LOGIN
“Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo, Mara. Hindi pa rin ba dumating si Damon?”
Nakatayo lamang si Mara sa harap ng kabaong ni Mirasol, ang yumaong nitong ina, suot nito ang isang puting bestida pahiwatig na siya ay nagluluksa sa mga oras na iyon. Ang mga kandila na nasa kanyang harapan ay nagbibigay liwanag sa maputla niyang mukha.
Napayuko siya at napatingin sa cellphone niyang paubos na ang battery, hindi niya nasagot ang mga tawag ni Damon sa kanya.
Nang namatay ang kanyang ina ni-minsan ay hindi siya umalis sa burol nito sa loob ng pitong araw kahit na siya ay pitong buwan nang buntis. Tatlong taon na silang kasal ni Damon ngunit kahit isang beses ay hindi ito nagpakita sa burol.
Laging iniintindi ni Mara ang asawa na abala lamang ito sa trabaho at iyon ang lagi niyang paalala sa sarili.
“Marami po siyang inaasikaso kaya hindi siya makakapunta.”
Mamasa masa pa ang kanyang pisngi dahil sa luhang hindi pa natuyo ay nanghihina niyang hinaplos sa huling pagkakataon ang salamin ng kabaong kung asan ay tanaw niya ang mukha ng ina.
“Umpisahan na po ang libing ni mama.” Saad niya sa paos at nanghihinang boses.
“Mara, gaano ba kaabala si sir Damon Gallagher? Hindi man lang siya nagpakita sa loob ng pitong araw na nilamay si Mirasol. Hindi niya manlang nirerespeto ang nanay mo.” Sarkastikong sambit ng tiyahin niyang si Marta.
“Nagkakamali ka diyaan ma.” Nanunuyang sabat ng pinsan niyang si Rica. “Hindi naman sa hindi nirerespeto ni sir Damon si tita Mirasol. Ang hindi niya talaga nirerespeto ay si Mara at ang mga pamangkin ko sa sinapupunan niya…opsss.”
Nakakasakit sa damdamin ang mga sarkastikong boses na naririnig niya sa mga tao. Nakaramdam siya ng pait at kinukumbinsi niya pa rin ang sarili na naging mabuting asawa naman si Damon simula noong sila ay ikasal. Kaya naiintindihan niya na hindi ito makakapunta dahil tambak ang trabaho nito sa opisina.
Nang makumbinsi niya na ang sarili ay agad siyang sinampal ng reyalidad nang marinig niya ang sigaw ni Rica habang nakatingin ito sa kanyang cellphone.
“Trending ngayon si sir Damon sa social media! Hindi ba ay siya ito??” At agad nitong inabot ang cellphone kay Mara.
Agad naman itong napatingin sa cellphone ng pinsan. Isang sikat na video ang nakita niya at usap-usapan ito kaninang umaga ngunit ang mistulang video ay kagabi pa nangyari.
Binasa niya ang caption nito. Mr. CEO Damon Gallagher rented out a private villa to celebrate his true love’s birthday, Lean Milante.
Mapapanood sa video ang mga masigabong fireworks sa kalangitan. Pormal at dominante ang aura ni Damon habang nakaupo at malamlam na nakatitig sa babaeng katabi nito na halatang nag-eenjoy sa naggagandahang fireworks displays.
Kahit gaano pa kabongga ang fireworks ay hindi roon nakatingin si Mara kundi sa likod ng lalaki sa video ito nakatitig. Kilala niya kaagad iyon at masasabi niyang asawa niya ang nasa video. Si Damon nga ‘yon.
Naging blangko ang isip ni Mara sa sandaling iyon at nanigas ang kanyang katawan na hindi niya kayang gumalaw. Kaya pala wala siya dahil nag cecelebrate siya sa birthday ng ibang babae.
Tuloy tuloy ang tunog ng fireworks sa video at sinamahan pa iyon ng nanunuyang boses ni Rica. “Mara, hindi ba sinabi mo na busy ang asawa mo? Oo talagang napaka-busy niya. Busy siya sa pag-book ng villa at may pa-fireworks pa para ipagdiwang ang birthday ng ibang babae.”
