Share

Kabanata 643

Penulis: Yenoh Smile
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-19 10:21:54

Hola from Barcelona!

Charot! ahah

Thank you so much po sa mga sumubaybay sa kwento ni Lucho at Yuri. Hindi man best ending pero I hope nabigyan ko ng hustisya ang kwento. Salamat sa pagsama sa'kin sa kwentong ito at pananatili kahit ang tagal-tagal kong mag-update eheh. Work - life balance na kasi at kapag sobrang busy, di ko na pinipilit mag-update lalo't ayaw ko ng sabaw na update. Kaya salamat nang marami sa tiyaga at pagsubaybay. Mabuhay kayong lahat po!

Anyway, nauubos na ang mga single na Inferno pero buhay pa rin si Daddy Sebastian. Patayin ko na ba? Huwag muna ahahah. Ingat po kayo lagi at nawa'y makasama ko pa kayo sa kwento ni Luna.

Note: Ang kasunod na kabanata ay para na sa kwento ni Luna na pinamagatang Secretly Married to Miss Stealer.

---------------------------------------------

Synopsis of Secretly Married to Miss Stealer

Si Luna Nicola Romanov ay hindi ordinaryong dalaga. Hindi siya ang tipo ng babae na madaling mahulog sa lalaki, hindi madaling maloko, at higit sa lahat, kayang-kaya niyang ipagtanggol ang sarili kanino man kaya naman malakas ang loob niyang magnakaw—mali, mang-agaw pala ng mga ari-arian ng mamayang tao na mula sa maduming negosyo.

Wala sa plano niya ang mag-asawa, mas uunahin niya pang pakainin ang mga bata sa lansangan at sa ampunan kaysa magpakasal. At para magawa iyon, target niyang maging akyat bahay sa mansyon ni Orion Vanderbilt na inaakala niyang nagmamay-ari ng black market - bentahan ng lahat ng illegal at mga nakaw na mamahaling bagay.

Kaibahan sa plano ni Orion, may malaki siyang problema. Kailangan niya ng asawa upang tuluyang malipat sa kanya ang malaking kumpanya ng yumao niyang ama.

"Found it, Diobert," bulong ni Luna sa earpiece niya matapos makapasok sa malaking kwarto ni Orion at mahanap ang safe vault nito.

"Crack the code, Luns!" excited na sagot pa ng partner niya.

Alam niyang isang maling pindot lang sa password ay tutunog ang buong bahay kaya't ingat na ingat siya sa pagpihit. May ideya naman siya at alam niya ang pasaword sa kapapanood sa cctv na nilagay niya sa kwarto ni Orion para sa misyon na iyon. Kapag nakuha niya ang maraming diyamante at iba't ibang klaseng alahas nito ay hindi na mauubusan ng supply ng pagkain ang bahay-ampunan at makakapag-aral pa nang tuloy-tuloy ang isang daang batang kinupkop niya.

"Success," ngising asong bulong niya matapos mabuksan ang vault nang walang kahirap-hirap.

Nagdiriwang na si Diobert sa kabilang linya habang siya ay handa ng kuhanin ang lahat ng alahas ngunit nanlamig matapos makita sa harapan niya ang pares ng kayumangging leather shoes.

"Sh*t!" tanging nasambit niya't napalunok sa pagbukas ng ilaw at pagkasilaw sa liwanag.

Hindi maipintang mukha ni Orion Vanderbilt ang nakita niya. Ni hindi pa siya nakakaiwas ay inisang buhat lang siya nito sa bewang at binagsak sa kama. Umibabaw ito sa kanya kaya't tinukod niya ang mga palad sa malapad nitong d*bdib. Kahit manlaban siya ay mas malakas sa kanya ang binata.

"Ano'ng ginagawa ng magandang dilag sa loob ng kwarto ko? Stealing aren't we? I know you, Milady. I have been watching you since day one." seryosong bigkas nito na nagpakaba sa kanya.

"Hindi mo ko mapapakulong. Isa akong Inferno-Romanov—Don't touch me!" pagpapanic niya matapos pumaloob sa suot niyang pantalon ang malaki at mainit nitong palad.

