Share

KABANATA 3

Penulis: kkyrieehale
last update Tanggal publikasi: 2026-05-22 16:54:47

“Mommy! You’re home!”

Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap sa aking binti pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aming apartment. Awtomatikong napawi ang lahat ng pagod, inis, at bigat sa aking dibdib nang makita ko ang maningning na mga mata ng aking anak.

Si Liam. Ang nag-iisa kong kayamanan.

“Hi, baby,” nakangiting saad ko sabay luhod para mapantayan ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang matambok na pisngi at hinalikan siya sa noo.

“Did you behave well with Tita Bea?”

“Opo! We ate ice cream, and I finished my math homework already!” pagmamalaki niya habang itinuturo ang kaniyang maliit na lamesa sa sala kung saan nakalatag ang kaniyang mga libro.

Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Bea na kakalabas lang mula sa kusina, may hawak na baso ng juice at nakangiti sa amin.

“Sinasabi ko sa iyo, Van, ang taba ng utak ng anak mo. Grade 2 pa lang pero ang advanced mag-isip. Suplado nga lang kapag tinuturuan ko, parang laging may sariling mundo.”

Natawa ako nang mahina pero may kung anong kumurot sa puso ko sa huling sinabi ni Bea. Suplado. May sariling mundo.

Bawat taon na lumilipas, mas lalong nagiging pamilyar ang mga ikinikilos ni Liam. Mula sa hugis ng kaniyang panga, sa pagkunot ng kaniyang noo kapag seryoso, hanggang sa paraan ng pagtitig niya—lahat ay carbon copy ng kaniyang ama. Ng lalaking hinarap ko kanina lang sa tapat ng law firm.

“Thank you, Bea. Pasensya ka na talaga at naistorbo kita,” sabi ko habang tumatayo at inilalapag ang aking bag sa sofa.

“Sus, maliit na bagay. Alam mo namang paborito ko ang pamangkin ko,” sagot niya sabay baling kay Liam. “Liam, baby, go to your room muna at magpalit ng pambahay, okay? May pag-uusapan lang kami ni Mommy.”

“Okay, Tita Bea,” masunuring sagot ng bata. Bago pumasok sa silid ay lumingon pa ito sa akin. “Mommy, we baked cookies earlier. Eat with us later, huh?”

“Of course, baby. Susunod si Mommy.”

Nang tuluyang sumara ang pinto ng silid ni Liam, agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Bea. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kilalang-kilalan ako ng best friend ko; alam niyang may hindi magandang nangyari sa hitsura ko pa lang.

“Anong nangyari sa meeting mo sa MGD? Bakit parang nakakita ka ng multo?” seryosong tanong ni Bea.

Huminga ako nang malalim, pakiramdam ko ay maiiyak ako sa halo-halong emosyon na pinipigil ko buong hapon. “Hindi lang basta multo, Bea... Bumalik na siya.”

Nanlaki ang mga mata ni Bea. “Anong ibig mong sabihin? Si... si Raiven Simon Montigalore?”

Tumango ako habang nanginginig ang aking mga labi. “Siya ang CEO ng Montigalore Global Developments. Siya mismo ang pumasok sa conference room kanina para ayusin ang kaso ni Mrs. Paras. At hindi lang ’yon, Bea... hinintay niya ako sa labas ng firm pagkatapos ng trabaho.”

“Ano?! Anong ginawa niya sa iyo? Nalaman ba niya? May hinala ba siya tungkol kay Liam?” sunod-sunod na tanong ni Bea na bakas ang labis na pag-aalala.

Sa loob ng pitong taon, si Bea ang saksi sa lahat ng hirap ko, kaya alam niya kung gaano kapanganib kung malalaman ng isang Montigalore ang tungkol sa bata.

“Hindi. Wala siyang alam,” pagpapakalma ko sa kaniya, bagaman pati ang sarili ko ay pilit kong kinukumbinsi.

“Niyakap niya ako... humingi siya ng tawad kung bakit siya umalis pitong taon ang nakalipas nang walang paalam. Sinabi ko sa kaniya na kalimutan na ang lahat at magpanggap na magkaaway na lang kami tulad ng dati.”

Huminga nang malalim si Bea at sumandal sa gilid ng mesa. “Van, kilala natin si Raiven noong college. Desperado at arogante ang isang ’yon pagdating sa mga gusto niya. Kung hinanap ka niya ngayon at nagmakaawa siya, sa tingin mo ba titigil siya sa isang ’no’ mo lang? Paano kung malaman niya ang tungkol kay Liam?”

Napatuyot ang lalamunan ko sa tanong ni Bea. Iyon din ang matinding kinatatakutan ko.

“Mayaman si Raiven, makapangyarihan ang pamilya Montigalore sa real estate,” pagpapatuloy ni Bea. “Kapag nalaman niyang may anak siya, baka gamitin niya ang pera at impluwensya niya para agawin sa iyo si Liam.”