Gumugulo ngayon sa isipan ni Mara ang imahe ni Damon na nag-rent ng villa para lamang i-suprise ang ibang babae. Napakuyom siya.
Buong akala niya ay busy ito sa trabaho. Kaya naman ay mag-isa niyang inasikaso ang burol ng kanyang ina at hindi na inistorbo pa ang asawa kahit napakalaking pagsubok sa kanyang buhay ang pagkawala ni Mirasol.
Tila ba nakakatawa ang nangyayari. Dahil sa loob ng pitong araw, hindi man lang sinagot ni Damon ang mga tawag niya at wala itong panahon na pumunta sa burol para silipin lamang ang kanyang ina sa kabaong. Ngunit may panahon itong mag-book ng villa at may-pa fireworks pa para sa birthday ng ibang babae.
Ang babaeng nasa video ay si Lean Milante, ang childhood love at pinakamamahal na babae ni Damon.
Samantalang si Mara ay asawa lamang na ipinagkasundo ng lolo ni Damon na si Don Lorenzo. Dahil gusto nitong tumanaw ng utang na loob sa ama ni Mara na nagligtas sa kanya at para na rin suportahan ang mga pangangailangan ng dalaga.
Sa loob ng tatlong taon na kasal sila ay alam ni Mara na hindi siya minahal ni Damon kaya kahit kailanman ay hindi siya nagtangkang istorbohin ito sa kanyang mga problema at hindi kailanman humingi ng tulong.
Kilala niya si Damon na hindi sweet na tao, hindi nagdiriwang ng mga birthdays, pasko o kahit anong holidays. Umiikot lamang ang kanyang mundo sa trabaho.
Ngunit ngayon ay kakaiba. May pakulo pa si Damon na pa-fireworks sa ibang babae parang naging katawa-tawa si Mara roon. Ngayon niya lamang napagtanto ni Mara na kayang kaya pala ni Damon ang maging sweet, ngunit ayaw lang talaga nito magpakita ng kahit anong affection sa kanya.
Napa-ngitngit si Mara at sinusubukan na balewalain ang sakit na nararamdaman niya. Tuluyan niya nang iniliayo ang mukha sa cellphone upang hindi maging katawa-tawa sa mata ng iba. Dahil kailangan niya pang asikasuhin ang libing ng kanyang ina kaya kailangan niya na maging kalmado.
Nang matapos ang libing ay lumuhod si Mara upang kunin ang picture frame ng kanyang ina, pagkatapos no’n ay tuluyan na siyang umalis at inignora ang mga nanunuyang tingin ng mga tao sa kanya.
Naalala pa niya na gustong makita ni Mirasol si Damon bago ito namatay. Kaya naman ay ilang beses siyang tinawagan ni Mara ngunit sa huli ay hindi nito sinagot ang mga tawag dahil kasama niya si Lean magdamag.
Hiling pa ng kanyang ina na tumagal at mas sumaya pa ang pagsasama nilang mag-asawa ngunit dahil sa nangyari ay mas lumabo na maganap iyon.
Nang matapos niyang asikasuhin lahat ay hinihintay niya na lamang na ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan na matapos sa kanilang pagkain bago umalis. Kaya mas pinili niyang maupo mag-isa sa isang sulok.
Dumating si Damon ngunit huli na siya sa lahat. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at walang emosyon ang kanyang napaka-perpektong mukha. Napunta kaagad ang kanyang mga titig kay Mara at sa buong lugar, may bahid ng pag paumanhin sa kanyang misteryosong mukha nang napagtanto niya kung ano ang nangyari.
Napa angat ng tingin si Mara kay Damon habang sinusuportahan niya ang kanyang tiyan. Ang nananahimik niyang damdamin at kinikimkim na sama ng loob ay biglang umusbong.
Napahugot siya ng malalim na hininga at ininda ang nararamdaman.
“Tapos na ang trabaho mo?” Saad niya at nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha.
“May meeting nong umaga.” Sagot ni Damon at hindi niya nararamdaman sa himig ng asawa ang pagluluksa.
“Paano naman nong isang gabi? Masaya ba ang birthday party?” Diin ni Mara.
