Share

Visitor

Napapikit ako nang makarinig ng kalansing ng mga baso at kutsara sa kusina. Kahit hindi ko makita si Erica at Angie ngayon ay alam kong parehong aligaga ang dalawa.

Paano ba namang hindi? Nandito lang naman yung taong kanina lang ay pinag-uusapan namin. Hindi ko na alam kung saan ko ba ilalatag ang mga mata ko. Naiilang akong tingnan siya na ngayon ay nakaupo sa maliit naming sofa at talagang nakatitig lang saamin ng batang kalong ko.

"Ehem. Fafa—este Sir eto po kape ka muna hihi" napayuko na lamang ako nang marinig ang ipit na ipit na boses ni Angie. Nakita ko pa kung paanong mapilantik niyang inilapag ang tasa ng kape sa harap ni Cairo.

"Thanks."

"You're always welcome!" halos lumundag na sagot ni Angie na siyang nagpatawa na saakin at kay Erica na hinila na siya papalayo.

"Ah, sige mauuna na kami sa loob hehe papainumin ko pa ng gamot." ngiwing sabi ni Erica habang pilit hinihila si Angie na hindi na maalis ang malagkit na tingin kay Cairo.

"Goodnight po," kahit antok na antok na ay nakuha pang sabihin ni Lilly na ngayon ay nasa kanlungan ko.

"Goodnight pretty! Pasok na kami Shana, dito muna ako sa room ni Angie." paalam niya at kahit gusto ko pang tanungin kung bakit ay kusa na lang tumango ang ulo ko.

Nang makapasok sila sa loob ng kwarto ni Angie ay agad na namutawi ang katahimikan sa paligid.

Ano ba to? Nakakailang naman.

Mabilis gumalaw ang braso ko para yakapin ang katawan ni Lilly ng bigla itong gumalaw. Pagyuko ko ay nakita ko itong nakatingala na saakin. Pungay na ang mga mata sa kaantukan.

"Lilly inaantok ka na, tingnan mo yung mga mata mo oh. Hay naku bakit ka ba kasi ginagala eh gabi na?   masama pa naman sa bata ang magpuyat at mahamugan... " daldal ko at pasimpleng tinatapunan ng masamang tingin yung lalaki sa harap namin na pakape-kape lang.

Ano kaya ang naisipan ng tao na to at pumunta rito? hindi naman kami close. At isa pa, paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

"Mommy bakit po dito ka nakatira? We have a super big house naman po"

"Ha?" sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na masyado naintindihan ang tanong ni Lilly.

Kumawag ito para bumaba sa kanlungan ko. Nang makababa ay agad akong tiningala.

"Sabi ko po, why ka po dito nakatira? eh we have a superrr big house naman po." napapangusong ulit nito sa tanong.

"Ah? haha. Lilly hindi kita maintindihan eh." kamot pisngi kong sagot sakaniya na mas lalong nakapag-panguso sa mapula nitong labi. ang cute. "Pero, para masagot ko ang tanong mo... dito ako nakatira kasi dito ako nakatira" oo alam ko. magulo ang sagot ko. Eh kahit ako ay gustong batukan ang sarili ko.

"Kaya nga po, why? Eh may house naman tayo mas big pa dito. Bakit mo po ako i-iniwan?" nanginig ang labi nito at mabilis na namasa ang mga mata.

"Hala huy! Hindi naman kita iniwan ah..." natatarantang lapit ko sakaniya. Nilingon ko si Cairo na tahimik lang pinapanood ang bata. "Pst! patahanin mo tong anak mo" pabulong kong sabi.

Napanganga lang ako nang magkibit balikat ito at tumayo dala-dala ang tasa ng kape. Lintik na lalake to. Ibinalik ko kay Lilly ang tingin ko at halos manlambot ako nang makita kung paano mangusap ang mga mata ng bata.

"Hindi po ba pretty shi Lilly? bad po ba ako? Why did you l-leave me po ba?" sunod-sunod at nauutal na tanong nito habang humihik.

Parang sasabog ang puso ko sa nakikita at naririnig ko. Sobrang bata pa niya para kuwestiyunin ang sariling halaga dahil lang sa isang taong nang iwan sakaniya. Marahas kong winaksi ang mga takas na luha sa pisngi ko bago siya hilahin para ikulong sa mga yakap ko.

"W-walang mali sayo Lilly. Sobrang pretty mo kaya at mabait karin. Kaya huwag mo iisiping may mali sayo..." nananakit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng matinding emosyon.

Gustuhin ko mang sagutin ang tanong niya ay hindi ko iyon masasagot dahil hindi naman ako ang Inang nang-iwan sakaniya. Hindi ko nga alam kung bakit at sa anong dahilan ay ako ang inaakala niyang Mommy niya.

Inilibot ko ang paningin ko para sana maghanap ng pupwedeng ipamunas sa mukha ng bata pero wala akong nakita kaya kinarga ko nalang ito.