“Hinding-hindi ko hahayaang mangyari ’yon!” mariin kong sabi, ramdam ko ang pag-akyat ng takot at pangamba ko bilang isang ina. “Kahit itaya ko ang lisensya ko bilang abogado, hindi ko ibibigay si Liam sa kaniya. Magpapakalayo-layo kami kung kailangan. Kaya kailangan kong mag-ingat, Bea. Walang pwedeng makaalam.”

“Shh, kumalma ka. Nandito ako, hindi kita pababayaan,” yakap sa aking ni Bea para pakalmahin ako.

Ilang minuto pa kaming nag-usap bago nagpasya si Bea na umuwi dahil may maagang meeting pa siya kinabukasan. Hinatid ko siya sa pinto at nagpasalamat muli.

Nang makapasok ako sa silid ni Liam, nakita ko siyang mahimbing nang natutulog habang nakayakap sa kaniyang paboritong asul na unan.

Umupo ako sa gilid ng kaniyang kama at marahang hinaplos ang kaniyang malambot na buhok.

Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, naaalala ko ang gabing iyon pitong taon na ang nakalipas—isang gabi ng pagkakamali na nagbunga ng aking pinakamalaking kaligayahan.

Patawarin mo si Mommy, Liam, kung ipinagkakait ko sa iyo ang tatay mo. Pero ginagawa ko lang ito para protektahan ka sa mundong pwedeng kumuha sa iyo sa akin, sa loob-loob ko habang dahan-dahang hinahalikan ang kaniyang noo.

Bumalik ako sa sala para ilagay sa refrigerator ang mga cookies na ginawa nila ni Bea.

Habang ginagawa ko iyon, biglang gumaralgal at umilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.

Kunot-noo ko itong kinuha. Isang hindi kilalang numero ang nag-text sa akin.

> From: +63 917 XXX XXXX**

> I know you hate me, Vanessa. At alam kong galit ka pa rin sa pag-alis ko noon. But please, give me a chance to explain. Hihintayin kita bukas ng gabi sa restaurant malapit sa firm niyo pagkatapos ng trabaho mo. I won't stop until you show up.>

Napatitig ako sa screen. Kahit walang pangalan, alam kong kay Raiven Simon galing iyon.

Napasandal ako sa counter ng kusina, mahigpit na hinawakan ang telepono habang bumubuhos muli ang kaba sa dibdib ko.

Hindi siya titigil. At hangga't nandito siya sa paligid ko, mas lumalaki ang tsansa na makita niya si Liam.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 110

    Tahimik ang guidance office nang tuluyan nang magsara ang pinto. Sa labas, may ilang estudyanteng nag-uusap habang naglalakad sa hallway, pero mabilis ding naglaho ang kanilang mga boses nang lumayo sila. Naiwan kaming dalawa ni Sophia sa loob, magkaharap sa maliit na mesa na nasa gitna ng silid.Umupo ako sa tapat niya at inilapag ang notebook ko sa harapan ko. Hindi ko muna binuksan iyon. Instead, pinagmasdan ko muna siya. Kanina pa siya panay ang paghila sa zipper ng bag niya, binubuksan at isinasara iyon kahit wala naman siyang kinukuha. Halatang kinakabahan.“You said may naalala ka tungkol sa gabing namatay si Clarisse,” mahinahon kong simula habang bahagya kong isinasandal ang likod ko sa upuan. “I want you to tell me everything you remember. Kahit maliit na bagay lang.”Napatingin si Sophia sa pintuan bago siya muling humarap sa akin. Saglit siyang nagdila sa tuyong labi at marahang huminga.“Hindi ko po alam kung importante ba talaga ’to, Attorney.”“Hindi ikaw ang magde-deci

  • Hiding My Enemy's Son   109

    Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos hatinggabi na ako nakatulog. Hindi nawala sa isip ko ang message ni Sophia, lalo na ang huling sinabi niya tungkol sa gabing iyon. Ilang beses ko pa iyong binasa bago ako tuluyang nakatulog, at sa bawat pagkakataon ay pareho lang ang tanong na bumabalik sa isip ko. What happened that night? Mas nakakabahala dahil wala akong maalalang kahit anong reference sa isang partikular na gabi sa mga records na hawak ko. Walang incident report, walang guidance note, at wala ring witness statement na tahasang tumutukoy sa isang pangyayaring ganoon. Kung talagang may nangyari na may kinalaman kay Clarisse, bakit parang buong school ang nakalimot—o mas nakakatakot, bakit parang may mga taong piniling kalimutan iyon?“You're thinking too much again.”Napalingon ako kay Raiven na nakatayo malapit sa bintana habang hawak ang dalawang paper cups ng kape. Nakaayos na siya at mukhang ilang minuto na siyang gising, samantalang ako ay nakaupo pa rin sa gilid ng

