Share

003

Author: CellaRocella
last update Last Updated: 2025-01-07 16:44:25

Lumipas ang isang buwan matapos ang hindi sinasadyang pangyayari kina Hiro at Quincy, lalong naging busy sa kanilang kompanya si Fern. Kaya halos wala na siyang oras kay Quincy at bihira na lang silang magkita.

"Love, busy ka pa rin ba mamaya?" malungkot ang tinig na wika ni Quincy.

"Yes. I'm sorry. Babawi ako sa susunod, okay? I love you," sabi ni Fern sa kabilang linya.

"I love you, too," malungkot na tugon ni Quincy bago ibinaba ang tawag.

Malungkot siyang umuwi galing sa trabaho. Ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan niyang unawain ang kaniyang fiancé. Lalo na ngayong mayroon siyang malaking kasalanan kay Fern.

"Hiro?"

Laking gulat niya nang makita sa kanilang bahay ang binata. Nginitian siya ng binata ngunit matalim niya itong tinititigan.

"Anak, nandito si Hiro dahil may dala siyang mga pagkain at kung anu-ano pa para sa iyo. Pinadadala raw ni Fern dahil hindi ka niya madadalaw dito," sabi ng kaniyang ina.

"Kay Fern ba talaga galing iyan?" tanong niya kay Hiro.

Mabilis na tumango si Hiro. "Yes. You can ask him para malaman mo. Nakisuyo lang siya sa akin."

Nag-message kaagad si Quincy sa kaniyang fiancé at nakumpirma niyang pinabibigay nga iyon ni Fern para sa kaniya. Naiinis man pero nagpasalamat na lang siya kay Hiro bago nagtungo sa kaniyang silid. Akala niya umalis ang binata pero nandoon pa ito nakaupo sa sala. Siya na lang ang nandoon. Naisip niyang baka nagpapahinga na ang kaniyang ina.

"Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na," mahinang saad niya ngunit bakas doon ang galit.

"Nagkaroon ka na ba? Kailan ang huling dalaw mo?"

Hindi nakapagsalita si Quincy. Pero hindi siya kinakabahan dahil hindi naman siya regular nagkakaroon ng dalaw. At wala rin siyang nararamdamang sintomas ng pagbubuntis.

"Bakit kailangan mo pang tanungin? Umalis ka na, Hiro. Hindi ako papayag na masisira mo ang kasal namin ni Fern," nanginginig ang boses ni Quincy.

Habang ang binatang si Hiro naman ay nakatingin lamang sa dalaga. Buo na ang pasya ni Hiro. Kung ano man ang kalalabasan ng mga desisyon niya, handa siyang harapin iyon. Basta ang nasa isip niya kung sakaling magbunga man ang nangyari sa kanila ni Quincy, hindi siya papayag na makasal ang dalawa. Bahala na kung magkagulo sila ng kaniyang kambal.

"Please, Hiro... nakikiusap ako sa iyo. Huwag mong sirain ang kasal namin ng kambal mo. Please, matagal kong pinangarap na maikasal sa kapatid mo kaya huwag mo na akong guluhin pa. Hayaan mo na ako. Hindi ako mabubuntis dahil isang beses lang naman iyong nangyari. Umalis ka na. Please, umalis ka na," naluluhang wika ni Quincy na may halong pagmamakaawa.

Bumuntong hininga si Hiro. "Mananahimik ako hangga't hindi ko pa nakukumpirmang mabubuntis ka nga. Pero kung sakaling mabuntis kita, hindi ako papayag na makasal kayong dalawa ng kakambal ko."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na siya at saka umalis. Malakas kasi ang pakiramdam ni Hiro na magagawa niyang mabuntis si Quincy. At hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya.

Pumasok kaagad sa kaniyang silid si Quincy at doon na umiyak nang walang ingay. Naninikip ang dibdib niya. Mahal na mahal niya si Fern ngunit malaki ang kasalanan niya sa kaniyang fiancee.

