Share

002

Author: CellaRocella
last update Last Updated: 2025-01-07 16:43:17

KINABUKASAN, masakit ang ulo ni Quincy nang magising siya. Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at napangiti siya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi ng inaakala niyang si Fern. Pagkatingin niya sa kaniyang tabi, laking gulat niya nang mapagtantong hindi si Fern ang nakatalik niya kagabi kundi ang kakambal nito! Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Naibigay niya kay Hiro ang pinakaiingatan niyang virginity!

"Shít!" mahinang mura ni Quincy at saka dali-daling umalis sa kamang iyon.

Mabilis niyang isinuot ang pinulot niyang damit sa lapag. Kahit na masakit at mahapdi ang pagitan ng kaniyang hita, pinilit niyang maglakad patungo sa elevator. Tulala siya nang makauwi siya sa bahay nila. Hanggang sa napaiyak na lamang siya. Muntik pa siyang mapasigaw nang tumunog ang kaniyang cellphone. Tumatawag si Fern. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at saka tumikhim ng ilang beses.

"Hello, love?" wika niya sa normal na tono.

"Good morning, love! Nasaan ka na? Nandyan ka pa ba sa hotel? Sunduin na kita at ihatid sa inyo. Sorry hindi na ako nakapag-update sa iyo. Nagkaroon kasi ng emergency sa kompanya kaya kinailangan kong umalis kaagad. Si Hiro na lang ang inutusan kong maghatid sa iyo sa kuwarto mo. Nakatulog ka ba ng maayos sa hotel?" wika ni Fern sa kabilang linya.

"Y-Yes. N-Nakatulog ako ng maayos. Nakauwi na pala ako sa bahay. Medyo inaantok pa nga ako."

"Okay sige magpahinga ka na. See you later, love. I love you!"

"I-I love y-you too, love..." nauutal niyang wika bago ibinaba ang tawag.

Nang ibaba ni Quincy ang tawag, napaluha na lamang siya. Gusto niyang sakalin ang sarili dahil sa katangahan niya ngunit sa katunayan, may mali din naman si Fern dahil hindi kaagad sinabi ni Fern na inutusan niya ang kakambal niya para ihatid siya sa kwarto na iyon. Syempre magkamukhang-magkamukha ang dalawa dahil kambal nga, hindi kaagad namalayan ni Quincy na hindi si Fern ang katabi niya sa kamang iyon. At dahil parang sasabog na siya ikinuwento niya si Maris ang nangyari at nawindang ito.

"Paano iyan? Nakakaloka ka naman! Pero mali rin talaga si Fern dahil hindi siya nagsabi kaagad! Huwag ka lang talaga sana mabuntis! Niloob ba ni Hiro?!" kinakabahang tanong ni Maris.

Hindi nagsalita kaagad si Quincy dahil hindi niya rin alam. "Ano ba iyon? Iyong ano niya? Katas? Hindi ko alam. Wala na akong matandaan sa nangyari basta iyon.. may naganap sa amin! Hindi ko alam kung mapapatawad ako ni Fern kapag nalaman niya ang totoo! Ayokong hiwalayan niya ako, Maris kaya please huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino. Parang sasabog ako kanina kaya sinabi ko sa iyo..." naluluhang wika niya.

Mabilis na tumango si Maris. "Oo pangako. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino."

Hindi nakatulog ng gabing iyon si Quincy kaya naman kinabukasan, halatang puyat siya. May dinner sila kasama ang bawat pamilya. Hindi niya magawang makatingin kay Hiro na pinagmamasdan siya.

"Love? Ayos ka lang ba? Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" bulong ni Fern sa kaniya.

Kumakain na kasing lahat doon pero siya, nakatingin lamang sa pagkain niya. Napag-usapan din na mamo-move ang kasal nila dahil sa emergency sa kompanya ng pamilya ni Fern. May kailangan lang ayusin doon at bigyang pansin. Wala namang naging reaksyon si Quincy at sumang-ayon lang siya.