Naging seryoso ang mukha ni Damon at bago pa siya makapagsalita ay, may babae na naka-red dress ang sumulpot mula sa kanyang likuran. Suot nito ang coat ni Damon na bumabalot sa kanyang braso at naglakad siya paharap.
“Mara, I’m really sorry. Kasama ko si Damon kagabi. My mom was sick noong nakaraang araw at nag-aalala si Damon na baka mahirapan ako. Kaya naman ay tinulungan niya ako na alagaan si mommy. That’s the reason kung bakit hindi niya nabasa ang mga texts mo. Kasalanan ko at inistorbo ko pa si Dame.” Paliwanag ni Lean.
Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Mara. Habang nakikinig siya sa mga sinasabi ni Lean ay kaagad siyang nakaramdam ng pait at kirot sa puso.
“Malala ba ang sakit ng mommy mo?” Mahina niyang tanong rito.
“No, it’s not that serious. Sinisipon lang si mommy at konting lagnat pero nakakarecover naman na siya.” Malambing na sagot ni Lean.
Nang marinig iyon ni Mara ay para siyang tinarakan ng punyal sa puso. Sinubukan niyang kontrolin ang kanyang emosyon sa abot ng makakaya niya ngunit trinaydor siya ng namumula niyang mga mata at ang nanginginig niyang mga labi.
Mas lalong pumait ang ekspresyon ni Damon. Nasa kalagitnaan siya ng meeting nang nalaman niyang namatay na ang ina ni Mara. Kaya naman nang matapos ang meeting ay pupuntahan niya sana ito ngunit may biglang nangyari kina Lean. Sa dami niyang inasikasong bagay ay nakalimutan niya na ang tungkol sa ina ni Mara.
Kaya naman ay gusto niyang humingi ng paumanhin.
Luluhod sana si Damon sa puntod ni Mirasol ngunit agad siyang pinigilan ni Mara. “Hindi na kailangan, Damon. Mas importante naman diba ang mommy ni Lean. Kaya umalis ka nalang at samahan mo silang mag-ina.” Mariing saad ni Mara. Dahilan kung bakit napahinto si Damon sa kanyang paglalakad.
Tumayo si Mara at umalis dahil ayaw niya nang manatili pa roon. Hindi siya umiyak at hinding hindi niya hahayaan ang sarili na iyakan ang mga taong hindi naman karapat-dapat sa luha niya.
Napayuko siya nang naalala na umiiyak noon si Lean nang tinawagan siya nito at sinabing may sakit ang kanyang mommy ngunit si Mara na buntis ay ininda lahat ng sakit at pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina na mag-isa lamang.
Bigla naman nakaramdam ng kirot sa puso si Damon nang makita niya na hirap sa paglalakad si Mara na ngayon ay nasa ika-pitong buwan na ang pagbubuntis.
“Mara, saan ka pupunta? Buntis ka kaya hindi pwede na kung saan-saan ka pumupunta.” Sinubukan pang tawagin nito ang asawa.
Mapait na ngumiti si Mara. Aware pala si Damon na buntis ito ngunit mas pinili niyang alagaan ang nanay ng ibang babae at hinayaan siya nitong magluksa na mag-isa. Patunay lamang na wala talagang pakialam si Damon sa kanya at sa batang pinagbubuntis niya.
Napayuko siya at napatingin sa kanyang bundat na tiyan, dahil sa naramramdaman niyang pait at lumbay ay nakagawa siya ng isang desisyon. Hindi rin naman magiging masaya ang anak niya kapag isinilang niya ito dahil walang pakialam ang kanyang ama sa kanilang mag-ina.
Naramdaman ni Damon ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang tuluyan nang naglaho si Mara sa paningin niya. Naglakad lakad pa siya para maabutan ito ngunit pinigilan siya ni Lean. “Dame, nagluluksa si Mara sa pagkamatay ng nanay niya. Bakit ba hindi mo nalang siya hayaang kumalma?”