Lumipas pa ang isang buwan, sa susunod na linggo na ang araw ng kasal nina Quincy at Fern. Muling nagyaya ng dinner ang pamilya ni Fern para pag-usapan ang tungkol sa kasal. Masayang nag-uusap ang kani-kanilang mga magulang nang bigla na lang makaramdam si Quincy ng kakaiba. Tila maduduwal siya. Noong nakaraang linggo, palagi siyang inaantok sa trabaho at panay ang kain niya nang maaasim.

Nanlalaki ang mata ni Quincy habang nagpipigil na maduwal. Habang si Hiro ay kanina pa nakatingin sa kaniya. Habang si Fern naman ay nagpaalam saglit dahil may kakausapin ito.

"Excuse me," wika ni Quincy at saka dali-daling nagtungo sa restroom.

Doon na nga siya naduwal. Hindi niya alam kung bakit. Nanghihina siyang napahawak sa pader. Nagmumuog siya sandali at saka hinawi ang kaniyang buhok. Laking gulat niya nang makitang nakaabang na sa kaniya si Hiro. Akma niya sanang lalampasan ang binata nang hapitin siya nito sa baywang at isandal sa pader.

"Bakit ka naduduwal? Buntis ka ba?" tila kulog ang boses ni Hiro.

Nanlaki ang mga mata ni Quincy. "A-Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako buntis ka kung puwede ba, bitawan mo ako!"

"No! Kailan kong malaman kung buntis ka ngang talaga o hindi. Lagpas dalawang buwan na rin ang lumipas simula nang may mangyari sa atin kaya siguradong malalaman na kung buntis ka nga o hindi. Bibili ako ng pregnancy test mamaya. Kailangan kong malaman ang totoo at kapag tumanggi ka pa, sasabihin ko kay Fern na may nangyari sa ating dalawa," may pagbabantang wika ni Hiro bago niya pinakawalan si Quincy.

Nauna na siyang bumalik sa kanilang table habang si Quincy naman, ilang minuto pa ang lumipas bago siya muling nakabalik. At dahil may kailangang ayusin na naman si Fern, si Hiro na naman ang naghatid kina Quincy at sa kaniyang pamilya sa bahay nito. Nagkaroon si Hiro ng pagkakataong makausap si Quincy. Bumili siya kaagad ng tatlong pregnancy test sa botika at saka ito inabot kay Quincy.

"Gamitin mo ang tatlong iyan para sigurado. Ngayon ko gustong malaman ang magiging resulta."

Nanginginig ang kamay ni Quincy nang kunin niya ang pregnancy test na binigay ni Hiro. Mabibigat ang hakbang niyang nagtungo sa banyo upang gamitin ang mga iyon. Sabay-sabay niyang pinatakan ng kaniyang ihi ang tatlong pregnancy test. Todo pigil hininga ang kaniyang ginawa habang naghihintay sa resulta.

"Jusko..."

Doon na siya napaiyak nang makita ang dalawang pulang guhit sa tatlong pregnancy test. Nasabunutan niya ang kaniyang sarili at saka mahinang inuntog ang ulo sa pader. Panay ang agos ng kaniyang luha. Buntis nga siya. Nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Hiro.

"Quincy..." sambit ni Hiro nang lumabas ng banyo ang dalaga.

Panay ang iyak ni Quincy. Habang si Hiro naman, kinuha sa kamay niya ang pregnancy test at nanlaki ang mga mata nito sa nakitang resulta. Mabilis na tumibok ang kaniyang dibdib at hindi maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Pinaghalong saya at pananabik ang kaniyang nararamdaman.

"Buntis ka... magkakaanak na tayo!"

"Hindi! Hindi sa iyo ito!"