"Ahm.. medyo busog pa kasi ako pero kakainin ko ito," nakangiti niyang sabi.

Pasimple niyang tiningnan si Hiro at laking gulat niya nang makitang nakatingin ito sa kaniya. Kanina pa niya nararamdaman ang pares ng matang nakatutok sa kaniya at iyon ay si Hiro. Sobra siyang naiilang at parang gusto ng umuwi ngunit hindi puwede.

"Hindi ka naman ba nagtatampo dahil ilang buwan pa ang hihintayin natin bago tayo ikasal? Kung ako kasi ang tatanungin, ayos lang naman. Naiintindihan ko naman sina mommy at daddy."

Pilit na ngumiti si Quincy. "A-Ayos lang din sa akin. Mas importante ang business ninyo. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat."

Akala ni Quincy, maihahatid siya ni Fern sa kanilang bahay pero hindi dahil kinailangan kaagad nitong umalis. Si Fern kasi ang nagpapatakbo ng kompanya nila dahil si Hiro ang namamahala sa ibang negosyo ng kanilang pamilya. Pinakisuyuan ulit ni Fern ang kambal niyang si Hiro kaya kahit labag sa kalooban ni Quincy, wala siyang nagawa. Kasama ni Quincy ang pamilya niya at mahirap ng sumakay dahil gabi na rin.

"Maraming salamat, Hiro sa paghatid," wika ng ina ni Quincy.

"Walang anuman po," sagot ni Hiro.

Nakatingin lamang si Quincy sa kanilang dalawa. Akma na nga sana siyang papasok sa loob ng kanilang bahay nang tawagin siya ni Hiro. Wala sana siyang balak lingunin ito pero nandoon ang kaniyang ina. Naisip niyang baka magtaka ito kaya hinarap niya ang binata.

"Ano? May sasabihin ka bang importante?" mataray niyang sabi.

Tumikhim si Hiro. "Tungkol sa nangyari sa atin, gusto kong humingi ng sorry pero gusto ko lang din malaman mo na hindi ko pinagsisisihan iyon."

Nanlaki ang mga mata ni Quincy. "Hayop ka. Alam mong nakainom na ako no'n at hindi ko naman alam na ikaw pala ang kasama ko at hindi si Fern pero hindi ka nagsalita. Talagang ginusto mong angkinin ako ng gabing iyon, tama? Bakit? Bakit mo ginawa iyon?"

Bumuntong hininga si Hiro. "Hindi ko nasabi sa iyo na gusto na kita noon. Ako naman talaga ang una mong nagustuhan at hindi si Fern, 'di ba? Kaya laking gulat ko nang maging kayo na. Pero nanahimik ako at pilit na inalis ka sa isipan ko. Kaya lang dahil karelasyon mo ang kambal ko, palagi kitang nakikita at nahihirapan akong alisin ka sa puso't isipan ko."

Nanlaki ang mata ni Quincy. Totoo namang si Hiro ang unang lalaking minahal niya noong highschool pa lang sila. Pero naibaling ang atensyon niya kay Fern dahil hindi naman siya pinapansin ni Hiro noon. At inakala niyang hindi siya nito magugustuhan. Ang hindi niya alam, nahihiya lang din si Hiro noon. Mahiyain kasi noon si Hiro at busy din sa pag-aaral kaya hindi niya masyadong binigyan pansin ang nararamdaman para kay Quincy.

"Tama na, Hiro. Huwag mo ng ibalik ang nakaraan dahil ang kakambal mo na ang mahal ko. Tigilan mo na ako. Ibaon mo na lang sa limot ang nangyari sa atin. Please, huwag mong sasabihin kay Fern. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya. Huwag mong sirain ang kasal naming dalawa. Mahal na mahal ko ang kapatid mo," nangingilid ang luha niyang sabi.

Nagtangis ang ngipin ni Hiro. "Hindi ko maipapangako, Quincy. Dahil kapag nalaman kong nagbunga ang gabing iyon, pananagutan ko ang anak natin. At hindi ko hahayaang ikasal ka sa kakambal ko," mariin niyang sambit bago umalis.