"Inferno - Romanov my *ss. I don't f*cking care, do not mess up with me, Missy," nanggagalaiting bigkas nito.

Nahigit niya ang paghinga noong mahanap ng palad nito ang pinupuntirya at dumiin doon.

"Patay ka sa Papa ko kapag tinuloy mo ang balak mo!" pananakot niya pa dito.

"Alam ba ng Papa mo na nagnanakaw ka?" madiing tanong nito.

Naumid ang dila niya pero hindi siya pwedeng magpatalo dito lalo't nararamdaman niya ang dulo ng daliri nitong nananuksong pumasok.

"Subukan mo, Mr. Vanderbilt. Hindi ako nagbibiro na kaya kang patayin ng Papa ko," madiing banta niya rito.

"Mapapatay ba ako ng Papa mo kapag ginawa kitang asawa ko? Unahin ko na ang honeymoon, gusto mo?" hambog nitong tanong kasabay ng pag-angat ng gilid ng labi nito.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (36)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
hala kaabang2 tlga uyyyy
goodnovel comment avatar
Irene Dafun Bernardino
wag muna Ms.A dipa nag-asawa lahat ng Apo niya hehe
goodnovel comment avatar
Marley Callao
wag nyo po Muna patayin miss A kay Sebastian sumakit Lalo tyan q at nkakawala nang stress po......
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Hiram na Asawa   Kabanata 696

    Eksperto nitong nahila pah*bad ang sundress niya at sinunod ang panty niya. Tinaas nito ang mga paa niya sa gilid ng kama dahilan upang maghiwalay ang mga hita niya.Mula sa mga labi niya ay bumaba ang bibig nito sa malulusog niyang d*bdib. Habang nagpipiyesta roon ang bibig at dila nito ay dumausdo

  • Hiram na Asawa   Kabanata 695

    Hindi na bumalik sa opisina si Orion. Pinahiram na rin muna ito ng damit ng Mama Meara niya mula sa mga damit ni Lucho."Nakakainis si Papa!" protesta ni Luna noong pumasok sa kusina.Bahagya siyang tinawanan ni Meara sa aburidong mukha niya."Bakit naman? Nag-uusap sila tungkol sa kaso. Ayaw mo ba

  • Hiram na Asawa   Kabanata 694

    Noong makuntento ay marahan itong humiwalay. Hawak nito ang kanyang pisngi at tinitigan siya na tila ba ayaw siyang mawala sa paningin nito."Luna, pumasok na kayo dito sa loob at baka maging dragon na itong Papa mo. Mabugahan pa kayo nang apoy diyan," tawag sa kanila ng Mama Meara niya."Sa loob ka

  • Hiram na Asawa   Kabanata 693

    "Sir, hindi gulo ang habol ko–" "T*ngna mo! Gigiyerahin pa rin kita!" sigaw muli sa kanya ni Damon Romanov.Namumula ito sa galit, litaw na rin ang litid sa leeg sa kasisigaw. At kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa sana siya bumulagta sa lupa."Umalis ka na habang may pagtitimpi pa akong n

  • Hiram na Asawa   Kabanata 692

    "Tinatakot mo ang Daddy Alfred mo, Orion! Nagmamagandang loob lang siya at gusto kang tulungan pero ano? Tinakot mo pa!" iyon agad ang histerya ng Mama niya kinabukasan sa opisina."I'm sorry, Mama," malamig niya lang na tugon habang binabasa ang reports sa nakalipas na buwan.Gusto niyang mangisi.

  • Hiram na Asawa   Kabanata 691

    "Guni-guni mo lang 'yon. See? Flat ang tummy ko, hindi ako buntis," bawi niya at hinawakan pa ang impis niyang tiyan.Nagsalubong ang mga kilay nito. Hindi kumibo kaya nagawa niyang itulak palayo. Binangga niya ang balikat nito para makaalis na ngunit nasalubong naman niya sa pinto si Leona.Nakangi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status