Share

Hiding The President's Son
Hiding The President's Son
Penulis: VENUIXE

CHAPTER 1: After 5 years

Kakaibang klima ang naramdaman ni Wynter ng siya ay umapak sa Pilipinas. Ang mainit na sinag nang araw na dumadapo sa kanyang balat ay nakakapanibago sa kanya. Sapagkat ang klima sa ibang bansa ay palaging malamig at minsan lang kung uminit. Dumagdag pa ang dibdib niyang hindi matigil sa pagtibok. Siya ay kinakabahan na baka magkita silang muli. Kaya naman mas lalong humigpit ang hawak ni Wynter sa anak na si Neon Remington.

"Mom, your hands are cold. Are you sick?"

Napatingin dito si Wynter at saka ngumiti sa anak. Siya ay umiling dahil wala naman siyang sakit at tanging takot at kaba ang namumuo sa kanyang sarili. 

"Wala akong sakit Neon, sadyang nasanay lang ako sa malamig na klima," saad ni Wynter sa anak at hindi naman sumagot si Neon. Ito ay tahimik lamang, pero sweet na bata. Palagi niyang kinukumusta ang ina sa tuwing nasa trabaho ito o kaya naman kapag nakikita niyang hindi ito okay.

Kasabay no'n ang isang taxi na tumigil sa harap ni Wynter. Sumakay siya kasama ang anak at pinagmasdan ang magandang paligid na limang taon na niyang hindi nakita. Sa limang taon na 'yon ay marami siyang iniwan at kinalimutan, pero isang tao lang ang nagpapakaba sa kanya sa tuwing naiisip niya ang pangalan. Walang iba kung hindi ang ama ni Neon na si Leonel Remington.

Umalis nang bansa si Wynter matapos niyang malaman na siya ay buntis kay Leonel. Ito ay kasintahan niya matagal na, kaso hindi naman 'yon maramdaman ni Wynter. Kahit na anong mahal niya rito at gustong magkaroon ng pamilya. Alam niya na ayaw na ayaw ni Leonel sa bata at ayaw nito sa responsibilidad. Ayaw nitong masira ang pangalan sa publiko, lalo na kilala si Leonel bilang isang sikat na CEO sa bansa at kung gaano ito ka perpekto sa harap ng tao. Dahil sa takot ni Wynter, napagpasyahan niyang umalis at itago ang anak. Natatakot siya na ipalaglag nito ang bata at iwan siya. 

Hanggang sa natauhan na lang bigla si Wynter nang tumigil ang taxi sa isang napakagandang bahay na hanggang ngayon ay hindi pa rin iniiba ang kulay. Sa pagbaba nito, ang mga katulong sa mansyon ay nagulat na makita sila. Napangiti na lamang si Wynter at hindi maipinta ang mga mukha nito sa gulat.

"Senyora! Senyor! Si ma'am Wynter ay nandito na!" 

Kanya-kanyang sigaw ang mga katulong sa mansyon ng makita nila si Wynter. Habang si Wynter naman ay nakamasid sa mga hardinero ng kanilang lupain at hindi maiwasan na ngitian ang mga ito. Kasabay no'n ang isang babae at lalaki na hindi naman gano'n katandaan ang itsura na sumalubong kay Wynter at Neon. 

"Wynter!" sigaw nang ina ni Wynter na si Wenna Everlee. Agad nitong niyakap ang ina na matagal na niyang hindi nakita. Kasabay no'n ang isang galit na awra na nakita ni Wynter sa likod ng kanyang ina. 

"Are you not gonna greet me?" tanong ni Wynter sa ama at natawa naman ito nang bigla siyang yakapin ng ama na parang ayaw siyang makita. "Buti naisipan mo pang umuwi. Sana ay hindi ka na umuwi at do'n ka na lang tumira." 

