Share

Hi, Mommy

"Ay ano kasi baby, hindi ako Mommy mo."

"No! You're my Mommy! Mommy!" nagsimula ng magtubig ang mga mata nito kaya natataranta na akong napaluhod sa harap ng bata.

"Shh sige na huwag ka na umiyak huhu naiiyak narin ako eh." palinga-linga nako sa paligid at napansing pinagtitinginan na kami.

"Grabe namang Nanay yan dinala pa sa trabaho ang anak."

"Kaya nga, mukhang bata pa yung Nanay. Hay naku kabataan talaga"

Kebago-bago ko lang dito sa Maynila may chismis na ko, grabe ba. Hello mga Marites hindi ko naman to anak no! mga judger tong mga to.

"Mommy..."

Halos matunaw ako nang lumapat ang maliit na kamay niya sa pisngi ko nang hawakan niya ang mukha ko. Ngayong magkatitigan kami, napansin ko lalo ang pagiging magandang bata nito.

"Mommy wag ka na po alish, wag mo na iwan shi Lilly mommy..." nagsimula na itong humikbi kaya no choice ako kundin kargahin ang bata.

"Shh tahan na baby, nasaan ba ang bantay mo? sino kasama mo pumunta dito?" marahan kong tanong habang karga siya at dahan-dahan ng naglalakad. Magtatanong nalang ako sa guard.

"PUT MY DAUGHTER DOWN!"

Halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang bigla nalang akong palibutan ng mga security guard at mga lalaking nakakulay asul na polo, sa wari ko pa ay mga body guard.

"Daddy!" napatingin ako sa batang karga ko nang kumawag ito at gustong magpababa.

Maingat ko naman siyang ibinaba at sinundan ng tingin. Napalunok ako nang makita ang lalaking nilapitan niya. Gusto ko sanang sabihin na napalunok ako dahil sa taglay nitong kagwapuhan at kamachohan pero hindi... napalunok ako dahil grabe yung sama ng titig niya saakin.

Akala mo ay nakapatay ako.

"Lilliane sweetie come here. Are you okay hm? sinaktan ka ba ng kidnapper na yan?"

Napanganga ako nang marinig ang tanong niya. Hahakbang na sana ako nang biglang gumalaw ang security para pigilan akong makalapit sakanila. Natatakot na ko. Ikinuyom ko ang palad ko at malalim na huminga. Hindi. Hindi dapat ako matakot. Wala naman akong ginagawang masama.

"H-hoy anong kidnapper, hindi ako kidnapper." bwelta ko, nilalabanan ang masamang titig niya.

"Wala namang Kidnapper ang umamin na kidnapper sila." sagot nito pabalik.

"Daddy bad ka! Hindi Kidnapper si Mommy!"

Napangiti ako nang namewang ang bata habang pinapagalitan ang daddy niya. Yes baby, ipaliwanag mo dyan sa daddy mo na hindi kidnapper si Mommy.

Ay! Shet anong Mommy? Hindi ako ang Mommy niyan jusko Shana hindi porket gwapo at yummy eh bibigay ka na! Halata namang masama ugali ng taong yan oh.

"Lilly she's not your Mom." matigas nitong sagot sa bata.

Ayan nga ang kanina ko pa sinasabi sa batang yan. Hindi ako ang Mama niya.

"No! She is! Mommy!" tatakbo na sana siya papalapit saakin nang kargahin siya ng Daddy niya.

Napakunot ang noo ko nang makita ang paraan ng pagbuhat niya sa bata. Parang sako lang ng bigas kung buhatin ng lalaking to ang anak niya, sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilang sitahin siya.

"Ano ka ba! ayusin mo naman ang pagkarga nasasaktan na yung bata." turo ko pa kay Lilly na umiiyak parin. Inayos naman ng lalaki ang pagkarga kaya muling napaharap saakin ang bata. 

"Mommy!" sigaw nanaman nito at pilit pa akong i aabot. Kawawa naman tong batang to. Nasaan ba ang Mommy nito?

"Sige na Baby sama ka na sa Daddy mo. Hindi kasi talaga ako ang Mommy mo eh..." paliwanag ko pa at inayos na ang bag na dala ko at envelop. "Sige ha? alis na ko. Siguro naman malinaw na hindi ako kidnapper diba?" baling ko sa lalaki, sandali pa itong tumitig saakin bago tumango at inutusan ang mga guard na lumayo na saakin.

Tumalikod na ako sakanila at ready na umexit nang biglang pumalahaw ng iyak si Lilly. Titiisin ko sana kaso nasamahan na ng sunod-sunod na pag-ubo ang iyak niya kaya muli akong napalingon sakanila.

Mabilis kong nabitawan ang bag ko at envelop para takbuhin ang kinaroroonan nila.

"Anong nangyayari?" taranta at nag-aalala kong tanong.

"M-m-mommy..." hirap na hirap na tawag saakin ni Lilly bago abutin ang leeg ko at doon yumapos.

Hirap parin ito sa paghinga pero nang may ilagay ang lalaki sa bibig ni Lilly ay unti-unti naring naging normal ang paghinga ng bata. Nakatulog rin ito sa bisig ko kaya para kaming ewan na nasa gitnan ng lobby sa sahig nakaupo.

