Share

Strange Feeling

"What ish this Mommy?" 

Nilingon ko si Lilly sa kanan ko kung saan siya nakaupo. Nangingiti kong hinaplos ang buhok niya bago damputin ang pandesal.

"Pandesal ang tawag dito Lilly ito naman ay peanut butter." pagpapaliwanag ko habang pinupunasan ng palaman ang tinapay. 

"Eto tikman mo." binigay ko sakaniya ang tinapay at nakangiti siyang pinanood na kagatan iyon.

"Yum!" tuwang-tuwa niyang sabi matapos matikman ang pagkain. 

"Hahaha tuwang-tuwa ka naman bebe Lilly. Wala bang ganiyan sa house niyo? mukha naman kayong rich ah?" 

tanong ni Erica na kasabay naming nag-aalmusal. 

"Loka loka! syempre rich nga diba? tingin mo ba kumakain ng pandesal ang mga rich? syempre imported bread ang mga yan tapos pa-oatmeal and yogurt" singhal ni Angie kay Erica . "Diba baby girl?" 

"Uhm, yesh?" alangang pagsang-ayon ni Lilly na wari ko ay nalito sa kung ano-anong mga sinabi ni Angie.

Nandito kaming apat ngayon at sabay-sabay na naga-agahan. Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ni Lilly dahil simula ng umalis yun kagabi ay hindi na muling bumalik pa. Baka iniwan na niya sa akin ang anak niya? Natatawa akong napailing, Imposible naman yun. 

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan Shanny Dear? Oh my gosh! may nangyari bang more than usap last night?" 

"Shh! Angie ano ka ba may bata." suway ko sakaniya nang makita ang kuryosong mukha ni Lilly habang nakikinig sa mga pinagsasabi ni Angie. "Walang ganiyang nangyari. Shh na, may bata." iling ko sakaniya na gigil pang magsalita. 

"Sige mamaya na lang" taas baba pa ang kilay ni Erica nang sabihin yon. 

"Loko" sagot ko at ibinalik na kay Lilly ang atensyon. 

"Try this Lilly masarap to." abot ko sakaniya ng tasa ng tsokolateng pinalamig ko na para hindi siya mapasom. "Ano bang breakfast mo sa inyo? Okay lang ba sayo ang mga ganitong pagkain?" mahinahon kong tanong, inaalalayan ang kamay niyang ibalik sa lamesa ang tasa. 

"Pancakes and milk po! and banana and apple and ishtrobeyi po." 

"Wow, sarap naman." tuwang-tuwa kong sabi matapos marinig ang sagot niya. Ang cute ng tawag niya sa strawberry. 

"Ilang taon ka na pala beh?" tanong ni Angie.

Nag-angat ng tingin si Lilly sakaniya at sandaling natulala. 

"Hindi kasi ganiyan! Eto pang mahirap mga tanungan. Englishin mo!" utos ni Erica kay Angie na ikinatawa ko. 

"So bagets, how old are you living in this world?" bali-balikong english ni Angie na mas lalong nagpahagalpak sa amin. 

"Hihihi I can udershtand naman po ng tagalog tita ganda. Lilly is payb yearsh old pero malapit na po ang birthday ko mag-six na po ako" 

Mahina kong tinapik-tapik ang likod ni Lilly nang hingalin ito dahil sa mahabang sagot. Nakakatuwa na kahit hirap pang magsalita at may mga letrang nabubulol siya ay pinipilit niya talagang magsalita ng pagkahaba-haba. 

"Oh my gosh Shanny dear! She called me tita ganda!" Tili ni Angie na hindi na napigilang lapitan si Lilly at pang gigilan. 

Loko to si Angie. Hiningal yung bata kaka paliwanag kung ilang taon na siya tapos ang narinig lang ay ang papuri sakaniya? Hahaha. At aba naman, marunong palang mang-uto ang batang to. Nakakatuwa naman na nakagaanan niya agad ng loob ang mga kasama ko. Mabait talaga siyang bata at matalino rin. 

