Share

Maynila

Author: Ms. RED
last update Last Updated: 2023-08-04 14:41:54

"Akala ko ay napaano ka na. Mabuti at natuntun mo itong lugar na ito?" tanong ni Ate Del. Siya ang may ari ng apartment na uupahan ko habang nandito ako sa Maynila, kakilala siya ng amo nila Tatay sila Don Miguel. 

"May napagtanungan po babae tapos nagulat ako taxi driver po siya kaya siya po ang tumulong saaking mahanap tong apartment. Pwede na po palang maging driver ang babae dito Ate Del?" namamanghang tanong ko pa nang maalala ang babaeng driver. 

"Ipasok niyo na sa loob yung mga gamit, doon sa isang kwarto na may double deck," utos niya muna sa mga lalaking may karga sa gamit ko bago ako hinarap at pinaupo sa maliit na sala. 

"Ang mga babae dito sa Maynila kahit pagdedeliver at pagda-driver ay pinapatos na dahil sa hirap ng buhay. Wala ka ng karapatang maging choosy sa paghahanap ng trabaho ngayon." paliwanag nito, tumango naman ako at saka lamang binigyan ng pansin ang kabuuhan ng lugar. 

"Halika at ililibot kita," yagak ni Ate Del saakin kaya dali-dali akong tumayo at sumunod sakaniya.

"Dalawa ang kwarto dito ang isa ay may isang kama at itong isa kung saan ka matutulog ay may double deck na kama, ikaw ang matutulog sa baba dahil meron na sa itaas. Mamaya makikilala mo sila, pareho pang nasa trabaho." 

Napangiwi ako nang mapansin ang mga poster ng kung sino-sinong lalaki sa dingding sa itaas ng kama. Mahilig siguro sa lalaki yung magiging room mate ko. Sana makasundo ko siya. 

"Ayan namang kwarto na yan lalake ang gumagamit nyan," turo ni Ate Del sa isang kwartong nakasara. 

"Oh my gosh Ate Del! Anong lalake?" 

Sabay kaming napalingon ng may matinis pero malalim na boses ang sumigaw. Ano daw? matinis pero malalim? ewan ko na din basta ganon ang boses niya. Napangiti ako agad nang makita ang ayos niya, naka-pink itong skinny jeans at nakaputing t-shirt may hairband pa ito, ang cute.

Napatingin naman ako sa katabi nitong may kaliitang babae, nakasuot ito ng cute na paldang pula na parang pang school at maliit na dami na hapit na hapit, alam ko tawag diyan eh ano nga ba yun... ah! crop top. Maikli ang buhok niya at may full bangs, ang cute para siyang korean. 

"Oh nandito narin naman kayong dalawa gusto kong makilala niyo ang bago niyong makakasama si Lucianna" 

"Ah, Shana nalang po." nakangiti kong dagdag sa sinasabi ni ate del at nginitian ang dalawa na nakangiti narin saakin.

"Hi Shanny, My name is Angelo but you can call me Angie. Naku ang ganda ganda mo naman teh!" nagulat ako nang lapitan ako nito ipaikot-ikot. "Kabog! Long straight black hair, porselanang kutis, matangkad, sexy pa! Ugh! My dream body, Papa Jes bakit hindi mo ako ginawang ganito?" 

"Sino naman si Papa Jes? May bago ka nanamang jowa?" sigaw ng babaeng maliit sa likod habang papalapit saamin. 

"Si Papa Jesus sira, anong bagong jowa sira ka nagmo-move on pa ako!" 

"Che! move on, move on eh nakita ko kanina may ka-chat ka! Aray!" napangiwi ako nang hilahin ni Angie yung bangs niya. "Bruha ka! alis nga magpapakilala nako." itinulak niya si Angie bago nakangiting kumaway saakin kaya napangiti ako, ang cute niya talaga.

"Hi Lucy!" 

"Ah. Shana nalang" pigil ko sakaniya habang pilit paring pinapanatili ang pag-ngiti. 

