ANMELDENAbala ako sa pagsasaayos ng iba't ibang papeles na nasa desk ko. Lahat na yata ng kaso na kailangan kong hawakan ay nabasa ko na dahil sa tindi ng inis ko kay Raiven Simon. Ewan ko ba, kapag galit o naiinis ako, imbes na madistract ay mas nagiging pokus ako sa mga bagay na kailangan kong tapusin.
Habang abala ako sa pag-aayos ng aking opisina ay nakarinig ako ng marahang katok sa pinto. "Atty. Calma, lunch time na, tara na!" pag-aaya ni Atty. Anthony Vega, isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan dito sa law firm. As a matter of fact, apat kaming magkakaibigan dito. Si Anthony ay nasa Criminal Defense department, habang si Atty. Yvveth Guzman naman ay sa Civil Litigation. Sa katunayan, si Ate Yvveth talaga dapat ang hahawak sa kaso ni Mrs. Paras; nakiusap lang siya sa akin na ako muna ang pumalit dahil may dalawa siyang ongoing na hearing ngayong linggo. At ang huli naman naming kasama ay ang pinakamakulit sa lahat—si Atty. Dave Montes na nasa Public Attorney’s Office o Public Defender. Alam naming lahat kung gaano kabigat ang trabaho niya, pero nagagawa niya pa rin kaming patawanin araw-araw dahil sa likas niyang kakulitan. Nagdesisyon kaming apat na kumain sa isang malapit na kainan sa labas ng firm. "Kanina pala habang pabalik ako rito, may nakasalubong akong lalaki sa labas ng firm. Nagtanong sa akin kung kilala ko raw si Attorney Vanessa Calma," ani Dave habang nakatingin sa akin. "Ako?" tanong ko. Agad naman siyang tumango bago pinuno ang bibig ng palabok na inorder niya kanina. "Bakit daw? Anong hitsura?" tanong ko pa, unti-unting nakararamdam ng kaba. "Lalaki siya... mukhang bigatin at galing sa high society. Kulay itim ang suit at may mamahaling kotse. Baka may malaking kumpanya na gustong kumuha sa mga serbisyo mo, Van," sagot ni Dave. Bigla akong napatigil sa pag-ikot ng tinidor ko. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Hindi kaya... si Raiven Simon 'yun? "Hindi ba niya sinabi kung anong kailangan niya sa akin?" untag ko pa. "Hindi, eh. Pero tinatanong niya kung may direct contact number ako sa iyo," sagot ni Dave. "O, anong sinabi mo?" tanong naman ni Anthony habang nagpupunas ng bibig gamit ang tissue. "Sabi ko wala, 'no! Medyo kahina-hinala kasi ang porma niya. Sabi ko sa sarili ko, kung may kailangan talaga ang isang 'to kay Vanessa, dapat pumasok siya sa loob ng firm para magpa-appoint nang pormal. Nasa labas lang siya, bakit hindi niya magawang pumasok, 'di ba?" litanya ni Dave. "Wow. Natuto na rin sa wakas ang isang 'to," sarkastikong sabi ni Ate Yvveth. Matanda siya sa aming tatlo kaya siya ang tumatayong ate ng grupo. Naalala ko tuloy na may nangyari nang ganito noon. May hininging impormasyon ang isang lalali kay Dave tungkol sa contact details ni Ate Yvveth, at ibinigay naman agad niya. Ang lalaki palang iyon ay dating kliyente ni Ate Yvveth na nagalit dahil iniwan niya ang kaso nito nang malaman naming ito talaga ang may kasalanan sa krimen. Nagtanim ng galit ang lalaki at muntik nang saktan si Ate Yvveth noong nakaraang taon. Mabuti na lang talaga at mabilis na naaksyunan at nakakulong na ito ngayon. "Siyempre naman! Tsaka pinakaiingatan ko kaya 'tong si Vanessa natin," sabay kindat ni Dave sa akin na alam ko namang pang-aasar lang niya. "Kumain na nga tayo. Hayaan mo na ang taong 'yun. Kapag nakita mo ulit sa labas, i-ignore mo na lang," saad ko na lang para ibahin ang usapan bago humigop sa mainit na sabaw ng lomi na inorder ko. "Nga pala, pagkatapos nito, may pupuntahan ako," biglang sabi ni Anthony kaya nabaling ang pansin namin sa kaniya. "Medyo malaking kaso kasi ang hawak ko ngayon at kailangan kong makakalap ng sapat na ebidensya to prove my client's innocence. Malakas ang kutob ko na napagbintangan lang talaga siya, at may suspek na ako..." Napatango-tango kami sa kaniya. Bakas ang dedikasyon sa mukha ni Anthony. "Hmm, pwede ba akong sumama?" tanong ko sa kaniya, na agad namang ikinalingon