Napakislot ito at mariing tinignan si Lean. “Hindi maganda ang mood ni Mara ngayon at pwedeng may mangyaring masama sa kanya” at itinulak niya ang nakahawak nitong kamay. “Umuwi ka na.” ” Malamig at matigas na sagot ni Damon rito. Nang makalabas siya ay tuluyan nang naglaho si Mara.
Agad niyang inilabas ang kanyang cellphone habang tinitignan ang abalang kalsada at tinawagan ang kanyang assistant. “Track Mara’s phone at hanapin niyo siya kaagad.” May bahid ng pagkabalisa sa napaka-gwapo nitong mukha matapos ang tawag.
Isang oras ang nakalipas nang tumawag ang assistant ni Damon. “Sir Gallagher, nasa hospital po ang asawa niyo ngayon.”
“At anong ginagawa ni Mara diyaaan sa hospital?”
“Ipapa-abort niya raw po ang bata, sir. May draft din po ang asawa niyo ng divorce agreement at nakapirma na po si ma’am Mara.”
Dahil sa pakagulat ay malakas ang pag-brake ni Damon sa preno at ang malalim nitong mga mata ay punong puno ng pagkadismaya.
Nanatili lamang siya na nakatayo roon kahit na nanghihina na ang kanyang mga tuhod. Nagmistulang nag-ugat ang kanyang mga paa mula sa kanyang kinatatayuan. Dahil natatakot siya, natatakot siya na hindi niya kayang makita ang buong pangyayari kung saan malalaman na ni Damon ang tungkol sa tatlo. Mahabang minuto ang naging pag-aantay niya at naging tahimik ang buong paligid. Nakita niya kung paano tuluyang pumasok si Damon sa loob ng kwarto kung nasaan nagtatago sina Gunther at Hunter pagkatapos ay wala na siyang narinig pa na ingay. Humugot siya ng malalim na hininga at nilakasan niya ang loob para humakbang papalapit roon. Nakita niya na nakatayo lamang roon si Damon at pati rin siya ay nagulat dahil walang katao-tao roon. Ang nanginginig niyang katawan ay kumalma at tuluyan na siyang napalagay. Nakita niya ang sofa kung saan iyon ang pinaglatagan niya ng mga damit ng dalawa ay wala na roon at napalitan ng mga damit niyang nakatupi nang maayos at napalapag roon. Walang bakas na mak
Labis ang kanilang pag-aalala dahil sa biglaang pagbisita ng hindi kilalang tao sa kanilang private na unit. "Hindi naman anak. Just go to your room." Utos niya sa dalawa. Alam niya na maatas naman ang security ng hotel na kanilang tinutuluyan lalo pa at may mga cctv rin ito. Kaya sino naman ang kawalang utak na susugod roon? Isa pa ay tinuruan na rin ni Raze ang mga Milante ng leksyon kaya impossible na gaganti sila kaagad-agad.Inilapag ni Mara ang tuwalya sa isang gilid at isinarado ang pinto sa kanilang kwarto at dahan dahang naglakad papalapit sa pinto ng sala. Maingat siyang tumayo roon at nagtanong. "Sino po sila?" "It's me." Malalim na sagot ni Damon. Bumilis ang tibok ng puso ni Mara nang marinig ang baritanong boses ni Damon. Kumunot ang noo niya at nagtaka kung bakit narito siya ganoong dapat kasama siya ni Lean ngayon sa hospital.Napatanong rin siya sa kanyang sarili kung papaano nila nalaman na nasa hotel siya at alam pa nito ang eksaktong room number nila. Hindi niy
Napabuntong hininga si Don Loreonzo. "Pwede bang makinig kayo saakin at tapusin niyo na ang anumang alitan ninyo ngayong gabi? Hayaan niyo na si Addy na pakawalan ang mga Milante. Dahil kapag magpapatuloy pa kayo ay mas lalo lamang lala ang sitwasyon."Napakagat naman ng labi si Mara dahil ang totoo niyan ay humupa na ang kanyang galit dahil na rin sa pagsuporta sa kanya ni Raze. Alam niya rin na hindi niya pwedeng palalain ang sitwasyon dahil hindi niya maibabalik ang anumang damage na magagawa niya kina Lean. Napatingin siya sa gawi ni Raze at tinanguan niya ito. "Pakawalan mo na sila, Raze.""Nakikinig ka sa mantandang yan?" At tinaasan siya ng kilay nito nagpapahiwatig na siya ay nadidismaya sa desisyon niya. Mabilis siyang napailing. "Natatakot lang ako na mas lala pa ang magiging bunga nito at mapapahamak ka rin.""Kung ganoon ay nag-aalala ka para saakin?"Napatango naman si Mara. "Oo. Hinidi pa ba halata?"Sumilay ang isang ngiti sa mga mata ni Raze na puno ng lungkot at mak