Nandilim ang paningin ni Hiro. "Sa akin iyan, Quincy. Huwag mo ng ipagkaila pa. Wala pang nangyayari sa inyong dalawa ni Fern kaya sa akin iyan. Anak ko ang nasa sinapupunan mo. Kaya hindi ako papayag na maikasal kayong dalawa."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hinahanap Ng Puso   018

    "Hi, Quincy!" Laking gulat ni Quincy nang makita si Samantha. May mga dala itong paper bag. Dire-diretsong pumasok sa loob ang dalaga bago naupo sa malaking sofa doon. Inilagay niya sa table ang dala niyang paper bag. "Quincy, para sa inyo iyan ni baby boy mo. Laruan iyan and damit for you! Masanay ka na sa akin, ha? Ganito kasi talaga ako kapag happy and magaan ang pakiramdam ko sa isang tao. I'm very grateful na tinanggap mo ako as your friend. At the same time, very sad din kasi nawalang bigla ang dati kong friends," wika ni Samantha sabay kagat labi. Naupo si Quincy sa tabi ni Samantha. Isip niya, hindi naman niya kailangan ng kahit anong regalo mula sa isang tao. Ngunit ayaw naman niyang mapahiya si Samantha o ma-offend kung hindi niya tatanggapin ang bigay nito. "Salamat dito pero hindi mo na kailangang mag-abala pa. Hindi mo ma ako kailangang bigyan ng kung anu-ano para maging kaibigan mo ako," mahinahong wika niya sabay ngiti kay Samantha. "Well.... thank you, ha. Ka

  • Hinahanap Ng Puso   017

    "Bakit, love? May problema ba?" takang tanong ni Hiro. Napakurap si Quincy sabay ngiti ng alanganin. "Ha? W-Wala naman. Hindi mo lang kasi nabanggit na babae pala ang kaibigan mo. Akala ko lalaki." "I'm sorry, love. Gusto ka nga rin niyang maging kaibigan. Galing kasi siyang ibang bansa. Model siya doon tapos umuwi dito. Nagkwento siya at ang sabi niya, hindi na raw siya kilala ng mga dati niyang kaibigan kaya nalulungkot siya. Kaya nagpaalam siya sa akin kung pwede ka rin ba niyang maging kaibigan." Saglit na tumahimik si Quincy. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Kung tama lang ba na maging kaibigan niya ang kaibigan ni Hiro. Pero naiisip niyang mas mainam para mabantayan niya ito. "S-Sige, love. Ayos lang sa akin. Kailngan ko ba siya puwedeng i-meet?" "Kahit kailan. Sasabihan ko siya. Ikaw ang mag-decide kung kailan mo gustong makipagkita sa kanya. Para makapag-bonding kayo. Para makilala mo rin siya," nakangiting wika ni Hiro sabay yakap sa kanya. Bumun

  • Hinahanap Ng Puso   016

    "Sa tingin mo magandang dining table ito sa bahay?" tanong ni Samantha kay Hiro. "Oo para sa akin maganda ito. Pero ikaw? Ano ba ang gusto mo? Syempre bahay mo iyon. Ikaw ang dapat mamili ng gusto mo," sabi ni Hiro bago nilibot ang tingin sa mga dining table doon. Ngumuso si Samantha. Pasimple niyang pinagmasdan ang binata kasabay ng pagtatago ng kilig na kanyang nadarama. Hindi maaaring mahalata ni Hiro na sobra siyang kinikilig. "I know naman pero gusto ko pa ring humingi ng suggestions sa iyo. Kasi baka maganda nga para sa akin iyong isang gamit pero hindi na pala bagay sa design o kulay ng bahay ko, 'di ba? I mean, hindi siyang tugma sa gusto kong kalabasan ganoon?" Tumango-tango si Hiro. "Okay I understand. Sige. Patingin nga ulit ako ng itsura ng bahay mo?" Kinuha ni Samantha ang kanyang cellphone at saka hinanap ang video doon ng bahay niya. Nang iabot niya ang kanyang cellphone kay Hiro, nagkadikit ang daliri nila. Tila kinuryente siya at labis na kinilig. Todo pigil