"Ha? but I like to call you Lucy..." agad akong umiling.

"Naku wag na haha. Shana nalang hindi kasi ako sanay na ibang pangalan." 

"Hmp! sige na nga. Hi Shana! My name is Erica twenty na ako. Ikaw ilang taon ka na?" 

"twenty din ako!" medyo na-excite ako ng malaman na magkasing edad lang kami. 

"Talaga? wow! so si Angie lang ang matanda dito?" malakas akong natawa dahil sa pang aasar niya kay Angie na nagsimula ng magdabog. 

"Twenty two pa lang ako! Hindi pa ako Oldie!" 

"Ano Shana? Ayos lang ba na sila ang makasama mo dito sa apartment? Ibinilin ka saakin ni Don Miguel dahil bukod sa trabahador niya ang tatay mo ay kaibigan niya rin iyon at ninong mo pa, kaya kargo talaga kita. Sabihin mo lang kung ayaw mo sa mga kasama mo papaalisin natin" 

"Hala huwag po! Ayos lang po! Masaya nga po ako kasi may kasama ako!" 

"Grabe ka naman Ate Del narinig namin yun ah!" sigaw ni Erica na nasa pintuan na ng kwarto. 

"Mama Del grabe ka sa beauty ko, ano titira ako sa kalye? ayoko bumalik sa bahay namin bugbug aberna nanaman ang vakla doon" 

"Hahaha biro lang naman. Oh sige na magpahinga na kayo at ako ay magluluto pa sa bahay namin. Maiwan na kita dito Shana. Angie! Erica! Kayo na bahala kay Shana okay? ipaliwanag niyo mga bagay-bagay paano ang hatian ng upa, pagkain at kung ano-ano pa!" 

"Okie dokie!" sigaw ni Erica. 

Nagpaalam na si Ate Del at naiwan na ako sa dalawa na hindi ako nilubayan ng daldal habang nagsasalansan ako ng mga gamit ko. Late na nga rin kaming nakatulog dahil napakarami nilang tanong at kwento. Pero okay narin dahil feeling ko pagtapos naming magkwentuhan kagabi ay naging malapit na kaming tatlo sa isa't-isa. 

"Ngayon ka agad mag-start maghanap ng work Shana? Agad-agad, pahinga ka dapat muna" 

Umiling ako sa sinabi ni Erica. Nandito kaming lahat sa lamesa ngayong umaga nag-aagahan dahil pareho silang may trabaho ni Angie.

"Ayoko namang tumambay, kailangan sabak agad para magka-work agad." sagot ko pa bago lumagok ng mainit na tsokolate. 

"Palaban ang Shanny natin noh! di yan tulad sayo tamad, puro koreano" komento pa ni Angie habang nagkakape at naglalagay ng kolorete sa mukha. 

"Akala mo naman siya, ikaw nga pumapasok lang sa trababo para lumande at makahanap ng boylet." umiirap na sagot ni Erica na ikinatawa ko. 

"True." pagsang-ayon naman ni Angie na tuluyan na naming ikinatawang tatlo. "Pero seryoso Shanny dear, good luck sa job hunting journey mo okay? Be strong and be wild!" 

"Kailangan mo rin magkaroon ng Iron heart!" gatong pa ni Erica. 

Napakunot ang noo ko. Bakit naman kailangan ko ng mga yon? 

"Maghahanap lang naman ako ng trabaho, hindi naman ako sasabak sa gera." natatawang sagot ko sakanila, nagkatinginan silang dalawa at sabay na nailing. 

"Mas malala pa sa gera ang sasabakin mo Shanny dear, kaya kailangan ready ka." 

Tama nga sila Angie at Erica. Mapapasabak ako dito.

"Uhm' Pandayan State University is so unfamilliar, baka nasa liblib na lugar? Maybe a province?" maarte nitong sabi bago tumawa ng sobrang arte, may pahampas hampas pa sa bag niya. Arte. 

