ログインThanks, mga like at sa laging nag-co-coment at sa mga gems...
Hindi na ako umimik.Ginamot ko ang sugat ni Marc, na parang hindi ko narinig ang sinabi niya kanina.Hindi na rin siya nagsalita.Kaya sinikap kong panatilihin ang kalmadong kilos.Ayaw kong isipin niya na bothered ako sa sinabi niya. Ayaw kong may mapansin siyang kakaiba sa kilos ko.Kahit ang totoo, sobra pa ako sa pagka-bothered. Buong sistema ko ang nagulo.“Calessia naman kasi… sabing mas safe ang manahimik. Pero nagbunganga ka pa rin.”Tahimik kong sermon sa sarili ko.Bakit ko pa kasi sinabi na mas gusto ko ang dating Marc?Gusto ko na lang tuloy kagatin ang dila ko nang hindi na talaga ako makapagsalita.Dine-deny ko ang nararamdaman ko. Binubura ko at todo-pigil pa ako, pero napaamin pa rin nang hindi sadya.Saktong matapos ko ang paggamot sa sugat niya, tumunog ang phone niya.Hindi niya agad pinansin. Pero hindi tumigil ang tunog, kaya sinagot niya rin.Pabulyaw ang boses niya.Napasinghap ako. Muntik kong mabitiwan ang kit.Iyon na talaga si Marc. Hindi na ‘yon acting.“Wh
Bumilog ang mga mata ko. Sa gulat ko, hindi na naman ako agad nakakilos. Hindi ko maangat ang ulo ko o maisara ang bibig ko.Buwiset!Ramdam ko na ang dila niya sa loob ng bibig ko.“Ano ba?” Sa wakas, nagawa ko ring kalasin ang kamay niya sa batok ko habang inaangat ko ang kamay ko.Akmang sasampalin ko siya, pero hinawakan niya lang ang kamay ko at matamis na ngumiti.Ipinikit niya ulit ang mga mata niya, pero napansin kong humigpit ang hawak niya sa batok ko.Ako, nanginginig sa inis.Tinulak ko ang ulo niya, pero hindi siya matinag.Mas nagpabigat pa siya.“Tumayo ka na, Marc…”Umiling siya. Dumilat ang mga mata. Matamis na naman ang ngiti niya, pero seryoso na ang titig na ipinukol niya sa akin.Sa sobrang seryoso, nakakatakot na.Kanina lang, may pa-iyak-iyak siya. Tapos biglang nanakmal ng labi.Baka kung ano na naman ang iniisip niya.Tinulak ko ulit siya nang mas malakas. Napasubsob siya at bumagsak ang ulo niya sa hita ko, saka dumulas pababa.“Aww!” daing niya, sabay hawak
Ayaw ko man, pero parang na-magnet ako. Hindi ko mapihit ang ulo ko o ilihis ang tingin ko.Then tinakpan niya.Bigla akong napaubo at mabilis na umiwas ng tingin.“Enjoying the view?” diin niya, hawak pa rin ang tuwalya na parang takot na takot na masilipan.Mabilis akong tumayo. Jusko… ang init. Pero kunwari, ang cool ko. Sinalubong ko ang tingin niya.“Hindi, ah… tinakpan mo—” Natiim ko ang labi ko. Bumilog kasi ang mga mata niya.Ang bilis kong lumayo.Halos madapa pa sa pagmamadali papunta sa banyo.“Calessia—” Hindi ko na siya nilingon kahit naririnig ko ang mahina niyang tawa sa likod ko.Isinara ko ang pinto nang mas malakas, saka ako sumandal doon. Napapikit ako, pilit na inaayos ang paghinga ko habang nakahawak sa dibdib ko.Bakit ko ba sinabi ‘yon?Tinampal-tampal ko ang labi ko.Parang nawala na sa ayos ang sistema ko at kung anu-ano na lang ang lumabas sa bibig ko.Ay, ewan!Matapos ang ilang minuto, nagawa ko ring kumilos.Binuksan ko ang shower at hinayaan kong tumama an
