Share

Chapter 11

"Okay dick, let's meet. but where? "

Sinend ni dyke ang message na iyon kay Eran, saka bumalin kay Cynthia na ina ni Karrie upang magpaalam

" Uhm, tita Cyn, I have to go now" 

" Huh?, where are you going, dyke? " Takang tanong ng ginang 

" To my friend po, tita.  Hangout lang po"

"Ah, sige anak. Ingat ka!" Pag sang- ayon ng ginang saka naman nag pop up muli ang message mula kay eran

" At FAQ club, dick exact 10 pm. I'll wait you there, and also my treat kase alam kong mahirap kana  

: ) : )" 

Kumulo ang dugo ni dyke sa nabasang iyon kaya't nag reply siya ng mas matinding tagos sa buto at magiging Bars para sa kaibigan

"Oh the CEO of De Luna's Phone company who's one of the richest billionaire bachelor in Asia is poor? okay your treat lil dicky. xoxo" Mapang- asar na tugon ng binata. 

Nagpasya na lamang siya na umuwi ngayon upang makatulog pa sa kanilang bahay at maramdaman ang napakalambot niyang kama sa maaliwalas at napaka- supistikado niyang kwarto sa kanilang mansion, isa pa ay kailangan niyang makakuha ng sapat na oras ng pagtulog dahil inaasahan na niya na puyatan na naman ang mangyayari sa kanila sa club

Matapos ipadala ang message na iyon ay saka muling nagpaalam si dyke sa ina ni karrie. Kailangan niyang mag- ayos ng sarili upang magmukhang presentable sa club na pagkikitaan nila ni eran cuangco, medyo threatened na din ang binata dahil mula pa nung nasa high school pa lamang sila ay amoy na amoy niya na  may gusto ito kay karrie, hindi niya naman hahayaan iyon, but still they were friends. Maayos pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa, sa totoo lang ay na- miss niya rin ang mokong na iyon dahil kasama niya rin ito sa mga masasayang kalokohan kahit pa gaano kahirap ang pag- aaral at ganuon ka- laki ang prustrasyon ni dyke sa mataas na grado upang magmukhang maayos ang paningin ng kaniyang pamilya sa kaniya. Hindi na  nagtungo ang binata sa kwarto ni karrie dahil alam niyang pagod iyon sa byahe.

Nang makaalis na ang binata sa mansion ng mga villegas ay tinignan niya ang kaniyang relong pambisig upang kumpirmahin ang oras ng pagdating niya sa kanilang bahay. It was 4 in the afternoon kaya may oras pa siyang matulog, akala nila kanina aabutan sila ng gabi sa daan, sakto walang traffic at naiuwi niya ng tanghali si karrie. Walang pinagbago sa presensya ng kanilang mansion, tahimik pa rin at maaliwalas ang paligid, halatang busy ang  kanilang mga katulong sa paglilinis kaya't hinayaan niya na lamang ang mga ito.

" Magandang hapon po sir, dyke" Pagbati ng isang katulong nila, hindi niya namalayan na napansin pala siya nitong papasok ng elevator paakyat sa kaniyang kwarto, kahit pa gaano ka- abala ang katulong na iyon sa pag va- vacuum at paglalampaso ng malawak at kulay puti nilang sahig

" Good afternoon, yaya!" Sagot ni dyke sa katulong at saka nagpatuloy sa pag akyat sa kaniyang kwarto gamit ang elevator papuntang 4th floor ng kanilang mansion, sa laki ng kanilang bahay na hanggang 5th floor ay halos minsan hindi na sila nagkakasalubong ng kaniyang mga magulang ngunit pag dating ng oras ng kanilang hapunan ay duon lamang sila nakakapag bonding bilang isang pamilya, mukhang alam na ni dyke na hindi siya makakababa para kumain mamayang gabi dahil alam niyang matatagalan siya sa pagtulog hanggang sa dumating ang oras ng pagkikita nila ng kaibigan, shempre filipino time, dapat late siya ng isang oras, i- seset niya ng exact 10 pm ang kaniyang alarm upang magkaroon pa siya ng isang oras na mag- ayos ng sarili.

Nakarating na ang binata sa kaniyang napakalaking kwarto, pagbukas niya pa lamang dito ay sinalubong agad siya ng yakap ng lamig na mula sa kaniyang aircon, na magdamag lang nakabukas at hindi maaring patayin ng mga kasambahay na naatasang maglinis duon, ang tanging gagawin lamang nila ay i- arrange ang mga gamit at mag vacuum ng sahig, saka gawing maaliwalas ang paligid, hinubad niya ang kaniyang sapatos saka ito nilagay sa lagayan ng kaniyang mga gamit na sapatos, natungo si dyke sa kaniyang cr at naghubad ng damit upang maligo. Lantad ang napakalaking mga muscle sa kaniyang balikad at ang walong pandesal na nag- aalboroto sa ibabaw ng kaniyang tiyan. 

Grabe, walang sino mang babae ang hindi maaakit sa ganitong katawan bukod kay karrie na seryoso at hindi nadadala sa ganuong hubog. Kung minsan nga lamang.

Para nga lang isang mahiyaing bantay salakay ang dalagang iyon, sobrang galing magpakipot sa binatang ito. 

Nagtanggal na ng buong saplot si dyke saka nito binuksan ang shower. Pagpatak pa lamang ng butil ng mga tubig sa kaniyang katawan mistulang naging lantang dahon na ang binata dahil sa pagiging kalmado at lumanay na ramdam ng kaniyang katawan, ipinikit ni dyke ang kaniyang mga mata saka bahagyang hinayaan na umagos lamang sa kaniyang katawan ang maligamgam na tubig na sinadya niyang i- set kanina sa otomatiko niyang gripo na nagpapasya sa temperatura ng tubig, pagkatapos pumailalim sa tubig ng binata ay lumipat siya sa kaniyang bathtub na may laman na napakabagong sabon na nag- uumapaw sa bula at duon na tuluyang ipinahinga ang katawan hanggang sa malinis ang kaniyang napakaputi at malalambot na kutis

Habang nakapikit ang binata ay hindi  maiwasang sumagi sa kaniyang isipan ang mga batang nakakasalamuha niya sa lansangan, lubos ang pagka- dismaya niya sa mga nasaksihan bago pa lamang niya makasama si karrie sa date. Kahit minsan lang na hindi maisama si karrie sa kaniyang mga isipin ay para naring itong balakid na umuobliga sa kaniya, hindi niya pa naman maaring sabihin ang lihim dito. Ang misyon niya lamang ay bigyan ng karapatan ang mga naninirahan sa lansangan na pinaalis ng malalaking kompanya sa mga dinemolish na bahay sa cavite at pinili na lamang lumipat dito sa manila at makipagsapalaran sa mga bus na nagkalat sa kalsada. Pati na rin ang bagay na alamin kung sino ang taong may pakana ng lahat ng iyon na hindi manlang inisip ang ibang tao.

Ang huling habilin ng kaniyang lolo ay ayusin ang mga mahihirap na tao, na inalisan ng karapatan sa mga malaking lote ng silang cavite at pabalikin sila duon dahil napaka laki ng mga naitulong ng mga taong iyon sa lolo niya nuong nakikipagsapalaran pa lamang ito sa napaka sagrado at hirap na buhay. Gustong tuparin ni dyke iyon dahil hindi na rin kaya ng konsensya niya ang makita ang ilang gusgusing bata na nilalabanan ang hirap sa lansangan. Sa

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status