Halos umusok na ang ilong ko sa sinabi ng espasol na to. Akala mo eh kung sinong maganda! Maganda naman talaga siya pero mabaho ugali niya kaya hindi siya maganda. 

"Ay opo sa probinsiya po yun. Eh ikaw po saan ka po nag-college?" Nakangiti kong tanong sakaniya, pigil na pigil ang sariling ma-upper cut siya. 

Humarap ito saakin at taas noong ipinakita ang diploma niya. 

"San Beda" 

"Ah." 

Wow doon siya nag-aral? mahal don eh. School yun dito sa Maynila tapos balita ko doon nag school ng law yung dating presidente ng pilipinas. Ay hindi! kalaban to! hindi dapat ako mamangha. Tumikhim ako at tumingin sakaniya. 

"Ah hindi rin familliar, kala ko naman kasing level ng hogwart." sabi ko at ginaya ang maarte niyang tawa. Halos magkatotoo ang tawa ko nang makita kong lumaki ang butas ng ilong niya. 

May sasabihin pa sana ito nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at tawagin siya para sa interview. Umirap nalang ito saakin bago pumasok sa loob. Napahinga ako ng maluwag nung nawala na siya sa paningin ko. 

Ano naman kung hindi sikat ang paaralang pinagtapusan? Hindi naman doon nasusukat ang abilidad ng bawat isa. Hindi naman mahalaga kung anong Unibersidad pa yan, basta matyaga, magaling at may sipag push na! bonus nalang kung sa sikat at mamahaling school ka galing. Pare-parehas lang naman yan. 

"Hay salamat makakapag-relax na rin." bulong ko at muling  nag practice kung paano ako sasagot mamaya sa interview. Pagtapos ay sinamahan ko na rin ng dasal para full force.

Nasa kalagitnaan palang ako ng pagdadasal ay nakarinig na ako ng parang bubuyog na nagchi-chismisan. 

"I heard mala-god like daw yung May ari ng kumpanyang ito." 

God like? Ano yun kamukha ni Papa Jesus? 

"Kaso may anak na daw." 

"iihhh, That's hot nga eh! Imagine, waking up every morning na may hot daddy sa tabi mo? Oh my gosh! I'm gonna faint!" 

"Halika let's stalk his I*!"

Syempre mahihimatay ka talaga. Pag gising mo si God agad makikita mo, baka nga hindi ka gising non, baka chugi ka na dahil nakita mo na yung mala-god like na yun. 

Napangiwi ako nang maghagikhikan pa sila habang may tinitingnan sa phone. Grabe naman tong mga to.  

"Miss Madrid your turn" 

"Ah! Yes po." tumayo ako agad at binanat ang pencil cut kong skirt bago sumunod papasok sa opisina. Binangga pa ko nung maarte nang makasalubong ko siya sa pintuan. hmp! arte! akala mo nasa drama. 

Sandali lang ang interview na naganap. Ngayon ay nandito na ako sa elevator at pababa ng lobby. Naiinis ako. Bakit pa niya sinabi na tatawagan ako? Pwede naman niya akong diretsahin kung tanggap ba ako o hindi? paano kung hindi naman niya ako tawagan? edi forever na ako maghi-hintay? hays! pwede rin naman ako na tatawag sakaniya.

Paglabas ko ng elevator ay muli nanaman akong napasenti. Paano ang ganda ganda tingnan ng mga empleyado habang suot ang mga corporate attire nila. Ganyan din naman ang suot ko ngayon pero iba kasi talaga kapag may ID na ng kumpanya na nakasabit sa leeg. 

"Mommy?" napayuko ako sa maliit na boses na narinig ko. Hala! ang cute.  

"Ako ba?" turo ko sa sarili ko.

Tumango naman ang bata. Sobrang puti nito, mahaba at itim na itim ang straight na buhok, may kaunting bangs na mas nagpa-cute sa maliit nitong mukha. Bilugan rin ang mga mata nito... ang mas lalong nagpamangha saakin ay nang maaninag kong may pagka-berde ang mga mata niya na bagay na bagay sa mahahaba at mapilantik niyang pilikmata. 