Napangiti si Wynter at hinalikan niya sa pisngi ang amang si Jeremiah Everlee. Mahal na mahal si Wynter ng mga magulang niya, sapagkat nag-iisa lamang ito. Kaya naman kahit na anong gawin niya sa buhay niya ay suportado siya ng ama't ina at hindi siya kayang kamuhian. Hanggang sa napatingin sila sa batang napakatahimik at nakatayo lang sa tabi ni Wynter. Seryosong-seryoso ang mukha nito at ang napakagandang mata nito na kulay asul na nagmana sa ama.

"Neon, are you not happy to see them?" tanong ni Wynter sa ina at umiling ito. "I'm happy." Napabuntong hininga na lamang silang tatlo at sanay na sila rito. Kapag ito ay masaya at malungkot ay iisa lang ang reaksyon nito. Tahimik lang ito at hindi sumasagot hanggat hindi mo siya tatanungin. Kaya naman binuhat ito ni Jeremiah at naglakad sila papasok sa bahay.

"Hindi ko alam kung saan mo pinaglihi 'tong anak mo Wynter. Hindi ko alam kung sa sama ba ng loob at ayaw man lang ngumiti nito," wika ni Wenna sa anak at pinanlakihan ni Jeremiah ang asawa dahil galit na galit siya kay Leonel. 

Kaya naman tumahimik nang ko'nti ang paligid matapos itong sabihin ni Wenna. Samantalang ang mga katulong naman sa bahay ay naghain ng pagkain sa lamesa na talagang magugustuhan ni Neon. Lahat kasi ng nakahain dito ay paborito niya at mabilis itong umupo sa lamesa para kumain.

"Sige apo, kumain ka lang nang kumain. Magpapaluto pa ako ng maraming gan'yan kapag naubos," saad ni Jeremiah at pinagmamasdan lamang nila si Neon. Kasunod no'n ang paghila ni Wenna sa anak at dinala sa labas ng bahay. Habang si Neon ay bantay-bantay ng mga katulong sa lamesa at tahimik na kumakain.

"Wynter, bakit hindi mo kausapin si Leo—" hindi naituloy ni Wenna ang nais niyang sambitin ng biglang magsalita ang asawa niya. "That's enough Wenna. Ayoko ng marinig ang pangalan n'yan. Hindi niya kailangan ni Neon ng ama at hanggang nandito ako ay mababantayan ko siya."

Bakas sa boses ni Jeremiah ang galit dahil maging siya ay kilala si Leonel. Matalik niyang kaibigan ang pamilya ni Leonel at alam niya kung gaano rin kabait ang pamilya nito, pero hindi alam ni Jeremiah kung bakit gano'n ang ugali ni Leonel. 

"Karapatan niyang malaman Jeremiah! Ang laki-laki na ni Neon at hindi pa rin niya alam kung sino ang ama niya. Malay mo ay matanggap n'ya si Neon dahil hindi naman sila nag-usap ng anak mo." 

"Mom tama na," awat ni Wynter sa ina. "Tama naman si dad, hayaan na natin si Leonel. Kilala ko na siya at kahit na anong mangyari ay hindi ko pababayaan si Neon." Sabay yakap nito sa ina na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang wala na ang dalawa.

Gustong-gusto ito ni Wenna para sa anak, kahit na alam niya ang ugali nito. Kaya naman huminga nang malalim si Wynter at niyakap ang ina. "Mom, please take care of Neon. Natatakot lang ako na malaman ni Leonel ang about sa bata. Kaya patawarin n'yo ako kung hindi ko maibigay ang gusto n'yo."

Hindi na nagsalita si Wenna dahil ayaw niyang mag-away sila ng anak. Mahigpit na lang silang yumakap sa isa't isa at hinihiling na sana ay walang mangyaring masama, pero alam ni Wynter na sa pag-apak sa niya rito ay hindi na rin niya maitatago si Neon, sapagkat malaki ang tyansa na magkita silang muli sa hindi inaasahang pagkakataon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status