"Huy tama na baka mapisa yan!" hinila ni Erica si Angie papalayo sa bata pero siya naman ang pumalit sa pagyapos dito. "Grabe ang bango talaga ng mga bata, amoy baby powder" 

"Hahaha. Erica ano ba yan, para kang aswang sa sinabi mo!" mahina kk siyang nahampas sa kakatawa ko. Hay Naku ang aga-aga pa tawa na ako ng tawa baka kabagin ako. Napatingin ako sa oras "Huy hala mali-late na kayo!" sigaw ko pa na nagpataranta saanila. 

"Ay bruha! Akala ko holiday ngayon! My gosh hindi pa ako tapos mag make up!" 

"Sa jeep mo na yan tapusin! tara na!" hila niya kay Angie. "Shana, Lilly maiwan na namin kayo! babu!" 

"Bye Shanny dear and bebe Lilly! Mwah!" 

Pagkaalis ng dalawa ay bigla na lang tumahimik ang buong bahay. Sa di malamang dahilan ay nakatitigan kami ni Lilly ng ilang minuto at basta na lang natawa. 

"Biglang tumahimik haha. Pasensya ka na ah? ganun lang talaga sila Tita Angie at Tita Erica masayahin. Naingayan ka ba?" 

"No po. Ang fun nga po Mommy kashi may kasabay na si Lilly mag-eat." 

"hm? bakit mag-isa ka lang ba sa inyo? hindi mo kasabay ang Daddy mo kumain?" 

"Daddy always work eh kaya Mommy wag mo na iwan si Lilly ha? Dito na lang ako tira Mommy" 

Nakakahabag naman talaga ang batang ito. Kung pwede lang talaga Lilly at kung kaya ko lang, pero sa sitwasyon ko ngayon na sarili ko nga ay hirap ko pang buhayin, may pamilya pa ako sa probinsya na naghihintay sa akin. Kaya ang magdagdag ng isa pang tao sa buhay ko para maging responsibilidad ay sadyang napakahirap. 

"Pwede dito na mag-sleep at mag-eat si Lilly Mommy?" Nakatingalang tanong nito sa akin, nangungusap ang mga mata. 

Sasagutin ko na sana siya nang may kumatok sa pintuan ng apartment. Lumingon ako ron at nagpasyang tumayo para silipin kung sino ang nasa labas. 

"Sino yan?" sigaw ko pa habang papalapit sa pintuan. 

"It's me." maikling sagot ng baritong boses sa labas. 

Biglang bumilis sa pagkilos ang kamay ko at agad-agad na binuksan ang pinto ng marinig ko ang boses niya. Bumungad sa akin ang pormal nitong nitong itsura, suot ang kasuotan pangtrabaho na talagang bumagay sa matipuno niyang pangangatawan. Mas lalo siyang naging intimidating tingnan. At muli, ay ipinaalala sa aking ang lalaking kausap ko kagabi at ang lalaking nandito sa bukana ng pintuan ay hindi basta-bastang tao. 

Gasgas mang sabihin ko pa to ay ito lang ang tamang deskripsiyon para maipaliwanag ang pagkakaiba naming dalawa. Ayun ay, 

Langit siya, Lupa ako. 

"I'm here to pick up Lilliane." 

Napatalon ako nang parang magvibrate ang dibdib ko matapos marinig ang napakalalim niyang boses. Pupwede pala talaga iyon no? yung may boses na sexy pakinggan. 

"Where is she?" 

"Ehem. Nasa loob kumakain." sagot ko bago buksan ng malaki ang pintuan na talagang nagiging maliit kapag siya ang papasok. "Pasok ka." aya ko pa sakaniya, baka sabihin pa bastos ako. 

Pumasok ito sa loob at dire-diretsong nagtungo sa kusina. Ako naman ay eto sumunod lang sakaniya, syempre doon din naman ang punta ko. Bahagya pa akong napapikit ng mamutawi sa ilong ko ang pabango niya. 