Grabe. May ganito pala talagang bata. Para siyang manika. 

"It's you! Mommy! Mommy!" 

Teka, anong Mommy? Bakit ako? Naga-apply lang naman ako ng trabaho! 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hired To Be A Substitute Mommy    Mrs. Sylvestre

    "Hala! Nalampasan natin yung bahay ni Sir Cairo." natataranta kong sabi sa dalawa."Wala sila diyan Ma'am. May mga dadaanan po muna tayo bago pumunta kung nasaan sila Boss." sagot ni Greg saakin bago iliko sa sasakyan."Saan naman?" nagtatakang tanong ko habang pinagmamasdan ang pinasukan naming street. Marami akong nakikitang malalaking shop ng mga damit, bags at kung ano-ano pa, nakakalula. Hindi ko alam na may ganito pala sa lugar na ito. "Nandito na po tayo." deklara ni Greg. "Okay. Let's do this." si Brent naman na agad ding lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. "Let's go ma'am shana." Kahit litong-lito ay bumaba narin ako ng sasakyan. Tiningala ko ang napakalaking shop na puro magagarang damit ang naka-display sa salamin. "Saan ba tayo una?" dinig kong tanong ni Greg kay Brent. "Believe me bro. I don't have a fucking Idea about this stuff." si Brent naman habang nakapamulsang palinga-linga sa paligid. "Bakit naman kasi tayo pinadala ni Boss sa ganito." "Maybe

  • Hired To Be A Substitute Mommy    Bodyguard

    Tumingin si papa sa akin at napailing bago ipaliwanag kung bakit inatake ng sakit si Buknoy."Naglaro ang kapatid mo ng basketball. Natuwa dahil minsan lang may magyaya sa kaniyang maglaro kaya hindi nakatanggi. Tinatanong ko nga kung sino dahil mukhang hindi taga saatin." Pagkukwento ni papa."Alam mo namang sa lugar natin kilalang bawal mapagod ang kapatid mo. Alam nilang lahat na bawal ito sa mga ganun kaya imposibleng taga saatin ang magyayaya sa kanyang maglaro." dagdag pa ni mama. "Kung ganon sino yung nakalaro mo?" lingon ko kay Buknoy. "Ewan ate, pero wala naman silang kasalanan...Ginusto ko naman ang makipaglaro ate..." mahinang boses niyang sagot kaya wala na kaming nagawa kundin tumango na lang dahil ayaw na naming pilitin pa siyang magpaliwanag. Kung iisipin ay hindi naman talaga niya kasalanan. Natuwa lang siya dahil totoong wala ni isa sa lugar namin ang gustong makipag laro sakaniya, dahil nga sakitin siya. Kaya masyado lang sigurong natuwa ang kapatid ko nang may ma

  • Hired To Be A Substitute Mommy    Hospital

    "Nandito na po tayo Ma'am." Tumingin ako sa kanila at nahihiyang ngumiti. "Greg? Brent, salamat sa pagsama at paghatid sa akin ah... at ano, pwede huwag niyo na ako tawaging Ma'am? Shana na lang." dinampot ko ang bag ng pera, naghahanda ng lumabas ng sasakyan. "Pakisabi narin kay Sir Cairo salamat. Bukas ng tanghali ay luluwas din ako agad para makabalik sa Manila." "Huh? But we're going to wait for you Ma'am Shana. That's the order. Right Greg?" bumaling si Brent kay Greg na siyang nagmaneho sa amin papunta dito sa probinsya. Tumango si Greg at nilingon ako. Dito kasi ako sa likod nakasakay. "Tama si Brent Ma'am, hihintayin namin kayo hanggang matapos kayo sa gagawin niyo dito."Tinawag na naman akong Ma'am ng dalawang ito. Kanina pa sa biyahe mula Manila ay sinasabi ko na, na huwag na nila along tawaging Ma'am pero sige parin silang tawag.Pero talagang bagpapa-salamat ako at naisip ni Sir Cairo na ipahatid ako pauwo dito sa probinsya. Dahil sa totoo lang ay natatakot talaga ak

