Share

Chapter 5

Isang linggo na ang lumipas pero hindi parin nawala sa aking isipan ang muli naming pagkikita ng gwapong lalaki na may matambok na puwit.

Kung gwapo siya noong gabi na iyon, sh*t! Para akong naka kita ng artista nang araw na muli ko siyang nakita. May kamukha siyang artista, hindi ko lang matukoy kong sino basta may kamukha siya. Baka may lahing banyaga siya kaya ganoon siya ka gwapo. Baka lahing mangkukulam? Piniling ko ang aking ulo at nagpatuloy sa panonood ng k-drama.

"Sh*it!" gulat na sambit ko ng may nag doorbell.

Wala naman akong inaasahan na bisita a. Sino kaya 'to? Inayos ko ang sarili at pinagbuksan kung sino itong distorbo sa panonood ko.

"Nandito ba si, J.A?"

Nagka gulatan kami nang pagbuksan ko siya ng pinto. Nakatulala lang akong nakatingin sa lalaking nasa aking harapan. Ang aliwalas niyang tingnan sa suot niyang sky blue t-shirt, black pants and white sneakers. He look familiar, saan ko ba siya nakita?

Ah! Na alala ko na. Siya si gwapong lalaki na may matambok na puwit, na isang pulis na lumapit sa amin sa karendeya nang ako ay muntik nang manakawan. Ano kaya ang kailangan niya sa kapatid ko?

"I'm sorry to bothered you," aniya sa mababang tono.

I sneezed to get rid of the strange feeling. Geeez, huminga ako ng malalim, siguro dahil kagagaling ko lang ng iyak sa pinanood kong drama kaya ganito ang pakiramdam ko.

"Sh*t!" tarantang sambit ko at daling tumakbo sa loob ng kwarto ko at iniwan siyang natiwangwang doon sa harap ng pinto. "Nakakahiya ka, Elies!" kastigo ko sa sarili ng makita ang mukha ko sa harap ng salamin. Mugto ang mga mata ko, medyo magulo rin ang buhok ko.

"Oh sh*t! Oh my god!" niyakap ko ang sarili ko sa subrang gulat.

Wala akong suot na bra. I can't believe this. Oh my god! Bibigwasan ko talaga ang magaling kong kapatid.

Dali-dali akong nag suot ng bra at nag hilamos. Inayos ko na rin ang buhok ko. Nang makontento ay lumabas na ako upang balikan ang lalaki sa labas ng apartment ko.

Nasa mukha nito ang pagtataka, bakit bigla akong tumakbo at iniwan siya. Mukhang hindi naman niya nahalata na wala akong suot na bra. Maluwang naman ang damit ko.

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin. "Pasok, tatawagin ko lang ang kapatid  ko, "nagpati-una akong pumasok. Lumingon ako sa kanya nang ikina tigil niya, "maupo ka muna," sabi ko at dumiritso sa kwarto ng kapatid ko.

"May bisita ka at hindi mo manlang ako sinabihan!" bungad ko nang maka pasok ako sa kwarto ng kapatid ko.

"Ate! Nakaka gulat ka naman! Hindi ka man lang kumatok."

"E, kung katukin ko kaya iyang ulo mo?!"

Napakamot siya sa kanyang batok. "Sorry. Nakalimutan ko sabihin sayo kanina. Ikaw kasi e. "

"At ako pa sinisisi mo? Alam mo ba kung ano ang mukha ko noong humarap ako sa bisita mo ha?Mukha akong lasing na bagong gising," inambahan ko siya ng suntok kaya napatakbo siya palabas.

"Hindi ka naman magustuhan non. Bakit mukhang na disappoint ka dahil ganon ang ayos mo?"

Seryoso ko siyang tiningnan. Kita ko sa mukha niya ang pagsisi dahil sa kanyang sinabi.

"Wala akong paki alam kong magustuhan niya ako o hindi. At wala akong pakialam kong ano ang iisipin niya. Wala na akong panahon sa mga ganyang bagay. Puntahan mo na ang bisita mo at kanina pa iyon naghihintay."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas ako sa kanyang silid. Dumiritso ako sa aking kwarto nang hindi pinansin ang bisita ng kapatid ko.

Napahagikhik ako sa aking ginawa, panigurado kabado na iyong kapatid ko. Nag-iisip na iyon ng paraan para makabawi sa binitawan niyang salita sa akin. Pang ganti lang sa hindi niya mag inform sa akin na may bisita pala siyang dadating. Hindi ko talaga inaasahan  'to.

Ito ang unang beses na may nagpunta na lalaki sa apartment ko. Maliban kay papa at sa kapatid ko. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Sinundan ako ng tingin ng aking kapatid.

"Kinabahan ako kanina sa ate mo. Ang taray niya, "rinig kong sabi ng bisita niya.

Hindi ko alam ang pangalan niya, hindi ko naman tiningnan ang pangalan niya noong naka police uniform siya. Na star struck ako noon sa porma niyang naka pulis uniform. Hindi ko rin inakala na kaibigan pala siya ng kapatid ko.

"Mataray lang 'yan tingnan pero mabait 'yan."

Nag punta lang ata 'yan dito para makipag chismisan. Hindi ko na pinansin pa ang sunod nilang pinag- usapan. Usapang pulis na iyon at hindi ko naman maiintindihan.

Naghanda nalang ako ng pananghalian namin. Ano kaya ang masarap na lutuin? Hmmm.

Habang hinihintay kong maluto ang pritong isda ay napa-isip ako. Bakit parang hindi niya ako naalala. Hindi niya ba na tandaan ang mukha kong 'to? Ang inangkin niyang girlfriend at kinaladkad palabas ng bar? Sabagay gabi iyon may kadiliman hindi niya siguro na aninag ng maayos ang mukha ko, kaya siguro napagkamalan niyang ako si Cheska na hinahanap niya.

"Nasusunog na ang niluluto mo."

"Ay palaka!" gulat na sambit ko at agad na pinatay ang apoy.

Nasunog lahat ang isdang niluto ko. Prito na nga lang nasunog pa.

"Sorry, kung nagulat kita," aniya.

Pag harap ko, sa kanyang malamlam na kayumangging mata agad natuon ang pansin ko. Ano ba ang meron sa matang iyan para mapatulala ako?

"Kenzo nga pala," pakilala niya sa sarili at inilahad ang kamay.

"Elies," sagot ko at tinanggap ang palad niyang naka lahad.

Para akong nakuryento nang magtagpo ang kamay namin. At ito na naman ang wirdong pagtibok ng puso ko dahil sa lalaking nag ngangalang  Kenzo.

Tatlong beses ng nangyari 'to kailangan ko na yata magpatingin sa doctor baka may sakit na ako sa puso.

"Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si J.A. Ilang taon ka na?"

Napa-arko ang kilay ko sa kanya.

"Pulis ka diba? Edi,mag imbestiga ka para malaman mo ang buong pagkatao ko, " masungit na sambit ko.

"Tsk! I'm not like that. Hindi ako ang tipo ng tao na gagamitin ang propesyon para lang sa sariling interes , "he winked at me." Alamin ko iyon mula sayo, pa unti-unti. "

He playfully smile at me at kumuha ng baso at nakangising bumalik sa sala.

"Kailangan ko na talaga magpatingin sa doctor. Kinakapos ako ng paghinga," sambit ko sapo ang aking dibdib.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status