa loob ng kompanya. Masyado na siyang maraming nakukuha. Kailangan na siyang ikulong para hindi na makapaminsala pa ,” tugon ni Daven bago tuluyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

"Mukhang makikipaglaro na naman kayo Sir DC ah. Sana kaunti lang ang mawalan ng trabaho. Siya nga po pala, nakikiramay po ako sa pagkamatay ni Don Aniello," ani Pietro.

Bumuntong hininga si Daven. Kumirot ang puso niya nang maalala niya ang gabing iyon. Sinisisi niya pa rin hanggang ngayon ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng dating boss. Kung napaaga lang sana siya nang dating, naprotektahan niya sana ito. Kung hindi sana siya nabighani sa mga mata ng babaeng iyon, nahuli na sana niya ang killer. Nagbabadya na namang pumatak ang kaniyang mga luha. Matigas ang puso niya ngunit lumalambot ito kapag mahal na niya sa buhay ang pinag-uusapan.

 "Okay pa ba ang basement? Hindi pa ba iyon nadidiskubre ni mama at ng kapatid ko?" tanong ni Daven. Inilihis niya ang usapan sa ibang bagay.

"Goods pa po sir. Palagi naman pong nasa PBC at galaan ang mga kasama niyo sa bahay kaya safe pa po ang lahat doon."

"Maaasahan ka talaga, Pietro. Matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag malapit na tayo sa head office. Ay siya nga pala, daan muna tayo ng mall. Kailangan kong magpalit ng attire. I'll be a nerd guy starting today," nakangiting sambit ni Daven.

Tumango lang si Pietro. Nang tumingin siya sa rear-view mirror ay nakanganga nang natutulog si Daven. Ngumiti siya at umiling, "Sigurado akong tuwang-tuwa at proud na proud sa'yo ang iyong papa sa langit."

*****

9:25 A.M. Philippines Bank Corporation Head Office

“Sigurado ka bang darating ngayon si Mr. CEO? Ipakikilala na raw ba siya ni Chairwoman Aira? May magaganap bang press conference?” sunod-sunod na tanong ni Elera sa kaniyang sekretarya habang binabaybay ang daan patungo sa kaniyang opisina.

“Hindi pa raw po pala sure if ipakikilala na po si sir. Ang sabi lang daw po kasi ni Chairwoman Aira ay dito raw po didiretso ang anak niya pagkagaling nito sa Italy,” sagot ni Melanie, ang kasalukuyang sekretarya ni Elera.

Huminga nang malalim si Elera bago humarap kay Melanie. Salubong ang kaniyang mga kilay at namumula ang kaniyang mukha.

“Akala ko ba...” mataray na wika ni Elera. Tumaas ang kaniyang kaliwang kilay habang masamang nakatingin sa kaniyang sekretarya.

“So-sorry po maám,” nakayukong sambit ni Melanie.

Kinuha ni Elera ang kaniyang phone at tumawag sa human resource department.

“I need a new secretary tomorrow.” Inis na inis niyang ibinalik sa bulsa ng kaniyang white coat ang kaniyang cell phone.

Agad na lumuhod sa harap ni Elera si Melanie. Nangingilid ang mga luha nito.

“Maám Elera, sorry po. Hindi na po mauulit. Nakikiusap po ako. Kailangan ko po ng trabahong ito. Please maám,” humihikbing wika ni Melanie. Nakahawak siya sa laylayan ng itim na dress ni Elera.

Tumawa ng pagak si Elera at marahas na inalis ang mga kamay ni Melanie sa kaniyang dress.

“Get out of my office. NOW!” nanlilisik na mga matang utos niya.

Nakayuko at lambot na lambot na lumabas ng opisina ni Elera si Melanie. Inilagay ni Elera ang kaniyang maleta sa tabi ng kaniyang table at saka umupo sa kaniyang swivel chair. Nakatingin siya sa puting kisame habang pabalik-balik na iniikot ang kaniyang silya.

“I had enough of her. Daig pa niyang palaging puyat! Wala siya palagi sa focus at laging lutang. Palagi na lang palpak ang mga pinapagawa ko. I pity her but I need a better secretary. Pagod na pagod na nga ako sa biyahe tapos ganito pa ang bubungad sa akin dito. Hay!” aniya. 

Nabaling ang atensyon niya sa buhay na telebisyon.

"A private plane crashed this morning some 1000 meters off the coast of Barangay Sto. Rosario, Zambales. Bidayan family are still missing while Sobrido family were all rescued and found to have sustained only minor injuries..."

Pinatay ni Elera ang telebisyon dahil biglang nanubig ang kaniyang mga mata. Naalala niya ang yumao niyang inang si Elisa. Hanggang ngayon ay uhaw pa rin siya sa hustisya sa nangyaring plane crashed. It was not an accident, sigurado siya roon.

"Mama, sumali ako sa Asian Assasins para saýo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan. Wala na nga raw po pala si Don Aniello. Sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon," ani Elera.

Sumagi naman sa isip niya ang lalaking nabangga niya sa Sicily habang nagmamadali siyang lumabas sa mansyon ng mga Castellano. Hindi niya mailarawan ang hitsura nito pero nasisiguro niyang napakaguwapo nito at base sa sasakyang binabaan nito, alam niyang hindi biro ang kayamanang tinataglay ng lalaki.

“Sayang. Hindi ko nakita ang mukha niya. Why did I feel so drawn to him? Unang beses ko lang siyang nakita noon. Hmmm ... miyembro kaya siya ng mob? I hope he's not.” Kinagat ni Elera ang kaniyang mapulang labi. “Sana magkrus muli ang aming mga landas.”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
Naku daven nakaharap mo na ang babaeng iun
goodnovel comment avatar
Salto
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status