STELLA POINT OF VIEW KAHARAP ko si Ate Cindy ngayon, habang nandito kami sa isang starbucks hindi kalayuan sa ospital kung saan naka confine si kuya Harris. Actually, kaya ko si ate Cindy inaya na makipagkita sa akin, dahil may gusto akong itanong sa kaniya. “Let's taste the coffee first, ate Cindy.” Pag-umpisa ko. Nakangiti namaan siyang tumango, bago sumimsim sa baso niya.“Bakit mo pala ako gustong makita, Stella? Masyado bang importante iyan para kausapin ako ng tayong dalawa lang?” tanong niya, matapos niyang sumimsim. “Ahm. Tatanungin sana kita kung kasama mo si Ate Elle noong gabing na aksidente si Kuya Harris at noong gabing nawala na parang bula si Ate Elle,” saad ko. Para bang nagulat si Ate Cindy sa sinabi ko. Pero kalaunan, naging normal na ulit ang ekspresyon ng mukha niya.Magaling makipag plastikan…“Bakit mo ba iyan natanong, Stella?” Tanong niya.“Just answer my question, Ate Cindy.” Sabi ko, habang diretso ang tingin sa kaniya. May kutob talaga ako eh. At sa
STELLA POINT OF VIEW“Mommy, anong klaseng amnesia ‘to? Bakit ganito ang nangyayari kay Kuya? Nakikilala niya tayo. Pero ‘yung asawa niya hindi?” naguguluhan kong tanong kay Mom.Malungkot na napailing si Mom, naikina buntong hininga ko.“I don’t know, Ija. Magpasalamat na lang tayo, dahil gising na ang kuya mo.”Nakangiting sabi ni mom, pero bakas pa din sa mukha niya ang pagkalungkot. Tumango lang naman ako, bago nilingon si Ate Cindy na tahimik lang sa gilid ko. Naalala kong muli ang kaganapan kanina sa room ni Kuya.FLASHBACK“Kuya, niloloko mo ba ako? Kilala mo kami, tapos asawa mo hindi?” sarkastiko kong tanong.Dapat mahinahon at mabait ako ngayon eh. Kaso hindi ko lang maiwasan na magtaas ng boses. Kung pinaprank lang ako ng kuya kong ito sana bawiin na niya.“What are you talking about, little sis? I’m still single. Giit ni Kuya, na ikina sapo ko ng noo. “Stella, hayaan mong makapag pahinga ang kuya mo. Huwag mo siyang puwersahin, okay?” biglang sabi ni Papa, na ikinabu
ELLE POINT OF VIEWHINDI na ako magkandaugaga sa pag-aasikaso sa tatlo kong mga baby. Nahihilo na ko sa sobrang dami ng responsibilidad ko bilang isang ina. Hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko sa tatlo kong mga anak. Nagkakataon kasi na nagkakasabay ang mga anak ko sa pag-iyak. Para na nga akong mababaliw dahil sa sitwasyon kong ito. Lumalaki na ang tatlo kong mga anak, mas kailangan kong magsipag para sa ikagaganda ng buhay nila. Walong buwan na ang mga anak ko. Ang gatas na binibili ko sa bayan ay hindi sapat sa kanila. Malakas kasi sila sa gatas, kahit ang sariling gatas ko ay hindi sapat sa kanila. Naiiyak na lang ako sa sitwasyon ko ngayon at ng mga anak ko. Hindi nila deserve ang ganitong kahirap na buhay sa probinsya. Iniisip ko nga kung bumalik na lang kaya kami sa Maynila. Tutal mas maganda ang magiging buhay ng mga anak ko sa lungsod. Sobrang hirap ng buhay dito sa probinsya. Napabuntong hininga ako ng makita ko si Mina na inaalog ang lalagyan ng gatas ng mg
THIRD PERSON POINT OF VIEW “Cindy, can you come with me?” tanong ni Harris kay Cindy sa kabilang linya ng telepono. Matapos niyang magising mula sa pagkaka-comatose, at ang sabi ng doktor sa kaniya ay may nakalimutan siyang mga ala-ala, ay hindi naman iniisip iyon ni Harris. Dahil panandalian lamang naman nawala ang ala-ala niya. Ngayon naisipan niyang magpasama kay Cindy sa pagpunta sa isang restaurant. Gusto niya ring kausapin ang babae tungkol sa tinutukoy ng pamilya niya na may asawa siya. At ang sa tingin niya lang na magsasabi sa kaniya ng totoo ay walang iba kundi si Cindy. Ang babaeng naaalala ni Harris at tinagurian niyang isang matalik na kaibigan si Cindy.“Sure, wala naman akong gagawin today.” Sagot ni Cindy kay Harris sa kabilang linya ng telepono. “Saan ba tayo magkikita?” tanong ni Cindy kay Harris.“Sa restaurant na kalapit lang ng kumpaniya namin. Hihintayin na lang kita do’n,” sagot ni Harris sa tanong ni Cindy. Matapos ang maikli nilang pag-uusap, nagpaalam na