Umagos naman ang luha ni Quincy sa kaniyang mga mata habang nakasunod ng tingin sa papalayong sasakyan ni Hiro.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hinahanap Ng Puso   018

    "Hi, Quincy!" Laking gulat ni Quincy nang makita si Samantha. May mga dala itong paper bag. Dire-diretsong pumasok sa loob ang dalaga bago naupo sa malaking sofa doon. Inilagay niya sa table ang dala niyang paper bag. "Quincy, para sa inyo iyan ni baby boy mo. Laruan iyan and damit for you! Masanay ka na sa akin, ha? Ganito kasi talaga ako kapag happy and magaan ang pakiramdam ko sa isang tao. I'm very grateful na tinanggap mo ako as your friend. At the same time, very sad din kasi nawalang bigla ang dati kong friends," wika ni Samantha sabay kagat labi. Naupo si Quincy sa tabi ni Samantha. Isip niya, hindi naman niya kailangan ng kahit anong regalo mula sa isang tao. Ngunit ayaw naman niyang mapahiya si Samantha o ma-offend kung hindi niya tatanggapin ang bigay nito. "Salamat dito pero hindi mo na kailangang mag-abala pa. Hindi mo ma ako kailangang bigyan ng kung anu-ano para maging kaibigan mo ako," mahinahong wika niya sabay ngiti kay Samantha. "Well.... thank you, ha. Ka

  • Hinahanap Ng Puso   017

    "Bakit, love? May problema ba?" takang tanong ni Hiro. Napakurap si Quincy sabay ngiti ng alanganin. "Ha? W-Wala naman. Hindi mo lang kasi nabanggit na babae pala ang kaibigan mo. Akala ko lalaki." "I'm sorry, love. Gusto ka nga rin niyang maging kaibigan. Galing kasi siyang ibang bansa. Model siya doon tapos umuwi dito. Nagkwento siya at ang sabi niya, hindi na raw siya kilala ng mga dati niyang kaibigan kaya nalulungkot siya. Kaya nagpaalam siya sa akin kung pwede ka rin ba niyang maging kaibigan." Saglit na tumahimik si Quincy. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Kung tama lang ba na maging kaibigan niya ang kaibigan ni Hiro. Pero naiisip niyang mas mainam para mabantayan niya ito. "S-Sige, love. Ayos lang sa akin. Kailngan ko ba siya puwedeng i-meet?" "Kahit kailan. Sasabihan ko siya. Ikaw ang mag-decide kung kailan mo gustong makipagkita sa kanya. Para makapag-bonding kayo. Para makilala mo rin siya," nakangiting wika ni Hiro sabay yakap sa kanya. Bumun

  • Hinahanap Ng Puso   016

    "Sa tingin mo magandang dining table ito sa bahay?" tanong ni Samantha kay Hiro. "Oo para sa akin maganda ito. Pero ikaw? Ano ba ang gusto mo? Syempre bahay mo iyon. Ikaw ang dapat mamili ng gusto mo," sabi ni Hiro bago nilibot ang tingin sa mga dining table doon. Ngumuso si Samantha. Pasimple niyang pinagmasdan ang binata kasabay ng pagtatago ng kilig na kanyang nadarama. Hindi maaaring mahalata ni Hiro na sobra siyang kinikilig. "I know naman pero gusto ko pa ring humingi ng suggestions sa iyo. Kasi baka maganda nga para sa akin iyong isang gamit pero hindi na pala bagay sa design o kulay ng bahay ko, 'di ba? I mean, hindi siyang tugma sa gusto kong kalabasan ganoon?" Tumango-tango si Hiro. "Okay I understand. Sige. Patingin nga ulit ako ng itsura ng bahay mo?" Kinuha ni Samantha ang kanyang cellphone at saka hinanap ang video doon ng bahay niya. Nang iabot niya ang kanyang cellphone kay Hiro, nagkadikit ang daliri nila. Tila kinuryente siya at labis na kinilig. Todo pigil

