Share

Chapter 10

KASALUKUYAN nang nasa byahe sila dyke matapos silang sunduin ng driver niyang si julyo, kalahating araw lamang silang nanatili sa bahay nila tatay alpring ay tila’y parang napakalaki na ng pinagbago sa pagitan nilang dalawa ni karrie, kakaiba ang pakiramdam na ito kumpara sa dating normal na enerhiyang namamayani sa kanila. 

“Mukhang natagalan po ata kayo ni ma’am duon, sir!”  Untad ni julyo

“Actually, uuwi na sana kami ng midnight by that time, but nagkaroon ng problema sa connection ng phone ko, hindi ka man lang sumasagot nun, then nawalan ng   signal malapit sa dagat kaya may kasalanan ka din sa akin sa hindi mo pagsagot sa tawag ko”  

Napangisi na lamang si julyo sa sinabi ni dyke, nasanay na rin naman siya sa boss niya na ganito ang ugali, ngunit alam niyang maayos makisama ito at sinisindak lamang siya.

“Ok lang iyon, sir. Nakasama niyo naman ho ng matagal si ma’am karrie eh, hahaha” 

“Hmp!” Hindi na nagsalita pa si dyke dahil baka mahalata ng dalaga ang pagkatuwa niya sa nangyaring iyon, hindi naman maitago sa sariling isipan ni dyke ang matawa sa sinabi ni julyo, napaka loko talaga ng driver niya, Bigla na naman pinaalala ng isip ni dyke ang panghahalik na ginawa niya sa dalaga habang tulog ito nuong gabing nasa dalampasigan pa  lamang sila.

“siya nga pala sir dyke, naayos ko na po pala yung sa kotse niyo, naipadala ko na po ng maayos sa mansion niyo, itinawag ko na rin po sa talyer iyon upang malinis”

“that’s great, thank you!”  Papuri ni dyke tumango si julyo at nagpatuloy sa pag dri- drive, bumalin ng tingin si dyke sa dalaga na kasalukuyang abala sa kaniyang cellphone, tahimik lamang ito at walang imik. Naisip ni dyke na kausapin ito habang nasa byahe, ngunit nag dadalawang isip siya kung iistorbohin pa ito sa kaniyang ginagawa, baka kase tungkol ito sa trabaho sa kanilang kompanya. Back to normal na naman ang peg ng dalawang ito.

Nagpasya si dyke na ipikit na lamang ang kaniyang sariling mga mata hanggang sa makarating sila sa bahay nila karrie at maihatid siya sa kanilang mansion, napakarami niya pang aasikuhin para sa mga organisasyon na tumutulong sa mga cancer patient at sa mga bata sa lansangan na nakakasalamuha niya. 

MAKALIPAS ang isang oras ay kapansin- pansin na napaka- tirik na ng araw sa daan, sakto sa kanilang pagdating sa bahay nila karrie, naunang bumaba si julyo ng kotse upang pagbuksan ng pintuan ang dalaga. Mas inaalala niya ang dalaga kaysa sa boss niya na hindi naman na kailangan pag silbihan sa ganoong bagay. Sabay na pumasok ang dalawa sa mansion at bumungad naman sa kanila ang mga mukha ng mga kasambahay nila karrie.

“ Magandang tanghali, ma'am at sir! sayo din Julyo! " Pagbati ng mga kasambahay. Magkakakilala na ang mga ito sa tagal nang pagbisita ni dyke sa mansion ng mga Villegas, ka- close na din ni julyo ang mga tauhan dito kaya ganun na lang ang magandang pagbati sa kanila.

"Hi po,  yaya! " Tugon ni karrie na may bahid ng ngiti sa mga labi, kasabay naman nun ang pagsingit ng kaniyang ina

" Oh,  Karrie. Magkasama pala kayo ni dyke,  saan ba kayo nanggaling anak? " Pag aalalang tanong ng nanay ni Karrie. 

Napaka- kinis nito at sobrang supistikada na halata pa lamang sa pananamit.  Nahihiyang umimik si Karrie sa kaniyang   ina dahil baka isipin nito na binigyan niya na ng pahintulot si dyke na maging nobya siya , botong boto pa naman ang nanay niya kay dyke, ngunit kailangan pa niyang pag isipan ang gagawing desisyon bago papasukin ang binata sa kaniyang buhay. Nanatiling walang imik ang dalaga, Kaya't si dyke na lamang ang sumagot sa kaniyang ina

" Uhm, sinama ko lang po si Karrie sa park lapaz tita.  duon na po kami naabutan ng gabi kaya hindi ko po siya naiuwi agad.  may nagpatuloy din po kasi sa amin duon which is yung nawawala pong matalik na kaibigan ng lolo ko dati, unexpected nga po lahat ng pangyayari, mahaba-habang kwento po, tita" 

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng ina ni Karrie at halata ring naguguluhan.