Elle Point of ViewNapangiti ako ng makatanggap ako ng email sa isang kumpanya na pinag-apply-an ko. Isang araw din ang hinintay ko bago ko matanggap ang email sa kumpanya nila na natanggap ako. At ngayon bitbit ko ang shoulder bag ko habang naka suot ako ng formal na damit. Isa na akong assistant ng isang CEO ng iba't-ibang klaseng tela. Bago pa man ako mag-apply dito, sinigurado ko muna na walang koneksyon ang kumpanya ni Harris sa kumpanya ni Miss Ysabel. Nang makapasok ako sa loob ng office ni Miss Ysabel, kaagad akong nagbigay galang sa kaniya. “Good Morning po, Miss Ysabel.” Energetic kong sabi, isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa 'kin. “Good Day as well,” Aniya. “Mukhang magkakasundo tayo, Elle.” Dugtong pa niya habang diretsong nakatingin sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti. Mukhang friendly si Miss Ysabel dahil nararamdaman ko base sa katauhan niya. “Sa tingin ko rin po magkakasundo tayo,” sambit ko. “Yes. Parehas tayong maganda at sexy,” saad niya na ikinakibi
—Third Person—“Kuya, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Yayayain mo si Ate Cindy na maging girlfriend? The hell, hindi pa nga natin nakikita si Ate Elle, ang asawa mo. Tapos nagpaplano ka na agad palitan ang asawa mo?” hindi makapaniwalang saad ni Stella sa kaniyang kuya Harris. Mahigit dalawang taon na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik ang alaala ng kuya Harris niya. At nag-aalala si Stella na baka tuluyang mahulog ang loob ng kuya niya kay Cindy. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Ayaw niya kay Cindy, iyon ang totoo. Kay sobrang kontra siya sa mga gustong gawin ng kuya Harris niya. “Wala akong nakikitang dahilan para hindi yayain si Cindy. Cindy is always there, kapag kailangan ko ng kausap. Kahit wala akong kailangan, lagi siya ang kasama ko. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para maging girlfriend ko siya?” takang tanong ni Harris sa kapatid. Napasapo ng noo si Stella at nagpalakad lakad sa harapan ng kuya Harris niya. “Kuya, hindi pagmamahal ang tawag dun. Si
Tuluyang binuksan ni Harris ang silid ng walang pagdadalawang isip. Puno siya ng determinasyon at pag-asa sa mga oras na ito. Bawat segundo ay napakahalaga sa kaniya, para bang nag-slow motion ang pagpasok niya sa loob ng silid nila ni Elle. Tulad ng nasa living room, may isang malaking frame ang nakasabit sa tapat ng kama. Bawat sulok ng kwarto ay hindi niya pinapalampas, Para siyang isang inspektor ngayon na kailangang pag-igihin ang kaniyang trabaho. Naupo si Harris sa dulo ng kama ng makaramdam siya ng pagkahilo. “Bakit ganito? Bakit lahat ng mga tao ay may concern sa ‘yo, Elle Mendoza?” biglang tanong niya sa kanyang sarili. Napapikit siya ng mariin ng mas tumindi pa ang hilo na nararamdaman niya. Nagbi-blurred ang paningin niya, lahat ng nakikita niya ngayon ay nagiging dalawa. Pumikit siya ng mariin. Ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, pilit niyang pnapahinahon ang sarili. “Naaalala ko na ang kuwartong ito,” sambit niya at kasabay no’n ang biglang pagmulat ng mata
—HARRIS—I-I don't know how I will react…I should become happy because I discovered something? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko… parang sasabog.Kay Elle ba ang bagay na ito? Sa asawa ko ba ang pregnancy kit na 'to. Napasapo ako ng noo ng magsimulang umikot ang paningin ko. “Ijo, huminahon ka. Huwag mong pilitin ang iyong sarili na maalala ang nakaraan,” Manang said. But I ignore her. “Alam mo ba ang tungkol sa bagay na 'to, Manang? Alam mo rin ba na buntis ang asawa ko?” Sinubukan kong maging mahinahon pero hindi ko mapigilang huwag magtaas ng boses. “Oo, alam ko ang tungkol diyan, Ijo. Alam ko rin na buntis ang asawa mo. Pero, gusto ko man sabihin sa 'yo ang tungkol sa pagbubuntis ng asawa mo ay hindi ko magawa.” Manang said, napahilot ako ng sintido dahil sa matinding tensyon. Parang mababaliw ako dahil sa mga nalaman ko ngayon. I didn't expect it. Elle is pregnant, according to Manang. And this evidence, nagsasabi na isa na akong ganap na ama. “Bakit? May rason ba k