Sandali akong napaisip kung ano nga ba ang ginawa ko. Pero wala nga akong maalala. Kahit anong pilit ko pa.Hindi ko namalayang napatitig pala ako sa kanya.Kitang-kita ko ang pagngiti niya. Matamis. May kapilyuhan. Parang nagugustuhan niya ang pagtitig ko.Nanliit ang mga mata ko nang gumalaw siya. Tumagilid siya at itinukod ang kamay sa pisngi niya, saka kinagat ang ibabang labi.Naalibadbaran ako sa mukha niya. Umalsa ang dugo ko. Ang aga-aga pa.Marc na may sapi pa rin ang kaharap ko.Talagang hindi ako sanay sa ugali niyang ’to.“Are you always like this? You do something, then pretend you don’t remember?”“Wala akong maalala kasi wala akong ginawa. Pinagloloko mo lang ako.” Tumayo ako, sabay tapon ng isang unan sa kanya.Pero mas humahagikhik siya. Sinalo ang unan at humiga nang maayos, inunan ang kamay niya.Mabuti na lang, nakakumot pa rin siya.“You really don’t remember?”Pinanliitan ko lang siya ng mata. Hindi ako sumagot.“Do you want me to remind you how you—”Dinuro ko si
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakapikit.Basta nang dumilat ako, wala na ang labi niya sa labi ko.Pero nakatitig lang siya sa akin.Walang ngiti. Walang kislap ang mga mata niya.Mapait akong napangiti. Naisip ko. Pinaglalaruan niya ba ako?Kung totoo man ‘yon, mabuti na lang at hindi ako tumugon. Oo, hinayaan ko siyang halikan niya ako. Damhin ang labi niya sa labi ko.Isipin na totoong gusto niya ako. Pero ‘yong alinlangan ko… ‘yong takot na masaktan ulit… mas nangingibabaw kaysa sa sandaling saya na ‘yon.“Nahimasmasan ka na? Tapos ka na ba sa laro mo?”Hindi siya sumagot. Nanatili lang nakatutok ang mata niya sa akin.Mapait akong napangiti. Saka bumuga ng hangin. “Sabi ko naman sa’yo, kaya kong sakyan ang laro mo. Hindi na kailangan ang practice.”“Practice?” mahinang sagot niya. At saka pahapyaw na tumawa. “You let me kiss you because you thought it was just practice?”“Ano pa nga ba?”“Calessia… that wasn’t practice. I kissed you because I want you.”Parang may sumabog
“Buksan mo…” sabi niya nang makarating kami sa kwarto.Walang salitang pinihit ang doorknob. Nang mabuksan, agad niya akong dinala sa kama.Maingat niya akong ibinaba na parang takot siyang masaktan ako.Nang lumayo siya, agad akong umayos sa pag-upo, sumandal sa headboard. Kinuha ko rin ang isang unan at niyakap ko.Nasa paanan siya ng kama. Nakatalikod. Inaalis ang necktie niya. At ngayon, ina-unbutton na yata ang polo niya.Puso ko, grabe. Ang lakas ng kabog. Paulit-ulit akong napapamura. Paulit-ulit na napapatanong.Ano ba ang pumapasok sa utak niya? Bakit ba nag-iba siya?Maya-maya ay humarap siya. Ibinilandra ang katawan niya. Katawang… ang hirap na hindi tingnan. Kulang na lang, pihitin ko ang leeg ko; hindi lang siya matingnan.Pero talagang sira-ulo ‘to siya ngayon. Sinumpong yata ‘to ng kabaliwan. Ngumiti siya. Initsa ang polo niya sa paanan ko.Habang mabagal na naglakad papunta sa kabilang side ng kama.Umupo siya. Ngumiti na naman at sumandal din sa headboard.Maya-maya a







![My Professor, My Fuck Buddy [SSPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)