"Halika Lilly doon tayo sa kwarto," naglakad ako papasok sa loob ng kwarto at agad siyang ibinaba sa kama kung saan ako natutulog.

Lumapit ako sa cabinet ko at kumuha doon ng puting bimpo. Pagbalik ko sa kama ay naabutan ko nang nakahiga si Lilly sa kama.

"Ish thish your bed Mommy?"

"Yes po..." nakangiting sagot ko. Hindi ko na pinansin ang paraan ng oagtawag niya saakin. Baka mamaya ay umiyak nanaman to.

Sinimulan ko ng punasan ang mukha niyang napuno na ng luha at naglalagkit na.

"It's hard po, your bed ish mashakit sa back." mahina nitong sabi habang hawak ang likod na ikinatawa ko. Ayan kasi.

"Hindi ka kasi sanay sa mga ganito, baka mala-ulap ang higaan na meron ka sa mansyon niyo" iiling-iling kong sabi. Tutulungan na sana siyang tumayo pero dumapa ito bago mag-angat muli ng tingin saakin.

"But it smells like you Mommy kaya I like it here! hihi" inabot pa ng maliit niyang kamay ang kulay berde kong unan at agad iyong niyakap. "Goodnight Mommy"

"Huy, anong goodnight? hala ka ang bilis mo naman makatulog?" napakamot nalang ako ng ulo nang hindi na ito gumalaw at mukhang nakatulog na talaga.

"Goodnight Lilly, sweetdreams." bulong ko bago halikan ang noo niya. Inayos ko muna ang kumot sa katawan niya bago siya iwan sa loob.

Paglabas ko ng kwarto ay agad kong hinanap kung nasaan na yung tatay ni Lilly na pakape-kape lang kanina. Akala niya ah!

"Asan na ba yun?" naglakad ako papuntang kusina.

Mukhang wala siya dito dahil patay naman ang mga ilaw. Kinapa ko ang switch sa gilid at agad napatili nang pagbukas na pagbukas ng ilaw ay natanaw ko siya sa lababo.

"Ay susmaryosep!" sigaw ko at agad na napahawak sa dibdib. "Ano ka ba bakit ka nandiyan habang patay ang ilaw?" kinakabang tanong ko pa.

"can't find that fvcking switch" tipid nitong sagot.

"Normal lang naman na laging nasa gilid ng pasukan ang switch, di mo ba alam?" pang-aalaska ko sakanya.

"No. I don't have a switch in my house."

"Ha? paano yun? wala kayo kuryente? Ah! disaksak? Ano ba yan! Keyaman-yaman niyo—"

"I used remote control or voice detector. I'll just say, open the lights and it will open." putol nito sa sinasabi ko.

"Wow. Hightech! Alam ko yan eh, napanood ko na yan!" namamangha ko pang sabi. Tuwang-tuwa sa nalaman.

Iniimagine kung paano gumagana ang mga iyon. Narinig ko na yon at nakita ko narin sa mga movie pero sa personal at totoong buhay ay hindi pa ako nakakakita ng ganoon. 

"If you want to see it, you can come to my house."

Mabilis na nawala ang ngiti ko at agad na napayakap sa katawan ko. Nalingaw lang ako sandali at natuwa ay sasamantalahin na niya? Sinasabi ko na nga ba! Ang mga lalaki talaga ay walang ibang ginusto saaming mga babae kundi katawan!

"Bastos!" nanggagalaiti kong bulong, pinanlilisikan siya ng mga mata.

"What? Psh. Don't overthink things. I don't like you."

"Ha! Maski naman ako no! I don't like you ser. Che! tabi nga ano ba ginagawa mo dyan sa lababo?"

Sinanggi ko siya para makita kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa lababo nang makita ko ang basag na tasang pilit niyang iniimis. Mabilis akong napalingon sakaniya pero bigla itong nag iwas ng tingin saakin.

"Ayos ka lang ba?"

"It slipped into my hands; I'll just get you guys some new cups; your cups are easily broken—what did you say?" nagtataka itong napahinto sa pagsasalita.  

"Ang sabi ko nasaktan ka ba? nasugatan?" pagu-ulit ko habang sinusuri ang kamay niya. "Hala ka huy! may sugat ka!" taranta kong kinuha ang kamay niya.

"H-hey I'm fine."

"Anong fine? tingnan mo may dugo. Halika hugasan muna natin."

Binuksan ko ang gripo sa lababo at isinalok doon ang hintuturo niyang may hiwa. Ang ganda-ganda pa naman ng kamay niya, kutis mayaman pa' tapos masusugat lang ng ganito, naku! 

"Ayan okay na." binitawan ko na ang kamay niya. "Sandali lang ah, kukuha lang ako ng bandaid pantapal—Ay!bakit?" gulat akong napaharap sakaniya.

Paano ba naman, bigla na lang niyang inabot ang kamay ko at hinatak.

Muntikan pa akong sumubsub sa dibdib niya, mukha pa namang matigas, baka magkabukol pa ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status