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 108

    Matagal kong tinitigan ang dalawang messages ni Sophia habang nakaupo sa gilid ng kama, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tawagan o hayaan muna siyang magsalita sa sarili niyang pace. Ilang minuto lang ang nakalipas, magaan pa ang pakiramdam ko dahil kasama ko sina Raiven at Liam, pero isang notification lang ang sapat para bumalik na naman sa isip ko ang buong kaso. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, mahimbing na natutulog si Liam habang yakap-yakap ang stuffed toy na pinili niya kanina, at si Raiven naman ay tahimik na nagliligpit ng mga pinagkainan namin.Sophia: Attorney, I remembered something about Clarisse.Sophia: Something we never told the school.Mabilis akong nag-type ng reply habang nakakunot ang noo.Me: What is it?Lumabas ang typing indicator sa screen, pero ilang segundo lang ay nawala rin iyon. Bumalik ulit, saka na naman nawala. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko habang hinihintay ang sagot niya, at nang wala pa rin itong dumarating ay napatingin ako kay Raiven. Nap

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 107

    “Mommy, can we go somewhere?”Napatingin ako kay Liam na nakaupo sa gilid ng kama habang kumakain ng breakfast na dinala nila ni Raiven. Halatang pinag-isipan niya ang tanong dahil ilang segundo niya muna akong tinitigan bago niya muling sinabi, “Just us. Me, you, and Daddy.” Hindi ko napigilang ngumiti sa paraan ng pagkakasabi niya, lalo na nang makita kong tumingin siya kay Raiven na para bang humihingi ng approval.“Wala naman akong hearing today,” sagot ko habang iniisip ang schedule ko. “So I guess we can.”“Yes!” Napatalon siya sa kama bago agad siyang pinigilan ni Raiven.“Easy. Hotel room 'to, hindi playground.”Napatawa ako habang pinagmamasdan silang dalawa. “Saan mo gustong pumunta?”“Mall!”“Of course,” sabi ko, natatawa. “Ano bang meron sa mall?”“Everything.”Napatingin ako kay Raiven, na kasalukuyang umiinom ng kape habang pinipigilan ang ngiti. “You raised him well.”“I did my best.”“Hindi ba dapat may budget muna?”“Mommy,” singit ni Liam, “I have my own money.”Napa

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 106

    Kinabukasan, nagising ako sa paulit-ulit na katok sa pinto. Sa una ay binalewala ko iyon, iniisip na baka housekeeping lang o kaya naman staff na may kailangang ihatid. Bumalik ako sa pagkakahiga at hinila ang kumot hanggang balikat, pero makalipas ang ilang segundo ay kumatok ulit. This time, mas malakas at mas matagal, kaya napapikit akong napabuntong-hininga bago tuluyang bumangon. Magulo ang buhok ko, antok pa ang mga mata ko, at ang unang nasa isip ko ay kung sino ang nagdesisyong guluhin ang tulog ko nang ganitong kaaga.“Coming,” sigaw ko habang inaayos ang robe ko.Lumapit ako sa pinto at hindi na nag-abala pang silipin ang peephole. Pagkabukas ko nito, automatic akong napaatras.Napatitig ako sa dalawang taong nasa harapan ko. Si Raiven. At si Liam.Pareho silang nakangiti.“Surprise!”Ilang segundo akong walang nasabi habang pinagmamasdan silang dalawa. Si Liam ay may maliit na backpack sa balikat at hawak ang isang paper bag, habang si Raiven naman ay parang walang kaabog-a

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 105

    Pagkapasok ko sa hotel room, agad kong ibinaba ang handbag ko sa ibabaw ng sofa bago ako tuluyang napaupo. Napabuntong-hininga ako habang nakasandal sa backrest at nakatitig sa kisame. Buong araw akong napapaisip sa lahat ng sinabi ni Sophia, akala ko makakakuha ako ng lead kapag nakausap ko siya, pero pakiramdam ko lalo lang akong naguluhan. The more I learned about Clarisse and Janice, the more questions seemed to pile up. She changed the way everyone looked at Clarisse. Hindi po si Janice ang problema. Then who was? Kami. Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ni Sophia hanggang sa napapikit na lang ako. Sapat na muna. Ayoko munang isipin ang kaso ngayong gabi. Kinuha ko ang cellphone ko at napangiti nang makita ang sunod-sunod na messages mula kay Raiven. May ilang missed calls din siya, kasama ang isang message na nagsasabing naghihintay raw si Liam na makausap ako. Hindi ko na siya tinawagan at agad na lang akong nag-video call. Ilang segundo pa lang ay sumagot na

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 5

    Mabilis kaming naglakad ni Anthony patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang braso niya. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan at marinig ang marahang ugong ng ma

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 4

    Alasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad. Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.Agad kong nakita si Raiven Simon sa

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 2

    Abala ako sa pagsasaayos ng iba't ibang papeles na nasa desk ko. Lahat na yata ng kaso na kailangan kong hawakan ay nabasa ko na dahil sa tindi ng inis ko kay Raiven Simon. Ewan ko ba, kapag galit o naiinis ako, imbes na madistract ay mas nagiging pokus ako sa mga bagay na kailangan kong tapusin.H

  • Hiding My Enemy's Son   KABANATA 1

    7 Years Later… Maaga akong nagising dahil aasikasuhin ko pa ang anak kong si Liam para sa pagpasok niya sa school. Grade 2 pa lang si Liam, pero mukhang namana niya ang talino ko dahil humahakot na ito ng award. Nailalaban na rin siya sa mga quiz bee competition sa division and I’m so proud of hi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status