SA mga titig pa lang sa kanya ni Allain ay para na itong isang demonyo na nagtatago sa katawan ng isang santa. Hindi niya mabasa ang iniisip nito pero hindi maganda ang kutob niya. Allain looks decent and fine. Pero for sure, may tinatago itong kasamaan ng ugali. Unang pagkikita pa lang nila ay tinarayan na agad siya nito. Isa lang ang sigurado si Heilena ngayon. Mukhang kailangan niyang maging maingat.
"I know that you are professional, Ms. De Guzman. But the thing that I want to tell you is beyond that."
Napataas agad ng kilay si Heilena. "So, you are saying that this isn't about any business?" may panunuya niyang tanong.
"Sabihin na natin na oo. But I guess, this person is your business. He is both our business."
Nanindig agad ang balahibo ni Heilena. So, this damn woman right here is referring to a guy. At wala namang ibang lalaki na may kuneksyon sa kanilang dalawa kundi si Timothy. Hindi pwedeng iba ang ibig nitong sabihin.Hello po! Salamat po sa pagbabasa at sa mga nagbibigay ng gems, comment, at rating. Highly appreciated po. mwuah!
PUMAGITNA na ang mommy at daddy ni Heilena na tila naguluhan sa kung anong komosyon ang biglang nangyari. Okay pa kasi sila kanina kaya medyo napaisip ang mga ito kung bakit bigla na lang nagsitaasan ang boses nilang dalawa."Anong nangyayari dito? Bat kayo nakasigaw?" Nag-aalalang tanong ng mommy ng dalaga.Maagap na pinatayo nito si Tim. "Timothy, anong problema?"Pero hindi nasagot ang binata. Nakayuko lang siya. Naiiyak na naman siya. He feels so gay whenever he feel like crying."Mom, let him be. Makakaalis na siya. I had enough, mom.""P-pero hindi ko maintindihan kung anong nangyayari? Sabihin niyo sa 'kin at naguguluhan ako!" Sigaw nito.Pilit naman siyang hinahawakan sa balikat ng daddy ni Heilena at pinakakalma siya dahil mukhang pati ito ay nasi-stress na rin. Sino ba naman ang hindi mag-iisip ng iba kung ganitong eksena ang aabutan nilang mag asawa. Mabuti na lan
TINSLEY had no idea about what is going on. She was so innocent. Ni hindi nga niya alam na nag-away na ang mga magulang niya. Ang alam niya lang ay gusto nang lumayo sa kanya ng Tito Timothy niya at hindi na nito napigilan ang magtampo. Oo, nagtatampo ang bata at hindi nila alam kung paano nila itong aamuhin. Nasa dining area sila ngayon. Katatapos lang nila magdasal bago kumain ng breakfast. Usually ay si Tinsley pa ang magpapabida para mag-lead ng prayer bago sila kumain pero ngayon, she kept rubbing her hands habang nakayuko. Hindi siya nagsasalita. Ni isa sa mga kasama niya ngayon ay hindi niya kinakausap. Naawang napatingin sa kanya ang mommy niya nang matapos ang dasal. Napabuntong-hininga pa nga ito saka niya hinawakan sa balikat si Tinsley. "Sweety, show me your face, child. Kumain na tayo." Pero parang walang narinig ang bata. Ni hindi man lang nga ito umimik o tiningnan man lang ang momm
Noong gabing iyon na pinagtabuyan ni Heilena si Timothy ay halos bagsak ang balikat nitong nagmaneho pauwi. Bukod sa nasasaktan siya ng sobra ay nag-uumapaw ang galit niya kay Allain. Sinusubok talaga nito ang kanyang pasensya. Parang gusto niya itong patahimikin na lang. Kung puwede lang sana ay ginawa na niya but he can’t.Hindi niya namamalayan na nagmamaneho na pa la siya papunta sa condo kung saan tumutuloy si Allain. Alam niya iyon dahil alam niya ang personal details ng mga empleyado niya. Akala siguro ni Allain ay mapapalampas ni Timothy ang ginawa niya pero hindi. Hindi niya ito palalampasin sa pagkakataong ‘to dahil sobra na.Pinindot niya ang door bell sa unit ni Allain ng paulit ulit na para bang nagmamadali ito. Agad naman iyon na napansin ni Allain dahil halos masira na ang door bell niya kapipindot ni Timothy. Nang pagbuksan niya ito ng pinto ay lumapad ang kanyang ngiti. She became so excited nang tumambad sa kany