nilang tatlo sa akin. Nabitawan pa ni Dave ang kaniyang kutsara. "Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" "Hindi ka ba busy ngayon?" tanong ni Ate Yvveth. Umiling ako agad. "Paano 'yung tungkol sa kaso ni Mrs. Paras? Natapos mo na ba?" "Opo. Pumayag na ang CEO na titigilan na ang kliyente sa lupang iyon. Mismong ang may-ari ng kumpanya ang pumirma sa kasunduan kanina," sagot ko naman. "Taray! Ang lakas talaga ng Attorney Vanessa Calma natin, mismong CEO ang napa-atras!" hiyaw naman ni Dave. "So, ano nga, Anthony? Pwede ba akong sumama sa iyo?" tanong ko ulit sa kaniya. "Ikaw, kung hindi ka talaga busy at kung kaya ng sikmura mo," makahulugang ani Anthony. Malawak akong ngumiti at binilisan na ang pag-ubos sa pagkain ko. Matapos naming magsikain ay nauna nang bumalik si Ate Yvveth at Dave sa firm. Ganito talaga kaming apat; kapag nasa labas ng trabaho ay kaswal at parang magkakapatid ang turingan namin, pero kapag nasa loob na ng firm o may kaharap kaming ibang tao, awtomatikong pormal ang tawagan namin. "Sure ka talagang sasama ka sa akin?" tanong muli ni Anthony habang naglalakad kami patungo sa parking lot. Para siyang isang sundalo na sasabak sa matinding bakbakan sa seryoso ng mukha niya. "Oo nga! Saan ba kasi ang punta mo at parang takot na takot ka?" inis ko nang sabi sa kaniya. "Sa forensic lab ng morgue. May titingnan akong autopsy result," simpleng sagot ni Anthony. Napatigil ako sa paghakbang. Nanigas ang buong katawan ko sa narinig. "Ay, hindi na pala. Babalik na lang ako sa firm. May nakalimutan pala akong basahing file," ngiwi ko na agad namang ikinatawa ng gago. "Bakit kasi hindi mo agad sinabi!" irap ko sa kaniya habang patuloy siya sa pagtawa. Binato ko siya ng tissue na hawak ko pero iniwasan niya lang ito. Mabuti na lang talaga at ilang kanto lang ang layo ng firm mula sa kinainan namin kaya naglakad na lang ako pabalik. Habang papalapit ako sa entrance ng building ng firm, biglang kumunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Naka-coat ito, matikas ang tindig, at kaswal na nakasandal sa gilid ng isang marangyang itim na sports car. Raiven Simon. Mabilis kong binago ang direksyon ng tingin ko. Pinalaki ko ang aking mga hakbang para lagpasan siya nang hindi siya tinitingnan. Nang marating ko ang pinto ng firm at akma na sanang papasok, isang baritonong boses ang bumasag sa ingay ng kalsada. "Can we talk for a second, Vanessa?" saad niya. Napilitan akong lumingon at humarap sa kaniya, pilit na ibinabalik ang malamig kong ekspresyon. "Marami akong kailangang gawin ngayon, Mr. Montigalore. I don't have time for a chat." Akma na naman akong tatalikod nang bigla niyang higitin ang aking kamay. Sa isang iglap, bago ko pa man makuha ang balanse ko, ay binalot na ako ng init ng kaniyang katawan. Ikinulong niya ako sa isang mahigpit at tila natatakot na yakap. Ang pamilyar niyang pabango ay agad na sumakop sa sistema ko. "I miss you," mahina at gumaralgal niyang bulong sa mismong tainga ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, pero hindi dahil sa kilig kundi dahil sa takot na baka may makakita sa amin. Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin at marahas na inayos ang nagusot kong blazer. "Raiven, ano ba?! Baka may makakita sa atin dito at kung ano pang isipin ng mga tao!" asik ko sa kaniya habang inilalabas ang lahat ng galit ko sa aking mga mata. Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sa akin na tila ba ang pagsigaw ko ay musika sa kaniyang mga tainga. Huminto ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago nagsalita nang pinal. "Last na ito, Raiven. Ito na ang huling beses na makikita mo ako sa labas o loob ng firm na ito. Please lang, kalimutan na natin ang nangyari pitong taon ang nakalipas. Kalimutan na natin na may pinagsaluhan tayo. Pwede bang maging magkaaway na lang tayo for good? Ganoon naman tayo noon pa man sa college, 'di ba? Please." Litanya ko sa kaniya, kahit pa may kirot sa dibdib ko… pero kailangan kong gawin para sa proteksyon ng anak ko. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko, nanatili lang siyang nakatayo at nakatitig sa akin nang may matinding sakit sa mga mata. Tumalikod na ako at nagsimula nang humakbang papasok sa pinto ng gusali. "Sorry kung umalis ako nang walang paalam noon, Vanessa... Sorry..." Isang mahina at mapagsumamong pabulong na pahayag ang narinig ko mula sa likod ko. Sakto lang para marinig ko, sapat para madurog ang kaunting natitirang tapang sa dibdib ko. Ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Tuloy-tuloy akong naglakad pumasok sa loob ng firm nang hindi lumingon. Ayokong magkalapit kaming dalawa dahil ayokong malaman niyang may batang nabuo pitong taon na ang nakararaan dahil sa kawalan namin ng ingat. Hindi niya deserve na makilala ang anak ko matapos niya akong iwang mag-isa sa dilim.Kinabukasan, maaga akong gumising kahit sobrang bigat ng katawan ko. Halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa text ni Raiven at sa kwento ni Liam tungkol sa “mabait na tito”.“Mommy, bakit po ang aga natin ngayon?” tanong ni Liam habang kinakain ang cereal niya.“Mommy will take you to school today, baby,” sagot ko habang inaayos ang necktie niya. “Tita Bea has an early meeting kaya ako na muna ang susundo at maghahatid sa’yo.”“Yehey!” masaya niyang sabi. “Taxi tayo, Mommy?”“Oo, taxi tayo.” Wala pa akong sariling sasakyan. Lahat ng ipon ko ay napupunta sa tuition ni Liam, sa apartment, at sa iba pang gastusin. Pero mas importante sa akin ngayon na personal kong makita kung ano ang sitwasyon sa school niya.Pagkatapos naming kumain, nag-taxi kami papunta sa school. Buong biyahe ay nakatitig ako sa anak ko, sinusuri ang bawat galaw niya. Nang makarating kami sa harap ng school gate, hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit.“Baby, remember what Mommy said last night ha?
Pagbukas ko pa lang ng pinto ng apartment, narinig ko na agad ang malakas na tawa ni Liam mula sa sala. Parang agad na nabawasan ang bigat sa dibdib ko kahit papaano.“Mommy’s home!” sigaw niya nang makita ako. Tumakbo siya palapit at yumakap nang mahigpit sa binti ko, tulad ng palagi niyang ginagawa.“Hi, baby…” sabi ko habang lumuluhod para yakapin siya nang maayos. Hinalikan ko ang kanyang noo, inamoy ang amoy niya na laging nagpapakalma sa akin. “Miss na miss kita.”Nasa likod niya si Bea, nakangiti pero may pag-aalala sa mga mata. Alam na alam niya kung gaano ako kabigat ngayon.“Bea, thank you talaga,” sabi ko habang tumatayo. “Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kung wala ka.”“Sus, drama queen. Alam mo namang favorite ko ‘to eh,” sagot niya sabay haplos sa ulo ni Liam. “O, Liam, baby, magpaalam ka muna kay Tita. Aalis na si Tita Bea.”“Bye, Tita Bea! Thank you po sa pag-sundo at sa ice cream kanina!” masayang sabi ni Liam.“Bye, my handsome boy. Be good ha?” Bea gave him a ki
Kinabukasan, maaga pa rin akong nagising. “Mommy, can I have pancakes today?” tanong ni Liam habang nakasandal sa countertop, hawak ang kanyang maliit na plato.Ngumiti ako kahit puno ng kaba ang dibdib ko. “Of course, baby. With chocolate chips?”“Yes please!” Habang niluluto ko ang pancakes, hindi ko maiwasang mapatingin sa anak ko. Bukas na bukas ang kanyang ngiti, at sa tuwing tumatawa siya, parang naririnig ko ang tawa ni Raiven noong college — malakas, mapanghamon, at puno ng buhay. Kahit ayaw kong aminin, mas lalong lumalabas ang mga katangian ng ama niya sa kanya habang lumalaki.Hindi pwede. Hindi mo siya pwedeng makita, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.Pagkatapos kong ihatid si Liam sa school, diretso na ako sa firm. Buong araw ay abala ako sa papeles, dalawang client meetings, at isang deposition. Pero kahit gaano ko kabusy ang sarili ko, hindi ko mapigilang sumilip sa bintana paminsan-minsan, parang may kung anong multong naghihintay sa labas.“Van, okay ka lang?”