" Okay, I- kwento mo  sa akin, dyke.  Halika umupo muna tayo sa sala"

" yaya, ipagtimpla niyo nga kami ng sir dyke niyo ng juice! " 

Sumunod si dyke sa nanay ni Karrie at umupo rin sa sofa, samantalang si Karrie naman Ay nag desisyon nang umakyat sa kaniyang silid, ngunit bigla naman itong napansin ng kaniyang ina. 

"Oh, anak. Hindi mo ba kami sasamahan dito? " Nagpakawala ng marahas na hininga ang dalaga at matamlay na ibinalin ang atensyon sa kaniyang ina. 

"Magpapahinga po muna ako, mom.  Marami pa kase akong aasikasuhin sa opisina bukas" 

" Okay anak!" 

Nakumbinsi naman ang nanay ng dalaga sa kaniyang idinahilan, Kaya't hinayaan na lamang siya nito. Bumalin muli ng atensyon ang mommy ni Karrie  kay dyke

"Uhm, what happened last night dyke? "

" Naabutan na po kami ng gabi sa dagat, hanggang sa hindi na kami nakauwi dahil hindi ko rin matawagan si julyo due to poor connection, tita.  So we decided to stay their until early morning" Napatigil sandali si dyke sa pagsasalita, parang nakaramdam na naman siya ng pagka dismaya

"Then? " Untad ng mommy ni Karrie 

"Then we met tatay alpring po,  siya po yung nag alok na magpatuloy sa amin sa bahay nila, they treated us well, and his wife is so sweet and caring to us.  Pinatulog niya po ng maayos si karrie sa room nila, pinakain din po nila kami ng maayos, hanggang sa nakapagkwentuhan kami ni tatay alpring, and then I found out that he was my lolo's lost best friend!"

Nalungkot ang ina ni Karrie sa mga ikinu- kwento ng binata sa kaniya, dahil parang isa itong teleseryeng nakakaiyak. Humawak siya sa kaniyang sariing mukha, saka naman nagpatuloy si dyke. 

"Hinahanap niya pala ang lolo ko, matagal na po, tita. Since my lolo moved to canada to build his own company, naputol ang kanilang connection sa isa't-isa, dala na rin siguro ng pagka-busy sa sari- sarili nilang trabaho at pamilya"

"Oh, shooked!"

Napahawak ang nanay ni Karrie sa kaniyang dibdib at pilit na pino- proseso sa utak ang mga nalaman sa binata 

"But your lolo was  dead, did you tell that to your tatay alpring already?"

Huminga ng malalim si dyke saka nagsalita

"Yes po,  tita.  He was very sad but he accepted it naman" 

"Well, that's okay. but I feel sad for him! "

" Kaya nga po, tita! " Sang- ayon ng binata

"But at least nagkatagpo kayo, kahit kayo na lang ng parents mo ang makilala ni tatay alpring, hindi pa rin  mababali ang pinagsamahan nila" Payo ng ginang, tumango naman si dyke at tipid na uminom ng juice na nasa maliit na mesa

" By the way tita, where's tito Alfredo? "

"Ahm, he's on his trip in Cebu, anak. Inaayos niya lang ang magiging location for his new project building for another branch ng V android" 

 

Nagtaaas baba ang ulo ni dyke bilang tugon, saka naman biglang tumunog ang kaniyang cellphone na naramdaman niya sa kaniyang bulsa

" Wait a second po, tita. I'll just check my notif po! " Paalam ng binata

"Okay anak,  take your time" 

Ngumiti si dyke sa ginang at muling bumalin sa kaniyang cellphone. Nang buksan niya iyon ay bumungad agad sa kaniya ang pangalan  na Stupid Eran. 

" Hey dick, I'm already here in the Philippines, where are you. Let's hangout!"

Kumunot ang nuo ni dyke sa message na iyon mula kay Eran Cuangco na kaniyang kaibigan, kakabalik lamang nito sa pilipinas matapos mag- aral sa U.S.

Umipasa na naman ang kagarapalan ng kaibigan ni dyke, iritado ang binata dahil alam niyang lagi na naman itong manggugulo sa buhay niya, kahit sa oras ng pahinga mangbubulabog ang mokong na iyon, parang nuong nasa high school pa lamang sila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status