Share

CHAPTER 2: I'll buy it

Matapos kumain ni Neon ay agad naman silang umakyat sa kwarto niya. Namangha siya sa linis nito at hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang itsura. Walang pinaltan ang mga magulang niya at wala silang binago. Palagi rin itong nililinis ng mga katulong araw-araw dahil iniisip nila na darating din panahon na uuwi siya. Hanggang sa nagulat na lang si Wynter nang marinig niya ang hindi niya inaasahan na sasabihin ni Neon.

"Mom, is this the place where my dad lives?"

Napatingin dito si Wynter at kumunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit ito nasabi ng anak, pero ayaw ni wynter magsinungaling dahil na rin sa matalino ito. 

"You're right, Neon. Don't tell me you want to see him?" birong tanong ni Wynter at umiling lamang si Neon sa kanya. "Mom, I hate him... I hate him for hurting you."

Hindi alam ni Wynter ang sasabihin at niyakap niya ang anak. Ayaw niyang kamuhian nito si Leonel dahil una sa lahat ay siya ang may kasalanan. Kaya naman binuhat niya ito at saka inihiga sa kama. 

"Don't hate him, Neon. I'm the one who left him. I'm just afraid that he'll reject you," wika ni Wynter at ayaw niyang magsinungaling sa anak. "Did he hate me?"

"I didn't say that your father hates you. I told you, Neon. I left your father because I wanted it, but please believe in me. I will protect you no matter what and always listen to me. Someday you'll understand because I love you."

Gustong umiyak ni Wynter sa harap ng anak, pero ayaw niya. Siguradong masasaktan din ito dahil palagi siyang kinukumusta nito at hinalikan niya sa noo si Neon. Kasunod no'n ang pagtango ni Neon at mukhang naiintindihan niya ang ina. 

"I will, mom. I love you too." Matapos marinig ni Wynter ang sinabi ng anak ay agad naman niyang tinulungan ang anak para kuhanin ang kumot at kinumutan. Bukas na bukas ay maghahanap siya ng isang pwesto na pwede niyang magamit sa pagbebake ng mga cake at tinapay. Si Wynter ay nahiga na rin sa tabi ni Neon at sakaahimbing na natulog ang dalawa. 

_____

Umagang-umaga nang mag-ayos si Wynter at nakabihis na siya para lumabas ng bahay. Medyo kinakabahan pa nga siya dahil hindi na niya kabisado ang buong lugar dahil marami talaga ang nabago rito. Hindi na rin niya alam kung magkano ang mga pamasahe sa sasakyan at napahawak siya sa dibdib ng makita niya ang ama niyang nakatayo sa daanan ng kusina. 

"Dad," tawag ni Wynter at saka isang susi ang inabot sa kanya. Napakunot pa ang uno niya at hindi siya sigurado kung ano 'yon. "Gamitin mo 'yan kung aalis ka. Huwag ka na mamasahe at mapapagod ka lang." 

Ngumiti siya sa sinabi ng ama at saka dumaretso sa garahe ng sasakyan nila. Isang kulay itim na kotse ang sinakyan ni Wynter at ito rin ang dati niyang ginagamit ng siya ay nandito pa sa Pilipinas. Sa kanyang pagsakay, ang mga katulong sa hardin ay nagawa siyang batiin. 

"Ma'am Wynter, good morning!" masayang bati ng mga ito at nginitian naman ito ni Wynter at saka tuluyang umalis. Hindi na siya nag-aksaya dahil kailangan niyang maipagpatuloy ang negosyo niya sa sa ibang bansa ng sa gano'n ay matustusan niya ang pangangailangan ni Neon ng hindi humihingi ng tulong sa ama't ina. 

Napatigil ang sasakyan ni Wynter sa isang lugar kung saan mayroon mga poster na may mga apartment na walang nakatira. Siya ay nagbabakasakali na makahanap dito at napangiti siya nang makita niya ang isang napakalaking pwesto malapit sa high way. 

"Tao po!" tawag ni Wynter at isang babaeng dalaga ang lumabas. Maganda ito at saka halatang medyo bata pa. Kaya naman nginitian ito ni Wynter ng makita niya ang dalaga. 

"Maganda umaga po. Ako nga pala si Wynter Everlee at naghahanap po ako ng pwesto na pwedeng magbake ng cake at iba pa." 

"Nako ate! Tamang-tama at dating bakery shop po ito at saka kahit huwag na kayo mag po sa akin, mukhang mas matanda pa nga po kayo." 

Tumawa ang dalawa at pumasok sila ng tuluyan sa loob. Namangha si Wynter dahil talagang kumpleto nga ito at parang wala na siyang hahanapin pa. Maaari rin pumasok ang mga customer sa laki ng pwesto nito at halos kasing laki ito ng mga convenient store at hiwalay pa ang kwarto kung saan pwedeng gawin ang mga cake at iba pa. 

"Kukuhanin ko ito. Binebenta n'yo ba ito o renta lang?" tanong ni Wynter at saka sumenyas ang dalaga sa ganyan. "Sandali ate. Nay! Halika muna rito at may gustong bumili ng bakery n'yo!"

Lumabas ang isang matandang babae at medyo gulat ang mukha nito. "Bibilhin mo? Pwede naman namin ibenta ito, kaso nga lang ay masyadong mahal at mahal ang lupa at malaki ito."

Naintindihan naman ito ni Wynter dahil inaasahan na rin niya ito. Kinuha niya ang isang cheque sa kanyang bag at naglagay ng lang milyong piso at saka inabot sa matanda. 

"Sa tingin ko naman po ay sobra na ito," saad ni Wynter at halos manlaki ang mga mata nila. "L-limang milyon? Iha... sobra na ito. Ayos lang ba sa iyo na magbigay ng ganitong kalaking pera?"

Tuwang-tuwa siya na makita ang reaksyon ng dalaga at matanda. Malaki naman talaga ang hawak niyang pera dahil lahat ng ito ay pera niya at pera niya noong siya ay dalaga pa lang at wala pang anak. Tumango siya at saka umupo sa upuan. 

"H'wag po kayo mag-alala, sadyang kailangan ko lang magtayo ng negosyo para sa anak ko." 

"May anak kana ate? Parang ang bata mo pa ata at hindi halata." Tumawa nang mahina si Wynter at saka tumango. "Malaki na siya at limang taon na. Kauuwi lang namin kahapon galing sa Australia at naisipan namin na tumira rito."

"Kung gano'n pala ay mag-usap muna kayo. Sandali lang ah! Aayusin din namin ang titulo ng lupa para sa iyo."

Naiwan si Wynter at ang dalagang babae. Sila ay lumabas muna sandali dahil mainit sa loob at hindi pa talaga ito maayos. Sa paglabas ni Wynter, ang kanyang mga mata ay nanlaki ng hindi niya inaasahan. Siya ay napatigil bigla at namuo ang kaba sa katawan. Hindi siya makagalaw dahil nakita lang naman niya ang isa sa mga taong ayaw niyang makita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status