Mabilis kaming naglakad ni Anthony patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak-hawak ko ang braso niya. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan at marinig ang marahang ugong ng makina, doon lang ako nakahinga nang malalim. Napa-sandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata."Salamat, Anthony. Pasensya ka na talaga sa abala," mahinang sabi ko habang inaayos ang nagusot kong blazer. "Kailangan ko lang talagang gawin 'yon para lubayan na ako ng Montigalore na 'yon. Napakakulit at napaka-arogante, akala mo kung sinong pwedeng mag-utos—""Siya ba?"Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang seryoso at malamig na boses ni Anthony. Nilingon ko siya. Nakahawak lang ang dalawa niyang kamay sa manibela, hindi pa rin pinapaandar ang kotse, at diretso lang ang tingin sa kalsada."Anong... anong siya ba?" takang tanong ko, pilit na nagpapanggap na walang alam.Isang mab
Alasiyete ng gabi. Mag-isa akong pumasok sa loob ng mamahaling restaurant na sinabi ni Raiven Simon sa text. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang naglalakad. Gusto ko siyang harapin ngayon para tapusin na ang lahat ng ito gamit ang sarili kong mga salita.Agad kong nakita si Raiven Simon sa dulo ng isang VIP table. Naka-de kuwatro siya habang may hawak na baso ng alak, mukhang kalmado at pormal, pero bakas ang awtoridad sa bawat galaw.Huminga ako nang malalim bago umupo sa tapat niya. “Narito na ako, Raiven. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil marami pa akong gagawin.”Tumingin siya sa akin, may pamilyar na nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. “You’re late, Ms. Calma. Pero okay lang, worth it naman ang paghihintay kung ikaw ang kaharap ko.”“Kung nanggagalaiti ka lang para asarin ako tulad noong college, aalis na ako—” akma akong tatayo pero pinigilan niya ako gamit ang kaniyang baritonong boses.“Maupo ka, Vanessa. I’m just making a conversation,” seryoso pero
“Mommy! You’re home!”Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap sa aking binti pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aming apartment. Awtomatikong napawi ang lahat ng pagod, inis, at bigat sa aking dibdib nang makita ko ang maningning na mga mata ng aking anak.Si Liam. Ang nag-iisa kong kayamanan.“Hi, baby,” nakangiting saad ko sabay luhod para mapantayan ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang matambok na pisngi at hinalikan siya sa noo. “Did you behave well with Tita Bea?”“Opo! We ate ice cream, and I finished my math homework already!” pagmamalaki niya habang itinuturo ang kaniyang maliit na lamesa sa sala kung saan nakalatag ang kaniyang mga libro.Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Bea na kakalabas lang mula sa kusina, may hawak na baso ng juice at nakangiti sa amin. “Sinasabi ko sa iyo, Van, ang taba ng utak ng anak mo. Grade 2 pa lang pero ang advanced mag-isip. Suplado nga lang kapag tinuturuan ko, parang laging may sariling mundo.”Natawa ako nang mahina pero may kung