At dahil nga mukha kaming ewan doon sa lobby umakyat kami dito sa itaas. Hindi lang basta-bastang opisina, opisina to ng Presidente ng kumpanya. Kaya ibig sabihin non yung lalaking nagbintang saakin na kidnapper ako, yung daddy nung cute na bata na si Lilly ay ang Presidente nitobg kumpanya na pinaga-applayan ko.

"Sige na ate maiwan ko na si Lilly sayo ah, kailangan ko pa kasing puntahan mga schedule ko ngayon" palusot ko pa kahit wala naman akong schedule.

"Ah sige Ma'am. Pero hindi niyo po ba aantayin si Sir? Baka po hanapin kayo tapos ito si Lady Lilly baka umiyak nanaman po." turo niya kay Lilly na mahimbing na natutulog sa sofa.

Napako ang mata ko sa mukha ni Lilly. Naaawa naman ako kaso anong magagawa ko? hindi naman talaga ako ang Nanay. At isa pa, ayaw ko narin maabutan ako nung lalaking yun dito. Nahagip ng paningin ko ang pahabang marmol sa lamesa niya na may nakaukit na pangalan. President and CEO,

"Cairo Luther Sylvestre." natutup ko kaagad ang bibig ko nang mabanggit ang buong pangalan niya.

Napabuga ako ng hangin nang makaramdan ng abnormal na tibok sa dibdib ko.

"A-ano ate sige na! mauuna na talaga ko, sige bye" taranta ko ng paalam at wala ng lingon lingon na umalis.

Napayuko pa ako nang mapansin ang pagtingin ng mga tao saakin habang papasok ako ng elevator. Bakit?

"Anong floor Ma'am?" tanong ng boy.

"Ah, sa lobby po" sagot ko naman at pasimpleng nagpaypay ng mukha. Feeling ko ang init ng mukha ko, ano ba to.

"Ayos lang kayo Ma'am? pulang-pula po ang mukha niyo."

"Ay naku Shanny dear ang usapan maghahanap ng trabaho bakit mag-ama naman ang nahanap mo?"

"Angie naman eh! hindi naman yun sa ganon!" dipensa ko. Naikwento ko kasi sakanila lahat ng nangyari saakin kanina.

"Pero seryoso ba? nabanggit mo lang pangalan niya namula at kinilig ka na? hahaha! marupok ka Shana!" natatawang turo pa saakin ni Erica.

"Baka naman kasi sobrang yummy at gwapo? ulalam ba Shanny?" halos gitgitin nako ni Angie sa sofa habang kilig na kilig na tinatanong yun.

"Gwapo naman. Tama lang." pagsisinungaling ko. Sa itsura non hindi sapat ang salitang gwapo. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganoong uri ng tao, halos walang kapintasan ang mukha at katawan.

"Huwag na nga natin pag-usapan yun. Ang naiisip ko ngayon ay kamusta na kaya yung bata? baka umiiyak nanaman yun. Sabi ng yaya ng bata kanina ay kapag daw pala umiiyak yun ay inaatake ng asthma. Nakakaawang baby, nasaan kaya ang Mommy non bakit ako ang napagkamalan niya?"

"Ang dami mong tanong. Kung gusto mo masagot lahat yan ay bumalik ka don at tanungin sa hot na daddy ni Lilly"

"Huwag na no!" sagot ko kay Erica. "Matulog na nga tayo!" tumayo nako mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Ako din. Beauty rest na mga maharot." tumayo narin si Angie.

"Maga-alas dose na pala." si Erica nang makita ang oras sa screen ng phone nito.

"Kaya nga eh. Tulog na tayo maaga pa pasok niyo bukas at ako naman ay sasabak muli sa gera." natatawa ko pang sabi.

"Goodnight guys" sabay-sabay naming sabi at ready na sana pumasok na mga kwarto nang bigla may kumatok.

"The who naman ang mangangatok ng ganitong time? wakwak ba yan? Oh my gosh! nag order ba kayo ng adonis para may magsasayaw saatin bago matulog?" tuloy-tuloy na litanya ni Angie habang namimili ng pwedeng ipanghampas.

Nagulat naman ako nang makitang may hawak ng walis tambo si Erica. Napakamot nalang ako sa ulo nang wala ni isa sakanila ang may gustong buksan ang pinto kaya ako nalang.

"Huy Shana! Baka mamaya mamamatay tao yan!" pigil saakin ni Erica.

"Shanny dear baka mapagsamantalahan ang beauty ko! hindi pa ako ready!" tili naman ni Angie na nakasiksik na sa likod ni Erica.

Nailing nalang ako at binuksan ng maliit ang pintuan. Kung masamang tao man to ayos lang, malakas naman ako kaya kong lumaban.

"Sino yan?" tanong ko pa at sumilip sa labas. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nilakihan ang siwang ng pinto matapos makita kung sino ang nasa harapan ng pintuan.

Prehas itong nakadamit na ng pantulog at mga buhaghag pa ang parehong buhok.

"Cairo? Lilly? Anong ginagawa niyo dito?" gulat na gulat kong tanong sakanilang dalawa.

"Hi, Mommy."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status