  • Hinahanap Ng Puso   015

    "Paano ngayon iyan? Baka guluhin ni Samantha ang buhay niyong mag-asawa?" tanong ni Leo. Bumuntong hininga si Hiro. "Hindi puwedeng mangyari iyon. Ako ang makakalaban niya kung sakali. Hindi puwedeng guluhin niya ang buhay naming mag-asawa. Masaya ako sa piling ni Quincy at mahal na mahal namin ang isa't isa. Nangako akong hindi siya ipagpapalit sa iba at siya lang ang mamahalin ko. At isa pa, imposibleng magkagusto ako kay Samantha dahil simula pa noon, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lang siya para makalimot kay Quincy." Tumango-tango si Leo. "Sana nga mapanindigan mo ang sinasabi mong iyan. Wala sa ating bokabularyo ang magloko. Baka naman kapag naghubad sa harapan mo si Samantha, sunggaban mo agad." Natatawang umiling si Hiro bago hinawakan ang kaniyang baba. "Hindi ako hayok sa laman. May asawa ako. Kontento ako sa asawa ko. At isa pa, maganda at sexy ang asawa ko. Kaya bakit ako hahanap pa ng iba o titikim pa ng iba? Pare-parehas lang naman silang may p_uki."Humagalp

  • Hinahanap Ng Puso   014

    Tatlong buwan matapos ang kasal nina Hiro at Quincy, naging abala na si Hiro sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya si Hiro. Habang si Quincy naman ay nasa kanilang bahay, nag-aalaga ng kanilang anak. Ayaw siyang pagtrabuhin mg kanyang asawa. Gusto ni Hiro na magbabantay lamang siya ng kanilang anak. "Ang guwapo ng anak ninyo. Solid ang pagkakagawa! Mukhang ginalingan talaga ng modtakels ng asawa mo! Sana ganiyan din ang magiging baby ko!" wika ni Maris nang dumalaw siya sa bahay nina Quincy. "Magiging ganiyan kaguwapo rin ang anak mo kung guwapo rin ang magiging tatay. Maganda ka naman kasi kapag pangit ang tatay, hindi natin sigurado kung sa iyo magmamana ang anak ninyo. Kaya piliin mo iyong guwapong lalaki pero matino. Dahil may mga pangit na cheater ngayon. Ang kakapal ng mukha!" saad ni Quincy sabay tawa. Tumawa rin ang kaniyang kaibiga. "Trueness ka diyan! Kapalmuks ang mga burikat! Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para gawin ang ganoong bagay! Isipin

  • Hinahanap Ng Puso   013

    ISANG TAON ang lumipas, wala na talagang naging balita pa silang dalawa kay Fern. Sinubukan nila itong kontakin ngunit hindi nila magawa. Naisip nilang dalawa na siguro dapat nilang bigyan ng oras si Fern lalo pa't nasaktan nila ito. Ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang anak nilang lumalaki na. Ang pamilya nila. Kasalukuyang naglalakad sa dalampasigan sina Hiro at Quincy. Niayaya kasing magdagat ni Hiro si Quincy. Walang kaalam-alam si Quincy na mayroon pa lang surpresa sa kaniya si Hiro. "So ang ibig mong sabihin, talaga pa lang nagustuhan mo ako noon?" nakangising wika ni Quincy. "Oo. Totoo iyon pero nahihiya lang ako. At saka, focus kasi ako sa pag-aaral no'n. Wala akong time masyado para sa sarili ko. Lalo na't ako pa ang inilalaban sa iba't ibang school. Tapos ayon na nga, nagulat talaga ako nang bigla ka na lang hindi na nagpapansin sa akin. Bigla kang umiwas. Iyon pala. Si Fern na ang gusto mo." Tumawa si Quincy. "Syempre, masakit kayang hindi ka pinapansin ng taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status