  • Hinahanap Ng Puso   015

    "Paano ngayon iyan? Baka guluhin ni Samantha ang buhay niyong mag-asawa?" tanong ni Leo. Bumuntong hininga si Hiro. "Hindi puwedeng mangyari iyon. Ako ang makakalaban niya kung sakali. Hindi puwedeng guluhin niya ang buhay naming mag-asawa. Masaya ako sa piling ni Quincy at mahal na mahal namin ang isa't isa. Nangako akong hindi siya ipagpapalit sa iba at siya lang ang mamahalin ko. At isa pa, imposibleng magkagusto ako kay Samantha dahil simula pa noon, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lang siya para makalimot kay Quincy." Tumango-tango si Leo. "Sana nga mapanindigan mo ang sinasabi mong iyan. Wala sa ating bokabularyo ang magloko. Baka naman kapag naghubad sa harapan mo si Samantha, sunggaban mo agad." Natatawang umiling si Hiro bago hinawakan ang kaniyang baba. "Hindi ako hayok sa laman. May asawa ako. Kontento ako sa asawa ko. At isa pa, maganda at sexy ang asawa ko. Kaya bakit ako hahanap pa ng iba o titikim pa ng iba? Pare-parehas lang naman silang may p_uki."Humagalp

  • Hinahanap Ng Puso   014

    Tatlong buwan matapos ang kasal nina Hiro at Quincy, naging abala na si Hiro sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya si Hiro. Habang si Quincy naman ay nasa kanilang bahay, nag-aalaga ng kanilang anak. Ayaw siyang pagtrabuhin mg kanyang asawa. Gusto ni Hiro na magbabantay lamang siya ng kanilang anak. "Ang guwapo ng anak ninyo. Solid ang pagkakagawa! Mukhang ginalingan talaga ng modtakels ng asawa mo! Sana ganiyan din ang magiging baby ko!" wika ni Maris nang dumalaw siya sa bahay nina Quincy. "Magiging ganiyan kaguwapo rin ang anak mo kung guwapo rin ang magiging tatay. Maganda ka naman kasi kapag pangit ang tatay, hindi natin sigurado kung sa iyo magmamana ang anak ninyo. Kaya piliin mo iyong guwapong lalaki pero matino. Dahil may mga pangit na cheater ngayon. Ang kakapal ng mukha!" saad ni Quincy sabay tawa. Tumawa rin ang kaniyang kaibiga. "Trueness ka diyan! Kapalmuks ang mga burikat! Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para gawin ang ganoong bagay! Isipin

  • Hinahanap Ng Puso   013

    ISANG TAON ang lumipas, wala na talagang naging balita pa silang dalawa kay Fern. Sinubukan nila itong kontakin ngunit hindi nila magawa. Naisip nilang dalawa na siguro dapat nilang bigyan ng oras si Fern lalo pa't nasaktan nila ito. Ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang anak nilang lumalaki na. Ang pamilya nila. Kasalukuyang naglalakad sa dalampasigan sina Hiro at Quincy. Niayaya kasing magdagat ni Hiro si Quincy. Walang kaalam-alam si Quincy na mayroon pa lang surpresa sa kaniya si Hiro. "So ang ibig mong sabihin, talaga pa lang nagustuhan mo ako noon?" nakangising wika ni Quincy. "Oo. Totoo iyon pero nahihiya lang ako. At saka, focus kasi ako sa pag-aaral no'n. Wala akong time masyado para sa sarili ko. Lalo na't ako pa ang inilalaban sa iba't ibang school. Tapos ayon na nga, nagulat talaga ako nang bigla ka na lang hindi na nagpapansin sa akin. Bigla kang umiwas. Iyon pala. Si Fern na ang gusto mo." Tumawa si Quincy. "Syempre, masakit kayang hindi ka pinapansin ng taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status