KINAUMAGAHAN, pipikit-pikit pa si Timothy bago tuluyan niyang naimulat ang kanyang mga mata. Naguluhan siya kung bakit tila puting-puti ang nakapaligid sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin saka niya napagtanto na nasa isang hospital pa la siya dulot ng aksidenteng nangyari noong nakaraan. "Sir? G-Gising na kayo??!" uutal-utal na wika ng kanilang kasambahay na siyang isa sa mapagkakatiwalaan nila. Siya itong nagbantay muna sa kanya pansamantala. Hindi rin naman puwede si Carlo dahil siya ang pansalamantalang sumalo sa mga gawain nito sa opisina. May benda sa may bandang ulo niya si Timothy gawa ng bubog mula sa pagkabasag ng salamin ng kotse niya. Mabuti na lang at hindi tumama sa mga mata niya ang mga bubog dahil pag nagkataon pa ay maari niya pa itong ikabulag. Nasa kustodiya na rin ng mga police ang truck na bumangga sa binata at kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang naganap. &nb
KUNOT-NOO si Tinsley nang isakay siya ng Tita Bea niya sa kotse nito. Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero mukhang importante dahil nagmamadali ang dalaga."Tita Bea, where are you taking me? Is it that important?" anito sa kanya nang makasakay sila ng sasakyan."Sorry, baby. Nabigla ka ba? Pasensya na. Your Tito Tim has to see you."Mas lalong nangunot ang noo ng bata. "R-Really? B-But why? He left me that night. I thought he was already saying goodbye to me," malungkot na sagot nito sabay yuko niya.Napakagat ng labi niya si Bea saka ini-start ang engine ng kanyang kotse. Mabilis nitong pinaharurot ang kotse niya papuntang hospital kung saan naka-confine ang binata. Mabuti na lang talaga at nalaman niya mula kay Carlo na naaksidente ito dahil kung hindi, hanggang ngayon ay walang kaalam-alam ang bata. Lalo pa at napalapit na ang loob nito kay Timothy."You will know when we get there, sweet heart." Tanging
TILA nakokonsensya na si Heilena dahil sa katotohanang hindi nga man lang niya nadalaw si Timothy sa hospital. Nadagdagan pa ang guilt na nararamdaman niya dahil sa pinadalanng litrato ni Bea. Hindi niya tuloy malaman kung sino ba ang mas kinakampiha nito. Siya ang kaibigan pero parang mas pumapanig pa ito kay Timothy."Nakakainis ka talaga, Bea." She uttered saka niya hinagis ang cell phone sa kama niya.Natigilan siya saglit saka niya dinampot ulit ang cell phone niya para tingnan ang larawan ng binata. Ang dami nitong sugat. Parang pinipiga naman ang puso niya. Naaawa siya dito. Yet, hindi niya maatim na puntahan ito."Karma mo na siguro iyan, Tim," walang anu-anong wika niya."Aisshh!" inis na dugtong pa niya sabay sabunot sa buhok niya.Inihiga niya ang sarili niya sa kama saka ginulo-gulo ang kanyang buhok. Kahit pumikit siya ay si Timothy ang pumapasok sa isipan niya. Lalo na ang mga sugat
SO, sa madaling salita, hindi pa rin napuputol ang relasyon nina Allain at Timothy? Gano'n ba 'yon? Ito ang mga nasa isipan ni Heilena. She is gritting her teeth while imagining what Allain would possibly do inside Timothy's room nang sila lang dalawa. She's jealous as hell but she can't admit it to herself. Mas lalo lang nadaragdagan at nagpapatong-patong ang trust issues niya kay Timothy. "Friend, sinabi ko naman kasi sa 'yo, si Allain nga lang ang habol nang habol kay Fafa Timothy. Ba't kasi ang kulit ng lahi mo at ayaw mong maniwala sa 'kin? Mukha ba 'kong prankster?" Tila nangungunsumi na wika ni Bea, kaibigan niya. They're having a coffee at a nearby coffee shop at pinag-uusapan si Timothy at Allain. Hindi matapos-tapos kasi ang katigasan ng puso ni Heilena. Kabado na siya lagi. Lagi na lang. Para bang, nahihirapan na siyang magtiwala ng buo. Hindi nakaimik si Heilena. She sip on her hot mocha cof
Hindi masukat at tila abot langit ang tuwa ni Timothy dahil sa wakas, matutupad na ang pangarap nya na matawag na daddy ng anak niya. Simula nang malaman niyang may anak siya kay Heilena ay na-excite na siya na makita ito doon pa lang. Ibang klase pa la talaga ang pakiramdam kapag may maliit na bata na tatawag sa kanya ng daddy. He treasure Tinsley as much as he do for Heilena. Sa kanilang dalawa na lang umiikot ang mundo niya ngayon.Akala niya, simula nang makalabas na siya ng hospital at magkabati sila ni Heilena, Allain will stop pestering her. Pero mukhang wala talaga itong balak na sumuko. Hindi niya alam kung gawa sa anong napakakapal na bagay ang mukha nito at mukhang hindi talaga matitinag sa simpleng pakiusap. Lakas loob ito na nagpunta sa opisina ni Timothy na parang walang nagawang kasalanan."Allain, I don't have time to spare for y--""Tim, wala ako dito para awayin ka. I am here to remind you that