Napakabango. Lalaking-lalaki ang amoy, hindi matapang sa pang-amoy... ang sarap niyang singhuti-singhutin hanggang sa maubos ang amoy—wala sa sarili kong nasampal ng mahina ang pisngi ko. 

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito na ang tumatakbo sa isipan ko? Hindi ko alam na mayroon akong ganitong ugali. Lalakero na ba ako nito? Ugh! nakakahiya. 

Ewan ko ba hindi naman ako ganito. Sa totoo niyan ay ngayon ko lang naramdaman ang mga ganito dahil  noong highschool ako, kahit marami namang lalaking umaaligid sa akin pero hindi ako naging ganito ka interesado na aabot sa aamuyin ko at magugustuhan ko ang amoy nila. Kahit madaming lalaking kumakausap saakin noon ay hindi ko naiisip na sexy ang boses nila.

Kaya bakit? 

Bakit ganito ako ngayon? ano ba to! Ayoko nito! Ang dami-dami ko pang dapat gawin, wala akong panahon sa mga ganitong bagay. 

"Mommy are you owkey?" 

Taka akong yumuko para tingnan si Lilly na hinihila na ang laylayan ng damit ko. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Bakit anong nangyari? 

"Oo naman Lilly, okay lang ako. Bakit? May nangyari ba sa akin?" tanong ko pabalik at sinuri ang katawan ko kung may nangyari ba sa akin. Bakit tinatanong nila kung okay lang ba ako? 

"Eh kashi ni-sampal mo po ang face mo." 

Umawang ang labi ko nang mapagtantong nakita niya ang ginawa kong pagsampal sa sarili. Palihim ko ring sinilip ang reaksyon ni Sir Cairo at nakita itong umiling. Nakakainis, bakit ba palagi na lang ako nakakagawa ng nakakahiyang bagay kapag  nandito itong lalaking to? palagi ko na lang naipapahiya ang sarili ko. Huhu. 

"Lilliane, let's go. We need to go home." 

"No! I'm shtaying here with Mommy!" 

"Lilliane, sweetie." iniluhod niya ang isang tuhod sa sahig para makapantay ng tingin ang anak. Maingat rin niyang hinaplos ang pisngi nito. "This is not your house. Please listen to Daddy okay? We can't trouble her anymore darling. Shh- don't cry my love." 

"I want my Mommy, Daddy..." 

Napakamot ako sa pisngi ko nang magsimula nanamang umiyak si Lilly. Binuhat siya ni Sir Cairo para patahanin. Parang nakokonsensya naman ako. Nakakaawa naman tingnan ang mag-ama na to! 

Napalunok ako nang tingnan ako ni Sir Cairo na para bang mas pinagdidikdikan pa niya sa akin na nakakaawa silang dalawa. Huh. Sinasadya ba niya to? Nagpapaawa ba siya ng sadya dahil tinanggihan ako ang offer niyang maging Substitute Mommy ni Lilly? 

"You want to go to the Mall Lilliane? We can watch your favorite pink movie, buy toys and eat in your favorite restaurant." 

Lihim akong natawa ng ang umiiyak na mukha ni Lilly ay bigla na lang magliwanag matapos marinig ang sinabi ng ama. 

"tayaga?" paninigurado ng bata. 

"Yes. Let's go?" 

"How about work? Daddy need to work diba?" nakangusong tanong nito, nalulungkot na. 

"It's Daddy's rest day" sagot nito at marahang umiling bago hagkan ang noo ng anak. 

Rest day? Eh bakit siya naka-corporate attire? Ano yan damit pang day off niya? wow. Iba talaga kapag mayaman. Yung pang opisina na damit ay ginagawa lang nilang pamasyal. 

"I want mommy to come with us" 

"Then ask her." 

"Mommy shama ka saamin...pleash? pretty pleash?" 

Sandali akong nag-isip pero dahil may kaunting guilt akong nararamdaman talaga para kay Lilly ay tumango na ako at pumayag. Bukas na lang ako buong araw maghahanap ng trabaho. Bukas pangako! wala ng distraction. Susuyudin ko na ang buong syudad para makahanap ng trabaho. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status