Mabilis siyang napalingon at nakita niya si Damon na nakatayo sa kanyang tabi. Walang pangamba siyang nakipatitigan rito. Pipigilan ba siya nito? Dahil wala siyang balak na magpakabait sa gabing iyon. Ubos na ang kanyang pasensya sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang hamakin sila at saktan. Habang nakatitig siya rito ay hindi niya maiwasang ngumisi. "Mas masahol pa ako Damon." Grabe ang ginawa ni Raze ngunit mas malala ang kanayng ginawa at alam niya iyon sa kanyang sarili. Napangiti naman si Raze sa narinig. "Iyan ang inaasahan kong sasabihin ng babaeng gusto ko." "Kinikilala niyo ba ang batas?" Tanong ni Damon kay Mara at makikitaan ng riin ang mga titig nito sa kanya. Mas lalong humigpit rin ang hawak niya sa braso ni Mara na para bang gustong nitong biyakin siya. Ngunit hindi nagpatinag si Mara at sumagot ito. "Oo, kinikilala namin. Pero nakadepende kung sino ang kinakalaban namin. Gaya na lang na hindi kami pwedeng maging patoas sa kagaya mo na hindi rin nirerespeto ang
Nang mapatingin si Mara sa kalat ng buong bahay, ay alam niya na hindi muna nila pwedeng tirahan iyon dahil kailangan muna nilang maglinis nang mabuti.Napabuntong hininga na lamang siya at nag-umpisa na namang mag-impake ng mga gamit nang matapos iyon ay tuluyan na niyang dinala ang dalawa sa isang hotel upang doon muna tumuloy. Alam niya na mahigpit din ang security roon kaya mas ligtas sila ngayon kaysa sa kanilang bahay.Pagkatapos nilang makapag check-in ay kaagad naman siyang nakatanggap ng text galing kay Raze.[ Mara, I sent you a photo. Please take a look at it.]Napakunot noo naman siya at napatanong sa sarili kung anong picture na naman iyon.[ Anong picutre Raze?][ You'll see once you open my message.]Napataas naman siya ng kilay nang makita ang sinend ni Raze.[ Marami ka bang dalang tauhan?] Tanong niya ulit rito.[ Of course.]Base sa nakita niyang pictures ay nakakatakot na hakbang ang ginawa nito. Alam din ni Mara na darating na Damon anumang oras lalo pa at mahal
Dahil hindi mabilis ang pagbato ng robot ay nakaiwas ang naka-itim na lalaki mula rito ngunit maiiwasan pa kaya nila kapag maraming robot ang nagsama-sama upang sugurin sila? Napangisi si Gunther dahil naka-konekta ang lahat ng mga robot sa computer at iisa lamang ang galaw ng mga ito. Sabay-sabay na tumunog ang kanilang censored bilang tanda na activated na ang ginawang command ni Gunther sa system. Gulat ang mga salarin dahil hindi pa sila nakakita ng ganoong klaseng robot sa buong buhay nila. Kaya naman ay wala sa sarili silang napaatras ngunit hindi nila iyon magawa dahil naipit na ng mga robots ang kanilang mga biniti gamit ang kanilang mga claws.Napuno ng sigaw at iyak ang buong bahay. Nang makitang dehado na sila sa laban ay napag-desisyunan ng kanilang leader na umatras na dahil sa takot na baka mahuli sila at malagay sa alanganin ang kanilang mga pagkakakinlanlan. Tanging pagkagulat at pagkamangha lamang ang nagawa ni mara habang nanunuod siya sa itaas. Buong akala niya a