  • Hired To Be A Substitute Mommy    Hired

    Habang binabagtas ang daan ay pilit ko ng ikinakalma ang sarili ko. Kailangan kong kumalma at patatagin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng mahina at magi-iyak din dahil kailangan ako nila Mama, lalo na ng kapatid ko. Tama na muna ang kakaisip sa mga bagay na gusto kong patunayan at marating, tama na muna ang pagpupumilit na maabot ang pangarap kong abutin. Tama sila, kailangan kong maging praktikal. Umayos ako nang upo nang makapasok na kami sa tahimik at walang katao-taong daan. Ito ang daan papasok sa pribadong Subdivision. Mabuti nga ay natatandaan ko pa kung saang lugar ang bahay niya. Bago rin kasi ako umalis noong nagpunta ako dito ay talagang tiningnan ko kung anong block number ang bahay, pati ang daan ay kinabisado ko rin. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, pero mabuti na lang din, dahil mapupuntahan ko siya ngayon."Manong sa tabi na lang po." aligaga kong sabi nang makita ang napakalaking puting gate. Hindi tanaw ang bahay sa loob dahil kailangan mo pang lakarin yun pag

  • Hired To Be A Substitute Mommy    Rejections

    "Hello Erica saan nga tayo magkikita? pasensya na natagalan ako don sa isang kumpanya." [Dito sa BGZ Building Shana, sabihin mo lang sa driver alam na nila yan.]"Sige Erica. Salamat. Pasakay na ako ng jeep kita na lang tayo dyan." [Okay sige hintayin ka namin, break time pa naman.] Ibinaba ko na ang tawag at lupaypay na nagpara ng jeep. Sinabi ko kung saan ako baba at ng tumango ang driver ay napanatag na ako. Umayos ako ng upo at tumulala na lang sa labas habang hinihintay na makarating sa lugar kung saan nagtatrabaho sila Erica. Pangalawang araw ko na kasi itong nagiikot-ikot pero wala parin akong nakukuhang trabaho. Wala pa daw kasi akong experience at hindi pa kilala ang school ko. Paano ako magkakaroon ng experience eh fresh graduate nga ako? kaya nga ako nag-apply para magkaroon ng experience. Meron akong experience sa pagtitinda at pagtatanim pero hindi naman pwedeng ilagay ko yon sa resume ko. Sa usapang school naman. Mas pinapaburan nila yung mga aplikante na galing sa ki

  • Hired To Be A Substitute Mommy    Consent and Kisses

    Paggising ko ay nasa hospital na ako. Ang huli kong natatandaan ay magkasama kami ni Sir Cairo habang galit na galit ako. Tapos nakaramdam ako ng kirot sa ulo at nanlabo na rin ang paningin ko at doon na ako nawalan ng malay. Kinapa ko ang sarili ko, at nakahinga ng maluwag dahil wala ng ibang nangyari sa akin. Bukod sa dextrose na nakasalpak sa kamay ko ay wala na akong ibang natamo kagaya ng sugat o kaya ay pasa. .Mabuti hindi nabagok ulo ko pagkabagsak ko. Kung nagkataon ay baka lahat ng pinag-aralan ko simula elementarya hanggang college ay maglaho na lang. Mas lalo akong mahirapan maghanap ng trabaho. "Nauuhaw ako." dahan-dahan akong bumangon at hinanap kung mayroon bang maiinom sa paligid. "Napakalayo naman." reklamo ko nung makita ko ang pitsel sa lamesa na medyo malayo sa kama. "Hindi naman ako aabot doon. Hindi ako marunong mag tanggal nitong swero." nagkandahaba-haba ang nguso ko habang tinatanaw ang pitsel. Ano ba yan, gusto ko na talagang uminom. Pakiramdam ko tuyot na t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status